Thread Reader
cinnamon𝄢

cinnamon𝄢
@SB46173959

Feb 3, 2022
31 tweets
Twitter

untitled: 001 —a joken oneshot.

silentjoker

silentjoker
@sai00joker

Happy2nd JOKENniversary #joken_edit @SB19 Official 🇵🇭 #SB19 #SB19_100MonSpotify The songs #What_SB19 and #Bazinga_SB19 are in my playlist
Mahirap masanay sa mga bagay na alam mong may katapusan. Araw-araw mong tatanungin ang sarili kong saan ka nagkulang. At kung saan ka nagkamali. Kung ikaw ba ang dapat na sisihin sa pagkatapos ng storyang akala mong panghabang-buhay.
Mahirap masanay sa kasiyahan na araw-araw mong nararamdaman. Mababaliw ka sa kakaisip sa dahilan kung bakit ang dating saya ay napalitan na ng lungkot at pangungulila. Ang dati mong iniingatan ay ngayo’y hindi mo na hawak. Hindi mo na ramdam.
Kusa nalang nawala at hindi na nagparamdam.
Nakatulala si Josh na nakatingin sa gusaling nasa kanyang tapat. Hindi niya maramdaman ang mga araw na nagdaan sa labis na kalungkutan. Batid niya ang hindi nalang din muna pumasok sa klase ngunit mapilit ang kanyang mga kaibigan.
“Oh Josh,” tinapik siya ni Stell. Humarap siya rito at tsaka siya inabutan ng buko juice. Kanya itong tinanggap at tsaka ininom.
“Bakit ba parang wala ka na naman sa sarili? H’wag mong sabihin sa’kin na iniiisip mo na naman siya. Sabi ko naman sa’yo noong una na hindi ‘yon seryoso sa’yo pero pinagpilitan mo parin. Ayan tuloy,”
Napabuntong-hininga na lamang si Josh sa sinabi ng kaibigan. Alam kasi niyang pinagsabihan na siya nito simula pa noong una pero itinuloy niya pa rin. Pinigilan naman kasi niya pero sadyang ang bilis lang talaga niyang nahulog.
Hinayaan niya ang sarili na mahulog sa taong akala niya’y totoong gusto siya. Nagpabulag siya sa mga kilos at ngiti nito. Naniwala siya sa mga salitang hindi naman pala totoo.
“Ang bobo ko,” panimula niya. “MInahal ko agad siya kahit hindi ko pa siya lubusang kilala. Gano’n ba ako karupok o sadyang atat lang ako na may ipagmalaki? Kasalanan ko ba na minahal ko agad siya?”
Flashback. “Josh,” hindi pa nasabi ni Stell ng kanyang gustoing sabihin ng mapansin ang pagmamadali ng kaibigan. “Sorry pero kailangan ko ng umalis. May pupuntahan kasi ako.” Sabi ni Josh at kinuha na ang kanyang bag. “Bye.”
Patakbo siyang lumabas ng kanilang silid at mabilis na bumaba ng hagdan. Oras na ng uwian kaya marami na ring estudyante na naglalakad sa labas. Meron na ring mga nag-iintay na buksan ang gate. Pero dahil malapit na rin naman mag-aalas singko ay tinext na niya ang kanyang kasama.
Pag-angat niya ng kanyang ulo ay ang siyang pagdagsa ng mga estudyante palabas ng campus. Maraming sasakyan ang kanyang nakita sa kanyang paglabas. Mga ingay ng mga ‘to kasabay ng ilang busina at halakhak ng mga estudyanteng katulad niya na nagsimula ng maglakad pauwi.
Lumiko si Josh at tumakbo sa kabilang kanto kung saan niya natanaw ang taong kanina pa pala sakanya naghihintay. “Sorry, kakabukas lang kasi nung gate.” Sabi niya ng makalapit na siya kay Ken. “Ayos lang.” sagot naman ni Ken. “Ano, tara?”
Tumango si Josh bago kunin ni Ken ang mga gamit niya at tulungan siyang bitbitin ito. Naglalakad sila pareho sa gilid ng daan bago pa nila marating ang lugar kung saan ipinarada ni Ken ang kanyang sasakyan. Binuksan niya ang pinto para kay Josh bago pa siya umupo sa tabi nito.
“Ready ka na ba?” tanong ni Ken habang nakatingin kay Josh. Ngumiti naman siya at tsaka sayang-saya na tumango sa tanong ng kasama. Ito ang unang beses na makakapag-roadtrip siya.
Hindi naman kasi siya pinapayagan ng kanyang mga magulang na umalis at magpunta sa mga malalayong lugar. Pero dahil inaya siya ni Ken na mag-roadtrip kahit na alam nitong hindi siya pwede ay pumayag si Josh.
“Sayang-saya ka ata,” sabi ni Ken matapos kunin ang inorder nila sa McDo. Ibinigay niya ang mga ito kay Josh at hinayaan siyang mauna ng kumain.
“Sino ba naman ang hindi masisiyahan e first time ko ‘tong mag-roadtrip. First time kong pumunta sa malayo. First time kong hindi magpaalam ng maayos sa magulang ko.” Nakangiting sabi ni Josh habang nahihiyang kumain sa tabi ni Ken.
“Hindi ka nagpaalam?” gulat na tanong ni Ken at palipat-lipat ang tingin sa kalsada at kay Josh. “Bakit? Sana sinabi mo man lang na male-late ka ng uwi sainyo.”
“Para ano? Para magduda sa’kin ang parents ko kung saan ako pupunta? Ano, gusto mo ba akong magsinungaling, sabihin na pupunta ako sa kaibigan ko kahit hindi naman.” Sabi ni Josh habang nakasimangot.
“At least nakapagsabi ka sa kanila na aalis ka at hindi ka makakauwi ng maaga. Josh, baka sabihin nilang bad influence ako. Bawas points ‘yon sa parents mo ‘pag sinimulan na kitang ligawan,” napatigil si Josh sa kanyang ginagawa ng marinig ang sinabi ni Ken.
Nagkatinginan sila pareho bago pa ibalik ni Ken ang tignin sa daan.
Ilang minuto rin nagtagal ang katahimikan na namagitan sa kanilang dalawa. Hindi malaman ni Josh ang sasabihin ng marinig ang sinabi na ‘yon ni Ken. Mas lalong nagwala ang kanyang puso. Hindi sa kaba kundi sa galak. Kinakagat ang ibabang labi para maiwasang mapangiti.
“Natahimik ka jan,” pinilit ni Josh na sumimangot para lang na hindi mahalata ni Ken na masaya siya. “Josh,” iniabot ni Ken ang kanyang kamay at hinawakan ito bago halikan.
Napalunok na lamang si Josh at tsaka umwias ng tingin. Delikado na kasi at baka hindi niya mapigilan na mapangiti sa ginawa sa kanya ni Ken. Masyado na siya nitong pinapakilig.
“Sisiguraduhin kong hinding-hindi mo makakalimutan ang experience na ‘to,” sabi ni Ken bago pa siya nito nginitian.
Present. “Oh my golly! Isang taon na ang lumipas simula nung hindi na siya magparamdam sa’yo. Hindi ka pa rin ba nakaka-move on?” tanong ni Pablo na napahinto sa kanyang pagsusulat para tanungin lang ang kaibigan.
“Sino ba ang makaka-move on no’n e iniwan nga siya ng walang paalam, diba?” sabat naman ni Justin. “Isang taon na ang nakalipas, Jah. Tsaka wala naman silang label no’n…” binatukan ni Stell si Pablo at pinagdidilatan ng mata.
“Grabe ka naman sa walang label,” bulong ni Jah kay Pablo at sinamaan ng tingin. Hindi nalang din umimik si Josh sa kanyang mga narinig mula sa kanyang mga kaibigan.
Matagal na niyang pinag-iisipan at itinatanong kung bakit nga ba hindi niya pa rin makalimutan si Ken gayong matagal naman siya nitong iniwanan.
Missing some tweets in this thread? Or failed to load images or videos? You can try to .