Tinuro ulit ni Jongin ang kamay ni Kyungsoo na kapit na kapit sa braso niya.
Bumitaw tuloy si Kyungsoo sa braso niya. "Oo na malaki na! Masaya ka na?"
Nag-walk out bigla si Kyungsoo pero joke joke lang.
Agad na sinundan siya ni Jongin. "Uy, niloloko lang kita, s-sorry."
"Okay, pero libre mo muna ako nun!" Turo bigla ni Kyungsoo sa dirty ice cream.
Pagkabili ni Jongin ng sorbetes nila, naglakad-lakad sila ni Kyungsoo.
Panakaw-nakaw ng tingin si Jongin sa dalaga na may pagkamangha pa rin sa mukha dahil sa nakikita.
"Di ka pa talaga nakapunta-
sa ganito?"
"Hindi pa. Ngayon lang. Ang sarap naman ng ice-cream na 'to. Balik tayo mamaya ako naman manlilibre." Ngisi ni Kyungsoo sa kanya.
"Mamaya card na nman impabayad mo."
"Hindi no!"
Nanahimik sila pareho at sabay na tumingin sa isa't-isa pero umiwas din dahil sa hiya.
Mga mukha nila ay parehong namumula.
May mga tambay sa isang stall. Grupo ng mga lalaki.
Pagdaan nila, sumipol ang isa.
"Ganda, pre."
"Sexy pa."
"Gago mukhang taken."
"Tangi mukhang alalay lang."
Nagtawanan ang mga lalaki at napayuko si Jongin.
Pero nagulat siya nang-
hawakan ni Kyungsoo ang kamay niya.
"Huwag mo pansinin mga yun. Kala naman nila gwapo sila. Tch." Naubos na ni Kyungsoo ang apa ng ice-cream niya.
"Okay lang ba to?" Tanong ni Jongin sa kanya sabay tingin sa mgkahawak nilang mga kamay.
"Oo naman. Bakit hindi?" Sa isang ngiti-
lang ni Kyungsoo sa kanya, okay na ang pakiramdam ni Jongin at napahawak na siya pabalik sa kamay ng dalaga.
Para silang mga bata na inenjoy ang perya. Marami silang sinakyan na rides at wala silang ginawa kundi ang tumawa nang tumawa liban sa roller coaster ride kung saan-
sigaw lang sila nang sigaw.
Magkahawak pa rin ang mga kamay nilang dalawa. Naglaro pa sila pareho ng archery kung saan nanalo si Kyungsoo ng isang penguin hat na ayaw niya suotin dahil nahihiya siya.
"Suotin mo na. Kamukha mo nga oh." Pagpipilit pa ni Jongin sa kanya.
"Ayoko. Tsaka sinasabi mo ba na mukha akong penguin?" Pagsusungit ni Kyungsoo sa kanya.
"Oo, ayaw mo nun? Cute kaya yung penguin. Dali suot mo na." Pagpupumilit pa ni Jongin sa kanya at kalaunan, bumigay rin si Kyungsoo at sinuot ang hat pero madalas niya tanggalin.
"Ikaw na lang kaya magsuot nito." Nguso ni Kyungsoo sa kanya.
"Ikaw kaya nakapanalo niyan kaya ikaw rin magsusuot."
"E di bigay ko na lang sayo." Tumingkayad si Kyungsoo at isinuot kay Jongin ang penguin hat.
Tinanggal naman yun ni Jongin at sinuot pabalik sa dalaga.
"Mas bagay sayo yan." Tawa pa ni Jongin sa kanya at bumigay na talaga si Kyungsoo.
Ilang saglit pa at may napansin si Kyungsoo na isang tent. "Ano yun? Jongin, punta tayo dun!" Hinila ng babae si Jongin sa isang tent at pumasok roon.
"Anong maitutulong ko sa inyo, Miss?"
Umupo si Kyungsoo sa upuan sa harap ng naka-belong matanda na may bolang crystal at mga baraha sa kanyang lamesa.
"A-Ano po meron dito?"
Nasa tabi lang si Jongin, nagmamasid.
"100 pesos at huhulaan ko ang hinaharap mo." Ngiti ng matanda sa kanya bago napatingin kay Jongin.
Nag-abot naman si Kyungsoo ng 100 sa matanda.
"Miss, pasabi muna sa kasama mo na labas muna siya."
"O-Okay po." Tumingin siya kay Jongin. "Jongin, labas ka daw muna."
Tumango si Jongin at tiningnan ang matanda na nakatitig sa kanya pero may kakaibnag ngiti sa labi.
Lumabas na si Jongin.
Kinuha ng matanda ang palad ni Kyungsoo.
"Handa ka na ba, Miss?"
Kinabahan si Kyungsoo pero tumango.
"Ang hinaharap mo ay ito..."
Pagkalabas ni Kyungsoo sa tent, agad siyang sinalubong ni Jongin.
"Anyare? Ano daw hula sayo?"
Di ko alam kung tama ba tong gagawin ko pero for my peace of mind and for my future works i have to do this...
Una sa lahat ayoko iwan itong twt fic na ito dahil sobrang nakatulong pag tutweet fic sa akin sa tulad kong tamad na tamad na at laging diatracted sa twitter.
"Wala lang yun, tsaka di naman ako naniniwala sa hula." Sagot na lang ni Kyungsoo.
"Hm. Ako rin di rin ako naniniwala sa ganyan." Ipapasok na sana ni Jongin ang kamay sa bulsa pero agad yun kinuha ni Kyungsoo at hinawakan maigi.
Nagulat si Jongin at tiningnan ang dalaga na may-
kwestyon sa mga mata.
Tumikhim si Kyungsoo, hinigpitan lalo ang kapit sa kamay ni Jongin at umiwas ng tingin dahil sa hiya. "Gutom na ako."
Pabalik-balik ng tingin si Jongin sa kamay nilang magkahawak at kay Kyungsoo tsaka ngumiti. "Sige ako rin gutom na." Himas niya sa tyan at
tsaka sila lumakad para makahanap ng kakainan.
Napunta sila sa gotohan. Si Kyungsoo ang nag-save ng mauupuan nila habang si Jongin naman ang umoorder ng pagkain nila.
Hindi mabura sa isip ni Kyungsoo ang hula sa kanya ng matanda pero sinabi na lang niya sa sarili na-
wag na masyadong isipin iyon at isa pa di talaga siya naniniwala sa hula kaya bahala na muna ang tadhana.
Bumalik si Jongin dala ang dalawang goto pero umalis ulit at pagbalik ay may dalang Angel's Burger.
"Binilhan kita ng burger, sana gusto mo 'to."
Umupo si Jongin sa harap-
ng dalaga pero nagulat siya ulit nang biglang tumayo si Kyungsoo at tumabi sa kanya.
"Date natin kaya dapat lagi tayo magkatabi." Sabi ng dalaga bago kinuha ang burger at iyon muna ang kinain.
Napatulala lang si Jongin sa babae hanggang sa nagsalita ulit ito kahit na puno pa-
ang bibig ng pagkain. "Bafith wapah ka burberhhh??"
"Hm?" Di naintindihan ni Jongin ang sinabi ng dalaga.
Lumunon si Kyungsoo. "Bakit wala ka burger sabi ko."
Pero di yun sinagot ni Jongin dahil may nakalimutan siya bilhin. "Ay teka, may nakalimutan ako." Umalis ulit siya.
Ngumuso si Kyungsoo at sinundan ng tingin ang lalaki na bumibili ngayon ng ewan ni Kyungsoo. Kumain na lang muna ang dalaga.
Bumibili ng tubig si Jongin. "Kuya, magkano po dito?"
"25 lang."
Dumukot ng pera si Jongin pero nagulat siya na wala siyang barya, pero nagbakasakali na
may panukli si Kuya tutal mukha naman sigurong maraming bumibili ng tubig.
"Dalawa po."
Nag-abot siya ng 500. Naubos niya ang barya niya kanina dahil nasanay siya na barya o tigbebente ang pinambabayad niya para di makaabala sa pinagbibilhan.
Pero may tatlong limampiso pa-
naman siya.
"Naku bui, wala ako barya, kakakuha lang kasi nung kinita kanina. Pasensya na."
"E, Kuya, 15 lang po meron ako dito."
"Itong maliit 15 lang." Alok ng tindero at yin na lang ang binili niya.
Bumalik siya kay Kyungsoo at iniabot ang maliit na tubig.
"Salamat, uy kain ka na."
Kumain sila nang tahimik. Pero napansin niya na may kakaiba sa dalaga. Minsan natutulala ito tas biglang magiging okay.
May kakaiba kay Kyungsoo matapos siyang magpahula. Nagtataka tuloy siya kung ano ang sinabi sa kanya ng matanda.
"Tahimik mo na, di mo ba gusto yung goto?" Tanong ni Jongin bago ihipan ang kinutsarang goto at kinain.
"Masarap kaya. Pwede pala yung goto sa gabi." Patuloy si Kyungsoo sa pag-kain kahit tila nahihirapan ito dahil sa kanyang mahabang buhok.
"Walang pinipiling panahon ang goto-
mapa-umaga pa yan o gabi, goto pa rin." Paliwanag ni Jongin na may halong pagtawa habang may kinukuha sa loob ng bag niya.
Nagningning ang mga mata niya nang makita ang goma. Walang pagdadalawang isip pa at kinuha niya ang buhok ng dalaga at tinali iyon nang marahan.
"Ok lang ba? Hindi masakit?"
Ngumiti si Kyungsoo at umiling. "Hindi. Salamat."
Nagpatuloy silang kumain.
"Uy, ba't wala kang burger?"
"A-Ano kasi..." di alam ni Jongin kung pano sasabihin na tinitipid niya ang sarili.
Tumayo si Kyungsoo at umalis. Sinundan ito ng tingin ni-
Jongin at nakita niya ang babae na pumila sa Angel's Burger.
Tiningnan ni Jongin ang kinakainan ni Kyungsoo. Ubos na ang goto ng dalaga, kaya mabilis din niyang inubos ang kanya kahit medyo napaso na ang dila niya.
Dinampot niya ang botelya ng tubig at tsaka pumunta sa-
kinakatayuan ng dalaga.
"Kakain ka ulit ng burger?"
Kinuha na naman ni Kyungsoo ang kamay ng binata.
Tuwing hinahawakan ni Kyungsoo ang kamay niya, kinakapos ng hininga si Jongin.
"Hm. Gutom pa ako."
"Eto, tubig mo inom ka muna, di mo pa binuksan."
Tiningnan ni Kyungsoo-
ang sealed pa na bote ng tubig. "Ba't wala kang tubig?"
Nautal na naman si Jongin. "Uh, ano kase..." Tawa pa niya. "Walang panukli si Kuya sa 500 kaya isa lang nabili ko."
"Ba't di ka nagpapalit muna?"
Napahawak ulit si Jongin sa batok. "Uhm.."
"Ba't di mo ko tinawag? May 100
naman ako. Wag mo sabihin pati 100 walang panukli yung tindero?"
"Uh..." Tumawa na lang si Jongin. Pero si Kyungsoo, seryoso masyado. "S-Sanay naman na ako mauhaw." Palusot pa ni Jongin.
Bumitaw si Kyungsoo, kinuha ang tubig, binuksan iyon at uminom tapos iniabot kay Jongin.
"Oh, ayan. Uminom ka. Pwede naman tayo maghati."
"P-Pero ininuman mo na 'to..."
"LC ka ba?"
"LC?"
"Laway Conscious."
"P-Pero." ang nasa isip kasi ni Jongin, kapag uminom siya, indirect kiss na.
"Pwede mo naman wag idikit yung labi mo kung LC ka."
"Uh..."
Umurong ang pila.
Napressure si Jongin sa titig ni Kyungsoo kaya agad siyang napalagok sa tubig. Dinikit nya ang labi sa bukana ng botelya n dahilan para may umukit na ngiti sa mukha ng dalaga.
"Sus, kunwari ka pa, gusto mo talaga ng indirect kiss kaya di ka ngpabarya muna." Asar bigla ng dalaga.
Halos mabuga ni Jongin ang tubig pero nalunok naman niya. Yun nga lang napaubo siya.
Natawa si Kyungsoo at tinapik ang likod ng binata. "Okay lang yan, Jongin. Gets kita." Asar pa lalo nito na ikinapula ng mukha ng binata.
Isa lang ang biniling burger ni Kyungsoo.
"Oh, eto."
Iniabot ng dalaga ang burger kay Jongin habang naglalakad sila. Magkahawak kamay pa rin. Ayaw na ata siyang bitawan pa ni Kyungsoo.
"Ano yan?"
"Burger. O, ito."
"Para sa akin?"
"Hm. Ayoko na ako lang kakain ng burger. Dapat ikaw din. Tsaka pampalaki pa to ng braso mo."
Si Kyungsoo na mismo ang naglagay ng burger sa kamay ni Jongin dahil ayaw pa ito kunin ng binata.
"Salamat." Ngiti ni Jongin sa burger tsaka binalatan iyon at kumagat nang sobrang laki.
Pinanood siya ni Kyungsoo kumain. Palabas na sila ng perya.
"Hinay-hinay lang. Akin na nga-
yung tubig." Si Kyungsoo na ang naghawak ng nangangalahating tubig ng binata.
Habang naglalakad at kumakain si Jongin, sabi ni Kyungsoo, "Nag-enjoy ako."
"Ako rin." Nahihiyang sabi ni Jongin.
Nasa likod ang mga kamay ni Kyungsoo ngayon habang naglalakad sila.
Kumakain pa rin si Jongin hanggang sa naubos na niya ito at iniabot na sa kanya ni Jongin ang tubig. "Ubusin mo na, di na ko iinom."
Sumunod si Jongin sa dalaga at inubos ang inumin. Tinapon ni Jongin ang basura niya sa bag na napansin ni Kyungsoo at ikinatuwa ulit.
Pagdating talaga kay Jongin, lagi siyang nasusurpresa.
Nilahad ni Kyungsoo ang kamay niya. "Akin na."
"Ang alin?"
"Kamay mo."
Pinunas muna ni Jongin ang kamay sa pantalon bago ibigay ang kamay sa dalaga.
"Pang-ilan na ba ako sa naka-date mo?"
"E, ako pang-ilan mo na rin?"
Nagtawanan slang dlawa.
"Basta ako first date ko 'to." Amin ni Jongin sa kanya.
"Sus, maniwala ako sayo."
"Oo nga. Kaya, msaya ako na sinbi mo na nag-enjoy ka. Medyo kinakabahan din ksi ako na bka nabuburyo ka."
"Buryo? Ano yun? Sorry di ako maalam sa mga malalim na tagalog."
"Bored. Buti di ka na-bored. O kung oo man, pasensya na." Ngiting nahihiya ulit niya.
"Bored ka dyan, saya-saya ko nga..." Wika ni Kyungsoo, pwera na lang nung naalala niya ulit ang hula sa kanya. Pero agad niyang binura muna iyon sa isipan.
"Baka nga walang-wala to sa mga-
naging date mo noon."
"As if may na-date na ako dati."
"Di nga?"
"Oo nga, ikaw lang d-dinate ko." Kagat labing sabi ni Kyungsoo sabay higpit sa hawak sa kamay ni Jongin.
"Pero feeling ko marami ka manliligaw."
"Marami nga ayaw ko naman sa kanila."
"Swerte pala ako." bulong niya sa sarili.
"Nu sabi mo?" Tingala ni Kyungsoo sa kanya.
Ngumiti lang si Jongin. "Wala." Hinigpitan niya ang hawak sa kamay ni Kyungsoo at nakarating na sila sa sakayan ng jeep pauwi.
Sa byahe sa jeep, nakasandal lang si Kyungsoo sa balikat niya-
habang magkahawak pa rin ang kanilang mga kamay. Sa harap sila nakaupo.
Tahimik sila sa ilang minutong byahe hanggang sa nagtanong si Kyungsoo. "Wala ka bang nagustuhan noon?"
"Hm. Meron, pero may pamilya na siya ngayon. Tsaka crush crush lang nung hayskul."
"Wala ka na ulit nagustuhan na iba?"
Umiling si Jongin. "Simula nung namatay si Tatay wala na. Di ko na naisip yun. Naging iba kasi yung tingin ko sa buhay simula nun."
"Ano?"
"Tamad kasi ako noon. Walang pake. Na-take for granted ko na pala mga magulang ko hanggang sa ayun-
wala na sila." Medyo nanikip ang dibdib ni Jongin sa mga alaala ng nakaraan at sa pagsisisi niya sa mga bagay na nagawa noong nabubuhay pa ang mga magulang. "Kaya heto, sa mga kapatid ko ako bumabawi. Ayokong gawin sa mga kapatid ko yung nagawa ko sa mga magulang ko. Naging-
pabaya ako sa kanila." Ngiting nalulungkot ni Jongin. "Pero alam mo," natawa na bigla ang binata. "Nung una kitang nakita, gusto ko rin subukan...na magmahal. Pero nang di ko pinapabayaan ang mga kapatid ko. Hala, ano ba 'tong sinasabi ko." Pahid niya sa luhang nagbabadyang-
pumatak at natawa na lang. "Ano ba naman kasi yang mga tanong mo, Kyungsoo." Pagbibiro pa niya.
"Pasensya na, Jongin, pero heto share ko din sayo."
Tumango si Jongin, senyas para ituloy ni Kyungsoo ang sasabihin.
"Nakukuha ko nga yung mga materyal na bagay na pangangailangan-
ko pero ayoko sa buhay ko." Hinga. "Ayoko nga ng kurso ko. Mga magulang ko lang naman ang may gusto. Ikaw ba, Jongin, kung nakapag-aral ka, anong pangarap mo?"
"Hindi ko alam. Ang alam ko lang ang gusto ko mapagtapos ko mga kapatid ko at mabigyan sila ng maginhawang buhay.-
Ikaw ba?"
Dumating na sila sa bababaan. Inalalayan ni Jongin si Kyungsoo sa pagbaba. Ilang metro pa ang kailangan nilang lakarin papunta sa terminal.
"Ako? Gusto ko maging singer." Tawa ni Kyungsoo bigla.
"Woah, magaling ka kumanta panigurado."
"Uy, hindi. Ang gusto ko-
maging vocal teacher. Gusto ko magtayo ng school para sa mga gustong matuto kumanta. Sa mga aspiring singers. Pangarap ko talaga yun. Ang sarap siguro manatili sa isang school tas maririnig mo yung magagandang tinig ng mga nag-aaral dun. Ganun."
"Ituloy mo yan, Soo."
"Soo? Tinawag mo kong, Soo?"
"Ay, sorry, sorry. Kyungsoo."
Natawa ang dalaga. "Hindi, okay lang. Pwede mo kong tawaging Soo. Sayang sa energy kapag may Kyung pa."
Napahawak si Jongin sa batok at ngumiti sa hiya. "Pero, seryoso ako, kung yun ang pangarap mo, abutin mo."
"Wish ko lang." Tawa ulit ni Kyungsoo.
Alas-otso y media.
Tinext ni Jongin si Chanyeol para maihatid pauwi si Kyungsoo. Kinita na lang nila ito sa 7 eleven.
"O, tapos na ang date? Aga pa ah!"
"Kaysa gabihin, pre, delikado sa daan. Mahirap na." Tumingin si Jongin sa dalaga.
Kapit na kapit pa rin ang babae sa kamay niya. "Soo, sige na, sakay ka na."
Tumingala si Kyungsoo kay Jongin na parang naluluha pa pero hindi iyon napansin ni Jongin.
Bumitaw na si Kyungsoo. Tila nanghina naman si Jongin sa paghihiwalay ng kanilang mga kamay.
"Salamat ngayon, Jongin. Nag-enjoy talaga ako na kasama ka.."
"Ako rin, Soo. Salamat na binigyan mo ng chance na maka-date ka. Sige na. Sakay ka na."
Pumasok na sa loob si Kyungsoo.
Yumuko pa si Jongin ulit para silipin siya at kumaway bilang pamamaalam.
Umandar ang-
tricycle. Nakalayo na ito, pero sumilip pa rin si Kyungsoo sa binata na sige pa rin ang kaway sa kanya.
Napakaway siya bahagya at nang mag-isa na lang siya sa byahe pauwi na minamaneho ni Chanyeol, napasandal siya sa upuan at napapikit.
"Ang hinaharap mo ay ito..." Tumingin ang matanda sa palad ni Kyungsoo bago tumitig sa kanya. "Puno ng pagsubok, kalungkutan at pagsisisi ang nakikita ko, hija." Tumitig pa ito sa kanya.
Malakas ang kabog ng puso ni Kyungsoo. "Ang lalaki kanina, kaibigan mo ba?"
Masasabi-
niyang kaibigan naman na niya si Jongin pero hindi siya nakasagot. Inunahan na rin naman siya ng matanda. May luha ito sa kanyang mga mata na ikinatakot bigla ni Kyungsoo.
"Isa siyang espesyal na tao sa buhay mo. Matindi ang koneksyon niyo sa isa't-isa. Hindi pangkaraniwan."
"A-Ano pong ibig niyong sabihin?"
"Ang lalaking kasama mo," Ngiting malungkot ng matanda sa kanya, lumuluha, nakatitig lang sa kanyang mukha na tila may ibang nakikita. Hawak pa rin nito ang kanyang palad. "Siya ang magiging dahilan ng kalungkutan at pagsisisi mo.-
Kayo ang nakatadhana para sa isa't-isa pero..." Nagbago ang tingin ng matanda s knya, ang malungkot na ngiti ay naroroon pa rin. "Pero walang kayo sa huli. Wala...wala."
"Miss, gising, dito na tayo sa inyo."
Pagdilat ng mga mata ni Kyungsoo, napapahid siya sa kanyang mga luha.
Agad siyang nagbigay ng isang daan sa tricycle driver at mabilis na pumasok sa loob nang hindi hinintay ang kanyang sukli.
"Oy teka, Miss! Bayad na 'to ni Jongin! Miss!"
Sa pagsara ng pinto at pagpasok niya sa kwarto, may kirot sa kanyang puso na hindi na niya maialis.
Nag-text si Chanyeol.
'Pre, nahatid na ang mahal na prinsesa Nagbigay nga lang ng 100 Sauli ko n lng sayo bukas '
Pagkabasa ng text, malaki ang ngiti sa labi ni Jongin.
Sa mga sumunod na minuto, nang nakahiga na si Jongin sa kama, hindi siya makatulog.
Medyo nagdidiwang pa rin ang kaluluwa niya na nag-date sila ng babeng nagugustuhan.
Tuwing binabalik tanaw ang mga pangyayari kanina, ngumingiti siya sa kilig lalong-lalo na sa paghawak ng mga kamay nila.
Pero naisip niya, 'kargador nga lang ako...'
At bago pa siya malunod sa-
mga negatibong bagay, sakto nag-vibrate ang cellphone niya.
Nag-text si Kyungsoo.
'di ako makatulog. tulog ka na ba?'
Lalong nagising si Jongin at napa-upo sa hinihigaan.
'di pa. di rin ako makatulog'
'tawagan kita'
"hala..."
Tumawag si Kyungsoo at agad niya itong sinagot.
"H-Hello?"
"H-Hi."
Katahimikan.
"Kwentuhan mo pa ako, Jongin."
"Ng alin? Alamat ng Sampaguita?"
"Pwede rin. Alam mo naman ba kwento nun?"
"Oo, naman. Parang Romeo and Juliet."
"Kwento mo." Malambing ang boses ni Kyungsoo.
Kwinento naman ni Jongin ang alamat.
"Uy, Kyungsoo, umiiyak ka ba?"
"Bakit kasi hindi sila naging masaya? Bakit kasi sila hinahadlangan e nagmamahalan lang naman sila?" Singhot ng babae sa kabilang linya at narinig ni Jongin na sumisingha na ito.
"Siguro kasi pinapaalalahanan tayo ng kwento na hindi lahat ng-
umiibig may happy ending."
Lalo atang naiyak si Kyungsoo sa sinabi ni Jongin. "Uy, hala, sorry, dapat pala Alamat na lang ng Kawayan kwinento ko. Tahan na." Di man nakikita ni Jongin na umiiyak ang dalaga, ang marinig naman ito ay ikinakukurot din ng kanyang puso.
"Ikaw kasi, ba't ka kasi nagkwento ng Alamat tapos masakit pa."
"Pasensya na, Soo. Sabi mo kasi magkwento ako. Yun naman agad naisip ko kasi ano ba ikukwento ko. Pasensya na napaiyak pa kita."
"Okay lang, di bale sana may happy ending sila sa kabilang buhay. Magkasama sila."
"Pasensya na talaga, ewan ko ba bakit yun agad naisip kong ikwento."
Tumatawa na si Kyungsoo sa kabilang linya pero sumisingha pa rin. "Oo nga, ba't kasi yun pa?"
"S-Siguro kasi isa yun sa paborito kong alamat kaya yun tuloy ata pumasok sa utak ko. Pasensya na talaga."
"Pano na tuloy ako makakatulog nito?"
"Hala, sorry talaga. Kwentuham na lang kita ng iba. Ano ba gusto mo?"
"T-Tungkol sayo."
"Anong tungkol sa akin?"
"Kahit ano. Basta tungkol sayo. G-Gusto pa kita makilala nang husto, Jongin."
"Uh, ano ba..."
"Kahit ano."
Napakwento na si Jongin ng buong talambuhay niya kay Kyungsoo. Mula sa pagiging tamad niya, pagkahilig sa mga kwentong alamat at sa mga malalalim pang mga bagay.
"Kung maibabalik ko lang yung oras, Soo, kung andito pa si nanay at tatay ipaparamdam ko sa knila na lubos akong-
nagpapasalamat sa kanila sa lahat ng bagay na ginawa nila para sa akin kahit hindi ako naging mabuting anak sa kanila. Pero may dahilan talaga kung bakit sila kinuha sa akin bigla. Di siguro ako ganito kung nandito pa sila."
"Pakiramdam ko tuloy ang sama-sama kong anak." Natawa-
si Kyungsoo na may halong lungkot. "Simula high school nasasakal na ako sa kanila. Okay lang nung bata pa ako kasi malay ko ba sa mundo."
Walang kinomento si Jongin at hinayaan lang si Kyungsoo na siya naman ang magkwento tungkol sa sarili.
"Gusto nila perpekto ako."
"Wala daw ako mapapala sa mga pangarap ko. Mas may mapapala daw ako sa accounting. Tamad tamad ko naman talaga mag-aral. Favorite subject ko kaya break." Tawa pa ulit ni Kyungsoo hanggang sa pinalibutan sila ng katahimikan. "Lagi lang din ako tumatakas ng bahay para lumabas."
"Mahal ko naman mga magulang ko pero ba't ganun naman sila sa akin...para akong ibon na kinulong nila sa hawla."
"Hayaan mo, Soo, darating din yung panahon na marerealize nila kung ano ang mas tama para sayo."
"Sana lang, pero ewan."
"Sensya na di ko rin alam kung ano dapat-
sabihin sa sitwasyon mo. Pero, Kyungsoo, kung san ka sasaya, dun kita susuportahan."
"Alam mo, bukod kay Baekhyun, ikaw lang nasabihan ko nito. Di mo kailangang may sabihin, masaya na ako na pinakinggan mo yung katiting kong kwento tungkol sa sarili ko." Bungisngis bigla ng-
dalaga at bumuntong-hininga. "Hala, uy, Jongin, alas dose na! May trabaho ka pa bukas sa palengke di ba?"
"Ay weh alas dose na ba?" Lumabas si Jongin ng kwarto para tumingin sa orasan sa pader. "Ay, oo nga. Kaso baka di pa ako nito makatulog."
"Sorry, Jongin naistorbo pa kita."
"Uy, hindi. M-Masaya nga ako na napatawag ka kahit kanina lang magkasama tayo."
"Kasalanan mo kasi 'to kaya di ako makatulog." Paninisi pa ng dalaga sa kanya.
"Hala, bakit na naman?"
Bumubulong si Kyungsoo pero hindi maintindihan ni Jongin.
"Tulog ka na."
"P-Pero--"
ano yung sinabi mo kanina, di ko naintindihan."
"Wala nga, sabi ko tulog ka na."
"Baka mamaya pa ako nito makatulog." Pero bumalik na si Jongin sa pagkakahiga.
"Sige ka sasakit ulo mo bukas. Ah, alam ko na! Kantahan na lang kita!"
"Baka lalo akong di makatulog, Soo."
Klinaro ni Kyungsoo ang boses at kumanta na ng unang naisip na kanta.
"Sandali na lang
Maari bang pagbigyan
Aalis na nga
Maaari bang hawakan ang iyong mga kamay."
Imbis na antukin sa maala-anghel na pagkanta ni Kyungsoo, lalong nagising si Jongin. Nakikinig lang siya sa-
pagkanta ng dalaga sa kanya na ngayon ay naka-loudspeaker na para hindi siya mangawit sa paghawak ng cellphone.
Nang matapos si Kyungsoo, may katahimikan muli sa linya, pero agad iyong pinutol ni Kyungsoo. "Tulog ka na siguro..."
"Sabi ko na nga ba magaling ka kumanta."
"Hindi ka pa rin tulog!?!?"
Nagsisi bigla si Jongin nang maramdaman ang pagkadismaya sa tono ng boses ni Kyungsoo. "Joke, joke, joke lang yun. Antok na ako, Soo!" Pagpapanggap niya sabay kunwaring hikab hanggang sa humikab na siya nang tunay.
Narinig niyang napa-hay ang dalaga.
"Tulog na, Jongin..." Malambing na sabi sa kanya ni Kyungsoo.
"Hm." Tanging sagot ni Jongin pabalik ngunit hindi binababa ang telepono. Ganun din si Kyungsoo. Wala sa kanila ang nagtangkang ihinto ang pagtawag.
Katahimikan.
Ilang saglit lang, palagay ni Jongin ang paghinga na-
mismo ni Kyungsoo ang tanging kumakausap sa kanya.
"Ikaw talaga, lalo mo kong pinapahulog sayo..." bulong ni Jongin dahil tingin niya mahimbing nang natutulog ang dalaga. "Goodnight, Kyungsoo. Maraming salamat sa araw na 'to."
Pumikit na rin si Jongin at hinayaan ang-
mahinang paghinga ni Kyungsoo sa telepono ang magpatulog sa kanya.
Natulog siyang may ngiti sa labi.
Kinabukasan sa palengke, pinagtitinginan si Jongin ng ibang mga trabahador at tindero't tindera roon.
"Aba, ang tamis naman ng ngiti nating umaga, Jongin!"
"Jongin, pre! Lalo ka atang gumagawapo nitong mga araw! Inspired ba!?"
"Pre, ganadong-ganado tayo! May jowa ka na no!?"
Sa huling tanong na iyon, dun lang sumagot si Jongin. "Naku, Kuya, wala. Wala. Masaya lang talaga ako ngayon." Bibo pa rin niyang sagot sa tindero hanggang-
sa makarating sa tindahan ni Manay.
"Manay!! Dito na po ako!! Kung may mga extra po kayo na iuutos, sabihan niyo lang po ako ah!"
"Oh, Jongin, ang sigla sigla mo ata ngayon. Anong nakain mo?" Tanong ng amo niya sa kanya.
Napahimas si Jongin sa dibdib, ngiting-ngiti.
"Tirang tilapia lang naman po kagabi tapos po itlog na maalat tsaka kamatis."
"Ikaw talagang bata ka. Kako, anong meron at iba awra mo ngayon?" Naging mapanloko ang ngiti ni Manay. "Sagot, may nililigawan ka no? Sinagot ka na?"
Nahiya bigla si Jongin at namula. Hinampas siya-
tuloy ng tiklop na pamaypay sa braso. Agad siyang ngumuso.
"Hay sa wakas, Jongin! Hinihintay ko talaga ang panahong 'to na hindi lang puro trabaho ang inaatupag mo. Sino ba ang maswerteng babae na yan?"
Ngumiti-ngiti lang si Jongin. "Manay, naman eh. Wala pa namang ligawang-
nagaganap."
"Ay sus! Yang ngiti na yan? Daig mo pa nanalo sa lotto! Basta ipapakilala mo sa akin yan ah? Dalhin mo dito para mapagsabihan ko na wag na wag ka sasaktan. Baby ka pa naman din." Pang-aasar pa ni Manay sa kanya.
"Kayo po talaga. Pero opo naman. Kapag sinwerte po ako
pangako ko po, dadalhin ko siya rito!"
"Dapat lang. O siya, kunin mo na yung mga kahon na kailangan. At dahil good mood din ako ngayon, bigyan kita ng pambili mo mamaya ng Chooks to go para sa mga kapatid mo."
"Naku, Manay, wag na po."
"Ay, ay, ay, wag tanggihan ang grasya-
o siya magtrabaho na."
"Salamat po, Manay." Ngiti niya sa amo na ubod nang laki at tsaka nag-umpisa na magtrabaho.
Matapos ang trabaho sa palengke, dumaan si Jongin sa Chooks to go na paborito nilang magkakapatid at bumili ng manok roon.
Pagkauwi, nadatnan niya ang mga-
kapatid na nagtatanim sa harap ng kanilang munting bahay.
"Mabubuhay kaya yan, Ate?" Rinig niya na tanong ni Jihee kay Jihye.
"O, san galing yung mga halaman na yan?" Tanong niya sa mga kapatid na agad lumingon sa kanya.
"Kuya!!" Bati ni Jihee. "Kuya, nanghingi po kami kina-
Aling Berna. Ito oregano para kapag inubo tayo, tapos gumamela tsaka sampaguita, Kuya. Sana nga lang mabuhay sila."
Inayos na ni Jihee ang mga halaman at nang okay na para sa kanya, tumayo na ang babae at nagpagpag ng kamay. "Tingin ko naman mabubuhay sila. Kuya! Chooks yan!??"
Pati si Jihee napatingin na rin sa hawak ng kanilang kuya.
"Ahhh!! Kuya!! Naglilihi ako dyan kanina lang!!"
Natawa si Jongin sa kapatid at tinapik ito sa ulo. "Halina muna kayo at kumain na tayo. Maghugas muna ng kamay ah?" Utos niya sa mga kapatid at nang nagsipasukan sila sa-
loob, napatingin si Jongin sa Sampaguita na tinanim ng mga kapatid. Napangiti siya sa pag-alala sa alamat na kwento niya kay Kyungsoo at tsaka pumasok na rin.
Matapos kumain at maligo, may nag-tatao po sa labas ng bahay.
Abala si Jongin sa kusina na nagtatabi ng mga pagkain-
kaya ang mga kapatid ang sumagot sa nagtatao-po.
"Tao po, namamasko po!"
"Samaybahay ng aming bati!" Kanta ng isa na nilagyan naman ng second voice ng isa na "Hey!"
Nung narinig ni Jongin nang malinaw ang mga boses, ahh, alam na niya.
"Kuya, andito tropa mo!!"
Agad na tumungo si Jongin sa labas at sakto pumasok na ang tropa niya sa loob at sabay sabay na kumanta ng God Gave Me You with actions pa (imaginin niyo na lang how).
Wala nga lang si Chanyeol dahil namamasada.
Nagtawanan naman sina Jihee at Jihyun sa tabi.
"Hay, tumigil nga-
kayo, para kayong may sapi."
Pumasok na muna sina Jihee at Jihye sa kanilang kwarto para bigyan ng privacy ang Kuya at mga kaibigan nito.
"Owowowo! Kamusta naman ang iyong gabi, Mr. Kim!?" OA na tanong ni Taemin sa kanya.
"Pre, atat na kami sa detalye kaya iniwan na namin si-
Chanyeol." Di mapakaling wika ni Sehun na patuloy sa pagpapadyak ng paa na parang bata. "Shet, pre, ano na? May pag-asa no!?"
"Jongin, ano? Kwenruhan mo naman kami. Gumana ba yung mga pick-up lines?" Tanong naman ni Taeyong.
Umiling si Jongin.
"ANO!? DI EFFECTIVE!??"
"Tangeks, wala akong ginamit na pick-up line." Paliwanag ni Jongin at pinaupo niya muna ang mga kaibigan.
"E, anong ginamit mo?"
"Pre, dapat ang itanong natin, ano ang nangyari, from the top!" Sabi naman ni Taemin na sinangayunan din ni Sehun.
"Ano pre, may ganito ba?"
Nagkissy-kissy motion si Sehun. "Hmm." Abot ilong na ang paghaba ng nguso.
Natawa na lng si Jongin.
"Jusko naman Sehun, pahabaan ba ang nguso mo tsaka baba mo!?" Pektus ni Taemin sa kaibigan bigla.
"Aray naman! Epeks yun, pre eh!" Giit ni Sehun at naging seryoso na ulit sila.
"So ano, pre? Spill the deets." Udyok ni Taemin at kwinento na nga ni Jongin nag bawat eksena, detalyado, memoryado, wlang labis walang kulang ang mga pangyayari sa date nila ni Kyungsoo.
Naghahampasan naman ang tatlo sa sobrang kilig. Si Sehun nakaluhod na at kulang na lang-
gumulong sa sahig. Bukod sa hindi nila kinaya na nag-try magbayad si Kyungsoo gamit ang card niya sa ukay-ukay, mas hindi nila kinaya ang paghoholding hands ng dalawa.
"Shet, Jongin, salamat sa pagpapaalala na ML lang meron ako!"
"Hindi ka talaga niya binitawan?"
"At siya talaga nag-iinitiate makipag-HH ah!"
Kinikilig pa rin si Jongin tuwing inaalala ang mga pangyayaring iyon na halos ayaw na siya bitawan ni Kyungsoo.
"Tapos nagpahula siya. Luh, nu daw yung hula?"
Nagkibit-balikat si Jongin. "Di naman niya sinabi."
"Pre, lam mo-
feeling ko sabi ng manghuhula sa kanya magiging kayo kaya ayan ayaw ka na kawalan! Grabe, pre, ang gwapo mo!"
"Punasan natin si Sto. Jongin para swertehin din tayo sa pag-ibig." Pinunas ni Sehun ang good morning towel niya sa pawis ni Jongin sa mukha. "Manalangin tayo."
"Gago talaga to si Sehun!" Hinila ni Taemin si Sehun at pinaupo sa tabi.
"Lam mo Jongin, pakiramdam ko naman may gusto talaga sayo si Kyungsoo." Panimula ni Taeyong na sinang-ayunan nila Taemin at Sehun.
"Oo, pre. May gusto na rin yun sayo. Ligawan mo na, baka maunahan ka pa."
Napaisip si Jongin. "Kahit ganito lang ako?"
"Anong ganyan?" Tanong ng tatlo.
"Ganito, walang pinag-aralan, di m-mayaman..." Sagot ni Jongin.
Napahilamos ng mukha ang tatlo.
"Tol, wag mo nga ibaba sarili mo dahil lang sa estado ng buhay mo. Marangal ka namang tao, gwapo at-
mabait pa. Wag ka mag-isip ng ganun."
"Oo nga, pre, e ano ngayon kung ganyan ka? The best kuya in the world ka nga di ba?"
Napangiti si Jongin sa mga sinabi ng mga kaibigan.
"Basta, pre, kung mahal mo, gusto mo," Tumingin si Sehun kina Taemin at Taeyong at humarap sa kanya.
Sabay-sabay nilang sinabi, "Ipaglaban mo!" Gaya dun sa palabas sa abs-cbn tuwing hapon ng Sabado.
Natawa si Jongin. "Mga siraulo talaga kayo. Salamat, mga pre, pero di ko alam pano sisimulan 'tong panliligaw na 'to. Lam niyo naman na ngayon ko lang 'to gagawin."
"Ay, wag ka mag-alala pre, lam mo kung anong magandang paraan para manligaw? Harana." Suggest ni Taemin.
"Oy, gusto ko yan. Tsaka si Yeol marunong mag-gitara kaya oks 'to, pards." Tango ni Sehun.
"Harana..." Banggit ulit ni Jongin at tingin nga niya magandang panimula iyon para
opisyal na ligawan si Kyungsoo.
"So kelan na? Sa Linggo? Sa Sabado? Mamaya o bukas?"
"Sa Linggo na lang!" Sagot ni Sehun.
"Mga pre, wala kami dito sa Sabado tsaka Linggo. Sa susunod na linggo siguro. Tsaka para makapagprepera pa tayo maigi." Sabi ni Jongin.
"Aw, wala ka?"
"Oo e, death anniversary ni Tatay. Punta kami sa kabilang bayan. Sa Tiyahin muna namin kami tutuloy."
"Ay sige, 'tol. Next week yan ah. Kasado na."
"Kasadong kasado." Ngiti ni Jongin at nag-apiran ang magbabarkada.
Masayang-masaya si Kyungsoo.
Sobrang saya.
Kaya nga lang, sa pagtapak niya sa school, nawala ang ngiti sa kanyang labi nang makita si Baekhyun.
"Kyungsoo!" Tawag ng kaibigan sa kanya pero iniwasan niya ito at madaling pumunta sa kanyang klase.
Masaya man siya para sa kanila ni Jongin, malungkot naman din siya para sa-
kanila ni Baekhyun.
Matapos ang klase, isang kaklase ang lumapit sa kanya. Hindi niya kaibigan pero mabait sa kanya. Si Hyejeong.
Akmang aalis na sana siya sa room nang nilapitan siya nito.
"Hi, Kyungsoo. Ito pala." Nag-abot ito ng invitation card sa kanya.
"Ano 'to?"
"Soo, birthday ko sa Sabado. Last week ko pa yan dapat ibibigay kaso naging busy ako sa org. Punta ka ah?"
"Uhh, di ko sure, pero I'll try."
"Sana makapunta ka."
Umalis na ang babae at binuksan ni Kyungsoo ang invitation. Napakurap na lang siya dahil ano 'to?
Debut ulit ngayong 21 ka na? Di gets ni Kyungsoo bakit kailangan pa magpaparty at ewan pa niya din kung pupunta siya. Isa pa naging close naman sila ni Hyejeong noong first year dahil lagi silang magkatabi. Alphabetical pa kase noon ang trip ng mga prof nila pagdating sa-
sitting arrangements pero ewan pa niya talaga.
Kaso mabait nman din siya kaya baka pumunta siya.
Tinabi na lang ni Kyungsoo ang invitation card at umalis na ng classroom.
Pagkalabas, nandun na si Baekhyun nakaabang.
"Baks, usap tayo, please." Pagmamakaawa ng bakla sa kanya.
Napabuntong-hininga si Kyungsoo. "Baks, I know nagsisisi ka sa sinabi mo. Gets ko yun, pero huwag muna ngayon. Wala pa ko sa mood makipag-usap sayo. Please."
Sadyang ganito rin talaga si Kyungsoo kapag nagtatampo, pinapaabot niya ng one week ang huwag mamansin.
"Pero, Baks.." patuloy si Baekhyun sa pagsunod sa kanya. Nilingon siya ni Kyungsoo.
"Baks, next week, promise. Space muna. Please?" Pagtataray niya tsaka lumakad papalayo.
Nakinig naman si Baekhyun at napayuko sa lungkot bago umalis.
Pauwi na si Kyungsoo. Naglalakad siya-
palabas ng campus nang may katawan na biglang humarang sa dadaanan niya bago pa siya mkalabas mismo ng gate. Pagtingala niya, si Kris Wu iyon.
Tiningnan niya ito nang masama kahit ngiting-ngiti ang lalaki sa kanya.
"Ano na naman?"
"Wala lang, di kita mabura sa isip ko."
"Gusto mo burahin ko?"
Nag-smirk ang lalaki. "Pano mo buburahin?"
Kinuyom ni Kyungsoo ang kamay at pinakita yun kay Kris. "Ito, isusuntok ko sa ulo mo baka sakaling magka-amnesia ka mabura ako dyan sa marumi mong utak!"
Lalakad na sana ulit si Kyungsoo pero humarang ulit ang-
lalaki, natatawa.
"Tangina talaga, ikaw talaga yung tanging babae na pinapahirapan ako nang ganito."
"E di wag mo na pahirapan sarili mo. Tigilan mo na ako, pwede?"
Hinarangan siya ulit ni Kris, tumatawa.
"Kita ko yun, lam mo ba?"
Napataas ng kilay si Kyungsoo. "Ang alin?"
"Na may kasama kang lalaki nung isang araw. Sino yun ah? Manliligaw mo from other school?"
"Ano bang pakialam mo kung sino nag kasama ko?" Nanggigigil na sagot ni Kyungsoo.
"Tapos may paholdin-holding hands pa ah?" Napakasarkastiko ng tawa ni Kris. "Nainggit ako." Nilapit nito-
ang mukha sa dalaga. "Akalain mong matatalo ako ng isang tambay sa kanto?" Smirk pa ng lalaki sa kanya na ikinagulat ni Kyungsoo at lalong ikinagalit. "Kala mo di ko alam?"
Isang malakas na sampal ang binigay ni Kyungsoo sa lalaki na nakita rin ng mga estudyanteng napadaan.
"Bastos ka! Tigilan mo na ako, Kris, dahil kahit bumali-baliktad pa ang mundo, hinding-hindi ako magkakagusto sa isang tulad mo." Nag-walk out na si Kyungsoo at dali-daling lumabas na ng school, palad niya'y humapdi rin sa malakas na pagkakasampal niya kay Kris.
Pagdating sa terminal, kalmado na ulit si Kyungsoo dahil naroroon lang naman si Jongin.
Mabilis puminta ang ngiti sa kanyang mga labi at kumaway nang nahihiya sa binata.
Nakatakda talaga sila ulit magkita sa araw na iyon.
"Tara?"
Tumango si Kyungsoo at naglakad na sa tabi
ni Jongin. Patungo sila sa 7 eleven.
"Teka!" Kinuha ni Kyungsoo ang kamay ng binata.
"Bakit?" Tingin sa kanya ni Jongin.
"Uh, ano, kasi..." Napayuko si Kyungsoo, hindi alam kung paano sasabihin ang nais.
"Kasi...?"
"Kasi d-dito kita pinaghintay noon. A-Ayokong ipaalala na-
sayo y-yung araw na yun."
Tinapik siya ni Jongin sa kanyang ulo at ngumiti. "Wala naman na sa akin yun, Soo. Pero sige para sa ikakagaan ng loob mo, sa Puregold na lang tayo."
Hindi na naman bumitaw si Kyungsoo sa kamay ng binata habang patungo sila sa Puregold. Nagmamasid din-
siya sa paligid dahil baka sinusundan na naman ulit siya ni Kris.
Napansin naman ni Jongin ang pagkabalisa bigla ng dalaga. "Okay ka lang?"
"Ha? Oo, oo. Okay lang." Excuse niya bago tumingin ulit sa likod hanggang sa nakapasok na sila ni Jongin sa pamilihan.
Ang usapan nila-
bibili lang sila ng Cornetto, pero itong si Kyungsoo napabigla ang pag-ggrocery ng pagkain para sa sarili.
Si Jongin naman ang tagabuhat ng basket. "Akala ko ba Cornetto lang bibilhin natin? Bakit ang dami nito?"
Puro biscuit, tinapay at kung anu-anong chichirya ang naklagay sa
basket.
"Para sa akin yan. Magkakaron na kasi ata ako. Para may kainin ako sa kwarto ko kpag tinamad ako bumaba sa kusina kapag masakit puson ko--hala, ba't walang stick-o na chocolate!?" Busangot na ang mukha ng dalaga at napakamot pa sa ulo.
"Minalas ka ngayon, mabenta kasi-
yung flavor ng stick-o na yun tlaga."
"Yun pa naman gusto ko!" Padyak pa ng paa ni Kyungsoo sa pagkadismaya.
Natawa si Jongin at nilapitan ang babae para tapikin sa balikat. Pero sa loob loob ni Jongin, itinatak nya sa sarili na hanapan si Kyungsoo ng stick-o sa palengke bukas.
Habang naglilibot pa sa grocery, sabi ni Jongin habang nasa likod ni Kyungsoo na nagbabasa ng nutritional facts ng pancit canton, "Wala pala ako sa weekend, Soo."
Ewan ba ni Jongin bakit kailangan niya pa yun ipaalam sa dalaga pero wala nabanggit na rib naman niya.
"Bakit?"
"Punta kami sa Sta. Monica. Death anniversary kasi ni Tatay. Matagal na rin kami di nakadalaw sa puntod niya kaya dun muna kami."
Tumingin si Kyungsoo sa kanya saglit at tumango bago tinitigan muli ang nutritional facts ng pancit canton at kumuha ng lima para ilagay sa basket.
"Kung pwede lang, sasama din ako." Bulong ni Kyungsoo pero hindi yun nahagilap ng pandinig ni Jongin.
"Ano, Soo? May sinabi ka ba?"
"Wala, sabi ko magpapataba ako sa Sabado."
Naglakad na ulit sila. "Alam mo ba yung mga kapatid ko nagtanim ng sampaguita kanina, naalala kita."
Dadampot na sana si Kyungsoo ng Milo dahil iniisip niyang papakin ang powder nito pag-uwi pero nakuha ang atensyon niya sa bulaklak na sampaguita. Tiningnan niya nang masama si Jongin. "Nakakainis ka pinaiyak mo ko dahil dyan."
Nagpanic si Jongin. "H-Huy, s-sorry ulit, Soo."
"Pasensya na talaga. Pero ayun gusto ko lang sabihin na nagtanim sina Jihee nun sa harap namin."
"Pinaalala mo pa." Naiiyak na naman si Kyungsoo habang inaalala ang kwento ng alamat. "Bakit kase ang gago ng mundo." Bulong niya pa sa sarili.
Ang totoo, hindi niya maiwasang-
pagsamahin ang hula sa kanya at ang kwento ng alamat ng sampaguita. Hindi rin niya mawari kung bakit ba pero ikinalulungkot iyon lalo ng kanyang puso dahilan para siya ay maiyak.
Sinundan lang ni Jongin ang dalaga at maya-maya ay naanyayahan ang babae sa isang free taste booth.
Sumaya na ulit si Kyungsoo dahil sa libreng free taste ng maliliit na sausage na pinapak lang niya nang pinapak at hindi tinigilan.
"S-Soo, napaparami ka na ata. Awat na." Si Jongin ang nahiya para sa dalaga at napa-hehe na lang si Jongin sa bantay ng stall bago hawakan sa kamay
ang dalaga at hilain papalayo.
Nang lumunok na si Kyungsoo, siya ay nagreklamo. "Ang sarap-sarap kaya ng sausage! Tsaka free naman yun. Nagpa-free taste pa sila kung di rin pala ako pwede kumain ng madami pa."
Natawa na lang ulit si Jongin sa dalaga. Kyut na kyut sa taglay-
nitong kainosentehan. "Di porke free, sugapa ka na agad. Pano na lang yung iba rin na gusto tumikim, e di wala na sila natikman."
"Sorry. Di kase ako nakakakaib ng ganyan sa bahay." Ngumuso si Kyungsoo. "Kuha na nga tayo ng Cornetto tas bayad na tayo."
Bahagyang na-guilty rin-
si Jongin sa narinig.
Nang makabayad, tumambay muna sila sa harap ng kainan at umupo muna. Magkatabi silang kumakain ng Cornetto.
"Gusto ko pa rin ng stick-o." Banggit ulit ni Kyungsoo habang inuubos ang ice-cream.
"Malas ka kasi."
"Malas kasi kasama kita."
Naging parang-
kawawang tuta ang itsura ni Jongin bigla.
"Uy, joke lang yun." Panic bigla ni Kyungsoo bago kumuha ng tissue sa bag at pinunasan ang mga labi ng binata.
Ngumiti na ulit si Jongin at kumuha rin ng tissue para punasan ang labi ni Kyungsoo.
Nagkatitigan sila bigla.
"Kyungsoo?" Tawag ni Jongin sa kanya, titig na titig at tila walang balak lumihis ng tingin. "Pwede bang manligaw?"
Napangiti bigla si Kyungsoo at kunwaring nag-iisip pa kahit alam naman niya ang isasagot. "Hmm, banat ka ba?" Naibang tanong nito bigla.
"Bakit?" Nasa listahan-
ba nina Taemin ang banat na iyon? Wala. Hindi alam at walang malay si Jongin sa kung anong magiging sagot ni Kyungsoo kaya kinabahan siya.
Pahihintulutan kaya siya ni Kyungsoo o kaibigan lang ang turing sa kanya ng dalaga?
Sumagot si Kyungsoo, "Kasi kinikilig ako sayo-
Oo, Jongin, pinapahintulutan kita."
Marami mang tao sa loob ng dinadagsang Puregold sa kanilang baranggay, para kina Jongin at Kyungsoo, parang sla na lng ang naroroon dhil wala na silang pake sa paligid, liban sa isa't-isa.
Kambal ang ngiti na sumilay sa kanilang mga labi.
A/N: trigger warning
[Delisyoso GC]
Guy1: ano na kris?? talo ka na sa pusta??
Guy2: pota wala ka rin pala binatbat, pre
Guy3: pero gago ang sarap talaga niya mga pre. ang laki ng pwet no kahit ang liit na babae.
Guy1: at mukhang malaki rin ang hinaharap
Kris: mga gago
Guy 2: tangina naman pre ikaw na nga pinakamalakas dito, di pa rin siya tinablan sayo? Pano na natin yan matitikman ang sarap ng isang Kyungsoo Doh
Guy 3: sabik na sabik na ako pero pre yung bayad mo ah wag mo klimutan
Guy 1: puta kantot na kantot pa naman ako, kris
Kris: di pa ko sumusuko mga tarantado
Guy1: e ano na plano mo? isang tikim lang talaga solb na ako
Guy 2: basta akin yung dede ah?
Guy 3: so ano na?
Kris: tiwala lang kayo. sa sabado mga pre
Guy 1: last na yan kapag di mo nagawa amin na
Guy 2:
Sa apat na araw, laging nag-cocornetto ang dalawa tuwing matatapos sa klase si Kyungsoo.
Dating gawi, Puregold. May sumpa na kasi ang 7 eleven kay Kyungsoo ayaw na niya doon.
Nabilhan ni Jongin si Kyungsoo ng stick-o sa tindahan ni Manay. Inasar tuloy siya nito dahil dun-
pero okay lang naman. Di naman din niya tinanggi kay Manay na para iyon sa nililigawan niya.
At as usual, todo celebrate na naman ang tropa para sa kanya. Nakapag-usap na rin sila tungkol sa gagawing harana para kay Kyungsoo sa susunod na Linggo. Okay na okay naman si Chanyeol-
na ipagpaliban muna ang pamamasada sa gabi para matulungan ang kaibigan.
Sa apat na araw ding iyon sila nakapag-isip ng kakantahin para sa harana. Kabado na si Jongin kahit matagal pa naman. Ang galing-galing ni Kyungsoo kumanta pero siya wala talaga pag-asa. Pero di bale-
basta maihayag niya ang tunay na nadarama sa dalaga sa pamamagitan ng pagkanta ay gagawin niya nang buong puso.
Sa mga araw ding iyon, period ni Kyungsoo kaya may mood swings din ito. Minsan clingy kay Jongin, malambing, sweet pero minsan sinusungitan niya ang binata.
Natatawa na lang si Jongin dahil kahit ano pa ata si Kyungsoo--malambing man o ubod ng sungit, gusto niya pa rin.
Ngayong araw ng Biyernes, huli nilang pagkikita, dahil aalis na kinabukasan si Jongin kasama ang mga kapatid, matapos nila kumain ng fishball ni Kuya Minseok-
(dahil ayaw na bigla ni Kyungsoo ang Cornetto) masakit man ang puson, nag-request pa rin ang dalaga na dumalaw sa kanilang munting bahay.
"Jihee! Jihye! Dito na ang Kuya!"
Lumabas si Jihye para pagbuksan ng gate ang Kuya.
"Soo, pasok ka." Pagtingin nga lang niya sa dalaga-
nakaupo ito sa harap ng sampaguita na nakatanim sa harap nila.
"Kasama mo pala si Ate, di ka man lang nagsabi, makalat sa loob, Kuya." Agad na pumasok si Jihye at binalita kay Jihee ang di nila inaasahang bisita.
Samantala, bulong ni Kyungsoo sa bulaklak, "Dapat kasi pinaglaban
niyo pagmamahalan niyo sa mga tatay niyo ayan tuloy bulaklak na lang kayo."
Napatakip si Jongin sa bibig para pigilan ang pagtawa.
"Pero masaya naman na kayo, di ba? Tapos siguro yung halimuyak niyo, sumisimbolo yan sa kung gano kalakas ang pagmamahalan niyo sa isa't-isa, no?"
Pinanood lang ni Jongin ang dalaga at nanlalambot lalo ang kanyang puso para sa babaeng ito.
"Basta ako, di ako tutulad sa inyo. Taga niyo yan sa bato." Dinuro pa niya ang bulaklak at tsaka tumayo at tumingin kay Jongin na malambing lang na nakatitig sa kanya.
"O, bakit?"
"Ipaglalaban mo?"
Lumapit lalo si Kyungsoo kay Jongin, bahagyang kunot ang noo. "Oo naman no, kapag mahal mo ipaglaban mo."
"Ate Kyungsoo!!" Salubong na ni Jihee sa dalaga at napangiti na lang talaga si Jongin habang pinapanood ang nililigawan at ang mga kapatid. Napatingin din
tuloy siya sa sampaguita bago isara ang gate at asikasuhin si Kyungsoo.
Sa dalawang oras na nanatili si Kyungsoo sa kanila, wala itong kaarte-arte at nagpaa na lang talaga sa loob ng bahay kahit na pinilit ng magkakapatid na di na niya kailangan pa tanggalin ang sapatos.
Maraming nangyari sa dalawang oras, nakikain ng hapunan sa kanila ang dalaga at nakakwentuhan pa nila sa maraming bagay.
Nakita rin ng dalaga ang picture frame ng kasal ng kanilang mga magulang, at picture nilang buong pamilya.
Masaya sila. At masayang-masaya si Jongin.
Naglalaro ng jackstone si Kyungsoo kasama sina Jihee at Jihye. Di marunong si Kyungsoo ng nasabing laro kaya tinuruan siya ng dalawa.
"Bakit di niyo po yan nalalaro, Ate?"
"Kasi, libro lang lagi ang binibigay sa akin ng mga magulang ko. Wala ako masyadong laruan noon."
Tuwang-tuwa si Kyungsoo na naglalaro sa lapag samantalang si Jongin, tinawagan si Chanyeol para ipahatid dito mamaya si Kyungsoo.
Pero bigla niyang narinig sakto pagkalapit niya sa kakatayo pa lang na si Kyungsoo ang sabi ni Jihye, "Ate, may tagos ka!"
"Ha??" Agad na tumingin si Kyungsoo sa likuran at nakita ang tinutukoy ni Jihye.
Umiwas din ng tingin si Jongin para bigyan ng privacy ang dalaga.
"Ate, pahiramin ka na lang muna namin ng damit. Jihee, kuha mo si Ate ng napkin. Yung overnight ah."
Dinala ni Jihye si Kyungsoo-
sa c.r.
At nang wala na si Kyungsoo, napatingin si Jongin kay Jihye at nginitian ang kapatid sa pag-aasikaso kay Kyungsoo.
Habang nagbibihis ang dalaga, naghanap nan ng paperbag si Jongin para paglagyan ng damit ni Kyungsoo na namantsahan.
Lumabas si Kyungsoo suot ang tshirt-
at shorts ni Jihye na sumakto naman sa pigura ng dalaga ngunit may kasikipan nga lang.
Hiyang-hiya si Kyungsoo at ito ang mga oras na mukhang vulnerable ang dalaga.
Nilapitan siya ni Jongin. "Lagay mo dito yung damit mo."
Naiiyak si Kyungsoo sa kahihiyan pero sinilid din-
niya ang namantsahang damit sa paperbag.
"Ate, pang-ilang araw mo na ba?" Tanong ni Jihee.
Sumenyas ang dalaga ng dalawa gamit ang daliri.
"Ok ka lang?" Maingat na tanong naman ni Jongin.
Umiling si Kyungsoo. "Hindi, kasi nakita mo ko natagusan. Nakakahiya." Singhot niya.
Sinenyasan ni Jihye si Jihee na umalis na muna sila kaya nagpunta muna sila sa may sala at nanood na lang muna ng T.V.
"S-Soo, wag kang umiyak. Ok lng sa akin yun. Tsaka di ko naman nakita." Alo ni Jongin sa dalaga.
Nagpunas ng luha si Kyungsoo. Sinisisi niya ang hormones niya-
sa biglang pag-iyak niya. "Ok. Ok na ako."
Tinapik siya ni Jongin sa ulo. "Mamaya-maya dito na si Chanyeol. Lika."
Nakaupo silang dalawa, nanonood ng balita, pero si Jongin, panay ang tingin sa dalaga.
"Nga pala, asan na yung kaibigan mo? Di ko na siya nakikita na kasama mo?"
Hindi nilihis ni Kyungsoo ang tingin sa TV at sumagot. "May tampo kasi ako sa kanya."
Tumango lang si Jongin at hindi na rin nagtanong pa tungkol dun. May tunog ng humintong tricycle sa labas nila at alam niyang si Chanyeol na iyon.
"Ayan na si Yeol."
"Pre??" Tawag ni-
Chanyeol sa kanya.
Kinuha ni Jongin ang paperbag ng damit ni Kyungsoo pero si Kyungsoo ayaw na umalis sa inuupuan niya.
"Soo, lika na, gagabihin ka."
Napatingin si Kyungsoo sa orasan at npabuntong-hininga. Kailangan niyang maunahan lagi ang nanay niyang umuwi.
Hinatid ni Jongin si Kyungsoo sa labas at iniabot sa kanya ang paperbag.
"Pwede ba ulit ako bumalik dito n-next time?" Nahihiyang tanong ni Kyungsoo sa binata, nakatingala sa kanya.
"Oo naman. Pwedeng-pwede. Hayaan mo sa susunod mas masarap yung pagkain namin dito."
"Masarap naman yung itlog na pula, kangkong tsaka tuyo ah?" Nguso ni Kyungsoo sa kanya.
Tumawa si Jongin. "Salamat, Soo." Pasasalamat niya dahil hindi hinusgahan ng dalaga ang klase ng pamumuhay niya. "Sige na, uwi ka na."
"Salamat din sa damit. Sasauli ko na lang to nxt week-
Jihee! Jihye, salamat kanina. Bye bye!"
"Bye ate!!" Pamamaalam din ng dalawang magkapatid.
Pinaandar ni Chanyeol ang tricycle. Sumakay na si Kyungsoo khit ayaw pa nya talaga umalis.
"Sige, pre!" Nagtinginan ang magkaibigan. Matik na ang ibig sabihin ng tingin, "Pakiingatan"
Araw ng Sabado.
Maagang nagising si Kyungsoo.
Bumaba siya sa kusina. "Yaya, wala na si Mom?"
"Good morning, ma'am. Naku, wala na po. Kakaalis lang. Bukas pa po ang balik dahil pupunta sa Cebu."
Umupo si Kyungsoo at pumangalumbaba. "Yaya, may tuyo po ba tayo?"
Nagitla ang yaya sa tanong ng amo. "Meron, Ma'am. Bakit po?"
Tiningnan ni Kyungsoo ang nakahandang agahan para sa kanya. As usual walang pagbabago, puro gulay at nakakasuyang healthy food ang handa para sa kanya.
"Yaya, lutuan niyo nga po ako. Ayoko nito. Masarap pa ang tuyo."
Pinaghandaan siya ng tuyo ng yaya at ubod ng saya ni Kyungsoo habang kumakain nito na parang bata.
Gulat na gulat naman ang yaya pero hinayaan lang ang pasaway na amo. "Ma'am pano po yung pagkain niyo?"
Lumunok si Kyungsoo. "Yaya, kainin nyo na lang yan. Ayoko na niyan talaga."
Matapos kumain, diretso si Kyungsoo sa kwarto at tiningnan ang kanyang phone.
Miss na miss na niya si Jongin kaya tinext niya ito.
'Ingat kayo sa byahe.'
Gsto pa sana niya dagdagan ng, 'sama ako nxt time pls?' pero di na nya ginawa dahil sa hiya.
Binuksan niya ang Messenger.
May gc para sa mga imbitado sa party. May poll pa kung confirmed na sasama o hindi.
Ngumuso si Kyungsoo, nag-iisip-isip kung pupunta o hindi. Isa pa, never pa siyang nakapunta sa isang club kaya baka subukan niya. Mga kakilala lang din naman niya ang mga invited. Isa pa baka-
di na niya 'to magawa. Nasa Cebu naman din ang nanay niya so malaya siya.
Di naman siya sociable o ano, pero si Hyejeong 'to, friend din niya at some point. Gagraduate na rin naman sila kaya attend na lang siya talaga.
"Yaya, wag niyo ko isusumbong ah? Di naman ako-
magpapagabi masyado. Kakain lang ako tas alis na rin, ah? Please? Pag tumawag si Mom pasabi na kina Baek lang ako."
Wala na rin magawa ang yaya kaya umoo lang ito. "Sige po, pero di po ba kayo magpapasundo kay Berting?"
"Wag na, di naman ako papagabi. Kaya ko naman magcommute."
"Osige po, ingat po kayo, Ma'am."
Nagpaalam na si Kyungsoo at umalis na.
Pagdating sa club, nanibago si Kyungsoo.
Maingay, maraming ilaw at maraming naghihiyawan sa loob.
Hinanap muna niya si Hyejeong para ibigay ang binili niyang gift para sa kaklase.
Nang makita niya ang-
babae, laking gulat niya na nakikipag-momol ito sa kanilang kaklase.
Na-awkwardan si Kyungsoo at aalis na muna sana pero napansin siya ng lalaki na kinandungan ni Hyejeong.
"Uy, Kyungsoo! Pumunta ka!" Bati ng babae sa kanya na napakakapal ng make-up at napaka-reveling ang suot.
Hindi akalain ni Kyungsoo na ganito pala ang kaklase. Gulat na gulat din siya. Nagbeso ito sa kanya.
"Uhm, oo, hehe. Ito pala, regalo ko. Sana magustuhan mo." Iniabot niya ang paperbag sa babae na may lamang skincare products.
"Aw. Thank you, enjoy your night ah? Order ka lang
ng food and drinks."
Tumango lang si Kyungsoo at bumalik na si Hyejeong sa lalaking kahalikan kanina.
Napayuko si Kyungsoo at umalis.
Umupo siya sa sulok. Medyo nagsisisi na pumunta pa siya sa party. Di niya inakalang wild ang mga kaklase niya at sanay na sanay sa pagpaparty.
Yung suot niyang dress hindi rin akma sa okasyon. Habang ang lahat ay nakapang-clubbing na panamit.
Wala naman talagang kaibigan si Kyungsoo sa block nila. Yung mga gc di naman pumunta siguro alam nila ang tunay na kulay ni Hyejeong. Wala kasi siyang muwang sa ibang bagay kaya-
hindi niya alam na ganito ang party na ihohost ng kaklase. Akala niya pa-good vibes lang na type ng clubbing pero iba pala.
Maraming nagmomomol sa dilim. Kahit nung nag-cr siya may kumakalabog sa isang cubicle at umuungol.
Ganito pala talaga ang mundong ginagalawan niya.
Pagbalik niya sa kanyang table sa sulok, may mga tao na roon. Mga kaklase niya.
"Uy, Kyungsoo, you went here pala."
"Ang pretty mo today, Kyungsoo. Glad you're here. Minsan ka lang din namin maka-bonding kasi."
"Take a drink. Have fun."
Kumurap lang si Kyungsoo sa kanila at-
uminom din dahil gusto nya rin i-try. Masarap yung ininom nya pero di niya alam kung ano yun.
Nandun lng sya sa grupong iyon at nananahimik habang sinserve sila ng pagkain.
Si Kyungsoo kumakain lang nang tahimik habang ang mga kaklase ay nagkukwentuhan tungkol sa sex life nila.
Hindi naman stupido si Kyungsoo sa ganoong usapan pero na-aawkwardan pa rin siya.
Sa pakikinig, nalaman niya na hindi na virgin ang tatlong kaklase na again, ikinagulat nya.
"Ikaw Kyungsoo? Virgin ka pa ba?" Biglang tanong sa kanya at muntik na siya mabulunan.
"Oo." Sagot nya.
"I knew it. NBSB right?"
"Oo." Tipid lang niya na sagot habang kumakain ng nachos.
"First kiss?"
"Wala."
"Do you like someone?"
Sumipsip si Kyungsoo sa inumin at tiningnan ang mga kaklase. Una niyang naisip ay si Jongin. Ngiti lang ang binigay niya sa kanila.
Dahil na-bore ata ang mga kaklase na kausapin siya, nanahimik na rin sa wakas ang buhay ni Kyungsoo. Inubos niya ang plato ng nachos.
Habang nililibot ang mga mata sa lugar, isang boses ang nagpatingala sa kanya.
"Miss, may nagpapabigay." Sabi ng waiter at binigyan siya ng-
isang tall glass ng inumin. "Vodka Cranberry for you from someone po."
Tinanggap naman ni Kyungsoo ang inumin at napa-YIEE sa kanya ang mga kaklase.
"Ibang-iba ka talaga, girl." Komento ng isa.
"Sino kaya ang nagbigay? What if daks pala? Oh gosh."
Napangiwi si Kyungsoo sa salitang daks pero di niya pinahalata.
Tinitigan niya ang inumin at nagtaka kung sino naman kaya ang nagbigay nun sa kanya.
Unti-unti, nilapat niya ang bibig sa straw.
Malungkot pa rin si Baekhyun sa naging pag-aaway nila ni Kyungsoo.
Di naman away pero ang sikip sa dibdib isipin na nagtampo na naman ang kaibigan sa kanya.
Strike 3 na niya ito.
At dahil marupok siyang kaibigan, pumunta siya sa isang high end mall para bilhan ang kaibigan niya ng peace offering gift.
At nakakita siya ng perfect gift.
Nang mabalot ang binili sa paperbag, tumungo ang bakla sa Macao Imperial Tea para bumili ng milktea.
Mahaba ang pila pero kebs lang naman ni bakla. Nag-ccrave din kasi siya ng milktea.
Habang nakapila, napansin niya ang lalaki na dlawang tao ang pagitan sa kanya. Pamilyar.
Naalala niya na schoolmate niya ang lalaking iyon. May kausap sa phone.
"Oo, pre, susunod ako. San ba dadalhin? Sa inyo?"
Di naman sinsadyan ni Baekhyun pero nakikinig siya sa lalaki. Masyado kasing malakas ang boses.
Medyo nawala na siya ng gana makinig hanggang sa narinig-
niya ang pangalan ni Kyungsoo.
"Basta, pare, yung usapan ah? Walang magdadamot."
At dun na kinutuban ng masama si Baekhyun.
"Geh. Diretso na lang ako sa inyo. Mag-iingat kayo mga gago." Tawa pa ulit ng lalaki at umalis na si Baekhyun bago pa siya makilala ng lalaki.
Buti na lang, dala ni Kyungsoo ang sasakyan niya.
Tinawagan niya agad si Kyungsoo. "Baks, please sumagot ka." Dasal nya na sana sagutin siya.
Pero hindi.
Nagtatampo pa ang babae sa kanya. Pero hindi din siya nagpatinag. Di niya tinigilang tawagan si Kyungsoo.
"Baks...please."
Takang-taka naman si Kyungsoo na panay ang tawag ni Kyungsoo sa kanya.
Ubos na niya ang inumin at busog na siya.
Dahil alas-otso y media na, nagdesisyon na siyang umalis.
"Alis ka na? Aga pa." Sabi sa kanya ng kaklase.
"Di rin ako magtatagal. Period eh."
Hinanap ulit ni Kyungsoo si Hyejeong para magpaalam pero iba ang nahanap niya--si Kris.
"Oh, look who's here. Dito ka rin pala."
Tiningnan ni Kyungsoo nang matalim ang lalaki at minock. "Oh, look who's here. Dito ka rin pala. Well, excuse me, uuwi na ako."
Lumakad papalabas-
si Kyungsoo. Lalong naging atat na umuwi.
Kinakabahan siya lalo.
Naglakad siya nang naglakad, at lumingon.
"Bakit mo ako sinusundan?" Tanong niya kay Kris na natatawa-tawa lang sa kanya.
Madilim at nasa parte na sila ng mga talahiban.
Sa gawing kanan, may kotseng nakaaabang.
Bumusina ang kotse na iyon at tinanguan ni Kris kung sinong tao ang naroroon.
Lalong nagsalubong ang mga kilay ni Kyungsoo, halos kapusin na siya ng hininga sa sobrang lakas ng kabog ng dibdib niya.
May lumapit na dalawang lalaki.
"Oy, pre, ba't parang di pa hilo yan?"
"Anong pinagsasasabi mo!?" Sigaw ni Kyungsoo sa lalaki na bigla siyang tiningnan mula ulo hanggang paa.
"Tangina, jackpot talaga tayo."
"Baka di pa umeepekto, atat kasi umuwi to mga pre." Sagot ni Kris habang pinapanood ang takot na takot na mukha ng dalaga.
"Gago, kayo!! Hoy ikaw bakulaw ikaw nagbigay ng inumin ko no!?"
Humagalpak sa tawa ang isang lalaki. "Tangina, bakulaw ka daw, Kris!"
"Ano nga kung ako?" Smirk ng bakulaw at napalunok si Kyungsoo.
"Gago ka. Gago ka. Ipapakulong kitang hayop ka."
Bago pa makatakbo si Kyungsoo
dinampot siya ng isa sa mga lalaki at binuhat na parang sako sa balikat.
"IBABA MO KO! WALANGYA KAYO! TULONG!! TULONG!! TULUNGAN NIYO AKO!!"
"MANAHIMIK KA NGA!"
Pinisil ng lalaki ang pwetan niya at sa gulat pinaghahampas ni Kyungsoo ang likuran ng lalaki.
"Tangina, may napkin, pre." Sabi ng lalaki.
"Puta, ano!!?"
"Gago, meron naman 'to! Tangina, Kris!"
"Aba malay ko ba na meron siya!?"
"BITAWAN NIYO NA AKO MGA HAYOP KAYO!!"
Isang kotse ang dumating.
Pagtingala ni Kyungsoo, nagsisigaw ulit siya. "TULUNGAN NIYO AKO!!"
Napag-alaman ni Baekhyun na nasa party ni Hyejeong ang kaibigan.
Agad siyang nag-drive sa club sa kabisera ng lalawigan.
Pagkadating sa club, hinanap niya roon si Kyungsoo pero hindi niya makita. Pinagtanungan na rin niya si Hyejeong at ang mga namumukhaan niyang kaklase ng-
kaibigan pero wala si Kyungsoo roon hanggang sa napagalaman niyang umuwi na daw ito ng maaga at ang masaklap, pumunta rin daw si Kris Wu na anak pala ng may-ari ng nasabing club.
Mabilis na umalis si Baekhyun, at sa madilim na talahiban, dun niya natagpuan si Kyungsoo.
"Gago sino yun?"
"Baka si Dowon."
Naiiyak na si Kyungsoo.
"Tarantado kahit makita lang natin tong nakahubad okay na ako."
"Puta, sige na nga."
"Huwag niyo na lang hubarin yung panty mga pre." Sabi naman ni Kris.
Nagtawanan ang tatlo.
"Mga hayop talaga kayo!! TULONG!!"
Bumaba agad si Baekhyun at tinakbuhan ang kaibigan.
"B-Baekhyun," gulat na gulat si Kyungsoo at lalong naiyak sa pagdating ng kaibigan. "Baekhyun tulungan mo ko!!" Hampas pa ulit ni Kyungsoo sa nakabuhat sa kanya.
"Hoy, bitawan niyo ang kaibigan ko!"
Kinakabahan rin si Baekhyun. Madilim sa lugar kung asan sila. Swerte lang niya napadpad siya sa lugar na iyon.
"Puta, tumigil ka nga! Masakit ha!? Hoy, Kris bakit ang tagal umepekto nung pinainom mo!?"
"MGA BOBO, DI KO ININOM YUNG BINIGAY NIYO ANO AKO TANGA!?" Sagot ni Kyungsoo
na nagpapapadyak na.
"Ibaba niyo yung kaibigan ko mga walangya kayo!!" Sigaw ni Baekhyun sa mga higanteng lalaki na mas malaki ang struktura ng mga katawan kesa sa kanya.
"Yaw nga namin. Bleh." Belat ng isa.
"Pre, dalhin niyo na yan sa kotse!" Utos ni Kris sa kanila at nang-
pumalakad ang lalaki, at gigil na gigil na si Baekhyun, sinubukan niyang suntukin ang lalaking buhat si Kyungsoo.
"Aray, pota!!"
Sa kamalasan, hindi pa rin tumalab ang suntok niya sa lalaki pero isang suntok naman sa mukha ang natanggap niya mula kay Kris.
"Tangina mo kang-
bakla ka, wag na wag mong sinisira ang plano ko."
Nalagay na si Kyungsoo sa loob ng sasakyan at nang akala niya ay makakagalaw na siya ng mas maayos dun, hindi pa pala dahil may lalaki pa rin sa loob na agad siyang nilagyan ng tape sa bibig at ginapusan ang mga kamay.
Sa labas, pinagbubugbog ni Kris si Baekhyun na ngayon ay wala nang kalaban-laban.
"Pre, alis na kayo, sunod na lang kami sa inyo!" Sigaw ni Kris sa kaibigan, ngunit, may isang sasakyan ulit na dumating.
Pinsan ni Junmyeon si Hyejeong. Imbitado siya sa birthday party ng-
pinsan. Kasama nito ang Kuya niya na isang sundalo at nagbabakasyon muna sa kanila.
Sa isang shortcut sila dumaan para mapabilis ang byahe pero laking gulat nila nang makita ang binubugbog na lalaki.
Nanlaki ang mga mata ni Junmyeon. "Kuya, mga schoolmate ko yan."
Hindi na nakinig ang Kuya ni Junmyeon sa kanya na mabilis kinuha ang lisensyadong baril at bumaba ng kotse.
"Junmyeon, dun ka, dito ako sa may kotse baka tumakas--"
At humarurot na nga ang sasakyan kung nasaan ang umiiyak na si Kyungsoo.
"Pakawalan nyo ko mga hayop kayo!!"
Patuloy si Kyungsoo sa pagsigaw kahit di maintindihan dahil sa tape sa bibig.
"Manahimik ka!!"
"Tahimik na, Miss, di ka naman namin sasaktan kung susunod ka lang naman sa amin. Mag-eenjoy tayo pare-pareho dito--" himas ng katabi niyang lalaki sa kanyang hita.
"Puta, sino to!?"
Pagkaharurot ng kotse na nagtangkang tumakas, isang putok ng baril ang umalingawngaw sa labas na lalong ikinatakot ni Kyungsoo.
Agad na pumasok sa isip niya na binaril si Baekhyun. Nagdurugo na ang puso niya, malabo rin ang paningin niya dahil sa mga luha sa mga mata niya.
Huminto ang sasakyan. Flat na dahil tinamaan ng bala ang dalawang gulong sa likod.
"Pucha!! May pulis ata!!"
Nagkaron ng pag-asa si Kyungsoo sa narinig.
"Tangina, pre, akala ko ba plantsado tong plano na to!?"
Nag-aaway na ngayon ang dalawang lalaki sa kotse.
Samantala, bugbog sarado na si Baekhyun nang abutan ni Junmyeon.
"K-Kris!?" Gulat na tanong ni ng SC president nilang si Junmyeon.
Gulat na gulat din si Kris nang makita si Junmyeon gayon din ang nakahawak kay Baekhyun na agad binitawan ang duguang bakla.
Ilang saglit pa at sa
koneksyon din ng kuya ni Junmyeon sa mga pulis sa kabisera, mabilis silang rumesponde at nailigtas si Kyungsoo at si Baekhyun na parehong sinugod sa ospital.
Maraming nangyari sa gabing iyon. Nahuli si Kris at ang mga kaibigan nito.
Wala namang natamong malubhang sugat si-
Kyungsoo sa katawan maliban sa mga natamong pasa.
Si Baekhyun naman bugbog sarado at nananakit ang ibang parte ng katawan.
Hindi iniwan ni Kyungsoo ang kaibigan sa tabi nito.
"Baks, sorry, dahil sa akin nagkaganito ka."
Umiling ang bakla at nagsalita kahit di niya kaya.
"W-Wala kang kasalanan, S-Soo. A-Ako dapat mag-s-sorry sayo. T-Tahan na..."
Pumasok si Junmyeon sa loob ng kwarto at napapunas ng luha si Kyungsoo at tumayo.
"S-Salamat ah? Salamat sa inyo ng kuya mo kundi hindi ko na alam kung ano mangyayari sa amin ng kaibigan ko." Humagulgol
ulit si Kyungsoo at suminghot.
"Wala yun. Mabuti na lang din at dun kami dumaan. Wag kayo mag-alala, sisiguraduhin kong makikick-out sila sa school. T-Tahan ka na."
Tumango si Kyungsoo at nginitian muli si Junmyeon. "Salamat, ulit."
"Pahinga na kayo. Alas dose na."
Kinabahan lalo si Kyungsoo nang binanggit ni Junmyeon ang oras.
Nginitian ulit siya ng lalaki bago umalis ng kwarto.
"Baks, tatawag lang ako kay, Yaya."
Pero tulog na si Baekhyun.
Lumabas muna siya at naghanap ng telepono at tsaka tumawag sa kanila na kinabukasan siya ng-
umaga makakauwi.
Sa hirap makahanap ng mapagloloadan sa Sta. Monica, hindi nasagot ni Jongin ang text sa kanya ni Kyungsoo.
Laking pagsisisi niya na hindi siya nagpaload kay Chanyeol at isa pa, alas kwatro pa lang ng umaga nang umalis silang magkakapatid.
"Jongin, di ka pa ba mag-aasawa?" Tanong ng tiyahin niya sa kanya nang nagkakape sila.
Sina Jihee at Jihye nasa labas, nakikipaglaro sa mga kuting na alaga ng Tiyahin.
"Naku, 'ta, wala pa yan sa balak ko pero dadating din tayo diyan."
"May nililigawan ka naman ba?" Tanong ng-
tiyuhin habang nagsasawsaw ng pandesal sa mainit na kape.
Napangiti si Jongin. "Meron na po akong nililigawan."
"Aba'y magandang balita yan. Dalhin mo siya dito kung minsan ah?"
Tumango si Jongin at napangiti habang iniisip ang hugis pusong ngiti ni Kyungsoo.
Nang makadalaw sila sa puntod ng kanilang tatay at nanay sa isang pampublikong sementeryo, na patong-patong ang mga puntod, naglagay sila ng bulaklak na binili at pansit sa puntod.
Alas-kwatro ng hapon at mainit pa rin.
Todo paypay ang mga babaeng kapatid dahil humaba-
ang lakaran nila bago makita ang puntod. Sa tagal kasi ng panahon na di sila nakadalaw nalimutan na ni Jongin ang pasikot-sikot sa sementeryo. Naligaw pa sila.
Ngayon, tagatak ang pawis ng magkakapatid, lalo na si Jongin na may dala ring pintura at brush para pinturahan muli-
ang puntod ng mga magulang.
Nilinis din niya ang lapida para klaro pa rin ang mga pangalan ng namayapang mga magulang.
"Tay, Nay, si Kuya po malapit na mag-asawa." Salita bigla ni Jihee na akala mo'y naririnig mismo ng mga magulang.
"Malapit ka dyan." Sabi ni Jongin na-
naglilinis ng puntod habang ang mga kapatid ay kumakain ng biniling lumpiang toge sa pasukan ng sementeryo.
"Tapos, Nay, Tay, mabait po tsaka maganda yung nililigawan ni Kuya. Kung buhay po kaya tiyak magugustuhan niyo rin po siya."
Napapangiti na lang si Jongin sa pinagsasabi-
ng kapatid. Pero tama rin naman si Jihee, paniguradong magugustuhan ng mga magulang nila si Kyungsoo.
"Kyungsoo po pangalan. Gabayan nyo po sila ah? Lalo na po si Kuya."
Matapos magpintura, palubog na rin ang araw. Napapunas ng pawis si Jongin na inabutan rin ng tubig ni Jihye.
"Sana lang di masira 'tong pintura ko. Wala naman na sigurong tatapak dito no?"
"Wala na yan, Kuya. Magdidilim na rin kasi." Sabi ni Jihye.
Nagpahinga muna si Jongin saglit at nagdesisyon na silang umalis. Pero inayos muna nila ang bulaklak, atang at ang tatlong kandila na-
malapit nang matunaw.
"Ay, Jihye, pahingi pa nga ng tatlong kandila. Mauubos na 'to. Para may ilaw pa rin sila sa dilim." Pagbibiro ni Jongin.
Nang malagyang ng bagong mga kandila ang puntod, napapamewang si Jongin at tiningnan muli ang puntod maigi.
"Yan, Nay, Tay, bagong-
pintura yan. Hayaan niyo po, masaya naman po kaming magkakapatid. Okay lang po kami. Enjoy ba diyan?" Tawa ni Jongin habang kausap ang puntod. "Next time po ulit. Dalhin ko rin po dito si Kyungsoo kapag sinagot ako pakilala ko po sa inyo."
Umalis na ang magkakapatid.
Nakapag-paload si Jongin. 10 pesos lang para sa text dahil miss na niya si Kyungsoo.
Habang papauwi silang magkakapatid, tinext niya ito.
'hello Soo kakagaling lang namin sa sementeryo. Sensya na ngayon lang nagkaload :('
Yun nga lang mahina ang signal kaya hindi yun nasend.
Hanggang makauwi sa bahay ng tiyahin, hirap pa rin siya maka-text kaya sumuko na lang siya at humiga sa banig.
Alas-diyes na at sumubok ulit siya magtext nang dumungaw siya sa bintana at itinaas ang cellphone.
Message sent.
Napa-yes siya nang malakas pero nagsisi rin dahil-
baka magising niya ang mga kapatid na natutulog sa nakakulambong kama.
Naghintay siya ng reply kay Kyungsoo hanggang ala-una pero wala siyang natanggap at nakatulog na lang siya.
Hapon ang byahe nila pauwi. Nakahanda na ang kanilang mga gamit paalis.
Syempre, kumuha ulit sina-
Jihyun at Jihee ng halamang itatanim nila at iyon ay ang gumamela.
Alas-siyete nakauwi ang magkakapatid sa kanilang bahay. Pare-pareho silang napagod sa byahe.
Wala pa ring reply si Kyungsoo sa text niya mula kagabi. Ayaw naman din niyang kulitin ang babae at mamukhang-
desperado kaya hinayaan na lang niya ito.
Sa gabing iyon, maaga na munang nagpahinga ang magkakapatid.
Pagkauwi ni Kyungsoo, natanto niyang nawala niya ang cellphone niya.
Pero laking pasasalamat niya na hindi naman siya napano ng mga manyakis na kaibigan ni Kris.
Una niyang ginawa ay ang maligo.
Napakuskos siya lalo sa parte ng katawan niyang hinimas ng mga gago.
"Bwiset sila sana namatay na lang sila lahat." Gigil na sabi niya.
Ok na rin sila ni Baekhyun. Yun nga lang naiwan pa ang kaibigan sa ospital at ididischarge pa bukas.
Pagod na pagod si Kyungsoo. Humiga siya at niyakap ang unan.
Ang daming nangyari, ang dami niyang natuklasan. Ganito na pala talaga kapanget ang mundo. Hindi lang pala ang buhay niya ang panget kundi ang mundo ring kinabibilangan niya.
Liban na lang kay Jongin.
At naiyak siya.
Ngayon lang naipon ang takot, sakit at lungkot sa dibdib niya. Umiyak siya sa kanyang unan dahil sa naranasan. Niyakap niya bigla ang sarili at umiyak nang umiyak.
Sinisisi niya ang sarili. Sana hindi na lang siya pumunta sa okasyong iyon. Sana...sana...
Sana sumama na lang pala siya kay Jongin. Si Jongin na napakabait, maginoo at maalagain sa kanya. Si Jongin na ibang-iba sa lahat ng lalaking nakasalimuha niya.
Si Jongin, na miss na miss niya.
At sa pag-isip niya kay Jongin, nakalma siya at napapikit. Humigpit ang yakap nya-
sa unan at inisip na lang ang mga magagandang alaala niya kasama si Jongin. Iyon ang nagpatulog sa kanya.
Pero hinahabol pa rin siya ng masamang karanasan sa pagtulog at siya ay nagpatuloy pa rin sa pag-iyak.
Lunes. Mabilis kumalat ang balita na kick-out na si Kris Wu at-
ang mga kasamahan nitong nagtangkang may masamang gawin kay Kyungsoo. Hindi rin nakaligtas ang isang lalaki na si Dowon, ang lalaking wala nga sa pangyayari pero kasama sa gc ng grupo--ang lalaking nakuhanan ng impormasyon ni Baek sa masamang balak nila kay Kyungsoo.
Napatawag si Kyungsoo ng dean kahit na wala siyang klase ng Lunes na iyon.
Wala siyang nagawa kundi ang pumasok kahit ayaw niya. Pinagtitinginan din siya ng karamihan na ayaw na ayaw niya pero nadala pa rin naman niya ang sarili sa opisina ng Dean para sa-
karagdagang katanungan sa nangyari at paghihingi rin sa kanya ng paumanhin.
Paglabas niya ng opisina, nandun si Junmyeon na nakaabang sa kanya.
"H-Hi," kabadong bati ng lalaki sa kanya kahit SC President naman ito at siya, di hamak lang naman siyang estudyante.
"Hello."
Tumabi sila para makapag-usap.
"Ok ka na ba?" Tanong ng lalaki sa kanya.
Tumango siya. "Medyo. Salamat ulit kahapon. Salamat talaga."
"Di ko aakalain na gagawin din ni Kris yung ganung bagay, pero hayaan mo, bad record na to sa kanya. Mahihirapan na siya for sure makahanap ng-
school na papasukan."
"Mayaman na sila e, so ewan. Pera pera lam mo naman."
Hindi na sumagot si Junmyeon tungkol dun. "Basta, mag-iingat ka lagi ah?"
"Oo naman. Ayoko na rin maulit yung ganun. Nadamay pa si Baekhyun sa akin." Naiiyak na naman siya at mabilis kinuha ang panyo.
Pinunas niya iyon sa kanyang mga luha. "Nubayan umiiyak na naman ako. Sorry. Di bale kakarmahin sila buong buhay nila." Suminghot si Kyungsoo. "Tsaka, Junmyeon, di na sila makaka-attend ng school talaga dahil ipapakulong ko silang lahat. Sige, alis na ako."
Habang papalayo si Kyungsoo, tiningnan lang siya ni Junmyeon at napabuntong-hininga.
Hindi na niya rin hahayaang may mambastos pa muli sa nagugustuhan niya--si Kyungsoo.
Nakaabang si Jongin sa terminal para kay Kyungsoo.
Wala na ang ML Boys dahil may mga kanya-kanya nang-
trabaho. Salesman si Sehun sa Ace Hardware sa SM, delivery boy naman si Taeyong ng LBC at crew naman si Taemin ng Jollibee.
"Ang tagal ata ni Kyungsoo ngayon ah? Nu oras na oh?" Sabi ni Chanyeol sa kanya.
Nakaabang pa rin si Jongin kahit palubog na ang araw.
Pero wala pa rin si Kyungsoo.
Hanggang sa mag-alas otso, wala pa rin ang dalaga.
Naka-limang balik na si Chanyeol pero nandun pa rin si Jongin sa terminal.
"Pre, tinext mo ba? Baka hindi naman kasi pumasok."
"Di siya sumasagot e, uwi na lang muna ako."
"Ge, pag dumating-
sabihan kita."
"Ge, salamat pre!"
Habang papauwi, may gumugulo sa isip ni Jongin. May masama siyang kutob pero ayaw na niyang isipin. Hiling lang niya ay sana ok si Kyungsoo.
Bago makaalis si Kyungsoo ng building, laking gulat niya nang makita ang nanay niya.
"Mom..."
Seryoso ang tingin nito sa kanya at alam niyang alam na ng nanay niya ang nangyari.
Pumasok ito sa kotse at pumasok na rin si Kyungsoo sa loob. Walang nagsasalita.
Nahilo si Kyungsoo sa mga sumunod na nangyari, sinampahan ng kaso ng nanay niya ang mga lalaking nagpahamak-
sa kanya. Hilong-hilo na si Kyungsoo sa mga nangyayari. Gusto na niyang umuwi. Gusto na lang niya matulog habambuhay. Gusto niyang pumunta kay Jongin.
Gusto niya sa piling ni Jongin.
Ayaw na niya rito. Nasasakal na siya.
Naiiyak na siya pero hindi niya magawa sa harap ng-
nanay niya.
Pagkauwi, dun na siya nag-umpisang umiyak.
"Ayan! Ayan ang sinasabi ko eh! Wala kang mapapala sa labas. Tingnan mo tuloy yang nnagyari sayo. Muntik ka ng ma-rape! Hindi ka kasi nakikinig sa akin eh! Kyungsoo, don't you understand what I always tell you!?"
Umiiyak lang si Kyungsoo sa harap ng nanay niya.
"Do I have to repeat it myself? You're better off here than outside! Simula ngayon, hinding-hindi ka na makakalabas. Let me have your phone."
"Nawala k-ko na po."
"Better. You stay here in this house, Kyungsoo. Hindi ka na bata-
para pinagsasabihan ng paulit-ulit."
Pumitik na si Kyungsoo. "Yun na nga ang problema! Hindi na nga ako bata pero kinukulong niyo ako!"
"You better shut up, Soo. Kung hindi ka nawili sa labas hindi ka mumuntikang ma-rape! Swerte ka pa at may nakakita sayo dahil kung hindi baka-
tinapon ka na kung saan!? Kung lumabas ka, pano kung maulit ulit ha!? I'm just protecting you--"
"Nooo!! Hindi, Mom! You're not protecting me! Nasasakal na ako--"
"Kyungsoo, makinig ka naman! Have respect! I'm doing this for your own good-"
"Mom--"
"No, Kyungsoo. From now on-
dito ka lang sa bahay. Alam kong tumatakas ka lagi. I know, but I let you off para matuto ka in case something bad happens to you and it did. And yet gusto mo pa rin lumabas. But you can't now. If you do, tototohanin kong papalitan ang mga yaya natin dito sa bahay. Do you want-
that? Besides, kasalanan din nila to eh. Kung di ka nila hinayaang makalabas walang mangyayari sayong masama."
Natakot ang mga yaya na nakikinig sa kanila.
Ayaw din naman ni Kyungsoo mawalan ng trabaho ang mga yaya dahil sa pagiging pasaway niya. Wala na siyang nagawa.
"Tol, di na ata nag-tritricycle si Kyungsoo mo. Di na siya nagagawi dito. Wala ka pa rin ba balita?"
Panglimang araw na ni Jongin na hinihintay si Kyungsoo sa terminal pero wala. Sinubukan na rin niyang tawagan ang dalaga pero laging out of coverage.
"Wala." Tipid niyang-
sagot. Nitong mga araw na hindi nakikita si Kyungsoo, punung-puno ng mga negatibong bagay ang kanyang isipan.
Pano kung may sakit pala si Kyungsoo at naospital? Pano kung ganito ganyan? P-Pano kung...may nahanap na pala na iba ang dalaga...
Pero nilabanan niya ang sarili sa-
pag-iisip ng mga ganung bagay.
"Tuloy pa ba yung harana?" Tanong pa ulit ni Chanyeol sa kanya.
Hindi alam ni Jongin ang isasagot sa kaibigan. "Ituloy ko pa ba?"
"Pre, kung di siya nagpapakita ng ganito, malamang may nangyari kaya payo ko wag muna. Baka ma-bad timing ka lang."
Dahil hindi pa rin dumating si Kyungsoo, ipagliliban na muna talaga ni Jongin ang panghaharana sa dalaga.
'Asan ka na ba, Kyungsoo?'
Hindi na ganun ka-bibo si Jongin sa palengke na napansin naman ng karamihan.
"Pre, ayos ka lang ba? Basted ba? Ganun talaga yan. Masakit."
"Oh, Jongin, bakit parang nalugi na ang itsura mo? Dahil ba sa nililigawan mo yan?"
Jongin, Jongin, Jongin bakit ganito ganyan?
Napa-hay na lang si Jongin sa mga sinasabi sa kanya ng karamihan. Pero mas tumatak ata ang sinabi ng isang tindera.
"Nako, hijo, baka pinapaasa ka-
lang niyan. Tigilan mo na hangga't maaga pa."
Pinapaasa? Pano kung ganun nga lang pala?
Siguro naman kung totoong may malasakit si Kyungsoo sa nararamdaman niya, gagawa naman siguro siya ng paraan para sabihin ang totoo hindi ba?
Kaso isang linggo na. Isang linggong wala siya.
Nagtipon-tipon ang barkada sa bahay ni Jongin.
Buhay na buhay na ang bagong tanim ng mga kapatid na gumamela.
Wala ang magkapatid dahil nasa bahay sila ng isang kaibigan.
"Wala nang harana mamaya??" Tanong ni Sehun.
Umiling si Jongin. "Ayoko rin naman na basta-basta na lang-
pumunta sa kanila. Pano kung wala pala dun si Kyungsoo? Pano kung ayaw na pala niya ako makita? P-Pano kung..."
"Pinapaasa ka lang pala niya?" Dugtong bigla ni Taeyong at nagtinginan ang lahat sa kanya. "O, bakit? Mali ba sinabi ko? Baka lang naman mga pre."
"Lam mo, may punto-
ka. Pano pala kung ganun no? Real talk lang naman alam mo yung mga magaganda paasa rin yan minsan eh." Dagdag ni Taemin.
"Maaari," sang-ayon naman ni Chanyeol. "Maari ding hindi kasi hinahatid ko yan sa bahay, lagi naman masaya si Kyungsoo." Nagkibit-balikat si Chanyeol.
"Ako di ko alam ano sasabihin." Sabi ni Sehun na naparolyo na ng mga mata. "Di kami close kaya di ko majudge."
Tila may tumusok naman na pako sa puso ni Jongin. Hindi niya alam. Hindi na talaga niya alam. Wala lang ba talaga lahat kay Kyungsoo ang nangyari?
O baka nag-ooverthink lang siya? May halaga ba talaga siya kay Kyungsoo? Ni ultimo isang text kahit tuldok na paramdam wala lang?
Ano na?
Miyerkules. Pang-walong araw na walang balita si Jongin sa dalaga. Hindi na niya maiwasang isipin na baka nga pinaasa lang talaga siya.
Sinong mayaman ba naman kasi ang papatol sa isang tulad niya, di ba?
Pakitang tao lang ba talaga lahat ni Kyungsoo?
Hindi.
May nag-hihindi rin sa isip ni Jongin at siya na mismo ang tutuklas ng katotohanan. Pupuntahan niya ang dalaga. Bahala na ano ang kahihinatnan.
Hindi pinapasok ng nanay niya si Kyungsoo ng dalawang linggo. Homeschooled muna ang dalaga na pinakiusapan ng nanay niya sa dean ng college ni Kyungsoo.
Walang gana si Kyungsoo mag-aral. Kung may pinapagawa man, hindi na niya iyon ineeffortan, bagkus, ginoogoogle na lang niya.
Sa ilang araw na di pumapasok, katuwang lang din niya ang maliit na paso ng sampaguita sa bintana niya na madalas niyang kausap bukod kay Baekhyun na magaling na at nakachat na rin niya kanina lang.
Request niya sa yaya na kunan siya ng halamang sampaguita at hindi naman siya-
binigo nito.
Kachat niya kasalukuyan si Baekhyun.
DKS: sawang-sawa na ako dito baks :( okay naman na ba mukha mo?"
BBH: medj ok naman takip takip lang ng make up danda ko na ulit kelan ka pa papasok ha? yang dragong nanay mo talaga
DKS: ewan ko. gusto ko tumakas baks
BBH: san ka naman pupunta??
DKS: kay jongin
BBH: gusto mo talaga siya?
DKS: lam mo ba na happy crush ko si junmyeon?
BBH: SERIOUSLY???
DKS: yuuh, pero mas crush ko na si jongin ngayon. di lang crush baks, gusto ko siya
BBH: sorry ulit sa sinabi ko sa knya before :(
DKS: tangeks kalimutan na natin yun
BBH: lam mo baks pwede ko naman siya imeet if ever. sabihan ko siya anyare sayo. baka nag-aalala na yun sayo
DKS: di ko pa nga din pala nasasauli damit ng kapatid niya hay
BBH: sabihin mo lang pupuntahan ko siya sa terminal
DKS: pag-iisipan ko muna, baek
BBH: bakit pa?
DKS: osige na nga! puntahan mo siya. sabihin mo lhat lhat at sabihin mo na miss na miss ko na sya
BBH: ok i will!
BBH: tinamaan k tlga no?
DKS: san?
BBH: sa kanya
DKS: oo, nagpapaligaw na nga ako
BBH: k support kita dyan!
Pumunta si Jongin sa village ni Kyungsoo. Hindi niya alam ang daan pero nagsumikap siyang hanapin ito.
Nang makita ang isang bahay na pamilyar at malakas ang kutob na iyon ang tinitirhan ni Kyungsoo, lumapit siya roon at pinindot ang doorbell.
Naghintay siya.
Isang yaya ang lumabas. "Ano ho yun?"
"Uh, andyan po ba si Kyungsoo?"
Medyo nagsalubong ang kilay ng yaya habang tinitingnan siya mula ulo hanggang paa. "Wala. Wala siya dito."
Nawalan ng sigla si Jongin. "Pwede po ba malaman kung asan siya?"
"Sensya na pero di namin pwede-
sabihin."
Naintindihan nman iyon ni Jongin at napatingala na lng sa bahay na may lungkot sa mga mata.
Umalis na siya ulit.
Samantala, sa mga minutong iyon, abala si Kyungsoo sa pagpapaligo kina Meokmul at Hoochoo na panay sinasabihan niya ng, "Miss ko na talaga si Jongin."
Malungkot pa rin si Jongin.
Pero wala rin siyang karapatan madismaya na wala man lang pasabi si Kyungsoo sa kanya dahil una sa lahat, wala namang sila.
Naglaba na lang si Jongin ng mga damit nila ng hapong iyon.
Ngunit, sa di inaasahan, dumating si Chanyeol.
"Pre?? Jongin??"
Tumigil si Jongin sa paglalaba at nang lapitan si Chanyeol, isang pamilyar na lalaki ang nasa likod nito.
Ang kaibigan ni Kyungsoo.
"Hinahanap ka. Importante daw. Hinatid ko na dito."
"S-Salamat, pre."
"Geh," Lumingon si Chanyeol kay Baekhyun, tumango at naghintay muna sa-
tricycle.
Tiningnan maigi ni Jongin ang lalaki na tila nanggaling sa pambubugbog.
"H-Hi, Baekhyun pala. Friend ni Kyungsoo." Dinaan ng mga mata nito ang palibot ng bahay ni Jongin.
"Kuya, andyan si Ate Kyungs--" Salubong ni Jihee pero umiling si Jongin at bumalik sa loob ang-
kapatid.
"Close na rin pala mga kapatid mo kay Soo, no?"
Tiniklop ni Jongin ang malalaking braso sa dibdib. "Ano pala ang gusto mong sabihin?"
Tumingala si Baekhyun sa kanya. "Palagay ko naman nagtataka kung bakit wala si Kyungsoo nitong mga araw."
Kinabahan si Jongin.
"Oo, pero pumunta ako sa kanila kanina ang sabi ng yaya sa akin wala daw siya doon."
Umiling si Baekhyun. "Mali yung sinabi sayo. Nandun si Kyungsoo."
Nagulat si Jongin sa impormasyong ito. "Pero..."
"Ito kasi ang nangyari..." Kwinento ni Baekhyun ang lahat, walang labis-
walang kulang, buong-buo.
Habang nakikinig si Jongin, para ring dinudurog ang kanyang puso. Naiinis siya. Naiinis siya sa mga taong pumahamak kay Kyungsoo at sa nanay nito. Madalas sabihin ni Kyungsoo sa kanya na ayaw niya sa buhay niya dahil sa pagkokontrol sa kanya ng mga-
magulang, pero bakit kung kelan siya pa ang biktima, siya pa ang may kasalanan kung bakit kamuntikan na siyang ma-rape?
Inis na inis si Jongin.
Samantala, naiintindihan na ngayon ni Baekhyun na bakit sa lahat pa ng lalaking nagkakagusto kay Kyungsoo, si Jongin pa.
Ramdam nya-
kung bakit.
"Pinapasabi rin pala niya na miss na miss ka na niya." Ngisi ni Baekhyun sa kanya.
Dun na naluha si Jongin na hindi inasahan ni Baekhyun.
Ibang-iba nga si Jongin sa kanila.
Suminghot ang binata. "Sensya na, pwede bang maghintay ka, may ibibigay ako sa kanya?"
Tatlong katok, bukas ng pinto.
"Ma'am?" Silip ng yaya habang nanonood na lang ng Netflix at kumakain ng popcorn si Kyungsoo kasama ang mga aso niya.
Nilingon ng dalaga ang yaya. "Hm?"
Lumapit ito sa kanya at may iniabot na sobre. "Ano to?"
"Dumaan po si Sir Baekhyun-
kanina dito, nagpupumilit po na ibigay yan sa inyo."
"Yaya, di ba bawal 'to?"
"Naku, Ma'am alam ko pero mapilit po talaga ang kaibigan niyo."
Ngumiti si Kyungsoo. "Wag ka mag-alala yaya, secret natin to!"
Pagkaalis ng yaya, chineck ni Kyungsoo ang chatbox nila ni Baekhyun.
BBH: mission accomplished
BBH: and baks, i approve sa kanya. if you need help i'll alwayz be here
DKS: love you
Marahang binuksan ni Kyungsoo ang sobre.
Pagkahila sa papel na tinuping intermediate pad at buklatin, sulat kamay ni Jongin ang bumulaga sa kanya.
Kyungsoo,
Pasensya na hanggang sulat lang ang kaya ko para makausap ka. Sabi ni Baekhyun pwede naman daw sa fb kaso nakalimutan ko password ko dun tsaka wala din ako pangrenta sa comp shop. Pasensya na talaga.
Nakwento lahat ng kaibigan mo sa akin ang nangyari sayo.
Malungkot ako nung nalaman ko yun. Pero hiling ko na magdusa sana ang mga taong yun buong buhay nila. Ngayon alam ko na rin kung ba't di ka nakareply sa text ko. Pasensya na, Kyungsoo na medyo nadismaya ako. Pero alam ko na ngayon. Miss na miss lang talaga kasi kita. Alam mo ba-
may tanim na kaming gumamela sa bahay. Pag pumunta ka dito, makikita mo ang namumukadkad nilang mga bulaklak. Friends na sila ng sampaguita :) Sana napangiti kita.
Wag ka na malungkot ah? Liligawan pa rin kita ah? Miss na miss na kita. Maghihintay ako, Kyungsoo.
Jongin
Naluluha na natatawa si Kyungsoo habang binabasa ang sulat ni Jongin sa kanya. Ang old school pero kinilig siya at napagtanto niya na mas gusto nya ito kesa magtext at magchat sila.
Sa pinaka-ilalim ng papel ay may nakasulat pa:
'Magmula ngayon, araw-araw muna kitang susulatan'
Matapos basahin ni Kyungsoo ang sulat habang lumuluha, tinigil muna niya ang panonood ng Netflix at naghanap ng stationery paper sa kanyang supplies cabinet.
Sinundan siya ng dalawang aso at nang makakita ng papel na natipuhan, dumapa siya sa kama kasama ang mga alaga at-
nagsulat ng sagot para kay Jongin.
Matapos magsulat, bumaba siya at hinanap ang yaya na kinuntsaba ni Baekhyun. Sinusundan pa rin siya ng mga aso.
"Yaya," hinila niya ang yaya sa isang sulok at napapahid siya sa kanyang mga luha.
Kinuha niya ang kamay ng yaya at pinatong roon-
ang nakasobreng sulat niya para kay Jongin.
"Yaya, kailangan ko talaga ng tulong niyo. Please. Araw-araw pagkaalis ni Mom lagi, pupunta dito si Baekhyun para kunin yung sulat, okay? Tapos alas kwatro, pupunta dito si Baek para magbigay pa ulit ng sulat, okay? Please? Yaya?"
Dahil sa maamo at nagsusumamong mukha ni Kyungsoo, napapayag din niya ang yaya.
"Sige na nga po, Ma'am."
"Thank you. Don't worry, hindi tayo papahuli kay Mom, hm?" ngiti niya sa yaya bago madaling umakyat muli sa kanyang kwarto at i-chat si Baekhyun tungkol sa kanyang plano.
Success ang unang araw ng pagbigay ng yaya kay Baekhyun ng sulat.
Malapad ang ngiti ni Kyungsoo nang malaman yun at hindi na siya makaantay pa sa sagot ni Jongin.
Samantala, dahil rin sa sinabi ni Baekhyun sa kanya na walang duda na sasagot si Kyungsoo sa kanyang sulat,
ngayon, imbis na si Kyungsoo ang hinihintay sa terminal, ngayon, si Baekhyun na.
At gaya ng inaasahan, isang sobre ang iniabot sa kanya ni Baekhyun.
"Salamat." Ngiting-ngiti niyang tinanggap ang pink na sobre na mabango rin ang amoy.
Nag-abot ulit ng sulat si Jongin. "Ito ang-
akin. Salamat, B-Baekhyun ah?"
Ngumiti pabalik si Baekhyun habang wagayway ang sobre ni Jongin. "Wala yun. Bukas ulit."
Tumango si Jongin at nagpaalam na kay Baekhyun bago tingnan ang pastel pink na sobre.
Agad siyang umuwi para mabasa ang sulat sa kanya ni Kyungsoo.
Dear Jongin,
Una sa lahat sorry dahil hindi na kita nasisipot. Pasensya na kung hindi man lang kita nasabihan o kung ano. Pero maraming salamat sa pag-intindi sa nangyari sa akin.
Hindi ko talaga alam kung pano ko papahabain ang sulat na 'to kasi yung first paragraph at..
teka sasabihin ko ba? Nakakahiya pero ayun na nga, gusto kong sabihin na miss na miss na kita. Ay, kaya ko pala pahabain ang sulat na 'to.
May tanim na akong sampaguita. Nasa maliit na paso dito sa bintana ko sa kwarto. Madalas kausap ko kapag tulog na ang lahat sa gabi-
Amoy sampaguita na nga rin itong kwarto ko. Napagalitan nga ako ng nanay ko nung pumasok siya sa kwarto ko. Amoy simbahan daw kwarto ko. Pero di naman niya tinangkaang itapon. Subukan lang niya talaga aalis na ako dito at magpapakalayo.
Ingat ka lagi, Jongin. Di na rin ako-
makapaghintay pa na makita kang muli at ang bago niyong tanim na gumamela. Nga pala, yung damit ng kapatid mo papabigay ko na lang kay Baekhyun ah? Nalabhan na yan.
Muli, lagi kang mag-iingat at wag ka masyado papapagod sa kakatrabaho. Relax relax ka din. Yaan mo sa susunod na-
magkita tayo kakantahan kita. Exclusive para sa mga tenga mo lang. Oo, Jongin, may permiso ka pa rin na ligawan mo ko :) ikaw lang. At hindi na ako malulungkot dahil makakausap na ulit kita sa paraang pasulat. Mas masaya pala ang ganito.
Kyungsoo
P.S. Sorry dahil pinaghintay ulit kita ng matagal. Dami ko na atraso sayo. Magpapatuloy lang din ako sa pagsusulat para sayo.
Matapos basahin ang sulat ng dalaga, heto na naman ang mga luha ni Jongin.
Sumisinghot siya na napangiti ng sobra sa nilalaman na sulat ni Kyungsoo.
Naungkat pa ulit ni Kyungsoo ang insidente sa 7 eleven na ikinatawa na lang niya talaga at heto na naman na walong araw siyang walang balita sa dalaga.
Pero ngayon, malayo man sila sa isa't-isa, napagpapalapit pa rin sa pamamagitan ng papel at panulat.
Agad siyang nagpunas ng-
luha at mabilis na pumunta sa may sala nila kung saan nanonood ang mga kapatid ng T.V.
"Jihee, Jihye, m-may stationery paper ba kayo?"
Naging routine na nila Jongin at Kyungsoo ang magsulatan. Nasauli na ang damit ng kapatid at ang mga sulat ng isa't-isa ang nagiging highlight-
nila sa araw-araw. Kala mo kung sinong nanalo sa Lotto kung makatanggap ng sobre ang dalawa.
Ang isang papel nila naging dalawa na. Isang beses pa umabot ng pito ang kay Jongin. Medyo naguilty din si Jongin na naubos niya ang stationery na tinatago ng mga kapatid. Nabiro pa siya
ni Kyungsoo na, 'Sana yellow paper na lang ginamit mo.' Sagot naman ni Jongin, 'Syempre nagpapa-plus points sayo. Cute nga ng stationery kasing cute mo'
May mga araw din na hinaing nila sa araw ang laman ng sulat gaya ng isang beses na ninakawan si Jongin sa daan, nakuha ang-
sinuweldo niyang dalawang libo sa isang part time dahil sa masyadong kabaitan niya. Di niya alam nabudul-budol na pala siya. Samantalang kay Kyungsoo, nagtalo ulit sila ng kanyang nanay patungkol naman sa kanyang pag-aaral, kesyo 'hindi kita pinag-homeschooled ng dalawang linggo-
para lang chumill-chill ka lang dito sa bahay'
Marami silang hinaing, marami ring hinihiling, pero ang sandigan nila sa mga ganitong pagkakataon ay ang bawat isa.
Nasa terminal si Jongin, nakaabang. Pumasok na si Kyungsoo sa eskwela at magkikita na muli sila ng iniirog.
Pero, naka-kotse na ngayon si Kyungsoo.
At dahil pasaway na tunay ang dalaga, bumaba ito sa sasakyan sa di kalayuan na hindi tanaw ni Jongin dahil sa mga nakaharang na nagtitinda ng kung anu-ano sa gilid.
"Manong, uwi na kayo, maya na po ako."
"Ma'am, baka po mapagalitan ako-
ng mommy niyo."
"Kuya, ngayon lang. Promise. Please??" Dikit ng dalawang palad ni Kyungsoo bilang pagmamakaawa na sinabayan pa niya ng pagnguso kahit ayaw na ayaw niyang nagpapa-cute.
Nag-ccringe na siya sa sarili habang ginagawa yun.
Napapayag din naman niya ang driver.
"Manong, bukas na bukas may pa j. co donuts ako sa inyo!"
Napakamot na lang si Manong sa likod ng tenga at umalis na.
Kumaway pa si Kyungsoo sa kotse habang papalayo. "Bye, Manong! Thank you!"
Nang matanto na tinitingnan siya ng mga tao, napangiwi siya sa sarili pero mabilis-
ding napangiti papunta sa terminal.
Pagkalingon ni Jongin sa bandang kaliwa, pagtama ng mata niya sa isang floral na pattern ng isang dress mula sa ibaba, habang papataas ang kanyang tingin, napatayo siya at humarap sa gawing iyon.
Nang paplapit na rin si Kyungsoo, nang makita-
niya ang isang pamilyar na pares ng tsinelas, tumingin siya papataas. May pagkabagal.
Huminto siya sa paglalakad.
Nang tumigil ang mga mata niya sa mukha ng lalaking miss na miss na niyang makasama at makita, isang malaking ngiti ang namukadkad sa kanyang magandang mukha.
May kapareha ring ngiti si Jongin sa babaeng miss na miss na nya ring makasama at makita.
Isang interseksyon na daan ang pumapagitan sa kanila na kahit dinadaanan ng mga tricycle, bisekleta at mga tao sa lansangan, sa mata ng bawat isa lang sila nakatuon.
"Jongin."
"Kyungsoo."
"Soo, dyan ka lang!" Tumingin si Jongin sa kaliwa at lumakad. Sinenyasan niya ng hinto ang paparating na motor at nang makatawid at makatayo kaharap si Kyungsoo, nagniningning lalo ang kanyang mga mata.
"Gwapo mo ah?" Ngisi ni Kyungsoo sa kanya, labi ay pormang puso.
Napahawi si Jongin sa buhok, ngiting-ngiti. "Kamusta ka?"
"Heto, ganun pa rin, pasaway pa rin." Bungisngis ni Kyungsoo na sinaluhan din ni Jongin.
Nagtitinginan lang sila sa isa't-isa, nahihiya pero sobrang saya.
"Nasan yung sundo mo?"
"Pinauwi ko na. Kain na nga tayo!"
Yumakap si Kyungsoo sa braso ni Jongin at nahihiyang tinnaong. "Okay lang ba?"
Tumawa si Jongin at tinapik ang dalaga sa ulo. "Kung di mo ikakahiya sa dami ng tao dito, walang kaso."
"Wala akong pake sa kanila, sayo lang. Tara na nga." Tumawid ulit sila at pumunta na kay-
Minseok para bumili ng tusok-tusok.
Dahil napag-usapan nila na sa araw na balik eskwela si Kyungsoo, ngayon, naglalakad na sila papunta kina Jongin.
"Gets mo ba yung pasikot-sikot?" Request ni Kyungsoo kay Jongin na turuan siya ppunta sa bahay ng binata.
"Hm. Diretso-
Pangatlong intersection, papasok ulit tapos diretso ulit tapos kanan dito malapit sa bakery tas diretso, tas eto, dito na tayo." Lahad ni Kyungsoo nang perpekto.
Natuwa si Jongin at napasubo ulit ng fishball na binili. Nasa iisang plastic cup lang ang fishball nila dahil sabi-
ni Kyungsoo, marami nang namamatay na balyena aa dagat dahil sa plastic.
"Wag ka lang pupunta dito ng gabi ah? Baka mapano ka." Biglang naging seryoso si Jongin, inaalala ang kwento ni Baekhyun sa sinapit ng dalaga. "Lagi ka mag-iingat." Diin pa niya habang nakatitig sa babae.
Tumango si Kyungsoo at sinandal ang sarili sa gilid ni Jongin habang papalapit sila sa bahay ng mga Kim.
"Wow, ang ganda nga ng tanim niyong gumamela!" Ngiti ni Kyungsoo at nilapitan ang halaman at kinausap. "Mamulaklak pa kayo."
Natatawa lang si Jongin habang hawak ang-
plastic cup.
"Jongin, picture-an mo nga ako." Hinablot din bigla ni Kyungsoo ang plastic cup kay Jongin at nag-posing sa tabi ng pulang gumamela.
Nakakunwaring susubo siya ng fishball.
"Teka, nasa loob cellphone ko."
"Kuyaa!! Andyan ka na pala!!" Paglingon ni Jihee sa-
may gumamela, nagulat siya nang makita si Kyungsoo. "Ate Kyungsoo!!" Tumakbo ito sa dalaga at nag-akapan sila.
Nakangiti naman si Jongin sa kanila at pumasok para kunin ang cellphone niya.
Dumaan si Jihye, "Andyan si Ate Kyungsoo!?"
Tumango si Jongin at maya-maya, narinig niya
ang sumunod na kapatid na napasigaw sa pangalan ni Kyungsoo.
Ang tatlong babae ay nagyayakapan sa labas.
"Ate! Miss ka na namin!"
Tuwang-tuwa naman si Kyungsoo makita muli ang mga kapatid ni Jongin. Kumalas sila sa yakap.
"Ako rin. Pasensya na dahil may nangyari kasi."
"Ok lang po yun, Ate."
Bumalik na si Jongin. "Okay na, Soo." Tinapat na ni Jongin ang camera kay Kyungsoo.
"Kuya, picture-an mo kami??"
Ngumisi si Kyungsoo at hinila ang dalawa sa magkabila niyang gilid. "Sige picture din tayo."
"Okay, 1, 2, 3.."
Snap.
"Kuya, kayo namang dalawa ni Ate! Dali, dali!" Kinuha ni Jihye ang cellphone sa Kuya habang si Jihee ay tinulak si Jongin sa tabi ng dalaga.
"Yan! Kuya, ang layo mo naman! Akbayan mo naman si Ate!" Udyok ni Jihee sa Kuya niyang nahihiya dahil ito ang magiging first picture-
nilang dlawa ni Kyungsoo.
"Okay lang ba?" Panghihingi ng permiso ni Jongin sa dalaga.
Ngumiti si Kyungsoo at sya pa mismo ang naglagay ng braso ni Jongin, hindi sa balikat niya, kundi sa beywang niya.
Magkalapit ang kanilang mga ulo at pareho silang ngumiti nang malaki.
Snap.
Sa mga sumunod na araw, kahit exams ni Kyungsoo, sinisigurado pa rin ng dalawa na nakakapag-usap sila at nakakapagkita kahit saglit lang.
Ngayong huling araw ng exams ni Kyungsoo, nagsinungaling ito sa driver na may group project pa siyang pupuntahan kaya magpapasundo siya-
ng alas-otso ng gabi. Magkikita kase sila ni Jongin sa school.
Nitong mga nagdaang-araw rin, tuwing nakakasalubong niya si Junmyeon, parati niya itong nginingitian at kinakawayan. Malaki kasi ang utang na loob niya sa ka-eskwela at ganun din si Junmyeon sa kanya. Laging-
nangangamusta, sinasabihan siyang 'ingat!' at isang beses pa ay nayaya niyang kumain ng lunch, bilang ganti na rin sa pagligtas sa kanya sa araw ng kapahamakan.
Ngayon, excited na si Kyungsoo makita ulit si Jongin. Agad siyang umalis ng klase at nagmamadaling bumaba ng hagdan.
Si Baekhyun busy sa org pero alam ng kaibigan na may date si Kyungsoo ngayon.
Yun nga lang, sa pagmamadali, isang lalaki ang nakabangga niya. "Sorry, sorry--" pagtingala niya, si Junmyeon iyon. "Uy, ikaw pala yan!"
Nakakasilaw ang ngiti ni Junmyeon. "Ingat ka, mamaya-
matapilok ka." Ngisi ng gwapong lalaki.
Napaipit ng buhok si Kyungsoo sa likod ng tenga. "Oo nga eh, sensya na."
"Bakit ka kasi nagmamadali? May nanggugulo na naman ba sayo?" Tinanaw ni Junmyeon ang paakyat ng hagdan pero wala rin namang nagmamadaling mahabol si Kyungsoo.
"Naku, wala. Takot sila lahat sa akin no. Si Kris lang naman yung hindi nakakaintindi ng 'Hindi' at 'Ayaw', buti na lang wala na siya dito."
Natawa si Junmyeon pero sumang-ayon rin sa sinabi ni Kyungsoo.
Natameme ang dalaga sa kagwapuhang taglay ng lalaking kaharap.
Napakurap na lang si Kyungsoo. Siguro kung dati 'to nangyari, malamang nagdidiwang siya sa tuwa, pero iba na ngayon.
"Oo nga pala, Ice Princess ka ng campus. O sya, o sya, basta wag magmadali lalo na sa pagbaba sa hagdan."
Ngumiti lang si Kyungsoo at umayos na sa paglalakad.
Samantala, pinanood lang na muna siya ni Junmyeon at napangiti rin bago umakyat ng hagdan.
"Jongiiiin!!" Tumakbo na naman si Kyungsoo.
Nasa labas na ng gate ng eskwelahan si Jongin na agad lumingon sa gawi ng dalaga.
Malaki ang ngiti sa mukha niya.
Gaya ng nakagawian-
yumakap ulit si Kyungsoo sa braso ng binata.
"Tara, gutom na ako. Hirap ng exam." Sila'y lumakad na.
Inayos ni Jongin ang nagulong buhok ni Kyungsoo. "Hndi mo ba nareview?"
"Nareview, kaso nakkapagod mag-isip."
Natawa si Jongin. "Pero pag ako iniisip mo, di ka ba napapagod?"
Kaso may bumusina na sasakyan kaya hindi narinig ni Kyungsoo ang sinabi ni Jongin.
"Ha? Ano ulit?"
Ngumuso si Jongin. Pagkapula ng ilaw, tumawid na sila.
"W-Wala. Sabi ko sigurado naman ako mataas pa rin grade mo."
Pagkatawid, napansin ni Jongin na nakatingala si Kyungsoo sa-
kanya at napataas ng kilay. "Sinungaling, narinig ko sinabi mo." Bungisngis ni Kyungsoo dahil naloko niya ang binata.
"Huh? Sabi mo di mo narinig?"
Si Kyungsoo bumubulong naman ng mahina, "Kelan ba ako napagod kakaisip sayo? Wala naman."
"Nu binubulong mo dyan?"
Malas lang ni Jongin dahil di niya talaga narinig si Kyungsoo.
Bumelat sa kanya si Kyungsoo. "Ba't ko sasabihin? Ano ba makukuha ko sayo?"
Sasagot sana si Jongin ng "Ako" kaso biglang pumara ng jeep si Kyungsoo at sumakay na sila papuntang SM.
Sa kamalasan nga lang-
isa lang ang libreng upuan sa loob.
"Sige na, sasabit na lang ako."
Ngumuso si Kyungsoo dahil di niya makakatabi si Jongin at isa pa, siksikan sa loob at yung katabi niya pang lalaki, kung umupo pangdalawahan.
Nilobo na lang ni Kyungsoo ang pisngi at nagbayad.
Pagdating sa SM, nakasimangot si Kyungsoo.
"O, bakit?"
"Ang sikip sa jeep."
"Para ka kasi nang para, ayan tuloy."
"E di sana bumaba na lang tayo!"
"E bakit di ka bumaba?"
"Kasalanan ko pa?"
Inunahan ni Kyungsoo maglakad si Jongin at syempre ang binata, hinabol ang dalaga.
"Uy, galit ka ba?"
Nakatikim si Jongin ng irap. "Ikaw kasi alam mo namang masikip ba't di mo pinara na lang?"
Ngumuso si Jongin, mukhang naiiyak na. "Uy, sorry na. Sorry, Soo. Akala ko naman kasi ok lang sayo. Di ko naman alam."
Naglakad ulit ang dalaga, tiklop ang mga braso.
Nagtataray pa rin si Kyungsoo pero gusto na niyang magpakawala ng tawa. "Sakit sakit ng pwet ko, di na nakaupo."
"Sorry na, sorry na talaga. Uy..." Sinundot-sundot naman ni Jongin ang braso ni Kyungsoo. "Nu, gusto mo? Bibilhan kita kahit ano."
Napalingon si Kyungsoo sa kanya.
"Talaga? Kahit ano?"
Mabilis na tumango si Jongin. "Promise, kahit ano."
Kunwaring nag-isip si Kyungsoo at tinaasan ulit ng kilay si Jongin. "Gusto ko ng--hm, wala!"
"Wala?"
"Wala. Lika na nga dito." Hinatak ni Kyungsoo si Jongin at naglibut-libot na sila sa buong mall.
Simple lang naman ang naging date nila, window shopping dito at doon. Pasok labas sa store na 'to, inom ng milktea, kain ng ice-cream, kain ng McDo fries, at ang pinaka-highlight sa lahat ay ang pumunta sila sa isang arcade para makapag-videoke.
Nasa isang maliit silang-
kwarto. Nasa gitna na si Kyungsoo at nakapamili na ng kanta.
Si Jongin, nakatitig lang naman sa dalaga at di na makapaghintay na marinig si Kyungsoo kumanta ng live--yun ang pangako ng dalaga sa kanya noong nagsusulatan pa lang sila.
"Close your eyes, give me your hand darling"
"Do you feel my heart beating, do you understand?"
Nakanganga si Jongin. Ayan na naman ang puso niyang talon nang talon habang pinapakinggan ang malamig na boses ni Kyungsoo sa pagkanta.
Tulala lang siya sa dalaga na ngayon ay nakaharap na sa knya at masaya siyang kinakantahan.
Kinuha nito bigla ang kamay niya at kinanta ang lirikong, "I don't wanna lose this feeling...ooohh"
At sa mga oras na yun, alam na ni Jongin nang buong-buo na mahal na niya ang babaeng ito.
Mahal na mahal.
Matapos ang kanilang date, kahit di pa naman tapos dahil magkasama-
pa rin sila, bumalik sila sa eakwelahan ni Kyungsoo dahil doon naghihintay ang sundo niya.
Bago pa tuluyang umalis si Kyungsoo, kinuha bigla ni Jongin ang kamay ng babae at hinawakan iyon nang marahan.
Madilim man, tanaw pa rin nila ang mukha ng bawat isa.
"Soo?"
(bg music: eternal flame instrumental )
"Ano yun?"
Tumingin sila sa isa't-isa. "G-Gusto ko lang sabihin na masayang-masaya ako ngayon. Ang galing galing mo kumanta. Nag-rereplay nga dito sa utak ko yung kanta mo kanina." Tawa pa niya, at ngiti.
Si Kyungsoo, natatawa din.
Natatawa sa kilig.
"S-Sa Sabado ba? Pwede ba kitang puntahan sa inyo? Sa gabi? Sunduin kita?"
"Hm...wala naman dun Mom ko so sige, pwede. Bakit pala? San tayo pupunta?"
"Uhm, pwede, surpresa ko na lang?"
"Sige, kaw bahala. Uh, sige, una na ako." Nagpaalam na si Kyungsoo sa-
binata pero tumigil din at kumaway. "Jongin! Pangako ko di kita iindianin sa Sabado!! See you!!" Magiliw na kaway ng dalaga sa kanya bago tumakbo sa sasakyan at sumakay na.
Pinanood ni Jongin ang tinted na sasakyan umalis at napahawak siya sa kanyang dibdib at ngumiti.
Araw ng Sabado, excited na muli si Kyungsoo sa pagkikita nila ni Jongin. Nakabihis siya, nakapagpabango at inaantay dumating ang alas-otso.
Pagsisinungaling niya sa mga yaya, pupunta lang siya kina Baekhyun at gagabihin.
Bumaba siya ng hagdan.
"Yaya--"
Pero isang tunog ng-
pagsara ng pinto ang narinig niya kasabay ng pag-klak klak ng sapatos ng nanay niya.
Nagulat si Kyungsoo sa pagbiglang uwi ng nanay niya mula sa Davao. Nakatakda itong bumalik ng Lunes pero bakit napaaga? At 15 minutes na lang at pupunta na dito si Jongin.
"Kyungsoo, bihis na-
bihis ka ata ngayon."
Sa likod ng kanyang ina ay may dalawang pigura pa na dumating. Isang babae at isang lalaki.
Lalong nanlaki ang mga mata ni Kyungsoo sa mga pangyayari.
"Anyway, anak, come down here."
Bumaba naman si Kyungsoo at hinarap ang mga bisita sa gabi.
"Anak, meet Mrs. Eloisa Kim and her youngest son. Tho, for sure kilala niyo naman na ang isa't-isa."
"Good evening po." Bati niya kay Mrs. Kim.
"Kamukhang-kamukha mo ang anak mo Luisa. Kay gandang dalaga. Buti na lang nasagip ka ng mga anak ko nung gabing yun, di ba, Myeon?"
Kung gulat na gulat si Kyungsoo na nasa pamamahay nila si Junmyeon, titig na titig naman si Junmyeon sa dalaga.
"Yes, Ma. Hi, Kyungsoo. By the way, you look beautiful tonight."
Nauubos na ang oras. "Salamat."
Nagpapanic na si Kyungsoo.
"I didn't know na anak mo pala ang-
sumagip sa anak ko, mare." Tawa ng kanyang ina at umupo sila sa may sala. Walang nagawa si Kyungsoo kundi ang sumunod, ngunit patingin-tingin siya sa orasan.
Magkatabi sila ni Junmyeon.
"Soo, itong Mom ni Junmyeon kaklase ko back in college. And we met kanina sa Starbucks."
Pumeke na lang ng ngiti si Kyungsoo at di na pinakinggan pa ang mga sumunod na kwento ng kanyang ina.
Hindi na siya mapakali.
"Okay ka lang?" Tanong sa kanya ni Junmyeon.
"Ha? O-oo, bakit naman hindi?""
Pero hindi.
Ilang minuto na lang, tyak parating na si Jongin.
Wala siyang cp. Di rin siya makakahingi ng tulong kay Baekhyun para pagsabihan si Jongin na huwag na tumuloy ngayong gabi dahil wala ang kaibigan sa kanila.
Wala na siyang takas. Wala na rin syang maisip pa na paraan para ibahin ang takbo ng gabi.
May tunog ng gitara sa labas.
"Pre, ayos porma ko ah?" Di mapakali si Jongin habang palakad na sila sa bahay ni Kyungsoo. May hawak din siyang bouquet ng bulaklak para sa nililigawan.
"Relax pre, gwapong-gwapo ka ngayon. Wag ka mabahala sa porma mo, ako na tong pinakagwapo sa ating lahat ang nagsasabi."
"Sehun, GGS ka talaga no?" Batok ni Taemin sa kanya.
"Aray, makabatok to. Ano ngayon kung GGS at least confident." Sagot ni Sehun bago ayusin muli ang sarili.
Si Chanyeol, pineperpekto pa rin ang tunog ng gitara. "Oy, kayo, lahat kakanta ah?"
"Oo naman, pre!" Sagot ni Taeyong-
bago umakbay kay Taemin at Sehun.
Si Jongin, tahimik pa rin, kinakabahan sa pinaplano niya ngayong gabi.
Para siyang naiihi na di niya maintindihan.
"Jongin, pre, halatang kinakabahan ka." Sabi ni Chanyeol sa kaibigan. "Relax, kaya mo 'to."
"Salamat, pre." Ngiti niya kaunti-
bago sinabihan ang sarili na 'kaya ko 'to'.
"Malapit na tayo." Anunsyo ni Chanyeol sa mga kaibigan na manghang-mangha sa malalaking bahay sa paligid.
Nang makarating sa harap ng bahay ni Kyungsoo, halos malaglag na ang puso ni Jongin sa kaba.
"Ito bahay niya? Wow, ang laki."
"Mayaman talaga chix mo, pre." Sabi ni Taemin. "May pool siguro sila sa loob."
"Jongin, senyasan mo lang ako kung okay na ah?" Handa na si Chanyeol patugtugin ang kanyang gitara.
Tumingin si Jongin sa bahay ng dalaga at ipinasangbahala na lang sa tadhana ang kahihinatnan.
Huminga siya nang malalim, umayos na ng pwesto ang mga kaibigan at tinanguan na si Chanyeol, bilang senyas ng pagsisimula.
Kinalabit ni Chanyeol ang kwerdas ng gitara.
Minamasdan kita
Nang hindi mo alam
Pinapangarap kong ikaw ay akin
Damang-dama ni Jongin ang pagkanta kasama-
ng mga kaibigan. Ang kantang Ngiti ay bagay na bagay sa kanila dahil ibinubuod nito ang panahong una niyang nakita si Kyungsoo at pinagmamasdan lang mula sa malayo noon.
Nagpatuloy sila sa pagkanta.
'Sa iyong ngiti ako'y nahuhumaling...'
Samantala, sa loob ng bahay ng mga Do, napuno ng pananabik si Kyungsoo sa naririnig.
"Ano yun? Yaya, pakitingin nga--"
Lumabas si Kyungsoo at ngiting-ngiti siya nang makita si Jongin at ang barkada nito sa labas na umaawit.
Nang makita ni Jongin lumabas ang dalaga, tumingkad-
ang kanyang ngiti at lalo pa niyang ginalingan ang pagkanta habang pinagmamasdan ang babaeng nagpatibok ng kanyang puso.
Nag-iba ang awit.
'Pag-ibig ko sayo'y totoo
Ni walang halong biro
Kaya sana'y paniwalaan mo
Ang pag-ibig kong ito'
https://youtu.be/RH3Gg14aFpI
Pakiramdam ni Kyungsoo okay ang lahat. Nawala sa isip niya ang nanay niya at ang mga bisita, ngayon, si Jongin lang ang tanging nakikita niya.
'Walang ibang mamahalin
Kundi ikaw lamang giliw
Kaya sana'y paniwalaan mo
Ang pag-ibig kung ito'
Tuwang-tuwa naman ang barkada ni-
Jongin dahil kitang-kita nila kay Kyungsoo na nag-eenjoy ito sa pahandog nilang harana.
"Pre, success!" Nag-apiran ang ML Boys
Sumenyas si Chanyeol para sa susunod na kanta.
Mula nang makilala ka, aking mahal
Di ako mapalagay
Sa kakaisip ko sayo
Lagi na lang ikaw ang alaala ko
Bakit labis kitang mahal
Ganda mo'y di ko malimutan
Bakit labis kitang mahal
Sumpa man, iniibig kita
Birit na birit sla at masayang-masaya na umaawit lalo na't napapatawa nila ang dalaga.
Yun nga lang, sa paglabas ni Mrs. Doh at ng dalawang bisita, humina ang kanilang pagkanta.
Nag-alala sila, pero si Chanyeol sumenyas na tumuloy lang kaya tinapos nila ang harana sa lirikong:
Minahal kita, hindi
lang dahil maganda ka
Minahal kita , hindi
rin dahil mahinhin ka
Minahal kita lalong
hindi dahil mayaman ka
Minahal kita sa taglay mong pambihira
Natapos ang harana, pero iba na ang ihip ng hangin.
Nanliit bigla si Jongin, lalo na nung lumitaw ang isang gwapo at eleganteng lalaki sa tabi ni Kyungsoo.
"Yaya, ba't di niyo sinabi sa akin na may nanliligaw sa isa sa inyo?" Tanong ni Mrs. Doh.
Umikot ang mga mata ni Kyungsoo sa tinanong ng ina at bumulong, "Hindi yan para sa kanila, para sa akin yan." Nilapitan niya sina Jongin at pinagbuksan ng gate.
"Kyungsoo! Anong ginagawa mo dyan!? Bumalik ka dito! Yaya paalisin niyo na nga yung nanliligaw sa inyo!"
Samantala-
hindi ito ang inaasahan ni Jongin. Ang inaasahan niya, matapos ang harana ay susunduin niya si Kyungsoo at dadalhin sa bukirin kung san nila makikita ang napakaraming mga alitaptap. Mag-iistargazing sila, mag-uusap ng kung anu-ano at dun na niya ito tatanungin kung pwede na ba-
niya ito maging girlfriend. Pero mapaglaro ang tadhana sa kanya.
"Bakit ba panay sabi ng gurang na yun na sa yaya tayo umaakyat ng ligaw? Kainis ah?" Reklamo ni Sehun sa tabi pero nang lumapit si Kyungsoo ay napangiti ang mga lalaki.
"Uhm, magandang gabi, Soo. Para sayo pala."
Iniabot ni Jongin ang mga bulaklak sa dalaga.
Masayang tinanggap iyon ni Kyungsoo kahit alam niyang bubungangaan na naman siya ng nanay niya mamaya. "Salamat." Nilapit niya ang mga bulaklak sa ilong at inamoy.
"Nandito pala nanay mo. Nanay mo yun di ba?"
"Nanay mo yun??"
"Sabihin ba naman na sa yaya niyo kami umaakyat ng ligaw. Tch." Irap ni Taemin sa nakatinging si Mrs. Do.
"Ganyan talaga nanay ko. Hayaan niyo na. Sensya na Jongin, di ko rin alam na uuwi siya ngayon."
"Hm. Ibig sabihin di kita mailalabas ngayon no?"
Umiling si Kyungsoo.
Naiintindihan naman ni Jongin ang sitwasyon ng dalaga. "May susunod pa naman. Sige na, Soo, pasok ka na."
"Kyungsoo! Pumasok ka na dito!" Tawag sa kanya ng nanay niya at napabuntong-hininga na lang siya.
"Jongin, kung ano man mangyari ngayon, susulatan kita hm?"
"Ano ba problema niya bakit galit na galit??" Tanong ni Sehun habang tinitingnan ang nanay ni Kyungsoo na nakikipag-usap sa isa pang babae na may katabing lalaki.
"Pre, kalma nanay pa rin yan ni Kyungsoo." Sabi naman ni Chanyeol sa kaibigan.
"Teka eto na yun? Tapos na?" Tanong-
ni Taemin.
May malungkot na ngiti sa labi ni Kyungsoo. "Pasensya na sa inyo-"
"Kyungsoo! Ang tagal tagal mo na dyan! Pumasok ka na rito! Yaya, paalisin nyo na ang mga lalaking yan!"
Lumapit na ang mga yaya sa knila. "Ma'am balik na po kayo sa loob. Mga, Sir, alis na po kayo."
Habang papaalis si Kyungsoo, nakalingon lang siya kay Jongin. Binigyan niya ito ng maliit na ngiti.
Hindi na nakapagsalita pa ang tropa ni Jongin dahil sa di inaasahang pangyayari.
Pagkapasok ni Kyungsoo sa loob, nagsitinginan ang tropa kay Jongin.
"Bakit ganun nanay nun?"
"Ayos ka lang ba, pre?" Tanong sa kanya ni Chanyeol.
Hindi sinagot ni Jongin ang tanong nang diretso. "Uwi na tayo." Lumakad na siya papalayo pero nang hindi sumunod ang barkada nilingon niya ang mga ito. "Uy, tara na!"
Nagtakbuhan ang mga kaibigan sa knya at umuwi na sila.
Umalis na ang mga bisita ilang minuto matapos ang harana.
Nasa kwarto si Kyungsoo, inaayos ang mga bulaklak na bigay sa kanya ni Jongin. Masaya siya, masayang masaya sa ginawang panghaharana ni Jongin sa kanya, pero--
Bumukas ang pinto. Pumasok ang kanyang ina.
"At kelan ka-
pa nililigawan ng lalaking yun?"
Hindi sumasagot si Kyungsoo.
"Kelan pa?" Pag-uulit ng ina.
"Matagal na."
"Siya ba ang dahilan kung bakit madalas kang tumatakas sa driver mo para lang sumakay ng tricycle? Siya ba ang dahilan ng pagiging pasaway mo??"
"Ma, tama na."
"Kyungsoo, di ka namin pinalaki ng ganito para lang pumatol ka sa tulad nila. Maawa ka naman sa sarili mo kung sa tricycle driver lang din ang bagsak mo!"
"Hindi siya tricycle driver, Ma."
"E, ano? Basurero? Magbobote? Ano? Di mo alam mamaya rapist din pala yang nilalandi mo!"
Dun na pumitik si Kyungsoo, sa salitang 'rapist'. Nilingon niya ang ina habang nagbabaga sa galit ang kanyang mukha.
"Ma, hindi siya rapist! Wag na huwag niyo po siyang tatawaging rapist dahil kailanman hindi niya ako binastos--"
"Sa umpisa lang yan. Dyan magagaling ang mga-
mahihirap na yan. Magpapakabait sayo, magpapaawa, at kapag nakuha na nila ang loob mo tsaka ka naman aabusuhin! Hindi mo yan alam, Kyungsoo! Hindi mo ba yan naiisip?? May mga taong mapanlinlang sa mundo! Bakit!? Kilala mo na ba siya ng lubusan ha? Huthutan ka rin ng pera ng-
lalaking yan dahil mayaman ka. Wag kang papasigurado sa mga nakikilala mo, Kyungsoo. Makinig ka naman!"
"Ma!?? Grabe naman kayo kung husgahan si Jongin! Hindi sya tulad ng iniisip mo! Ma, mabuting tao si Jongin kahit ganun lang siya. Kahit kargador lang siya, mabuti siyang tao."
"Anak, pinoprotektahan lang din kita. Hindi ako makakapayag na kung sinu-sino na lang ang nanliligaw sayo--"
"Ma, hindi niyo ako pinoprotektahan, Ma!" Umiiyak na si Kyungsoo. "Yan! Puro kayo pinoprotektahan ko lang kayo pero anong ginawa ni Kuya? Nilayasan tayo! Ma, tama na.-
Hindi na ako bata. Alam ko kung ano ang tama at hindi. M-Mahal ko si Jongin, Ma, kaya wag na wag niyo po siyang tatawaging rapist o manggagantso ng pera dahil hindi siya ganun! Hindi niyo po kase siya kilala kaya sinasabi niyo po yan at hinding-hindi niyo ako pinoprotektahan-
kung ganyan din po pala ang tingin niyo kay Jongin. Sinisiraan niyo siya sa akin, Ma. Kilala ko kasi siya, kayo hindi."
"Sige! Mahal mo yung dukhang yun!? Sige! Tingnan natin kung sino ang tama sa atin. Bahala ka! Landiin mo pa yun at makikita mo gagamitin ka din niya!"
Hinahapo na si Kyungsoo dhil sa pag-iyak. "Sige, Ma. Papatunayan ko sa inyo na kayo ang mali."
"Bahala ka. Pero sasabihin ko 'to sa Papa mo. Sige! Magligawan kyong dalawa. Tingnan din natin kung tatagal kayo. I'm so disappointed in you, Kyungsoo."
Dinabog ni Mrs. Do ang pinto.
Ilang minuto nang makalma na ang bahay ng mga Do, nagsuot ng hoodie ang dalaga.
Zinip nya iyon pataas at lumabas ng kanyang kwarto. Dali-dali siyang bumaba ng hagdan.
"Ma'am, san po kayo?"
"Aalis ako, yaya." Sagot nya at pagtingin nya sa gawing kaliwa nakatayo dun ang ina nya.
"Pero Ma'am Kyungsoo gabi na po--"
"No, yaya, hayaan mo siyang lumabas. Di yan matututo hangga't hindi napapahamak ulit." May hawak na baso ang nanay niya at uminom muna. "Ano pa hinihintay mo? Labas na at pumunta ka na dun sa kargador mo."
Kuyom ang mga kamay ni Kyungsoo-
sa gilid at dali-dali siyang lumabas ng bahay sa dilim.
"Kuya, pano yan, manghaharana ka ulit?" Tanong ni Jihee sa kanya. Naghahanda na silang matulog.
"Hindi na muna siguro." Sagot na lang niya, malungkot pa rin sa nangyari sa gabi.
Ni hindi nga rin niya mabura sa isip-
ang lalaki sa tabi ni Kyungsoo kanina. Nagtataka siya kung sino kaya ang lalaking yun. At sa totoo lang, mas bagay pa nga dun si Kyungsoo kesa sa kanya.
At heto na naman ang mga negatibong bagay na umaatake sa isip niya.
Umiling na lang siya. "Matulog na kayo."
"Kuya,"-
tawag ni Jihee. "Wag ka na malungkot. Goodnight, Kuya."
"Oo nga Kuya, di ka pa naman basted ni Ate tsaka halata naman sa kanya na gusto ka rin niya. Wag ka na sad ah? Night, Kuya."
Napangiti naman si Jongin sa sinabi ng mga kapatid. "Goodnight." Sinara nya ang ilaw at pinto.
Nang ilolock na ni Jongin ang gate, nagulat siya nang may pamilyar na boses na tumawag sa knya.
"Jongin!"
Pagtingala nya, nasa harap ng bahay niya si Kyungsoo, hinihingal na parang kakagaling lng sa pagtakbo. Naka-hoodie ang babae at pyjamas.
"Kyungsoo? Anong ginagawa mo dto?"
Binuksan ni Jongin ang gate at agad na yumakap si Kyungsoo sa kanya.
Napayakap din siya sa babae na ngayon ay umiiyak na sa kanyang dibdib. "Uy, s-sorry. Napagalitan ka dahil sakin. T-Tahan na, Soo."
Alo niya sa babae habang hinihimas rin ang likod nito. "Sorry, Soo."
Tumingala si Kyungsoo sa kanya at umiling. "Wala kang kasalanan, Jongin. Wala."
Dahil tulog na ang mga kapatid pumwesto na lang ang dalawa sa labas ng bahay. Nakaupo sila, magkadikit.
Tahimik ang dalawa pero si Jongin pinagmamasdan niya ang dalaga na kinukutkot ang kuko nito.
"Okay ka na?"
Tumango na ang dalaga pero sige pa rin sa pagkutkot ng kuko niya sa hinlalaki. "Sorry. Nasira ko ata plano mo ngayong gabi."
"Yung sa kanina ba?"
Tumango ulit ang dalaga. "Di ko talaga alam na uuwi nanay ko. Hay. Sorry talaga."
Tinapik ni Jongin ang dalaga sa-
ulo. "Wala kang ginawa, Soo. Wag ka rin mag-sorry. Pero, bakit ka pumunta dito? Gabi na."
"W-Wala lang, uh, ano kasi..." Di alam ni Kyungsoo kung ano ang sasabihin.
Bumalik siya sa pagkutkot ng kuko.
"Wag mo na sagutin. Pero di ka ba papagalitan?"
"Bahala na daw ako eh-
kaya andito ako..." bulong ng dalaga. "Naligaw pa ako, medyo. Nakakalito kasi papunta dito, pero nandito naman na ako."
Bumuntong-hininga si Jongin. "Di ka na sana nagpumilit pa na pumunta. Alas-diyes na rin."
"Wala naman akong nakasalubong na delikado sa daan."
"Kahit na."
Katahimikan.
Pero naappreciate ni Jongin ang pagpunta sa kanya ni Kyungsoo, kahit hiling niya sana di na lang to ginawa ng dalaga dahil pano na lang kung may na-timing-an siyang masamang loob sa daan? Di kakayanin ni Jongin kapag napahamak si Kyungsoo.
"Tulog na ba mga kapatid-
mo?"
"Siguro. Pero pakiramdam ko hindi pa at alam nilang nandito ka."
Nagpupulot na ng maliliit na bato si Kyungsoo sa gilid niya at binabato iyon sa harapan nila.
"Maswerte mga kapatid mo dahil may Kuya silang tulad mo."
Napangiti si Jongin. "Maswerte din ako sa kanila."
(a/n: boring updates ahead im so sorry)
Sa panghuling bato ni Kyungsoo ng bato, tumingin siya kay Jongin nang may lambing sa kanyang mukha. "Ako rin maswerte sayo. Maswerte ako na nakilala ko ang isang tulad mo."
"Talaga ba?"
Sumimangot si Kyungsoo. "Oo. Di ba halata?"
Umiwas ng tingin si Jongin, tinukod ang mga kamay sa semento at tumingala sa langit na budbod ng mga nagkikislapang mga bituin.
"Wala akong pinag-aralan, Kyungsoo. Di ako tapos. Kargador lang ako, salat sa pera. Walang maipagmamalaki, pano ka suswertehin sa isang tulad ko?"
Sumimangot lalo si Kyungsoo. "Ano ngayon kung kargador ka, walang pinag-aralan at di mapera? Hindi naman yun yung dahilan kung bakit..." nagpipigil si Kyungsoo na sabihin ang mga sumunod na salita pero inunahan siya ni Jongin na nakatingin na sa kanya.
"Mas bagay nga kayo nung-
lalaki kanina. Hindi madungis tingnan, mukhang edukado at malamang edukado talaga, tsaka mayaman--"
"Bakit mo ba siya inuungkat?? Bisita lang naman namin si Junmyeon kanina!? Bakit mo kinukumpara mo sarili mo sa iba eh ibang-iba ka naman sa lahat--" Hiningal si Kyungsoo.
Nagulat si Jongin sa biglang atake ni Kyungsoo sa kanya.
"Alam mo Jongin, nakakainis ka minsan. Lagi mo na lang binababa yung sarili mo masyado dahil kargador ka lang? E, ano ngayon!? Wala naman yun dun e. At alam mo, kahit bali-baliktarin man ang mundo, kahit magbobote ka-
basurero, tricycle driver--" binanggit niya nag mga sinabi ng nanay niya sa kanya kanina. "Ikaw pa rin yung Jongin na nakilala ko, yung nagustuhan ko. Yung ipagtatanggol ko kahit kanino kase--" nangingilid na ang mga luha ni Kyungsoo, sinisipon na rin. "K-Kase...mahal kita..."
Napapunas si Kyungsoo ng sipon. "Kaya wag na wag mong sasabihing kargador ka lang. Na ganyan ka lang. Na ganito ka! Kasi ito yung minahal ko, ikaw--"
Hinalikan ni Jongin ang dalaga sa labi.
Pareho silang nakapikit, magkadikit lang ang mga labi. Mga luha'y dumadausdos sa pisngi.
Humiwalay sila sa isa't-isa at lalong umiyak lang si Kyungsoo.
Nagulat si Jongin kahit lubos na nagpupunyagi ang kanyang puso. "Uy, bakit na naman?" Hinimas niya ang likod ni Kyungsoo na bigla siyang hinampas sa dibdib.
"Nakakainis ka! Ikaw dapat yung unang umaamin hindi ako!-
Bwiset ka! Nakakainis ka kase puro ka kasi 'kargador lang naman ako' nairita ako ayan napaamin tuloy ako sayo!" Humagulgol ulit si Kyungsoo. "First kiss ko yun eh. Huu." Sumingha si Kyungsoo sa kanyang hoodie. "Pahingi nga ng tissue." Nilahad ni Kyungsoo ang palad sa binata.
Kumuha naman agad si Jongin ng tissue at binigay iyon sa dalaga.
Umupo siya ulit sa tabi nito at pinanood ang babaeng pinakamamahal na sumingha nang sumingha.
"Mahal din kita..." banggit niya bigla.
Tumingin si Kyungsoo sa kanya, may nirolyo na tissue sa isang butas ng ilong.
"Dapat ako dito yung nagrereklamo kasi hindi ganito yung plano kong tanungin kita kung pwede kitang maging girlfriend...pero, pasensya na. Di ko rin kasi maiwasan na babaan ang tingin ko sa sarili ko." Napakamot si Jongin sa ulo. "Hay, sirang-sira talaga plano ko ngayon."
(a/n: told u guys wala na kwenta to)
"Kasalanan mo kasi." Bulong ni Kyungsoo.
Tumawa lang bahagya si Jongin at inakbayan ang dalaga nang dahan-dahan. Hindi naman siya tinaboy ni Kyungsoo, bagkus, sumandal pa ito sa kanya.
Hindi na sila nagsalita pa pero kahit ganun at kahit-
nagulo man ang mga plano nila, masaya pa rin naman sila lalo na't alam nilang pareho sila ng nararamdaman.
Tumingala sila sa mabituing langit at humalik si Jongin sa ulo ng dalaga. "Kyungsoo?"
"Kung pauuwiin mo ko, ayoko muna. Dito lang ako kahit inis ako sayo."
Tumawa si Jongin at niyakap na ang babae sa kanyang mga bisig.
Napakaliit na tuloy tingnan ni Kyungsoo lalo pa't nalulunod rin ito sa suot na hoodie.
"Hindi, di kita pinapauwi."
"Ano?"
Nagtitigan sila.
"Alam kong di ito yung inaasahan nating mangyari ngayong gabi. Nasira mga
inaasahan natin. Pagkatapos sana ng harana ko sayo, dadalhin sana kita sa bukid kung saan maraming alitaptap na makikita. Kaso mapaglaro yung naglalaro sa'ting dalawa. May mga bagay talaga na yung inaasahan natin hindi nangyayari, pero sana ito mangyari naman, pwde ba kitang-
maging girlfriend ko, Kyungsoo?"
Napangiti si Kyungsoo kahit nangingilid na naman ang mga luha niya. "Expect the unexpected pero expect mo na, oo, Jongin. Makakahindi ba ako sayo?"
"Raul, gusto ko lang naman ibalita na ang anak natin ay pumatol sa isang kargador-
Hindi ka nagkamali ng narinig. Nanlandi ng kargador! Masisiraan na ako ng ulo kay Kyungsoo, Raul. Sabi ko naman sayo na dalhin mo na si Kyungsoo sayo coz she will never be safe here. Una muntik na ma-rape and worse might come dahil nga ganito."
"And what did you do, hon?"
"I let her be," uminom siya ng isang baso ng wine. "Hindi matututo hangga't walang nangyayaring masama eh."
"My god, bakit mo kasi pinabayaan?"
"No, I didn't! Itong anak mo ang ubod ng pasaway. She's like her own brother." Naiiyak na si Mrs. Do.
"Don't worry, I'll be back-
soon, okay?"
"We're just trying to protect them, right?"
"Of course, of course. Pagbalik ko I will fix this. I promise."
At umiyak nang umiyak si Mrs. Do.
Natulog si Kyungsoo kina Jongin. Sa kama ang dalaga, samantalang sa papag naman si Jongin.
Nagising nga lng si Jongin nang may naramdaman syang malambot sa bandang tyan nya.
Napakalambot.
Pinisil-pisil pa nya.
Parang foam, ang sarap hawakan.
Pagmulat nya ng mga mata, lalo syang nagising dahil isang itim na bra pala ang kanyang napipisil.
Natapon niya yun pataas.
Dinampot ni Jongin ang bra na ewan ba niya pano napunta sa tyan niya. Napansin din niya ang suot na pangbaba ng dalaga na nasa paanan niya at napatingin sa natutulog na si Kyungsoo.
Yun nga lang, mali siya nang tiningnan. Hindi na naka-hoodie ang dalaga. Manipis na puting fitted
shirt ang suot nito kaya kitang-kita ni Jongin ang dibdib nito. Agad sya umiwas ng tingin, pero tumingin sya ulit sa bandang legs ng dalaga. Pasalamat nya nakakumot ito pero nag-iba ng pwesto si Kyungsoo kaya pagkatalikod ng babae sa kanya, dun niya nakita na naka-panty lang sya
ng kulay itim rin pero laced. Umiwas ulit siya ng tingin at tinapik ang pisngi. "Masama yan, Jongin."
Tiniklop na lang niya ang bra at shorts ni Kyungsoo at tinabi.
Nang di tumitingin, inayos na rin niya ang kumot sa paanan ni Kyungsoo at napabuntong-hininga.
Marami pa pala siyang di nalalaman kay Kyungsoo. Gaya nito.
Pumunta na lang siya sa kusina para magluto pero naroroon na ang mga kapatid na naghahanda ng agahan.
"Yiee, kayo na ba, kuya?" Bungad ni Jihee sa kanya na kumakain ng pandesal at inalok siya.
Kumuha naman si Jongin-
ng pandesal at kumagat. Sila nga pala ni Kyungsoo. Hindi siya nananaginip lang. Sila na talaga.
"Ba't di ka makasagot? Yiee, sila na." Hagikgik ni Jihye.
"Oo na. Kami na."
"TALAGA, KUYA!?" Sabay na tanong ng magkapatid at sakto dumating si Kyungsoo at sumagot.
"Oo, kami na ng
kuya niyo." Humikab at nag-unat ng kamay si Kyungsoo.
Napatingin na naman si Jongin sa katawan ng dalaga at laking pasasalamat niya na naka-bra na ito.
Namula si Jongin at kinabahan kaya sumubo siya ng isang buong pandesal.
"Ahh! Sa wakas! Sabi ko sayo, Kuya, e, may gusto din-
si Ate Kyungsoo sayo!"
Nagdiwang ang magkapatid habang si Kyungsoo naman ang nagpatuloy sa pagpiprito ng itlog sa kalan.
Nakangiti si Kyungsoo. Masayang-masaya.
"O sya, kayong dalawa, handa niyo na yung lamesa, ako na magluluto. Relax lang kayo dyan." Nag-unat unat pa ang-
dalaga para ihanda ang sarili sa pagpapakitang gilas ng kanyang cooking skills.
Nanood lang tatlo. Manghang-mangha na gamay ni Kyungsoo ang kusina na di nakasanayan. Mabango ang kusina, nakakatiyak ang magkakapatid na masarap ang luto ng dalaga.
Si Jongin tulala na naman-
ano pa ba ang di niya alam tungkol kay Kyungsoo? Ilang beses pa ba siya nito susurpresahin at paiibigin lalo sa kanya?
"Tada!" Inihain ni Kyungsoo sa lamesa ang lutong egg fried rice.
Simple lang pero napa-wow sina Jihye at Jihee. Habang si Jongin, nakanganga lang.
Sinara ni Kyungsoo ang bibig ng binata. "Baka pasukan ng langaw." Tawa ni Kyungsoo.
"Nu ba yan, Kuya, in love na in love ka na naman. Kain ka na nga, ubusin namin to sige ka." Banta ni Jihee kaya umayos na si Jongin at sinandukan na si Kyungsoo. "Eto oh. Salamat sa pagluto."
Umupo si Kyungsoo sa tabi niya at ngumiti. "Wala yun. Kain ka na."
Ngumiti si Jongin at kumain na.
Yun na ata ang isa sa masasayang umaga sa buhay ni Jongin.
Ang chismis, mabilis kumalat. Naghiyawan ang barkada nang ikwento ni Jongin ang mga nangyari.
Pero dahil chismis ay chismis, may kaakibat itong negatibong komento.
"Pinopormahan pala nun, mayaman. Baka kase may balak. Lam mo na pera, pera."
"Naloko naman yung babae. Ni wala ngang stable na trabaho yung kargador dun pa talaga pumatol?"
"Di yan tatagal, hula ko."
Wala pang alam si Jongin sa mga komento ng mga tao tungkol sa relasyon nila ni Kyungsoo.
Sa ngayon, masaya ang barkada para sa kanya. "Pa-cheeseburger ka naman, parekoy!" Hampas ni Taemin sa balikat niya.
"Ano pre, may ganito ba?" Nagkissy-kissy motion ulit si Sehun na nahampas
ni Chanyeol ng Bulgar na dyaryo sa ulo.
"Yung nguso mo humahaba lalo gaya ng baba mo oy!"
"Luh, inaano ka ba ng baba ko ha? Asset ko 'to no. Ito ang nagpapagwapo sa akin."
"Pero wala ka naman chix!?" Asar ni Taeyong.
"Nako, makikita niyo kapah nagka-jowa ako. Gago kayo."
"Uy, uy, pre, ayan na jowa mo!" Tapik ni Taemin sa balikat niya at tinuro ang babaeng kakababa lang ng sasakyan.
Pagtingin ni Jongin, si Kyungsoo iyon na naka-itim na tshirt, maong shorts at sneakers.
Papunta ito sa kanila.
Tumayo agad si Jongin. Ang barkada nagtatapikan at-
napakanta sila ng Ligaya habang papalapit si Kyungsoo sa kanila.
"SA TANGHALI SA GABI AT UMAGA...LAHAT TAYO'Y MABUBUHAY NG TAHIMIK AT BUOOOOONG LIGAYAAAAA!!!"
Yakap ni Kyungsoo ang mga libro at natawa sa hyper na pagkanta ng barkada ni Jongin sa kanila.
Hanggang ngayon,
kahit sila na, natutulala pa rin si Jongin sa angking kagandahan ng dalaga.
"Okay, tapos na role natin! Pre, uwi na kami! Enjoy kayo ni Kyungsoo mo!"
"YEEEHEEE!"
Nang nagkanya-kanya na ang magkakaibigan, kinuha nman ni Jongin ang mga gamit ng girlfriend at binuhat ang mga yun.
Naging gawi na nila ito. Papasundo si Kyungsoo sa driver nya pero nagpapababa malapit sa terminal kung asan naghihintay si Jongin sa knya.
Magkukwento sila tungkol sa mga araw nila habang kumakain ng kung anu-ano o tuwing diretso sla sa bahay ni Jongin o sa bahay na ni Kyungsoo.
Masaya ang dalawa sa unang linggo ng kanilang relasyon pero matinik talaga ang langit at hindi sila hinahayaang pumayapa.
Sa palengke, dahil alam na ng karamihan ang relasyon niya sa anak mayamang si Kyungsoo, hindi maiwasan ni Jongin masaktan sa mga sinasabi sa kanya ng iba.
"Wag ka na magtrabaho, mayaman naman na girlfriend mo, bkit ka pa magbabanat ng buto?"
"Oy, Jongin, balita ko nanalo ka sa lotto? Pa-lechon ka naman dyan!"
"Swerte mo yaman ng jowa mo! Nu ginawa mo ha?"
"Jongin, pre, baka may mareto naman girlpren mo sa akin na mayaman din."
Imbis na manahimik, sinasagot ni Jongin ang mga nakaririnding pinagsasabi ng mga tao sa kanya. At isa lang ang masasabi niya na ikinatatahimik nila:
"Hindi ko siya nagustuhan dahil sa pera niya. Kung wala kayong matinong sasabihin sa akin, aba, manahimik na lang kayo."
Ganito ba talaga ang tingin ng karamihan? Na kapag ang mahirap at mayaman nag-ibigan e dahil sa pera na agad?
Inis na inis na si Jongin. Tama na ang mga araw ng pagtitimpi. Isang beses pa na may masabi sila laban sa kanila ni Kyungsoo, hinding-hindi siya mananahimik.
Samantala-
ganun din ang karanasan ni Kyungsoo sa eskwelahan. Ayon sa nasagap ni Baekhyun, chinismis daw ng isang estudyante na ka-village nila ang balita. Ang yaya daw nito ang nakasagap sa may palengke at ngayon bulung-bulungan na naman si Kyungsoo.
"Sa kargador pa talaga pumatol, yuuck"
"Ang swerte-swerte niya na lahat ng gwapo may gusto sa kanya pero sa kargador pumatol?? I have to laugh!"
"I'm sure pineperahan lang siya niyan."
"I think, yung nababalitang guy na naghihintay sa kanya sa labas ng school yung kargador. Yung pogi."
"Gwapo, pero duh? Never ako-
papatol sa isang kargador lang. I need funds no!"
Napapahimas na lang ng sentido si Kyungsoo sa mga naririnig. Kung nung una nananahimik lang siya, pero sumusobra na ang iba sa pagsasalita kaya nasagot niya ang isang grupo isang beses,
"Excuse me? E, ano ngayon kung kargador-
boyfriend ko? Di naman siya tulad ng mga boyfriend niyong ni hindi nga ata sigurado kung mahal ba talaga kayo o "mahal" lang kayo kapag kinakama kayo. O sige--sasagot ka? Baka kung ano pang mas malala ang masabi ko kaya wag na wag niyo na ulit pag-uusapan ang boyfriend ko! Maki-
pag sex na lang kayo sa mga jowa niyo!"
At sino ang grupong sinagot niya? Yung grupo lang naman ng mga babae na nakasama niya sa table nung birthday ni Hyejeong at si Hyejeong din mismo.
Nag-walk out siya sa klase na nanahimik sa biglang pagtaas nya ng boses. Hindi sya nagsisi.
Nagkita ulit silang dalawa sa terminal.
"O, ba't nakasimangot ka?" Kinuha ni Jongin ang bitbit na libro ng kasintahan.
"Kase naiinis ako. E, ikaw? Mukha ka nga rin badtrip." Komento ni Kyungsoo pabalik.
Kinuha ni Jongin ang kamay ng dalaga at lumakad na sila pauwi kina-
Kyungsoo.
Bumuntong-hininga si Jongin. "Naiinis din kasi ako."
"Parang ako rin pala. Bwiset kase mga tao sa school."
"At bwiset na bwiset ako sa mga tao sa palengke."
Tumingin si Kyungsoo sa kasintahan at nakinig.
"Peperahan lang kita ang tingin nila sa akin porke mayaman-
ka lang daw. Tapos wag na daw ako magbanat ng buto kasi kaya mo naman na daw ako sustentuhan? Mga gago di ba?" Humigpit ang kapit ni Jongin sa kamay ni Kyungsoo. "Ganyan ba tingin nila sa atin? Na walang kwenta itong relasyon natin at umiikot lang sa pera? Tama, ka nga-
Kyungsoo, dapat di ko kinakahiya pagiging kargador ko eh. Pero sabihan ako ng ganon? Masakit eh. Nakakainis. Nagmamahal ka na nga lang pero ang tingin pa ng iba mali 'to. Ang dami nilang kuda di na lang magsitrabaho o ayusin man lang buhay nila ngayong araw." Napailing si Jongin.
Hinimas naman ni Kyungsoo ang hintuturo niya sa kamay ng kasintahan para pakalmahin ito.
"Ganyan din sa school. Kargador ka lang daw ikaw pa pinatulan ko. Paulit-ulit na lang sila. Nakakarindi. Araw-araw na lang, pero kanina pumitik na talaga ako eh." Bumuntong-hininga si-
Kyungsoo. "Kaysa asikasuhin nila sarili nila, ang dami pa nilang oras mangialam ng buhay ng iba. Wala naman silang alam kung ano pa pinagsasasabi. Kulang na lang i-duct tape ko mga bibig nila o putulin ko na lang talaga mga dila na nang manahimik sila. Iniinis nila ako eh."
"Hayaan na nga natin yang mga yan. Hay. Soo, bili nga muna tayo Cornetto pampalamig ng ulo."
Humupa naman ang chismis pero may mangilan-ngilan pa rin talaga na ayaw tumigil ng mga bibig.
Hinayaan na ng dalawa ang mga ito dahil nakakapagod rin naman ang pauulit-ulit.
Magpapasukan na naman kaya si Jongin at ang mga kapatid ay nasa SM para bumili ng ilang school supplies.
Habang naglilibot sa National Bookstore, hinahanap na rin sila ni Kyungsoo.
"Notebook, kailangan niyo yan."
"Kuya, yarn lang, tatahiin namin ni Ate yung tira nakaraan."
"Onga, Kuya, para tipid. Ballpen tsaka, intermediate pad lang po siguro bibilhin namin."
"Ate, tsaka glue pa. Plastic cover at scotch tape--" suminghap si Jihee. "Ate Soo!! Dito kami!!"
Nang marinig ni Kyungsoo na may tumawag siya napalingon siya at napangiti.
Pumunta siya sa kanila, "Hello." Nakabackpack ang babae dahil mag-iisleepover siya kina Jongin, wala kasi ang nanay niya sa kanila.
Pero si Jongin, di pa informed.
Humalik si Jongin sa pisngi ng kasintahan. "Kanina ka pa?"
"Kararating ko lang. Tapos na ba kayo?"
"Di pa po Ate, medyo kararating lang din kasi namin." Sagot ni Jihye sa dalaga.
"O, tara tara. Ano ba kailangan niyo? May listahan ba kayo?"
At nag-astang nanay na si Kyungsoo sa mga kapatid ni Jongin.
Si Jongin nasa likod lang ng tatlo, nagmamasid sa kanila at nakangiti.
Matapos mamili ng school supplies, si Jongin naman ang naging tagabuhat nila.
Sinusundan lang ng lalaki ang tatlo na nag-uusap tungkol sa kung anu-ano.
Pero nang maparaan sila sa isang jewelry shop, napatingin dun si Jongin. Tumingin naman siya pabalik kay Kyungsoo na tumatawa
sa kung ano man ang kinukwento ng mga kapatid sa kanya.
Gusto niya bilhan man lang ng kwintas o bracelet si Kyungsoo, pero kulang pa ang pera niya para sa ganoong bagay kaya sabi na lang niya sa isip niya na mag-totodo kayod pa siya sa trabaho.
"Jongin, san mo gusto kumain?"
"Kayo, kahit san lang ako." Ngiti niya sa kasintahan at ang mga kapatid na ang nagdesisyon kung san sila kakain.
Sa Mang Inasal.
Mahal na mahal talaga ni Jongin si Kyungsoo. Wala siyang ginawa kundi ang pagmasdan ang magandang babae sa tabi niya na ngayon ay nakakamay at-
tumatawa sa mga kwento ni Jihee.
Nakapangalumbaba si Jongin at nakalimutan na ang pagkain dahil mas nabubusog pa siya sa tawa at hugis pusong ngiti ni Kyungsoo.
Samantala, sa perspektibo ni Kyungsoo, wala siyang alam na nakatingin sa kanya si Jongin. Tutok kase siya sa mga-
nakakatawang kwento ni Jihee sa kanya tungkol sa kuya nila tuwing nalalasing ito.
"Ate, tingnan mo si Kuya, lasing na sayo." Turo ni Jihee sa Kuya nila na may ngiting nakasilay sa labi habang tinitingnan si Kyungsoo.
Tumingin ang dalaga sa tabi niya at napakurap sa nakita.
"Si Kuya talaga wala na naman sa mundo." Komento ni Jihee at natawa silang magkapatid.
Natawa na rin si Kyungsoo sa asta ni Jongin at dahil tila di natatauhan si Jongin, pinisil ng dalaga ang ilong ng kasintahan.
"Huy, kumain ka nga, di ako nakakain wag mo ko titigan."
Nang magising si Jongin at bumalik sa realidad, namula siya sa hiya at napahimas na lang sa kanyang batok.
"Ayieee, si Kuya gandang-ganda na naman kay Ate Soo. Yiee." Asar ni Jihee sabay tawa.
Sumubo ng pagkain si Kyungsoo at di nito namalayan na may butil ng kanin sa baba nya.
Nang mapansin yun ni Jongin, tinanggal niya iyon at nagpatuloy nang kumain.
Pero tinapik ni Kyungsoo ang hita niya. "Ahh. Dali."
"Ha?" Paglingon ni Jongin, akma na siyang susubuan ni Kyungsoo.
"Ah, subuan na kita."
"Yieee." Hagikgik ng dalawa sa harap nila.
Ngumanga naman si
Jongin at sinubuan siya ni Kyungsoo. Bilang ganti naman, sinubuan din niya ang babae pabalik.
Tuwang-tuwa naman sina Jihee at Jihye panoorin ang dalawa.
"Susunduin ka ba dito?" Tanong ni Jongin pagkalabas nila ng mall.
Nakahawak si Kyungsoo sa strap ng bag niya at umiling.
"Hindi."
"Hatid kita pagkatapos ko hatid sina Jihee hm?"
Umiling lalo si Kyungsoo. "Hindi, hindi. Sa inyo ako matutulog." Ngumiti si Kyungsoo, yung ngiting alam niyang hindi tatanggihan ni Jongin.
"E, yung mama mo?"
"Wala si Mama. Tara, uwi na tayo."
"Yiee, masaya si Kuya-
sa atin matutulog si Ate Kyungsoo. Kunwari pa si Kuya. Yiee." Asar na naman ni Jihee at napapitik tuloy si Jongin sa noo ng kapatid.
"Ah! Sakit nun, Kuya."
"Ikaw talaga Jihee, lagi mo na lang ako binubully." hinimas pa rin naman ni Jongin ang noo ng kapatid.
Bumungisngis si-
Jihye. "Kuya naman kasi, halatang-halata ka lagi kapag kinikilig."
Kinamot ni Jongin ang ulo dahil talo na lang siya lagi sa pang aasar ng mga kapatid.
Natatawa naman si Kyungsoo sa gilid pero kinuha bigla ni Jongin ang kamay at sinabi. "Lagi naman ako kinikilig pag andito Ate-
Kyungsoo niyo, oo na."
Ngayon, si Kyungsoo naman ang kinilig at pasikretong ngingiti-ngiti.
"Yieee. Sige na nga, Kuya. Tara na."
At sila ay umuwi na.
Pagkauwi nila, naligo si Kyungsoo pagkatapos magpahinga. Sumunod naman sina Jihee at Jihye at nahuli si Jongin.
Nag-jajackstone sina Kyungsoo at sina Jihee at Jihye nang biglang mapansin ni Kyungsoo ang pigura ni Jongin na nakatalikod. Kakalabas ng banyo. Nakatapis lang ang lalaki at kitang-kita ang malapad nitong katawan at syempre, ang naglalakihang mga braso nito dulot ng pagkakargador.
Napanganga si Kyungsoo sa nakita at hindi siya matigil sa pagtingin sa katawan ng kasintahan.
"Uy, Ate, Ate, ikaw na."
Umiwas lang siya ng tingin nang tawagin siya ni Jihye para sa turn niya sa jackstone, pero di niya pa rin maiwasan na tumingin-tingin kay Jongin na tila ba-
may hinahanap.
Humarap ang binata at lumapit sa kanila. Hindi alam ni Jongin ang epektong binibigay niya kay Kyungsoo.
"Jihee, nakita mo ba yung pang-ahit ko?"
Halos lumuwa ang mga mata ni Kyungsoo na makita nang malapitan ang dibdib at abs ng kanyang boyfriend.
Namumula na-
si Kyungsoo hanggang leeg. Di niya inaasahan na ganito kaganda ang hubog ng katawan ni Jongin. Lumunok siya sa kaba dahil sa mabilis na tibok ng puso niya at maibalin ang atensyon sa ibang bagay, naglaro na siya, kaso unang beses pa lang, hindi na niya agad nasalo ang bola dahil-
sa pagkataranta.
"Kuya, wala ba dun sa kabinet na nilalagyan mo?" Tingala ni Jihye sa Kuya na nakapamewang.
"Ano ba yan Ate Soo umpisa pa lang." Tawa ni Jihee bigla.
Napatingin naman si Jongin kay Kyungsoo at sakto tumingala rin ang babae sa kanya.
Lalong kinabahan ang dalaga
dahil oo, sisilip sana sya ulit sa ktawan ni Jongin pero tumingin nman si Jongin sa knya kaya umiwas sya agad ng tingin at ngumuso, kunwaring di apektado sa nkikita pero halos iluwa na ng dibdib nya ang kanyang puso. Sa isip-isip ni Kyungsoo, 'naka-brief din nmn siguro sya no?'
Pinagalitan niya ang sarili. 'nakatapis naman siya, Soo, ano bang iniisip mo?'
"Wala dun eh. May pang-ahit pa ba tayo?"
"Meron pa ata. Pero kung wala sa kabinet, bili ka na lng."
Napailing si Kyungsoo sa tabi at pinukpok ang noo ng kuyom na kamay. "Hay."
"Soo, ok ka lang?"
Tumingala si Kyungsoo sa binata.
Nakatiklop naman ngayon ang mga braso nito sa dibdib. Pagtataka niya pa, hindi ba mahuhulog yung tapis ng lalaking to?
'Ugh, ano ba 'tong iniisip ko?' gusto na niya maglumpasay pero syempre ngumiti na lang siya. "Okay ako, no. Nu ka ba?" Tumawa-
na lang siya nang malakas na ikinagulat at ikinalito ng tatlong magkakapatid.
Nang mapansin ni Kyungsoo na siya lang ang tumatawa at may kwestyon sa mukha ng magkakapatid, sabi na lng niya. "Hehe, wag niyo ako pansinin nababaliw lang ako."
Gusto na niya magpahigop sa blackhole.
Kumurap lang si Jongin sa kanya at tumango bago bumalik sa paghahanap ng pang-ahit.
Locked na ang gate at ang pinto.
Pagkabalik ni Jongin sa loob, nakita niyang pumasok sa kwarto niya si Kyungsoo.
Sinundan niya ito. "Soo, di ba kina Jihee ka matutulog?"
"Di na. Dito na lang ako." Umupo na si Kyungsoo sa kama ni Jongin.
"Sige, kaw bahala." Inihanda na lang ni Jongin ang papag para dun matulog. Humikab na ang binata.
Si Kyungsoo naman pinapanood lang ang binata. "Wag mo sabihing hahayaan mo na naman ako mag-isa dito sa kama mo?"
Kumurap si Jongin. "P-Pero..."
Sumimangot si Kyungsoo, kunot na ang noo. "Ayaw mo? Sige bahala ka chance mo na nga to eh."
"C-Chance?" Naguguluhan na si Jongin. Gusto ba ni Kyungsoo na... Hindi hindi. Hindi pwede. 'Jongin, tibayan mo ang loob mo', sabi niya sa sarili.
Pero biglang nagtanggal ng bra si Kyungsoo at ng shorts niya.
Nagulat lalo si Jongin sa ginawa ng dalaga. "K-Kyungsoo..." Lumalakas lalo ang kabog ng dibdib niya. Kitang-kita na naman niya ang makinis at mapuputing binti ng dalaga.
Pula naman ngayon ang suot na bra at panty.
"Ano? Ayaw mo pa rin ba?" Umiirap na ang babae sa binata.
Walang malay si Kyungsoo sa nagagawa niya kay Jongin.
Tiningnan siya ni Jongin dhil, 'seryoso ba?'
"S-Soo, teka lang ah, di naman sa ayaw ko kaso kasi--"
Magkasalubong na ang mga kilay ng dalaga. "Naligo naman ako ah!"
"Oo, n-naligo ka alam ko. Shhh, natutulog na mga kapatid ko. Kumalma ka..."
Nakatiklop na ang mga braso ni Kyungsoo sa kanyang dibdib. Madilim ang kwarto pero aninag na aninag pa rin nila ang isa't-isa mula sa ilaw sa kusina na nakabukas.
"Sabihin mo lang kung nandidiri ka."
Nabubwiset na si Kyungsoo.
"Hindi. Hindi, ba't naman ako mandidiri sayo e gustong-gusto kita?"
"E, bakit ayaw mo? Dyan na lang tayo sa papag, mukhang mas gusto mo naman dyan eh."
Lumuhod bigla si Kyungsoo sa papag at tumingala kay Jongin.
"Soo!!" Naiiyak na si Jongin.
Malapit na talaga umiyak si Jongin kaya napaluhod na rin siya sa harap ni Kyungsoo at umiling.
"Sorry, sorry, Soo. Ayoko pa. Masyado pang maaga. Soo, hindi pa ako handa. Patawarin mo ko. Gustong-gusto kita. Mahal na mahal, pero wag muna ngayon." Pagmamakaawa niya.
"Huh!?"
"Wag muna ngayon. Please, Kyungsoo."
Gumilid ang ulo ni Kyungsoo sa kalituhan. "Ano bang sinasabi mo?" Napasinghap siya at natanto ang ibig sabihin ng kasintahan. "Ah, alam ko na." Natawa bigla ang dalaga. Tawang malakas.
Nagulat si Jongin sa tawa ng kasintahan.
Napayuko si Kyungsoo sa kakatawa at pinalo-palo pa ang papag na hihigaan ni Jongin, sana.
"HAHAHAHA! Akala mo magsesex tayo!? HAHAHAHA!" sige lang sa pagtawa si Kyungsoo habang si Jongin nalilito na sa nangyayari.
"S-Sabi mo kasi c-chance ko na 'to t-tapos tinanggal mo pa bra-
tsaka shorts mo."
Napahiga na si Kyungsoo sa kakatawa at nagpapadyak.
Napabuntong-hininga si Jongin pero laking ginhawa niya na mali pala ang pagkakabasa niya sa mga binitawang salita at kilos ng dalaga kanina.
Natahimik na si Kyungsoo, pero ngiting-ngiti pa rin.
Tiningnan niya si Jongin na nakayuko na at tila dismayado sa sarili sa kahihiyang pinakita kay Kyungsoo.
Umupo na si Kyungsoo at ngumuso. Dinutdot nito ang braso ni Jongin. "Uy."
"Bakit mo naman kasi tinanggal bigla yan?" tingin ni Jongin sa shorts at bra ni Kyungsoo sa tabi.
Kinuha ni Kyungsoo ang bra at shorts at tinupi.
"Sensya na, kasi di ako nagbabra tsaka shorts talaga sa gabi. Di ako kumportable." Nagsisi tuloy si Kyungsoo na nabigla niya ang boyfriend.
"M-Masyado ka naman ata tiwala sa akin. Bigla bigla ka na lang naghuhubad." Tumikhim sya.
Hindi makatingin si Jongin kay Kyungsoo nang diretso. Namawis si Jongin dun.
"Oo naman no, kilala na kita eh. Tsaka ano ngayon kung makita mo kong nakahubad aasawahin naman kita."
Gulat na gulat si Jongin. "Ano?"
"Sabi ko wala akong pake kung makita mo kong hubad kase-
aasawahin kita, makikita at makikita mo rin to no. Ano na? Ayaw mo talaga ako katabi matulog??" Biglang humina boses ni Kyungsoo, "O, wala ka pala balak asawahin ako?" Nalungkot bigla si Kyungsoo, pero pakunwari lang naman.
Syempre, nahulog naman sa patibong si Jongin.
"Uy, b-balak din naman kita asawahin k-kaso kasi, lalaki pa rin ako no. T-Tapos tatabi ako sayo wala kang bra tsaka shorts uh...gets mo ba?"
Ngumuso si Kyungsoo sa kasintahan at napaisip. "E di lagyan mo ng harang sa gitna natin para di ka mailang. Ano? Tabi o hindi?"
Sa huli, bumigay rin si Jongin.
Maliit lang naman ang kama ng binata pero nilagyan pa rin niya ng unan sa gitna nila ni Kyungsoo.
Ngayon, nakatulala sila sa kisame pero tumingin si Jongin sa kasintahan na humikab na, na tumingin din naman pabalik sa kanya.
"Bakit ganyan ka-
makatingin?" Tanong ni Kyungsoo kay Jongin.
Umiling ang binata. "Wala lang, nasanay na akong panoorin ka."
Ngumiti ng hugis puso si Kyungsoo. "Aasawahin kita ah?"
Bumungisngis si Jongin. "Wala naman aagaw sa akin sayo." Kinuha ni Jongin ang kamay ng dalaga at pinagbuhol ang-
kanilang mga daliri.
"Sabihin mo rin aasawahin mo ko." Udyok pa ni Kyungsoo.
Natatawa si Jongin at umoo. "Aasawahin kita, Kyungsoo."
Pumikit ang dalaga at ngumiti. Sumunod din si Jongin at natulog silang magkahawak ang mga kamay.
Pasukan na ng mga kapatid kaya balik si-
Jongin sa pagbibigay ng baon sa mga kapatid.
Ganun pa rin ang takbo ng buhay niya, nagkakargador sa umaga at rumaraket kung meron.
Isang beses na may kumuha sa kanya para magpintura ng bahay, may mga kababaihan sa lugar na panay ang papansin sa kanya. Dahil mahina siya-
makiramdam ng ganito, hindi niya pinapansin ang grupo ng mga babae na laging napapadaan sa bahay na pinipinturahan niya hanggang sa, isa sa mga ito ang lumapit sa kanya.
"H-Hi!" Bati sa kanya ng babae.
"Ano po yun?" Tanong niya.
Nasa likuran naman ang ibang mga babae na para-
bang kinikiliti.
"Ano kasi, ako pala si Hyosung." Inilahad ng babae ang kanyang kamay pero di yun tinanggap ni Jongin.
"Ano po kailangan nyo?"
Medyo nahihiya ang babae. "Ano kasi, pwede ko ba makuha no. mo? Textmates tayo." Ngiti ng babae.
"Sensya na di ako basta-basta-
nagbibigay ng no. sa di ko kakilala."
Napanguso ang babae at sumenyas sa mga kasama ng hindi maintindihan na senyasan ni Jongin.
"Uhm, pogi, sensya na. Pero, kapag gusto mo ng no. ko, dyan lang ako nakatira hm?"
Umalis na ang babae at napakurap lang si Jongin.
Nagkita sila-
ni Kyungsoo at nakwento niya ang nangyari kanina.
"Hinihingi no. ko, textmates daw kami."
"Binigay mo!?"
"Syempre hindi no. Mabudol-budol na naman ako."
"San ka ba nagtatrabaho?"
"Bakit?"
"Basta. San nga?"
Sinabi naman ni Jongin kung saan kaya kinabukasan...
nagulat na lang ang grupo nang makita nila ang kasama ni Kuya Pogi na nagpipintura din.
"Sino yung babae?"
"Aba malay ko."
"Hyosung, dali, landiin mo na ulit. Yung mga tinuro namin ah gawin mo! Dali!"
Tinulak nila ang kaibigan at lumapit naman ulit si Hyosung.
"Hi, pogi!"
Binaba ni Kyungsoo ang hawak na roller brush at ang face mask na auot at inubo-ubo. Hinarap niya ang babae na mas matangkad pa sa kanya. Pero di siya nagpatinag at nagpatalo rito.
"Excuse me? Anong kailangan mo, Miss?" Pagtataray ng dalaga.
Si Jongin napatigil din sa trabaho.
"Miss, di ikaw kausap ko, pogi ka ba?" Sagot bigla ni Hyosung bago tumingin kay Jongin. "Pogi, pogi, ano palang pangalan mo?"
"Uhh..." Napatingin si Jongin kay Kyungsoo na nagpapatunog na ng mga daliri.
"Miss, hindi ako pogi pero anong kailangan mo sa boyfriend ko??"
Nagulat si Hyosung. "Mag-jowa kayo?"
"Oo, kaya hanap na lang kayo diyan ng ibang pogi. Taken na tong pogi na to. Shoo shoo!"
Napaalis naman agad ni Kyungsoo ang babae at napairap. "Ilang babae pa ba pupulbusin ko para magtigil na sila kakalandi sayo? Hm?"
Tumawa si Jongin at-
nagkibit-balikat. "Di ko alam kung meron pa, pero parang wala naman na."
"As if." Sabi ni Kyungsoo dahil nakakasigurado siya na marami pang nagkakagusto sa jowa niya.
Samantala, kung namamakod si Kyungsoo ganun din si Jongin.
Mahigit dalawang buwan na sila ni Kyungsoo pero may
mga lalaki pa rin sa paligid-ligid na malakas mambastos.
"Oh? Parang papatay ka na ata." Bwiset na bwiset si Kyungsoo nang kitain si Jongin sa terminal.
"Sino ba namang di mabubwiset pagsabihan ka ba namang sexy at sipulan ka sa daan? Mga hayop. Tara na nga, baka putulan ko na-
sila ng bayag."
Pinaypayan ni Kyungsoo ang sarili ng kamay sa sobrang inis at kumapit kay Jongin nang mahigpit.
Kaya kinabukasan, hindi na sa terminal hinintay ni Jongin si Kyungsoo. Kundi lagpas na sa comp shop nila Jongdae kung san tumatambay ang mga naninipol kay Kyungsoo.
Tuwang-tuwa si Kyungsoo nang makita niya si Jongin.
"Buti andito ka!" Kapit na kapit ang dalaga sa kanya. "Pero may pepper spray na ako tsaka taser."
"Buti naman. Pero simula ngayon dito na kita hihintayin hm?" Hinawakan ni Jongin ang kaiyak sa beywang. Sakto pagdaan nila sa-
harap ng comp shop nila Jongdae nandun ang mga lalaki. Masama na kasi ang tingin ni Kyungsoo sa mga ito. Dama ni Jongin ang takot sa kasintahan lalo na't kamuntikan na ang dalaga mapahamak noon.
Di nman na yun hahayaan pa ni Jongin mangyari.
"Awo, may bitbit na lalaki, sayang!"
Tumigil sila sa paglalakad, nilagay naman ni Jongin ang girlfriend sa likod.
"Pre, may problema ka ba?" Pansin ni Jongin na ngayon lang niya nakita ang lalaking nagsalita.
"Ha? Nu sinasabi mo?" Tawa tawa pa ng loko.
"Yung girlfriend ko kahapon mo pa binabastos."
"Bakit may pruweba ka ba?" Tawa pa ulit ng lalaki at ng iba pang kadamahan. Palagay ni Jongin mga dayo ang mga to.
"Jongin, tama na, uwi na tayo." Mahigpit naman na hawak ni Kyungsoo sa beywang niya pero nagpatuloy si Jongin sa pagsasalita.
"Pre, respeto naman sa babae ah?
Di sila display o laruan na paglalaruan mo lang. Ayoko makipag-away pero respeto, pre, kasi di sila nagiging kumportable eh."
"Pake ko ba sa kanila? Inaanakan lang naman mga yan."
Kumulo ang dugo ni Jongin at nag-iba ang awra nya. Ibang-iba si Jongin kapag galit. Nakakatakot.
"Oy, pre, ang babae di yan inaanakan lang. Nirerespeto at ginagalang yan--"
"Jongin, uwi na tayo--"
"Ang babae at lalaki parehong ginagalang. Pantay lang yan kaya wag mong minamaliit ang mga babae. Maliitin ka ng mga babae gusto mo? Lagay mo sarili mo sa kanila, gusto mo-
bastusin ka din nila? Respetuhin mo sila, rerespetuhin ka din nila. Kaya, pre, pakiusap ko lang, wag ka na manakot kung ayaw mong ikaw ang takutin pabalik."
Napanganga ang mga lalaki sa sinabi ni Jongin at umalis na ang magkasintahan.
"Sino yun? Tatakbo ba yun sa halalan?"
Naglakad na ang magkasintahan pauwi.
"Jongin, salamat ah?" Sabi ni Kyungsoo sa kabiyak. Di man niya sabihin, pero nung sinipulan siya ng mga lalaking yun, nagflashback bigla ang ginawa ni Kris sa kanya noon.
"Di ko hahayaang bastusin ka lang ng kung sino hm? Kapag may gumanun-
ulit sayo, sabihin mo sa akin, okay?"
Ngumiti si Kyungsoo at sumandal kay Jongin.
Nang maihatid si Kyungsoo sa bahay nito, sakto rin na may humintong sasakyan sa tapat ng bahay ng mga Do.
Humigpit ang kapit ni Kyungsoo sa kamay ni Jongin.
Bumaba ang nasa loob.
"Mom."
Tinanggal ni Mrs. Do ang shades na suot at tumingin kay Jongin.
"Oh, andito pala 'to." Minatahan ni Mrs. Do si Jongin mula ulo hanggang paa at tumigil ito sa magkahawak na kamay ng dalawa. "Ano hijo? Di ka pa ba lalong naghihirap dahil sa anak ko?"
"Ma, stop it."
"Magandang hapon po sa inyo." Bati pa rin ni Jongin kahit bahagya siyang nasaktan sa parinig nito na 'lalong naghihirap' na alam naman niya ano ang ibig sabihin ng ina. "Hindi po."
"Aba'y bakit naman? Wala kang pang-date sa anak ko?" Tawa ng matanda na hindi niya ikinatuwa.
Hinugot ni Kyungsoo ang kamay ni Jongin para kunin ang atensyon nito. Tumingin naman ang binata sa kanya at minatahan niya ito, pero hindi nakinig si Jongin.
"Meron po. Araw-araw pa nga po kaming nagdi-date."
"Talaga? Saan? Sa tabi-tabi kung san naaalikabukan ang anak ko?"
May sarkastikong ngiti ni Mrs. Do.
Ngumiti pa rin nang may galang si Jongin sa nakakatanda. "Hindi po. Kung san lang po ligtas ang anak niyo dun ko po siya dinadala."
Napataas ng ulo si Mrs. Do kay Jongin. Wala na siyang maibato pa kay Jongin. "Mabuti naman. Kyungsoo, pasok."
Nagtinginan ang magkasintahan at nagkahiwalay na muna.
Pinanood ni Jongin na makapasok sa loob si Kyungsoo at kinawayan. Nang tumigin naman si Mrs. Do sa kanya napayuko na lanh siya at ngumiti tsaka umalis.
"Pre, di ba nkwento mo si Kyungsoo kumakanta?"
"Oo, bakit?"
"May pa-singing contest kase si mayora. Baka gusto itry ni Kyungsoo." Imporma ni Taemin sa kaibigan.
"Talaga? Sige tanungin ko siya mamaya." Nagpatuloy naman si Jongin sa paglalagari ng kahoy sa harap ng bahay nila. Gumagawa kasi siya ng bagong kabinet nila. "Nu premyo nyan?"
"Pre, tumatagingting na 20 k ang first prize!" Sabi ni Sehun habang kumakain ng fishball.
"Kahit di manalo, baka gusto niya itry lang."
"Mamaya ko sabihin. Salamat."
Nang magkita sila ni Kyungsoo, agad na ibinalita ni Jongin ang contest sa kabiyak.
"Sali ka?"
"Oo, Jongin!"
Tuwang tuwa na sabi ni Kyungsoo. "Sasali ako! San ba ako magpapalista dyan?"
Lumipas ang mga araw na kasado na ang pagsali ni Kyungsoo sa nalalapit na San Carlos Singing Contest na gaganapin sa kanilang plaza.
Todo suporta naman si Jongin sa kasintahan na siya laging nakiki-
nig sa kanya tuwing siya ay nagpapraktis ng kakantahin.
Hindi sumali si Kyungsoo para sa premyo, kundi sa kagustuhan lang niyang magperform sa harap ng maraming tao.
Sabik na si Kyungsoo sa darating na Sabado.
"Alam mo, ayaw ng mga magulang ko sa pagkahilig ko kumanta."
"Pansin ko, lahat na lang ng gusto mo ayaw nila."
"Oo. Hindi ko rin sila talaga maintindihan kung bakit ba. Di ko rin talaga sila maintindihan mismo."
Gabi na at nasa bukid sila kung saan madalas makita ang mga alitaptap. May mangilan-ngilan na rin silang nakita.
"Simula pagkabata ko, kung anong gusto nila yun lang ang nasusunod. Dahil bata pa ako sige lang ako sa pagsunod. Pero nung nadiskubre ko na may panglaban pala ako sa pagkanta, sumali ako sa choir nung high school. Kaso nung nalaman nila yun, pinaalis nila ako sa club na yun."
Nakikinig lang si Jongin.
"Umiyak ako nang umiyak nun kase gustong-gusto ko talaga sa choir. Dun din nag-umpisa pagiging pasaway ko. Sumali ako ng singing contest sa school. Hindi ako nanalo pero pinagalitan nila ako. Nung panahong din yun nung lumayas si Kuya. Pareho lang kasi-
kami na kinokontrol nila. College nun si Kuya pero kahit nakalayas at di na nasustentuhan , napag-aral pa din nya ang sarili niya. Ngayon nasa Norway na sya may pamilya na. At masaya."
Isang alitaptap ang dumapo sa palad ni Kyungsoo. Napangiti sya kahit na mapait ang kwento nya.
"Bakit ikaw...bakit di mo sila maiwan?" Maingat na tanong ni Jongin sa kasintahan.
Pinanood ni Kyungsoo lumipad ang alitaptap sa kanyang palad. Kelan din kaya siya makakalipad ng malaya ng ganun?
"Bago mamatay ang lola ko, binilin nya sa akin na kahit ganyan mga magulang ko-
magulang ko pa rin sila. Nangako naman ako sa kanya na hindi ko sila iiwan. Pero minsan talaga, gusto ko na rin maglayas. Araw-araw ko yan naiisip." Lumuha na si Kyungsoo. Ngayon lang niya nailabas ng detalye ang tungkol sa buhay niya kay Jongin.
Hinayaan lang muna ni Jongin sya
umiyak.
"At alam mo ba nung sumali ako ng singing contest nitong college, nanalo nga ako. May tropeo, may bouquet na inuwi, may pera na premyo pero anong ginawa nila? Sinira ng mom ko yung trophy sa harap ko. Pati yung mga bulaklak. Yung pera, nawala sa bank account ko."
"Kaya nga, ngayong may contest ulit, dahil wala naman si Dad at hinahayaan lang ako ng nanay ko, sasali ako. Kasi ito yung gusto ko, Jongin eh--ang kumanta, hindi mag-accounting." Nagpunas ng luha at sipon ang dalaga at tiningnan ang biglang pagdami ng alitaptap sa harap nila.
Natawa bahagya si Kyungsoo. "Ang laya nila no?" Pagtukoy niya sa mga alitaptap bago tumingin kay Jongin na nakatitig sa kanya.
Tumingin din si Jongin sa mga alitaptap. "Balang araw, magiging tulad ka rin nila," tumingin siya kay Kyungsoo na nakatitig sa knya. "Kikislap ka din."
Nagngitian ang dalawa at nilagay ni Jongin ang braso niya palibot sa beywang ng kasintahan na sumandal naman sa kanya. At pareho nilang pinanood ang nagkikislapang mga alitaptap sa paligid nila.
Araw ng contest, sa bahay ni Jongin nag-ayos si Kyungsoo. Katuwang niya si-
Baekhyun sa pagpapaganda sa kanya kahit maganda naman na siya.
Si Baekhyun ang nag-make up at nagkulot ng buhok niya. Sina Jihee at Jihye naman ay pinapanood lang ang dalawa. Si Jongin nasa labas kausap ang tropa.
"Baks, ayan! You're so gorgeous talaga!" Tuwang-tuwa si-
Baekhyun sa naging outcome ng pag-aayos niya kay Kyungsoo.
"Wow, Ate Soo, lalo ka po gumanda," Manghang-mangha si Jihee.
Tumingin si Kyungsoo sa bilugang salamin at tiningnan ang sarili. Kuntento siya sa itsura nya gaya ng maaaasahan kay Baekhyun na laging nag-aayos sa kanya.
"Partida di ka pa sasali ng Ms. Universe niyan pero pang Ms. Universe na ang ganda, right girls??" Tingin ni Baekhyun kina Jihee at Jihye.
"Opo. Ate, pwede ka na sumali ng Binibining Pilipinas." Sabi ni Jihye.
Inayos-ayos pa ni Baekhyun ang buhok ni Kyungsoo. "Ay nako, di lang-
pang-beauty contest Ate niyo kundi pang American Idol pa o di ba!? Nasa kanya na lahat pati ang poging Kuya niyo."
Pinalo ni Kyungsoo ang kaibigan sa pwet.
"Aray!"
Tumawa si Kyungsoo at umiling.
"Di na ko makapaghintay na marinig si Ate Soo na kumanta."
"Ako rin, Jihee."
"Uy halina kayo mag-four na." Sabi ni Baekhyun habang nililigpit na niya ang make-up kit.
Nagsiayusan na sila at lumabas na kung san naghihintay ang mga lalaki.
Samantala, ang usapan ng tropa ay ito:
"Ang galante ni Mayora ngayon ang daming pa-contest. Sana naman pati ML-
sinama." Sambit ni Sehun habang kamot ang ulo.
"Pre, kanina ka pa kamot nang kamot sa ulo mo, kinukuto ka na ba!?" Tawa ni Taemin sa kaibigan.
"Kuto ka dyan, dandruff lang yan!" Depensa naman ni Sehun.
"Gago, kadire ka! Pano ka magkaka-girlpren niyan!?"
"May dandruff nga-
gwapo naman!"
"Tange, ka turn off yan uy!"
Sige kamot pa si Sehun sa ulo. "Tangina niyo wala ako pareho mga uto!"
"Ulul!"
Tinapik ni Chanyeol si Jongin.
Lumingon sa likod ang binata at para siyang nakakita ng bumabang anghel galing langit.
Napakaganda ni Kyungsoo.
"Tara na, tara na. Mag-aalas kwatro na." Sabi ni Sehun.
Inihanda naman na ni Chanyeol ang tricycle niya at pinaandar na.
Nagtama ang tingin nila Jongin at Kyungsoo.
Ngumiti ang dalaga sa kanya. Higit pa sa anghel ang ganda ni Kyungsoo. Isa siyang...
"Parang dyosa jowa mo, tol"
Pagka-lock ng bahay, pumasok na sa loob si Baekhyun at Kyungsoo sa tricycle, kasama si Jihee na uupo na lang sa maliit na upuan roon.
"Oo nga eh." Pagsang-ayon ni Sehun sa sinabi ni Taemin. Ganun din si Taeyong.
"Oy sige pre, kita-kits na lang sa plaza. Susunod kaming tatlo."
Nagtapikan ang apat sa balikat at sumakay na sa likod si Jongin, katabi si Jihye.
Pumunta na sila sa plaza.
Maraming tao, wala na ring mauupuan.
Nakatayo na lang ang magkakapatid at si Baekhyun sa gilid habang nasa backstage nasa harapan na si Kyungsoo katabi ang iba-
pang mga kalahok. Kabado ang dalaga dahil matapos ang tatlong taon ay heto na ulit siya at sasabak na naman sa isang singing contest.
Umandar ang oras at nag-umpisa na ang patimpalak. Pang-eleven si Kyungsoo sa kakanta out of 13 contestants.
Masaya niyang pinanood ang mga-
kandidato at kandidata. Manghang-mangha siya sa pagkanta ng mga nauna sa kanya.
"At ngayon, ang magtatanghal ay si contestant no. 11, Kyungsoo Doh!"
Nagpalakpakan sina Jongin sa pwesto nila, tuwang-tuwa na si Kyungsoo na.
"Ayan na si Ate!!"
Umakyat ng stage si Kyungsoo at-
pumwesto na sa gitna, hawak hawak ang mikropono.
Tumugtog ang cue niya. At kumanta.
'Buhos na ulan aking mundo'y lunuring tuluyan
Tulad ng pag-agos mo
'Di mapipigil ang puso kong nagliliyab'
Hindi ganoon kataas ang pagkanta ng dalaga dahil dinagdagan niya ito ng flavor na-
maituturing niyang kanya.
Masayang-masaya na kumakanta si Kyungsoo sa stage, nakangiti.
Pumapalakpak naman si Jongin at napapakanta rin dahil ilang beses niyang pinanood si Kyungsoo na ineensayo ang kantang ito sa bukid.
Ngayon, masasabi niyang kumikislap si Kyungsoo, gaya ng-
mga alitaptap sa bukid. Para kay Kyungsoo talaga ang pagkanta, dahil kahit madilim man ang kanyang kwento, sa pagkanta nya nasusuong ang liwanag.
Matapos ang pagkanta, todo ang palakpakan nina Jongin. Nag-bow si Kyungsoo sa stage at agad pumunta kay Jongin.
"Jongin, nagawa ko!"
Yumakap ang dalaga sa binata.
"Ang galing mo, Soo!" Ngiting sabi ni Jongin.
Ganun din ang mga kapatid ni Jongin at si Baekhyun mismo.
"Ate, ang galing galing mo kumanta!"
Niyakap din niya sina Jihee at Jihye.
"Baks, I'm so proud of you." At sa huli, ang magkaibigan ang-
nagyakapan.
Pero sa mga huling sandali ng patimpalak, bumalik si Kyungsoo sa tabi ni Jongin. Akbay siya ng binata at habang siya ay nakatutok sa stage, nakatutok naman si Jongin sa kanya.
Madalas, napapa-mura na lang talaga siya sa isip dahil sobrang mahal na mahal nya ang-
babaeng ito.
Pagtingala ni Kyungsoo sa kanya, nilapatan niya to ng halik sa noo na nagpahugis puso muli sa mga labi ng kasintahan.
Parang kailan lang ang lahat. Ang bilis ng panahon. Dati inaabangan lang niya ito sa terminal para tingnan, ngayon, nasa tabi na niya.
"Ayan na!"
Sabik na ang mga tao malaman kung sino ang nagwagi sa paligsahang ito.
Pero...
"Di ba anak ng mayaman yan?"
"Oo. Sumali-sali pa di naman niya kailangan yung pera. Naku, pag nanalo yan maiinis talaga ako."
"Malay mo nasuhulan na pala yung mga judges, d natin alam."
Narinig nilang lahat yun at nagsitinginan sila sa isa't-isa.
Kumapit si Kyungsoo sa braso ni Jongin at umiling. "Huwag na, Jongin. Hayaan mo na sila."
May lungkot sa ngiti ni Kyungsoo pero nang lilingunin na ulit ni Jongin ang mga chismosa, wala na sila sa likuran nila.
Hindi man nagwagi si Kyungsoo, masayang-masaya naman siya na nakakanta siya sa harap ng maraming tao. Yun na ang tropeo niya.
Ngayon, gabi na at hinatid na ni Jongin si Kyungsoo sa kanila.
Sina Jihee at Jihye, kasama ang tropa niya sa bahay na panigurado kumakaib pa rin ng-
bilaong pansit na bili nila bilang pag-celebrate sa matagumpay na pagtatanghal ni Kyungsoo sa plaza.
Masayang-masaya si Jongin na suportado rin ng tropa niya si Kyungsoo.
Magkahawak sila ng kamay habang naglalakad.
"Ang galing galing mo talaga kanina. Parang-
sumalangit yung kaluluwa ko kanina habang pinapakinggan ka."
"Luh, nu yun, namatay ka?" Tawa ni Kyungsoo habang inii-swing ang kanilang magkahawak na mga kamay.
"Hindi. Ang sarap kasi sa pakiramdam na marinig kang kumanta. Basta, parang sumalangit ako."
Natawa si Kyungsoo sa-
paglalarawan ni Jongin.
"Salamat. Salamat din sa pagsuporta."
"Syempre, boyfriend mo ko suportahan lang kita kahit saan." Pagmamalaking sabi ni Jongin at huminto na sila sa tapat ng bahay ng mga Do.
"Swerte ko naman sa boyfriend ko." Ngisi ni Kyungsoo.
"Swerte ko din."
Ngisi pabalik ni Jongin at nagtawanan silang dalawa.
"Pahinga ka na." Tapik ni Jongin sa ulo ng kasintahan at humalik muli sa noo nito.
"Ok. Ingat ka pauwi ah? Goodnight."
Bumitaw.
"Goodnight."
Bago umalis, sinigurado muna ni Jongin na nakapasok na ang babae sa loob ng bahay
nito at tsaka umalis.
Pagkapasok sa loob ni Kyungsoo, nabura ang ngiti niya sa labi.
"Ganitong oras ka ba araw-araw umuuwi tuwing wala ako? Alas onse? O minsan mas late pa?"
Nasa sala ang kanyang ina, umiinom ng alak.
Aalis na sana si Kyungsoo at hindi na sasagutin ang-
ina dala ng pagod pero bago pa siya makatungtong sa hagdan, lumingon ang nanay niya sa kanya.
"Ganyang klase pala ang kargador na yan? Inuuwi ang babae ng dis-oras ng gabi?"
Napapikit si Kyungsoo at napabilang ng sampu para kalmahin ang sarili.
"Ngayon lang po to, hindi araw-
araw."
"Oh? Bakit? May ginawa na ba kayong--"
"Ma! Ano bang iniisip niyo!?"
Tumayo si Mrs. Do at nilagok ang iniinom na alak bago harapin ang anak na pansin niyang naka-make up at ayos na ayos.
"E, ano? Bakit ginabi ka na? Bakit hinayaan ka niya magpagabi ng uwi?"
"Wala siyang kasalanan, Ma. Sumali ako ng singing contest. Masaya ka na, Ma?"
May gulat sa mukha ni Mrs. Do. "Sumali ka na naman? Kyungsoo! Ano bang mapapala mo dyan? Nagsasayang ka ng oras sa walang kwentang mga contest na yan!"
Nagtitimpi pa si Kyungsoo pero di na rin-
niya natiis. "Ma, paulit-ulit na lang ba tayo?? Akala ko ba hahayaan niyo na ako pero bakit ganito?? Lahat na lang, bawal? Bawal na ba ako sumaya, Ma?"
"Pinoprotektahan lang kita, Kyungsoo--"
"Protekta? Kumakanta lang ako, Ma! Ano bang mangyayaring masama? Ang hirap sa inyo-
hindi ko kayo maintindihan." Kung lubos ang kaligayahan niya kanina, lubos na ngayon ang kalungkutan niya.
"I'm just protecting you, Kyungsoo--"
"Ma, sawang-sawa na ako! Hinayaan mo na ako kay Jongin di ba? Hayaan mo na rin akong lumigaya sa pagkanta."
"You will never-
understand, Kyungsoo. You have to stop this--"
Umiling na si Kyungsoo. Ayaw na niya makinig pa sa kanyang ina. "Tama na, Ma. Please. Tama na--"
"Wala ka kasing alam kaya ganito ka--"
Umakyat na si Kyungsoo sa taas at nagmadaling pumasok sa kanyang kwarto at doon umiyak.
Nagulat si Kyungsoo na sa pagkalabas ng classroom ay naroroon si Junmyeon, naghihintay sa kanya.
Ngayon, nasa isang kainan sila sa loob ng campus, magkaharap, kumakain ng lunch.
"Kamusta ka?"
Tumingin si Kyungsoo sa lalaki bago sumubo ng pagkain. "Okay lang, ganun pa rin."
"Buti naman..."
Tahimik. Walang kumikibo. Medyo awkward pero kinakaya naman ni Kyungsoo.
Matapos nilang kumain, diniretso na ni Kyungsoo si Junmyeon. "May kailangan ka ba sa akin?"
Nagpunas ng bibig si Junmyeon at tumango. "May gusto akong sabihin sayo."
Tanging mga-
kalansing ng kubyertos at ingay mula sa mga kustomer ng kainan ang naging ingay sa katahimikan nila.
Umiwas ng tingin si Kyungsoo sa titig ni Junmyeon sa kanya. Iba ang kutob niya.
"Sabihin mo na." Udyok ni Kyungsoo sa kasama.
Bumuntong hininga si Junmyeon at tinitigan ulit sa
mata si Kyungsoo.
"Gusto kita. Matagal na." Pag-aamin ng lalaki sa kanya.
Gusto rin naman siya ni Kyungsoo noon, pero may mas higit pa pala siyang magugustuhan kesa dito, at si Jongin yun.
"Salamat, pero alam mo naman na may boyfriend na ako di ba?"
Tumango ang lalaki.
"Alam ko. Wala akong intensyon na agawin ka sa kanya o ano. Para lang din 'to sa akin, para hindi ako magsisi na hindi ko man lang sayo nasabi. Late ko na." Tawa na lang ng lalaki kahit namumukhaan ni Kyungsoo sa kanya ang lungkot na nararamdaman.
"I'm sorry, Junmyeon."
"Don't be. And I just want to say na gawin mo lang ang gusto mo, huwag mong hayaan ang mga tao na kontrolin ka nila, hm?"
Tumango si Kyungsoo at nginitian ang lalaki na may malungkot na ekspresyon sa kanyang mukha.
Lumipas ang mga araw na masaya sina Jongin at Kyungsoo. Kung may away man, pag-iinarte lang naman nilang dalawa.
Madalas mag-inarte si Kyungsoo tuwing period niya, pero nakakaya naman ni Jongin ang dalaga, natitiis kasi mahal niya. Di bale, bago naman matapos ang araw-
nagsosorry naman si Kyungsoo sa kanya at lalambingin siya.
Parating pag-iinarte ni Kyungsoo ay dahil sa pagkain, ganun lang. Kapag inuubusan siya ni Jongin ng binibili nilang fries o kapag nauunang maubos ni Jongin ang pagkain niya. Ganun lang. Ganun ka-petty.
Samantala, nagtatampo rin si Jongin kay Kyungsoo. Ang treatment ng binata, nananahimik siya, walang kibo. Bakit?
Dahil lang naman sa basketball player na crush ni Kyungsoo sa PBA na lagi niyang bukambibig.
Umpisa na naman kasi ng bagong season ng PBA, e fan kasi si Jongin ng
San Miguel Beermen kaya nanood siya ng laban. Kaso mukhang pagsisisihan niya dahil nagka-crush si Kyungsoo sa isa sa mga players na paborito pa mismo ni Jongin.
Natatawa na lang sina Jihye at Jihee kapag nagtatampururot ang Kuya nila.
Exams na ulit ni Kyungsoo. Nalalapit na-
ang namimintong graduation ng dalaga kaya abala na naman ito sa pag-aaral. Si Jongin abala naman sa pagtatrabaho pero tuwing umuuwi si Kyungsoo ng eskwela ay nakakapagkita pa naman sila.
"Kamusta exams?"
Nagkibit-balikat si Kyungsoo. "Basta nakasagot naman ako. Ayun."
"Mukhang stressed na stressed ka na," hinawi ni Jongin ang buhok ng dalaga at hinalikan ito sa sentido. "Yaan mo lapit ka na grumaduate."
Tumingin muna sa paligid si Kyungsoo at nang makitang walang tao, tumingkayad ito at humalik sa pisngi ng kasintahan.
Pagkauwi ni Kyungsoo-
at nasa harap na sila ng bahay ng dalaga, inayos ni Jongin ang buhok ng kasintahan at kinulong niya ang pisngi nito ng kanyang mga palad.
"Pahinga ka na. Tulog ka muna o ano. Laki na ng eyebags mo oh." Biro pa niya sa dalaga.
"Laki ka dyan. Wala naman." Pagmamaang-maangan pa ni
Kyungsoo kahit alam niyang meron naman. Walang ginawa kasi si Kyungsoo nitong mga araw kundi ang mag-aral. Accounting siya, oo, pero hindi siya matalino tulad ng iba na mabilis pumick-up. Kailangan niya ng puspusang pag-aaral para maintindihan lalo ang kinukuha. In short,
dinadaan niya sa kasipagan ang lahat kahit hindi naman talaga siya masipag mag-aral. Swerte lang din niya at matataas pa rin ang grades na nakukuha niya kahit ganito.
Si Jongin, di naman siya manhid na makita ang lungkot sa mga mata ng dalaga. Hindi niya alam kung bakit.
Gusto niya tanungin pero hahayaan na lang muna niya na si Kyungsoo ang mag-open up sa kanya.
"Pasok ka na." Humalik ulit siya sa noo ng dalaga at tsaka tinapik ito sa ulo.
"Salamat, Jongin." Ngiti nito sa kanya, pero bago pa mabuksan ang gate, lumabas ang isa sa yaya nila.
"Ma'am, andito na po sila!" Sigaw ng yaya at napatingin naman sina Kyungsoo at Jongin sa kanila.
Lumabas ang nanay ni Kyungsoo at lumakad papunta sa kanila.
Pinagbuksan ng gate ng yaya si Kyungsoo na gulat na gulat.
"Magandang hapon po Mrs. Do." Magalang na bati ni Jongin.
May inabot na sobre si Mrs. Do sa binata.
"Ma, ano yan?"
Hindi pinansin ni Mrs. Do ang anak, nakatuon lng kay Jongin ang atensyon nito. "It's my invitation for my upcoming 60th birthday nxt month. I want you to be there, hijo."
Tiningnan ni Jongin ang kulay gold na sobre.
"You'll be there, right hijo? For Kyungsoo?" Ngiti ni Mrs. Do sa binata.
Ngumiti naman pabalik si Jongin, masaya na naimbitahan siya ng ina ni Kyungsoo sa birthday nito.
"Ma, may binabalak ka ba?"
"Anong sinasabi mo, Soo? It's a courtesy rin naman to invite your boyfriend-
di ba? Ayaw mo ba nun? Hindi ka mag-iisa all throughout the party? Ano, hijo? Punta ka ha? You can't say no." Ngiti niya kay Jongin. "Wear something nice. It's a formal party. Good day. Kyungsoo, halika na sa loob."
Si Kyungsoo, napatingin sa binata. Ayaw pa sana niya iwan ito-
pero sinundan na niya ang ina sa loob.
"Ma, why did you invite Jongin? Hindi ba masyadong maaga para dito?"
"Hindi ko ba pwede imbitahan ang boyfriend mo? O wag mo sabihin sa akin na narerealize mo na na ikinakahiya mo siya? You'll graduate this month. Soon, licensure exams-
mo na. You'll see what the real world looks like and you have to settle down and get married. Nagigising ka na ba sa kahibangan mo, Kyungsoo?"
Hindi makalaban si Kyungsoo sa sobrang pagod. "Mom, enough. Hindi ko ikinakahiya si Jongin. i just can't understand your intention--
na bakit ikaw pa ang kailangang magbigay sa kanya mismo ng invitation when I can do it by myself--ugh, nevermind, pero, Ma, if you and Dad do something sa party, I will never forgive you both."
Tumalim ang tingin ni si Mrs. Do. "At ano? Gagaya ka sa Kuya mo?"
Umakyat na si Kyungsoo nang hindi pinapansin ang sumisigaw niyang ina.
"Kyungsoo! Bumaba ka dito!"
Sinara ni Kyungsoo ang pinto ng kwarto niya at napabuntong-hininga.
Pagod na pagod na siya.
"Gusto mo ba talaga pumunta sa party ni Mom?" Naglalakad ang dalawa habang-
kumakain ng Angel's Burger.
"Hm. Inimbitahan ako ng nanay mo, sisiputin ko."
"Hindi mo talaga ugaling mang-indian no?" Ngiti ni Kyungsoo pabalik. Ngiting malungkot pa rin.
"Hindi. Hindi ata ako nang-iiwan." Pagmamalaki ni Jongin.
"Di rin kita iiwan, Jongin." Sagot bigla ni-
Kyungsoo.
"Yun ba ibig mong sabihin?" Silip ni Jongin sa dalagang kahawak-kamay niya. "Wala din naman ako balak iwan ka."
"Talaga?"
"Oo naman no."
"Kahit anong mangyari?" Ngiti bigla ni Kyungsoo. Ang kalungkutan niya biglang nawala.
Dinikit ni Jongin ang palad sa dibdib.
"Kahit anong mangyari, hinding-hindi kita iiwan. Pangako." Malaki ang ngiti ni Jongin. Sinsero siya sinabi dahil wala talaga siyang plano na iwan si Kyungsoo kailanman.
Nang may madaanan silang lilim ng puno, hinila ni Jongin ang dalaga roon at hinalikan si Kyungsoo sa labi.
Senswal ang naging paggalaw ng kanilang mga labi. Hindi ito tumagal, pero magkadikit pa rin naman ang kanilang mga noo.
"Hinding-hindi rin kita iiwan Jongin, pangako ko yan."
Ngumiti sila at niyakap ang isa't-isa. Pinugpog naman ni Jongin ang ulo ng kasintahan na mahigpit na-
kumapit sa kanya.
Isang araw, umuwi si Jongin na umiiyak ang kapatid na si Jihee.
"Jihye, anong nangyari?"
Yakap yakap ni Jihye ang kapatid na naka-uniporme pa rin."
Hindi nagsasalita ang dalawa. Patuloy naman sa paghagulgol si Jihee.
Lumuhod si Jongin para i-lebel ang-
ang sarili sa umiiyak na kapatid. Gulu-gulo ang buhok nito. "Jihee, ano nangyari?"
"Kuya..." Hinarap na rin siya ng kapatid.
Hinawi niya ang buhok nito pinunasan ang mukha ng lampin. "Jihye, ano meron?"
Kinakabahan si Jongin sa malalaman.
Hindi pa rin nagsasalita si Jihye at
tumingin kay Jihee na nahihirapan na huminga.
"Jihee, kumalma ka." Tinabihan ni Jongin ang kapatid at niyakap.
"K-Kuya," panimula niya.
Hinihimas ni Jongin ang likod ng kapatid. "Jihye, kumuha ka ng tubig."
Sumunod si Jihye at bumalik na may isang basong tubig at pinainom-
muna si Jihee.
Hinintay nila itong kumalma muna. Kumuha ng pantali ng buhok si Jongin at tinalian ng buhok ang kapatid.
"K-Kuya, sorry..." sabi nito at lumuha na naman ulit. "Sorry po talaga."
"Bakit? Ano ba ang nangyari?" Mahinahong tanong niya. Ayaw niyang takutin si Jihee.
Umiyak na naman ito at niyakap niya. "Kuya, sorry." Tumingin si Jihee kay Jihye at may sinenyas.
Punung-puno na ng pagtataka si Jongin. May binigay na nakatiklop na papel si Jihye.
Kinuha iyon ni Jongin at nanginginig na ibinuklat.
Dear Ms. Jihee Kim,
It is with deep regret that we are informing you that we have decided to terminate you, from your scholarship as the mayor' office has received complaints stating your misconduct, which is not acceptable--
Hindi na naituloy pa ni Jongin ang pagbabasa.
"K-Kuya, I'm sorry..." Panghihingi pa rin ng tawad ni Jihee sa kanyang Kuya na biglang nanahimik.
Pinalipas muna ni Jongin ang ilang minuto bago magtanong. "A-Anong ginawa mo, Jihee, ha?" Naiiyak at dismayadong tanong ni Jongin sa kapatid. "Ano? Para maintindihan ni Kuya."
"Kuya, sorry, pinagtanggol lang naman kita. Kuya, sorry."
"Anong ibig mong sabihin?"
"Napaaway ako, Kuya. Tinawag ka kasi nilang mukhang pera dahil kay Ate Soo. Ang dami-dami nilang sinasabi. Matagal na silang nagpaparinig pero hindi na ako nakapagtimpi pa." Luha niya ulit.
"Kuya, bakit ganyan sila sayo? Di ka naman nila kilala pero ang dami nilang sinasabi? Ang sakit sakit pakinggan. Na kahit alam kong mali na pumatol, hindi ko na kaya. Sobra na. Sorry, Kuya, dahil sa akin mapapabigat pa 'to sayo." Iyak pa nya ulit at niyakap na lang sya ni Jongin.
"Tahan na. Wag mo sisihin ang sarili mo. Hayaan mo si Kuya bahala sayo, hm? Dun ka pa rin mag-aaral. Ayokong ilipat ka sa public. Dun ka lang. Wag mo problemahin yan. Basta ang gusto ni Kuya, mag-aral ka lang, yun lang, okay?"
Tumango si Jihee at tumingin sa Kuya. "Promise ko-
Kuya, gagalingan ko kahit mukhang malabo na rin na maging candidate ako for honors."
"Tahan na. Okay lang yun. May next time pa. Next year pwede ka pa bumawi at malay mo matanggap ka ulit sa full scholarship mo, hm?"
Nagyakapan ulit ang dalawa. "Jihye, may problema ka rin ba?"
"Alam niyo naman pareho na kahit ano pwede niyo sabihin sa akin. Wag kayong mahiya kasi tayo-tayo lang din ang magkakakampi sa huli."
Nakayuko si Jihye. "G-Ganun din kay Jihee, Kuya. Pinapalagpas ko na lang. A-Ayoko kasi ng gulo kahit ganun din. Masakit pakinggan na kung anu-ano
na lang na masasakit na salita ang sinasabi nila sayo. Ang masakit pa, pati yung kamuntikan ka nang makulong alam din nila. Na addict ka daw. Pero mahirap magsalita Kuya, kasi alam mo naman na hindi ka nila papakinggan." Lumuluha na rin si Jihye, si Jihye na hindi ganun ka-open
kumpara kay Jihee.
Naluluha na rin si Jongin. "P-Pasensya na kayo ah? Hayaan niyo talaga, ako bahala. Magtatapos kayo. Pagtatapusin ko kayo ng pag-aaral, pangako ko yan. At hayaan niyo sila na siraan ako. Walang kaso basta huwag na huwag lang nila kayo sasaktan. Kung may-
magtangka man, sabihin niyo sa akin, naiintindihan?"
Tumango ang dalawang kapatid.
"Sorry talaga, Kuya. Sorry..." Panghihingi pa rin ng tawad ni Jihee. Si Jihye, nagpupunas na ng luha.
"Shhh, Jihee, tama na ang sorry, wala kang ginawa. Yakap niyo na lang si Kuya."
Yumakap ang dalawa sa kanya. Kahit na masakit sa parte niya na malamang may pinagdadaanan ang mga kapatid niya dahil sa kanya, ang tanging kaya na lang niya isukli ay ibuhos ang pagod at hirap para mabigyan sila ng magandang kinabukasan.
"Mahal na mahal ko kayo." Sabi niya.
"Jongin, mukhang pagod na pagod ka ata?"
Pinunasan ni Kyungsoo ang pawis sa noo ng kabiyak nang hintayin siya nito sa terminal.
"Kakagaling ko lang kase sa talyer. Tumulong ako dun. Raket ba. Pangdagdag."
"Hm."
Naglakad na sila. Tahimik.
"May gusto pala akong sabihin."
Tumingala si Kyungsoo kay Jongin. "Ano yun?"
Huminto sila sa paglalakad. "Baka hindi muna kita mahintay sa mga sumunod na araw. Trabaho."
"Magtatrabaho ka hanggang hapon?"
Tumango si Jongin, bumitaw kay Kyungsoo. "Nag-iba ang sitwasyon, Soo. Di ko kakayanin kung isang raket-
lang ako isang araw. Kailangan ko ng pangdagdag."
"Para saan? May pinag-iipunan ka ba?"
"Oo, parang ganun na nga. Due na ng tuition ni Jihee, kailangan ko makapagbayad ng limang-libo next week. Baka kulangin ako kung di ako kakayod pa."
"Ha? E, di ba scholar si Jihee?"
"Dati pero di na ngayon." Pagod na sabi ni Jongin.
"Ano nangyari?"
"Napaaway, ayun e nireport ata ng school sa mayor's office eh bawal yun. Matic terminated ang scholarship."
"Hay." Nalungkot rin si Kyungsoo sa balitang ito. "Magkano ba kailangan mo? Ako na muna aako."
"Limanglibo di ba?" Dinukot ni Kyungsoo ang wallet at naghanap ng blue bills.
Si Jongin, hindi natuwa sa ginagawa ngayon ng kasintahan. "May 4k ata ako dito. Bukas ko ibigay yung 1k para di ka na mangroblema." Binaba niya ang kamay at wallet ni Kyungsoo na nakadukot na ng pera.
Sarkastiko ang ngisi ni Jongin. Pagod na pagod na siya pero ang ganituhin pa siya ni Kyungsoo? Pakiramdam niya tinapakan ang buong pagkatao niya.
"Ganun na rin ba ang tingin mo sa akin, Soo? Tulad ng iba, na madadaan lang sa pera?"
Nagsalubong ang mga kilay ni Kyungsoo.
"Ha? Anong pinagsasasabi mo? Kailangan mo ng pera di ba? Heto, tutulungan kita."
Nakapamewang na si Jongin at tumawa nang sarkastiko. "Ano? Tutustusan mo ko gaya ng haka-haka ng lahat? Iyo na ang pera mo, ang pera ko paghihirapan ko. Hindi ko kailangan ng pera mo."
"Jongin, hindi ko intensyon na ma-offend ka. Tinutulungan lang kita. Ilang araw ka na ring pagod. Sa tingin mo di ko yun napapansin? Tulong 'to wala akong intensyon na saktan ka."
Napasuklay si Jongin ng buhok gamit ang kanyang mga daliri sa inis. "Tulong? Di ko kailangan ng-
tulong mo."
"At ano? Aakuin mo na naman lahat? Magpapakapagod ka? Magtatrabaho ka nang magtatrabaho kahit alam mo sa sarili mo na pagod ka na? Na ayaw mo na?"
"At ano? Ipamumukha ko sa lhat na totoo ang sinasabi nila lahat sa akin? Na sa huli manghihingi rin ako ng pera sayo?"
"Pakialam ba nila sa takbo ng relasyon natin, Jongin!?" Hindi makapaniwala si Kyungsoo na darating rin ang araw na ito. "Hindi na ba ako pwede tumulong sayo? B-Bilang girlfriend mo? Dahil lang mayaman ako? Ay mali, hindi naman ako yung mayaman eh, yung magulang ko."
"Di ko nga kailangan ng tulong mo. Oo, girlfriend kita pero ayoko. Ayoko..." Gulong-gulo na ang isip ni Jongin. Lahat ng kinimkim niya buong buhay niya nauungkat na. Tao rin naman siya, naiinsecure sa mga tao sa paligid niya, naiinggit din na bakit siya pa ang kailangang-
makaranas ng ganitong buhay?
"Ang hirap-hirap, Soo. Nahihirapan din ako. Pero kaya ko 'to. Kakayanin ko 'to na ako lang."
"Jongin, sige na, please." Kinuha ni Kyungsoo ang kamay ng kasintahan at binigay ang apat na libo sa kanya. "Tanggapin mo. Bayaran mo na lang kung-"
kailan mo kaya. Sige na. Kailangan mo magpahinga. G-Gusto mo bang magkasakit ka? Lalong mag-aalala sayo sina Jihee at Jihye sige ka."
Nanlambot na ang puso ni Jongin. Nakalma na rin siya. Pero napayakap siya bigla kay Kyungsoo at naiyak.
Bayad na ang tuition ni Jihee-
at natanto niya na hindi niya rin talaga kayang mag-isa na makaipon agad ng limang-libo sa maikling panahon. Pero di rin niya maiwasang madismaya sa sarili na nang-abala pa siya ng iba.
Kinimkim ni Jongin ang sinapit ni Jihee sa kanyang scholarship pero di rin niya natiis at-
naikwento na niya sa barkada ang lahat matapos ang isang linggong paglihim.
"Pre, ba't di mo agad sinabi? E, di sana natulungan ka namin." Sabi ni Sehun sa kanya.
"Magkano ba kailangan mo, papahiramin ka muna namin."
"Jongin, nahihiya ka bang magsabi?" Tanong ni Chanyeol.
"Di na. Pinahiram na muna ako ni Kyungsoo."
"Buti naman." Pasasalamat ng barkada.
Natuwa si Jongin sa mga kaibigan na kung ano ang problema niya, pinoproblema din nila. Nakakatuwa lang isipin na may mga kaibigan siyang nagmamalasakit sa kanya.
"Oo, Yeol, nahiya ako at ayoko-
rin namang magmukhang kawawa sa inyo."
"Pre, wala naman masama na humingi ng tulong minsan lalo na't kung di mo na kaya." Lahad ni Chanyeol sa kanya.
"Basta, pre, kung kailangan mo ng tulong namin, wag ka mahihiya ah? Wag mo sarilihin yan. Tol, kaibigan mo kami, di ka namin-
huhusgahan."
Ngayon, lalo siyang naguilty sa ginawa niya kay Kyungsoo nakaraan.
Pero sa araw din namang iyon na umpisa na ng graduation practice ng kasintahan, naghintay si Jongin sa wala. Hindi dumating si Kyungsoo sa takdang oras na dating nito sa terminal.
Naghintay si Jongin hanggang alas siyete. Wala pa rin si Kyungsoo, pero si Baekhyun, dumating.
"Baekhyun!"
"Uy, Jongin." Lumapit ito sa kanya. "Asan si Soo?"
"Yun nga din ang itatanong ko sayo. Hindi pa siya dumadating. Hindi ba kayo magkasama?"
Umiling si Baekhyun.
"Bago umuwi magkasama kami, e kaso may dapat ako gawin sa org so nauna na siya. Wala akong alam kung asan siya. Pero sure naman ako na sinundo siya ni Manong, kasi nakita ko yung sasakyan na nakaabang sa kanya."
"Ah, ganun ba?" Bumuntong hininga si Jongin. "Baka may pinuntahan-
lang no?"
Tumango si Baekhyun. "Jongin, ingatan mo si Soo ah? Kasi lately, ewan ko ba pero dahil kaibigan ko siya nakikita ko na nahihirapan din siya. Feeling ko tungkol 'to sa grad. Alam mo naman siguro yung tungkol dun di ba? Na ayaw niya ng kinuha niya?"
Matagal na rin naman
napapansin ni Jongin ang lungkot sa mga mata at labi ng dalaga simula ng matapos ang final exams nito.
"Alam ko. Hayaan mo iingatan ko siya para sayo."
"Salamat." Akma na sana siyang aalis pero huminto ito. "Nga pala, gusto kong malaman mo na boto ako sayo para sa kanya.
Tama si Kyungsoo, iba ka sa kanila. Sige, una na ako."
Pumasok na ng tricycle si Baekhyun at umalis na.
Napayuko si Jongin at napatingin sa kaliwa kung san manggagaling si Kyungsoo pero hindi dumating ang dalaga. Umuwi na lang siya.
Maraming kinikimkim si Kyungsoo.
Punung-puno na ang dibdib nya at hindi na niya kaya. Imbis na umuwi sila ng driver, pinapunta niya ito sa puntod ng lola niya sa kabila pang bayan sa Sta. Isabel, dalawang oras rin ang byahe.
Nasa loob siya ngayon ng musuleo ng lola. May bitbit siyang paboritong mga bulaklak-
nito.
Tahimik lang siya sa loob, tinitingnan ang litrato ng lola sa lapida nito.
Kumanta si Kyungsoo. Ang kantang madalas ikanta sa kanya ng lola noong bata pa siya.
'Hindi nga masama ang pag-unlad
At malayu-layo na rin ang ating narating'
Tanda pa niya noon, lola lang nya-
ang tanging nagpapasaya sa kanya noon sa pamamagitan ng pagkanta nito sa kanya nang patago tuwing dumadalaw ito sa bahay nila noon.
Pero tanda rin niya na yun din ang pinag-awayan nila ng mama at lola niya noon. Hanggang ngayon parang naririnig pa rin nya ang boses ng dalawa na-
nagtatalo pero dahil elementarya lang siya noon, hindi na niya tanda ang mga salitang binitawan nila noon habang siya ay nasa labas ng pinto na nakikinig sa kanila at lumuluha.
1st year high school si Kyungsoo nang namatay ang pinakamamahal niyang lola. Sa sobrang lungkot-
dinadaan niya sa pagkanta ang sakit na nararamdaman. Yun nga lang, nang mahuli siya ng ina na kumakanta sa kanyang kwarto, pinagalitan siya nito at pinaluhod pa sa asin.
Pero hindi siya tumigil. Sumali sya sa choir sa eskwela at dun niya nadiskubre na may ibang tao rin pala na-
matutuwa sa kanyang pagkanta, hindi lang ang lola niya, kaya nagpatuloy siya sa pagkanta nang palihim.
Subalit, sa tuwing masaya siya, sinisira naman iyon ng mga magulang niya, partikular na ang nanay niya. Ewan ba niya. Hindi rin niya maintindihan. Maraming beses, ayaw na rin-
niya talagang intindihin.
Nagising na lang si Kyungsoo na ginigising ng kanyang driver.
"Ma'am, gabi na po. Uwi na po tayo. Ma'am. Ma'am okay lang po ba kayo?"
Pagdilat ng mga mata ni Kyungsoo, napansin niyang basa ang mukha niya.
"Ma'am, ayos lang po ba kayo?"
Umiiyak na pala siya sa panaginip ng kanyang nakaraan.
"Okay lang ako, Manong. Tara na."
Madilim na at humuhuni na ang mga kuliglig.
Pinunasan niya ang mga luha at tumayo na.
Ngunit bago umalis, nilingon nya ulit ang puntod ng lola at nagpaalam. "Bye lola."
Maagang nakauwi si Kyungsoo.
Nakaabang na rin si Jongin sa kanya na agad niyang tinakbuhan.
"Jongin!" Masaya niyang bati sa binata at nag-umpisa na ulit ang araw nilang dalawa.
Naglalakad sila papunta kina Jongin, magkahawak ang mga kamay. Walang nagsasalita.
(a/n: naiiyak na ako d ko alam kung kakayanin ko yung mga mangyayari parang ayaw ko na, )
"Sensya na kahapon, Jongin." Tumingala si Kyungsoo sa kasintahan. "Sorry ah? Nasabi ni Baekhyun sa akin na nasa terminal ka pa nung alas siyete."
"Wala yun." Pag-iintindi ni Jongin na may ngiti sa labi. Humigpit ang hawak niya sa kamay ni Kyungsoo.
"Di ka galit?"
"Bakit ako-
magagalit? Di naman kita alila. Gets ko naman na baka may pinuntahan ka lang. Tsaka wala ka naman phone. Wala yung 3 hours sa haba ng oras na naghintay ako sa 7 eleven." Ginawa nang joke iyon ni Jongin at tumawa.
Ngumuso si Kyungsoo at hinampas ang boyfriend sa braso. "Ano ba-
naguiguilty pa rin ako dun no."
Humalik na lang si Jongin sa sentido ng girlfriend. "San ka ba kasi pumunta kagabi?"
"Kay lola. Sa puntod niya sa Sta. Isabel." Nakanguso si Kyungsoo habang sinasabi ang sagot.
"Hm. Layo pala."
"Tapos nakatulog pa ako."
"Kaya pala..."
"Hm. E, ikaw? Di ka naman nagpapagod di ba? Mamaya bugbog ka na sa trabaho. Kamusta ka naman ba?" Pag-aalala naman ni Kyungsoo sa binata.
Ngumiti onti si Jongin. Habang nilalakad ang kahabaan ng bukirin, huminto muna sila at naupo sa kahoy sa gilid ng daan.
"Soo? Sensya na nung nakaraan ah? Dinumihan ko yung intensyon mong tumulong sa akin gayong nagmamalasakit ka lang naman sa akin." Panghihingi pa rin ng tawad ni Jongin sa dalaga kahit na napag-usapan na nila iyon.
"Ano ka ba, okay lang yun. Naiintindihan kita. Jongin-
Sensya na rin kung ang pangit ata ng approach ko sayo nun. Pero hindi ako galit o ano. Basta, kapag may problema ka huwag mo sarilihin. Nandito lang din ako kung kailangan mo ng makikinig o tulong, hm?" Ngiti ni Kyungsoo sa lalaki.
"E, ikaw, Soo? Kailan mo rin sasabihin sa akin-
yung bumabagabag sayo?"
Sa di kalayuan may grupo ng mga bata na nagpapatintero.
Umihip ang malakas na hangin.
Tumingin si Kyungsoo sa mga batang masaya at malayang nakakapaglaro, mga batang wala pang iniintindi sa mundo.
"Natatakot ako, Jongin." Sinandal na niya ang ulo sa-
balikat ng kasintahan. "Natatakot akong grumaduate."
Hinayaan lang ni Jongin na magkwento ang dalaga.
"Pagkagraduate ko, yun na talaga. Accountancy? Wala yung puso ko dun, Jongin. Natatakot ako sa mundong kabibilangan ko pagkatapos ng lahat ng 'to. Na ayoko naman talagang-
pasukin. Akala ko magiging madali ang lahat pagtanda ko, pero hindi pa pala. Wala pa nga ako dun pero ayoko na. Sukong-suko na ako. Alam mo yun? Gusto kong wag sumipot sa grad na ayoko kasi ayoko dahil oo mayaman magulang ko pero ayoko rin naman sayangin yung pera nila?"
Na ayokong sayangin 'tong pinaghirapan ko makatungtong lang dito matapos ang ilang taon kahit ayoko nito. Alam mo ba na ayokong nag-iisip, nag-aanalisa ng word problems? Sumasakit ulo ko. Pero pinilit ko. Minsan naiisip ko bakit di ko pa ginaya ang Kuya ko noon eh. Sana pala-
nagawan ko to ng paraan noon. Kaso huli na. Andito na ako. Patapos na, sasayangin ko pa ba? Pero pano kaligayahan ko? Bakit ang hirap sumaya?" Lumuluha na naman si Kyungsoo. "Gabi-gabi ko na lang 'to iniisip. Minsan kahit sa klase mismo naiiyak ako. Nung exams, Jongin, nung exams
alam mo ba na umiiyak ako habang nagsasagot sa papel ko? Tapos nung last day nag-breakdown na lang ako at naiyak sa buong klase. L-Lahat sila....nakatingin sa akin."
Tanda pa ni Kyungsoo ang mga bulungang narinig.
'Baka break na sila ng kargador niyang boyfriend.'
Hinayaan ni Jongin na umiyak si Kyungsoo, hinimas niya ang likuran nito.
Nagpunas na ng luha si Kyungsoo. "Pero okay na ako. Medyo. Bahala na lang. Ewan. Lam mo, kung di kita siguro nakilala di ko na alam." Tumingala si Kyungsoo kay Jongin. "Ikaw na nga lang ata ang dahilan kung
bakit ako gumigising bawat umaga."
Humalik si Jongin sa noo ng kasintahan. Paulit-ulit. "Hindi ko alam ang gagawin ko kapag ikaw nawala pa."
"Shhh." Pinugpog ni Jongin ng halik ang ulo ng babae at niyakap pa niya nang mas malapit sa kanya. "Di kita iiwan. Kahit ako rin di ko-
rin alam ang gagawin pag nawala ka." Humalik siya sa noo ni Kyungsoo. "Ikaw kasi ang lalong nagpakulay ng mundo ko. Mahirap ang buhay, ang mabuhay pero ikaw ang isa sa mga dahilan kaya nakakaya ko."
Ngumiti si Kyungsoo sa sinabi ni Jongin.
"Di bale, kapag kinasal tayo-
at nagkapamilya, Soo, sinisigurado ko sayo, pasasayahin kita. Gagawin kong mas makulay pa ang bawat araw mo, tapos pag may chikiting na tayo, tuturuan mo sila kumanta. Ako kasi di magaling sa ganyan pero sige, kakanta rin ako para sa inyo. Araw-araw tayong may concert sa bahay."
Kinilig si Kyungsoo sa sinabi ni Jongin kaya lalo siyang yumakap rito at ngayon ay ngiting-ngiti na.
Yumakap din nang kaparehong higpit si Jongin sa kanya at sinara nila ang mga mata.
"Bubuka ang bulaklak, papasok ang reyna, sasayaw ng cha-cha ang saya-saya!" Kanta ng mga bata-
sa di kalayuan.
Nagtinginan ang magkasintahan. Sinayaw-sayaw nila pareho ang mga kilay. Natawa si Kyungsoo kay Jongin. Ganun din si Jongin sa knya. "Naiisip mo ba naiisip ko?"
"Oo naman, no." Tawa ni Kyungsoo.
Nagkaintindihan sla. Tumayo at nilapitan ang mga musmos na bata.
Di pa man nakakapagsalita, suminghap ang isang batang lalaki at tinuro si Kyungsoo. "Ikaw yung Ate sa contest!"
Bumungisngis si Kyungsoo at ni-lebel ang sarili sa mga bata. Nakangiti naman si Jongin sa likuran, pinapanood ang girlfriend.
"Kilala mo ako?"
"Opo! Kinanta niyo po-
kasi yung paboritong kanta ni Nanay!" Sabi ng bata. Tumigil sa paglalaro ang iba at pumalibot kay Kyungsoo.
"Kumakanta ka po?"
"Oo! Kumakanta yan si Ate. Napanood ko!"
"Woah. Ate, turuan mo rin po kami kumanta!"
"Sige na po, sige na po."
Tuwang-tuwa si Kyungsoo at nilingon-
si Jongin na binigyan siya ng dalawang aprub.
Nang harapin ni Kyungsoo ang mga bata, sabi niya, "Sige, ano ba gusto niyong kantahin?"
"Kahit ano po, Ate!"
Samantala, si Jongin, naghahanap naman ng pagpupwestuhan nila.
"O sige, iisip muna si Ate. Hm..."
"Ay mga bata, bago pala kayo turuan ni Ate Kyungsoo ng kanta, punta muna tayo dun sa may silong sa ilalim ng punong yun. Okay ba?" Ngisi ni Jongin sa mga bata na nakinig naman sa kanya.
"Opo."
"Sige, lipat muna tayo." Kumindat si Jongin kay Kyungsoo at dinala nila ang anim na-
mga bata sa lilim ng puno ng mangga.
"Okay. Ngayon, magpapakilala muna ako. Ako pala si Ate Kyungsoo at ang kasama ko naman ay--"
Ngumiti si Jongin sa mga bata, tuwang-tuwa rin sa kanila. "Ako naman si Kuya Jongin, kasintahan ko si Ate Kyungsoo niyo."
"Yieee." Asar ng mga bata
bigla.
Bulong ng isang bata na rinig ni Jongin. "Dong, ano yung kasintahan?"
"Asawa yun, Marie. Parang nanay mo tsaka tatay mo." Sagot ni Dong.
"Ah."
Narinig din pala ni Kyungsoo ang usapan ng dalawang bata at natawa na lang sila ni Jongin.
Naging parang isang set-up sa-
classroom ang itsura nila, tinuruan ni Kyungsoo ang mga bata ng mga madadaling mga kanta. Mga Nursery Rhymes na Tagalog at Ingles. Pero isa sa kanila ang nag-request ng Hawak Kamay bilang panghuling kanta nila.
"Ate Soo! Ate Soo! Yung asawa niyo po hindi kumakanta." Punto ng-
isang bata.
Napataas naman ng kilay si Jongin na nakasandal sa puno at nakatiklop ang mga braso, nagmamasid. "Hm?"
Tumingin si Kyungsoo sa kanya. "E, anong ginagawa niya?"
"Nakatingin lang po sa inyo." Sagot ng bata at nagtawanan sila.
"Ay sus!" Hagikgik ni Kyungsoo habang-
patingin-tingin kay Jongin na tumatawa na rin.
"Wala po bang gagawin asawa niyo po?" Tanong ng isa.
"Teka, tanungin natin siya. Marami kasing alam na kwentong alamat yan baka pwede niya tayo bahagian ng isa. Gusto niyo ba yun?" Ngiting sabi niya sa kanila.
Suminghap ang mga-
bata nang marinig ang salitang 'kwento'.
Hindi na kailangan pa tanungin ni Kyungsoo si Jongin dahil kusa na itong pumunta sa kanya sa gitna.
"Gusto niyo talaga makarinig ng kwento?"
"Opo." Sabay-sabay na sagot ng mga bata.
Umatras na si Kyungsoo para ibigay ang-
spotlight kay Jongin.
"O sige. Mamimili kayo kung ano ang gusto niyo ah?"
"Jongin, wag mo ikwento yung alamat ng sampaguita ah?" Sabi ni Kyungsoo sa kanya at natawa ang binata pero tumango.
Umupo muna si Kyungsoo sa tabi ng isang bata at tumingala kay Jongin.
"O sige, mamili kayo, Alamat ng Pinya Lansones o Ampalaya?"
"Pinya! Pinya!"
Malaki ang ngiti sa labi ni Jongin dahil napili rin ng mga bata ang sa tingin niyang naaangkop sa kanila na malaman.
"Ok," tumikhim si Jongin at nag-umpisa na magkwento. "Ang Alamat ng Pinya..."
Sa mga sumunod na araw, nakagawian na nila Jongin at Kyungsoo na kwentuhan at turuan ng mga kanta ang mga bata.
Masayang-masaya sila sa kanilang ginagawa na pati ang ibang nanay ng mga ito ay sumama na rin sa kanila.
Matapos nilang magpaalam sa mga bata, hinatid na ni Jongin si
Kyungsoo pauwi.
"Enjoy na enjoy ka sa pagkukwento ah." Sabi ni Kyungsoo.
"Oo eh, mauubusan na ako ng kwento. Hanapin ko pa ulit yung libro namin ng alamat sa bahay." Bungisngis ni Jongin.
"Alam mo, bagay sayo magturo."
"Magturo? G-Guro ba?"
"Hm. Pag nakikinig ako sayo-
parang ikaw yung favorite teacher ko nung Grade 3 ako." Sabi ni Kyungsoo. "Tsaka nakakaengganyo ka pa magkwento."
Nahiya bigla si Jongin. "Talaga ba?" Ngiting-ngiti siya. "Mahilig din kasi talaga ako sa mga bata kaya ata ganito."
"Halata nga." Ngiti ni Kyungsoo at nakarating na
sila sa tapat ng bahay ng mga Do.
Humarap sila sa isa't-isa at nagtitigan na may ngiti sa mga labi. "Pasok ka na. Last practice mo na bukas."
"Hm. Pero teka," may kinuha si Kyungsoo sa kanyang sling bag. Kinuha niya ang kamay ni Jongin at may nilagay sa palad nito.
Tiningnan ni Jongin ang nilagay ni Kyungsoo sa palad niya. "Uh, g-gusto ko kasi pumunta ka sa grad ko. Kung gusto mo. Pero yang ticket na yan, para sayo."
"Pupunta ako, Soo." Masayang tugon ni Jongin. "Syempre, di ko palalagpasin 'to."
Hugis puso na naman ang bibig ng dalaga.
Niyakap ni Jongin ang kasintahan. "Hmm... Masaya ako para sayo, Soo. Kahit ayaw mo man ng kinuha mo, ito na sukli ng paghihirap mo."
Kapit na kapit sila sa isa't-isa. "Mhm. Hayaan mo, kakayanin ko rin 'to. Salamat, Jongin."
Kumalas sila sa yakap. Hawak ni Jongin ang beywang ng-
dalaga habang sa balikat naman ng binata nakahawak si Kyungsoo.
Humalik si Jongin sa ilong ni Kyungsoo. nagdikit ang kanilang mga noo at unti-unting naglapit ang kanilang mga labi.
Araw ng graduation ni Kyungsoo at gayak na gayak si Jongin.
"Whoa, pare, pogi!" Bati ni-
Sehun sa kanya na day off kaya nakakapag-ML na naman. Kasama nito si Taeyong sa tabi.
"Aba, proud boyfriend tayo, pre ah!" Bati naman ni Taeyong.
"Salamat mga, pre. Wala pa ba si Chanyeol?" Tanong ni Jongin.
"Dyan na yun siguro pabalik na. Hatid ka niya SMU?"
"Oo eh, pero-
dadaan muna kami sa flower shop. Kunin ko yung inorder kong bulaklak."
"Naks naman may pa-flowers ulit!" Cheer ni Sehun sa kanya na inayos pa ang kwelyo ng damit niya. "Sayang wala si Taemin, di niya nakita kapogian mo!"
"Loko-loko ka talaga." Tawa ni Jongin at nag-pogi pose-
si Sehun.
Dumating si Chanyeol. "Pre, sensya na ngayon lang."
"Wala yun. Kararating ko lang din naman."
"Pano pala yan 'tol, kasama mo yung masungit na nanay ni Kyungsoo sa upuan?"
"Di pre, free seating naman. Sige, pre!" Ngiti niya sa mga kaibigan bago sumakay sa loob ng-
tricycle ni Chanyeol.
Bago sila dumiretso sa SMU, kinuha muna ni Jongin ang bouquet na order niya.
Pagdating sa SMU, naroroon na lahat ng mga gagraduate.
"Pre, salamat ah!" Sabi niya kay Chanyeol matapos magbigay ng bayad.
"Hm. Sige, enjoy ka." Umalis na si Chanyeol.
Bitbit ang bulaklak, nilibot ni Jongin ang tingin sa paligid, nagbabakasakaling mahanap si Kyungsoo, pero hindi niya ito nakita maliban kay Baekhyun.
"Jongin!" Kaway ni Baekhyun sa kanya. "Hello. Wow, ang gwapo mo naman. May flowers pa. Magugustuhan yan ni Baks. Ay nga pala-
wala pa si Ganda. Di pa tapos magpa-manicure at pedicure. Kaya una na tayo sa loob."
"Teka, h-hindi ka ba gagraduate?" Pagtataka ni Jongin habang sinusundan si Baekhyun.
"College of Accountancy lang ngayon. Sa Friday pa ako, Arts and Letters kasi."
"Ahh, di pala sabay-sabay."
"Oo, hindi." Pumasok sila sa isang building. Malaki ang loob nito yung para bang pinagdadausan ng mga basketball games sa TV.
Sinundan lang ni Jongin si Baekhyun. Sa may bandang gilid sila na maganda ang view sa stage.
Ingat na ingat si Jongin sa hawak na bouquet. Ayaw niya-
kasi itong masira. Nilibot-libot niya ang mata sa paligid. Unti-unti na ring naookupahan ang mga upuan. Si Baekhyun busy sa phone. Hindi naman ito magawang abalahin ni Jongin.
"Ayan na mukhang mag-uumpisa na." Biglang sabi ni Baekhyun at napatingin na si Jongin sa dulo kung saan
nakapila ang magsisitapos. Tumugtog ang marcha, at nagsipasukan na ang mga graduates. Nakaabang na si Jongin at Baekhyun para kay Kyungsoo.
"Ayun si Soo! Ayun!" Turo ni Baekhyun kay Jongin at nang makita niya ang kasintahan, kinuha niya ang cellphone niya para kuhaan ng litrato-
ang dalaga kahit din na malayo ito sa kanya athindi ganun kaganda ang camera ng phone niya.
Masayang-masaya si Jongin. Naka-itim na toga si Kyungsoo. Kahit malayo, tanaw pa rin niya ang angking kagandahan nito. Sinundan niya ito ng tingin hanggang makaupo.
Kahit na nag-umpisa-
na ang rites, kay Kyungsoo lang si Jongin nakatingin.
Pero nang oras na ni Kyungsoo na umakyat ng stage bilang isang cum laude, na ikinagulat ni Jongin dahil hindi ito binanggit ng girlfriend sa kanya, at habang naka-flash rin ang grad pic ng dalaga sa screen na ubod ng ganda-
napatayo si Jongin sa sobrang tuwa, panay ang kuha nila ng picture ni Baekhyun sa kanya hanggang sa makababa ito ng stage.
"Cum laude pala siya!" Masayang sabi ni Jongin.
"Di ba niya sinabi sayo?" Tanong ni Baekhyun habang tinitingnan ang mga kuha niyang litrato sa phone.
"Hindi e. Pero ang galing. Ang galing niya, Baek." Manghang-mangha si Jongin at tinitigan na naman si Kyungsoo sa inuupuan nito.
Matapos ang seremonya, umalis na sina Baekhyun at Jongin sa upuan nila para abangan na si Kyungsoo sa exit.
Pero nadatnan nila si Mrs. Do na paalis-
na rin sa inuupuan nito.
"Sabi ko na nga ba at andito ka rin." Ngiti nito sa kanila ni Baekhyun pero partikular na kay Jongin na ngumiti rin pabalik.
"Magandang hapon po." Bati pa rin niya na may paggalang.
Tiningnan siya ni Mrs. Do mula ulo hanggang paa. "Disente ang ayos mo-
buti pinaghandaan mo."
"Syempre naman po." Sagot niya at tumango sa kanya ang mas matanda.
"Bueno, sumama ka sa amin mamaya sa dinner. Ikaw din Baekhyun kung libre ka."
Tiningnan ulit ni Mrs. Do si Jongin bago umalis.
Umirap si Baekhyun. "Hay nako, tuwing nakikita ko nanay ni-
Soo, naiistress ako. Sasama ako dyan sa dinner na yan. May tinitimpla na naman ata yang mangkukulam na yan eh, dama ko. Hay, tara na nga."
Nauna nang lumakad si Baekhyun at sumunod si Jongin.
Nakaabang na sila sa lalabasan ng mga graduates, si Jongin todo tingin sa bulaklak-
kung maayos pa ba. Okay pa naman sila, pasasalamat niya.
"Baks!!!" Sigaw ni Baekhyun at pagtingala ni Jongin magkaakap na ang magkaibigan. "Baks, bwiset ka cum laude ka pala!"
Humiwalay na sila sa yakap at ngiting-ngiti pa rin si Kyungsoo. "Buti nakapunta ka."
"Syempre naman-
no, palalagpasin ko ba 'to?"
"Thank you, Baks," Yakap ulit ni Kyungsoo kay Baekhyun bago napansin si Jongin sa tabi. Bumitaw agad ito sa kaibigan. "Jongin!"
Lumapit ang dalaga sa binata at tiningnan ang boyfriend mula ulo hanggang paa. "Wag mo sabihing ukay-ukay lang yan?"
Tumingin si Jongin sa suot at ngumiti. "Ano pa ba?" Ngiti niya bago ibigay kay Kyungsoo ang bulaklak. "Congrats, Soo." Humalik ito sa labi ng kasintahan.
Bumungisngis si Kyungsoo at yumakap pa kay Jongin. "Buti nakapunta ka."
"Importanteng araw mo to, Soo, syempre pupunta ako."
Kumalas si Kyungsoo sa yakap at inayos ang damit ni Jongin. "Ang gwapo mo." Namumula niyang sabi sa boyfriend.
"Hindi ba lagi naman ako gwapo." Wika ni Jongin na ikinatawa ni Kyungsoo.
"Ang gwapo-gwapo mo." Pag-uulit pa niya.
"Ang ganda-ganda mo." Pabalik ni Jongin sa kanya.
"Oy, oy, tama na ang landi naiinggit ang mga single. Magtabi nga kayo nang mapicture-an ko kayo."
Nagtabi ang dalawa. Nasa beywang ni Kyungsoo ang kamay ni Jongin. Si Kyungsoo nakasandal sa kasintahan, pareho silang ngumiti sa camera at snap snap snap.
"Uy, Kyungsoo! Yan ba yung boyfriend mo?" Tanong ng isang kaklase niya sa kanya. Kasama nito ang grupo niya at nagtatawanan sla.
"In fairness gwapo nga talaga." Smirk ng isa habang pinararaanan ng tingin ang katawan ni Jongin.
"Gwapo nga kargador naman! Pano ka bubuhayin nyan?"
Nagtawanan pa ang grupo at nwala na nang tuluyan ang ngiti ni Kyungsoo sa labi.
"Hoy kayong mga panget kayo, manahimik kayo, budburan ko ng burak yang mga pagmumukha niyo eh!"
"Bakit? May burak ba malapit sayo? Hoy, bakla, kung ako sayo maghanap ka na ng lalaki na kakama sayo."
"Aba, b-bastos 'to--" Papatulan na sana ni Baekhyun ang babae pero pinigilan ito ni Kyungsoo.
Hindi pa rin tumitigil sa pagtawa ang mga babae na tingin nang tingin pa rin kay Jongin.
Hindi makapagsalita si Jongin dahil sa mga narinig. Dumadaan sa utak niya nang paulit-ulit ang-
mga sinabi ng babae tungkol sa kanya.
'pano ka bubuhayin nyan, pano ka bubuhayin nyan, pano ka bubuhayin nyan, pano ka bubu--'
"Jongin. Jongin." Niyugyog ni Kyungsoo ang braso ng binata.
Dun na nagising si Jongin at napatingin sa dalaga. "Ah? Oh?"
"Okay ka lang?"
"Ha? O-oo naman! Oo."
"Jongin, pasensya na marami talagang masama ugali dito. Wag mo sila pansinin." Sabi ni Baekhyun sa kanya. "Mga insekyura lang yun kase mga boyfriend nila hindi kasing gwapo mo. Di ba, Baks?"
Nag-aalala naman si Kyungsoo bigla sa binata. "Hm, wag mo-
damdamin mga sinabi nila sayo, hm?"
Pumeke ng ngiti si Jongin kahit may something na sa loob niya na bumabagabag sa kanya.
Samantala, nakarolyo pababa ang bintana sa tabi ni Mrs. Do kaya nakita niya ang mga pangyayari. Napangiti pa siya sa nakita at bumulong, "Ayan ang napapala
ng mga taong pinipilit ang sarili sa di nila kabagay. Manong, pakitawag na si Kyungsoo. Pakisabi na rin kay Baekhyun na sundan tayo papunta sa resto."
"Yes po, Ma'am." Bumaba si manong driver at at pinanood ni Mrs. Do muli ang anak at si Jongin na kausapin ng kanilang driver.
"Jongin, hindi ko 'to alam."
"Itong dinner, Baks?" Tanong ni Baekhyun.
"Oo, wala kaming usapan na ganito ni mama eh." Taranta na sabi ni Kyungsoo, kinukutuban.
"Soo, hayaan mo na. Sumunod na lang tayo sa Mom mo, ok?" Tapik ni Jongin sa ulo ng dalaga na umoo na rin sa huli.
Sakay ni Baekhyun si Jongin. Sinusundan nila ang sasakyan kung nasan si Kyungsoo at ang nanay nito.
"Kinukutuban ako sa dinner na 'to."
Hindi na nagsalita si Jongin. Tumingin na lang siya sa labas at tiningnan ang kanilang dinadaanan.
Samantala, tahimik lang din si Kyungsoo-
sa sasakyan. Gusto niyang tanungin ang ina kung anu na naman ang binabalak nito, pero hinayaan na lang niya.
"Why didn't you say na cum laude ka pala?"
Tanong nito sa kanya.
"I thought it was not important at all." Sagot niya habang nakatingin sa bintana.
"But, great job."
Puri ng ina sa kanya. "Maganda yan sa resume mo when you applied sa company ng Dad mo."
Hindi na sumagot pa si Kyungsoo.
"Your Dad is going to be so proud of you."
Gusto na lang ni Kyungsoo matapos ang araw na 'to.
Dumating sila sa restaurant kung saan ang reservation ni-
Mrs. Do.
Bago bumaba ng sasakyan ni Baekhyun, inayos muna ni Jongin ang sarili para magmukhang representable sa harap ng nanay ni Kyungsoo.
Isa pa, nasa mamahaling restaurant siya na hindi niya aakalaing mapupuntahan niya isang araw.
"Tara?" Tanong ni Baekhyun sa kanya at-
tumango siya. Pagbaba nila ng sasakyan, nakababa na rin si Kyungsoo, hawak ang bouquet na bigay niya sa kanya.
Pumunta si Kyungsoo sa kanya. "Okay ka lang?" Malambing niyang tanong sa boyfriend.
"Hm, ikaw?" Inayos ni Jongin ang nagulong buhok ni Kyungsoo at inipit ito sa likod-
ng tenga ng kasintahan.
"Ok lang, gutom na."
"Kyungsoo, halina kayo." Utos ni Mrs. Do sa anak at sumunod na silang tatlo rito.
Napakaganda ng restaurant na pinasukan nila. Kaunti lang ang tao, at maganda ang ambiance. Nakakarelax lalo na at instrumental ang tugtugin.
Pagkaupo nila sa isang mahabang lamesa, kinabahan bigla si Jongin. Hindi siya mapakali sa lugar. Ni hindi nga rin siya makasagot sa mga inenumerate sa kanya na mga inumin ng waiter. Tubig lang ang naintindihan niya at yun rin naman ang kailangan niya kaya iyon ang inorder nya.
Awkward sa kanilang lamesa. Pansin ni Jongin ang ibang kumakain na ingles kung manalita at may mga suot pang makikintab na burloloy, halata na mataas ang eatado sa buhay.
Nang makarating ang tubig niya, agad niya iyon nilagok nang isang inuman lang hindi lang dahil sa kaba kundi
pati na rin sa hiya. Nang ipatong niya ang baso sa lamesa, ngumiti si Mrs. Do na kaharap niya.
"Uhaw na uhaw ka ata, hijo. Tawagin mo lang yung waiter if you need more."
Pinisil ni Kyungsoo ang hita ng binata at tumingin sa kanya na may lamang, 'ok ka lang ba talaga?'
Ngumiti si Jongin sa dalaga at pinakita sa kanya na ok lang talaga siya.
"Oo naman."
Ilang saglit pa ay binigyan na sila ng menu. Binuklat ni Jongin iyon at tiningnan ang mga mamahaling mga pagkain. Hindi nga kilala ni Jongin ang ibang potahe, ni hindi rin niya inasahang-
may potahe rin pala na aabot na sa isang libo ang halaga.
"Ano oorderin mo?" Tanong ni Kyungsoo sa kanya habang nililipat pa rin ang mga pahina ng menu.
Si Baekhyun, nagmamasid lang, inoobserbahan din si Mrs. Do dahil iba talaga ang kutob niya ngayon.
Hindi makasagot si Jongin. Gutom na siya pero parang nawala na rin.
"Ako ito, ito, ito, ito masarap din 'to tsaka 'to." Tiningnan ni Jongin ang mga pinili ni Kyungsoo. Lahat mahal pero mayaman ang dalaga habang siya...
Pumili na lang siya ng isang potahe na pinili ng dalaga.
"Ito na lang akin." Turo niya sa isang di kilalang potahe.
"Jongin, walang kanin yan, dagdagan mo pa, magugutom ka lalo."
"Ay, walang kasamang kanin yan?"
"Wala. Orderan na lang kita, hm?" Ngiti ni Kyungsoo sa kanya.
"Y-Yung mura lang kunin mo, nakakahiya."
"Wag ka na mahiya. Orderan kita marami."
Hindi makaangal si Jongin lalo na't tinitingnan din siya ni Mrs. Do.
"Waiter, Angus Roast Beef please and this Russian Imperial Caviar. Bring us your most expensive wine too."
Tiningnan ni Jongin ang inorder ng nanay ni Kyungsoo na-
laking gulat niya ay nasa 15k ang roast beef at 9k naman ang isa. Halos pang-tuition na ni Jihee ang presyo ng pagkain na hindi niya kailanman makukuha sa isang iglap lang.
Nalulula na si Jongin. "Ser!" Tawag niya sa waiter imbis na 'waiter' mismo. Nagtinginan tuloy ang nasa-
na ramdam niyang nahihirapan na. Kinuha niya ang kamay nito at hinawakan maigi.
Tiningnan niya rin ito sa mga mata pero si Jongin hindi makatingin ng diretso sa kanya.
Uminom ng wine si Mrs. Do para maitago ang kanyang pagtawa.
Matapos nila maka-order, patuloy pa rin si-
Kyungsoo sa pagmasahe sa kamay ni Jongin para pakalmahin ito. Nagpakuha man ulit ng tubig si Jongin pero hindi na niya ito magalaw pa.
'pano ka bubuhayin nyan, pano ka bubuhayin nyan, pano--'
Dumating na ang mga pagkain.
"Jongin, make sure to eat a lot, minsan ka lang-
makakatikim ng ganyan." Sabi ni Mrs. Do habang nakangiti.
Gusto man magsalita ni Baekhyun, hindi rin niya magawa dahil ang totoo niyan ayaw din sa kanya noon ng ina ni Kyungsoo.
Sumunod naman si Jongin, pero bakit ang daming klase ng kutsara at tinidor sa harap nya?
Pinagsawalangbahala na lang iyon ni Jongin at kinuha ang normal na laki ng kutsara at tinidor at kumain.
"Subuan kita, Jongin. Ah." Udyok bigla ni Kyungsoo sa kanya at nagpasubo naman siya sa dalaga. "Wag ka mahiya. Andito ako. Kumain ka." Ngiti ni Kyungsoo sa kanya.
Kahit papaano, naibsan naman ang hiya niya dahil sa presensya ni Kyungsoo. Iniisip na lang niya na graduation ni Kyungsoo at hindi niya ito pwedeng sirain dahil lang sa pag-iinarte niya.
Kinalaunan, nakakain din nang maigi si Jongin. Sinubuan din niya si Kyungsoo na-
siyang nagpapakilala ng mga potahe sa kanya bago siya subuan. Laking pasasalamat niya kay Kyungsoo na mapagpasensya ito sa kanya.
Umandar ang oras.
Pero ang pagiging kumportable niya ay may hangganan din.
"Kyungsoo? Anak?"
"Raul! Kanina ka pa namin hinihintay!"
Pagtingala ni Kyungsoo kasabay sa mabilis na kabog ng kanyang puso, sa gilid niya ay ang tatay niya na galing Amerika.
"D-Dad..."
"Won't you give your Dad a welcome hug?"
Masaya si Kyungsoo na narito ang tatay niya sa araw ng kanyang grad, pero...
Tumayo naman siya at-
binigyan ng yakap ang tatay niya na may hawak na bouquet at ibinigay iyon sa kanya.
"Is it true na you're cum laude?" Tumango si Kyungsoo at tinabi ang bouquet sa dala ni Jongin para sa kanya.
Tumabi ang Dad niya sa Mom niya. Nagkiss pa sila sa labi bago tumuon sa anak.
"Kasama mo rin pala si Baekhyun." Bati nito sa kaibigan ni Kyungsoo na ngumiti bahagya sa bagong dating.
"Where is your medal? Why aren't you wearing it? Wear it, Soo. You have to be proud of your achievement."
"I left it in the car, Dad." Sagot ni Kyungsoo.
"O-Okay..."
"By the way, Soo. This is actually our surprise for you. Are you happy, your Dad is back?"
Tumango lang si Kyungsoo at hinawakan ang kamay ni Jongin. "I was surprised. Glad you arrived safe, Dad."
"Thank you, anak." Napatingin na si Mr. Do kay Jongin. "And who is this young-
gentleman?"
Nanliit si Jongin sa atensyong bigay ni Mr. Do sa kanya bigla. Iba si Mr. Do kumpara kay Mrs. Do. Kung si Mrs. Do ay hindi mukhang approachable, kabaligtaran naman si Mr. Do, pero sa itsura lang iyon, sa unang tingin kumbaga.
"Di pa po ba sinasabi ni Mom sayo?"
"Does it matter? Introduce him now to your Dad."
Hinawakan maigi ni Kyungsoo ang kamay ni Jongin at si Jongin naman ay umayos ng upo.
"Dad, si Jongin po pala, boyfriend ko." Ngiti niya sa tatay na agad iniabot ang kamay kay Jongin para sa isang handshake.
Kinamayan naman ito-
pabalik ni Jongin at sinabing, "Nice to meet you po, Sir."
"Hm. Likewise. Oh--" Tumingin sa malayo si Mr. Do at may kinawayan sa di kalayuan.
Tumingin ang lahat kung saan nakatingin si Mr. Do at dalawang lalaki ang lumapit sa kanilang table.
Tumayo si Mr. Do at pinakilala-
ang mga bagong dating. "Luisa, Kyungsoo, meet the bank's president, Mr. Arturo Kim and his son Seonho Kim."
Napa-sip sa inumin si Baekhyun at hindi makapaniwala sa nangyayari sa gabing ito.
Nagkamayan sina Mrs. Do at mga bagong dating. Si Kyungsoo, nanatili lang sa inuupuan.
"Kyungsoo, stand up there and greet Mr. Kim and Seonho."
Tumingin si Kyungsoo kay Jongin para sa permiso at nginitian naman siya nito kaunti.
Tumayo si Kyungsoo at nag-bless sa kilala naman niyang si Mr. Kim at si Seonho, si Seonho na nagbigay sa kanya noong mga bata pa sila-
ng I love you letter sa pinunit na pink colored paper. Ewan ba ni Kyungsoo bakit kailangan pa sabihin ng tatay niya ang titulong, "Bank President".
"Hello, Tito." Bati niya kay Mr. Kim at isang tipid na ngiti ang binigay niya kay Seonho na malaki ang tinangkad.
Ngiting-ngiti ang lalaki sa kanya pero di niya nginingitian pabalik.
"Ang laki ng pinagbago mo, Kyungsoo. When did we last meet? Nung debut mo pa, di ba? Parang kelan lang nung escort mo pa si Seonho nung debut mo. My god, you looked more beautiful and congratulations-
you're a graduate now. Your Dad also told me na you're Cum Laude which is good."
Ngumiti lang siya, walang imik at bumalik sa inuupuan.
Nagsiupuan ang lahat. Nagpalit ng upuan si Mrs. Doh kaya ngayon, kaharap na ni Jongin si Seonho na walang tigil sa pagtingin kay Kyungsoo.
"Nga pala, nak, graduate na rin si Seonho. Harvard yan. Soon, he will take over the management of the bank."
Samantala, hindi na natutuwa si Jongin sa pagtitig ni Seonho sa girlfriend niya. Kinuha niya ang kamay ni Kyungsoo at hinawakan ito sa ilalim ng lamesa kahit na-
pakiramdam niya parang multo na lang siya sa lamesang ito. Sampid ba.
Habang abala ang mga matatanda mag-order ng pagkain at mag-usap, inobserbahan maigi ni Jongin itong Seonho na ito. Kagalang-galang tingnan, elegante, at disente manamit.
Tinaasan siya ng kilay ni Seonho.
"Kyungsoo's friends?"
"Yes, me, I'm Baekhyun." Pagpapakilala ni Baekhyun sa bagong dating.
"Nice to meet ya." Bati ni Seonho bago tumingin kay Jongin. "How about you? Your name is...?"
"Jongin. Jongin Kim."
"Oh, pareho pa tayo ng surname. You got nice friends, Soo."
"Hindi ako friend, boyfriend." Pagtatama ni Jongin sa lalaki na mukhang arogante.
"Oh." Sagot na lang ni Seonho at sumandal sa inuupuan. "A boyfriend. Wow. Anyway, I like your style. What brand?"
Samantala, nagbubulungan na ang mga matatanda lalo na at gulat na gulat si-
Mr. Kim sa narinig. "Kyungsoo has already a boyfriend?"
Samantala, humigpit ang kapit ni Kyungsoo sa kamay ni Jongin. Kabado rin.
"Ah, ito ba?" Tumingin si Jongin sa suot. "Sa ukay lang yan."
"Ukay? You mean those used clothes being sold for a cheaper price?"
"Oo, dun ko-
lang 'to binili kung matyaga ka maghanap at magaling ka magpares ng damit. Wala yan sa brand brand."
Natameme si Seonho kay Jongin. Napangiti naman si Kyungsoo at Baekhyun sa tabi.
Umubo si Mr. Do at nagtanong si Mr. Kim kay Jongin.
"You're a Kim, right? You might be one of-
of my long distance relatives, what's your family's business, young man?"
Buong loob na sumagot si Jongin. "Wala pong business ang pamilya ko, Sir." Wala syang class sa pagsasalita tulad ni Seonho.
Uminom ng wine si Mr. Do. "Then what major did you finish and what's your job?"
Umiling si Jongin. "Hayskul lang po tinapos ko. Pero nakapag-college naman po ako pero tumigil din. Kargador po ako sa palengke at rumaraket po ng kung anu-ano. Nagkakarpenteto, mekaniko, kung ano merong trabahong kaya ko po."
May gulat sa mukha ni Mr. Kim at ni Seonho.
Natuwa ulit ang dalaga sa sagot ni Jongin na may pagmamalaki. "Kargador man po si Jongin, mapagmahal at maalaga naman po siya sa akin." Dagdag pa ni Kyungsoo na dinugtungan din ni Baekhyun.
"Totoo po yun. Bilang kaibigan po ni Kyungsoo, I assure you po na she's in good hands."
Bumibyahe na si Baekhyun pauwi. "Di ko gusto yang Seonho na yan unang tingin ko palang sa kanya nung debut ni Soo." Kwento ni Baekhyun. "Pero from what I know, he has a huge crush on Kyungsoo and I can still tell na until now meron pa din."
Napagod si Jongin sa gabing ito.
"Oo nga eh, sinabi ko na ngang boyfriend ako pero kung makatitig kay Kyungsoo parang wala ako sa harap niya eh." Inis pa rin si Jongin sa presensya ng Seonho na yan.
"Buti nasagot mo sya kanina. May pagkayabang kasi yun. Tsaka tingnan mo di man lang ako naalala? Bastos di ba?"
Napabuntong-hininga na lang si Jongin at napapikit.
Napaisip muli siya pero iba ang naunang pumasok sa isip niya, 'mabibigyan ba niya ng maayos na buhay si Kyungsoo kung maging sila man sa huli?'
Samantala, sa sasakyan ng mga Do.
"Kyungsoo naman, pipili ka na nga lang ng-
lalaki, yung wala pang pinag-aralan." Sabi ng tatay niya sa kanya.
"And someone who doesn't even have class." Dagdag pa ng nanay niya.
"Wala naman ako pakialam dun eh." Irap niya habang nakatingin lang sa may bintana.
"Well, we do care, because we want what's best for you."
"Well, Dad, I know what's best for me. Ano 'to? Bumalik ka dito for this, right? It's not because it's my graduation. At hindi rin po ako tanga. Alam kong alam niyo Dad na kargador lang ang boyfriend ko."
"Kyungsoo, tumigil ka sa pagsagot sa Dad mo."
"Kyungsoo, you better break up with that man before something worse happens to you." Bilin ng tatay niya ulit.
"No! Mahal ko si Jongin and I will never break up with the man where I see my future with." Inis na sagot ni Kyungsoo sa kanyang tatay.
"Future? Anong future mo sa-
isang kargador? Ano?"
"Dad, graduate na ako. I can earn money now--"
"Kyungsoo, ikaw may disenteng trabaho pero siya wala? When will you realize na he's not worth it?"
Nakarating na sila sa kanilang bahay at hanggang sa pagpasok sa loob ng bahay ay nag-iiringan pa rin sila.
"Mom, ano ba? Wag niyo ko itulad sa inyo na gusto ang maranguang buhay. Kahit simple lang, kahit mahirap basta masaya, ok na ako dun. Tama na muna, please? Pagod na ako. And Dad, I'm glad you're but please, matanda na ako, graduate na ako tama na 'to." Umakyat si Kyungsoo at
nagkulong na sa kwarto.
Sa mga sumunod na araw, napapadalas si Seonho sa kanila. Pero hindi niya ito pinapansin at umaalis na sya agad ng bahay tuwing binabati siya nito. Kay Jongin sya agad tumatakbo.
Pero andito na naman ang mokong for the nth day.
"Soo, I miss you."
Nilingon ni Kyungsoo si Seonho. "Ako hindi."
"Wala ka talagang pinagbago. Mataray pa rin." Ngiti nito sa kanya at tinapik siya nito sa ulo na agad naman niyang hinawi.
"Bakit ka ba bumalik dito sa Pinas? Kala ko ba for good ka na sa States?"
"Your mom invited me kasi."
Ngiti nito. "Her 60th birthday is soon. Wala pa nga ako gift sa kanya eh, pero if you don't have one too, we can buy together."
"Sorry pero may gift na ako sa kanya. Buy one by yourself." Tinalikuran niya ang lalaki at umalis na ng bahay.
Ngumuso si Seonho, pero kahit lagi-
siyang sinusungitan ni Kyungsoo, gusto pa rin niya ang dalaga at hindi kailanman yun nagbago.
Nadatnan ni Kyungsoo si Jongin sa bagong kitaan nila sa may puno ng mangga kung san patuloy pa rin nila parehong tinuturuan ang mga bata ng mga kanta at kinukwentuhan ng alamat.
Nagkukwento na si Jongin sa mga bata, bitbit ang ilang libro na ngayon lang nakita ni Kyungsoo.
Ngumiti si Jongin sa kanya at nagpatuloy sa pagkukwento na may ngiti sa labi.
Matapos nun, bumili sila ng gulaman at ininom iyon habang naglalakad. "San galing yung mga librong yan?"
(a/n: boring shit i'm not satisfied where this shit is going but thank you for reading don't expect too much, i thought i already knew where this shit is going but i guess not yet. sorry ang slow niya, dunno, pero at this point, im not happy with this)
"Ah, eto ba? Hinalungkat ko sa bahay. Kina Jihee 'to nung bata pa sila. Sayang naman kung nakatambak, gamitin ko na lang din para sa mga bata." Paliwanag ni Jongin sa kanya.
"Teacher na teacher ka na talaga..."
Tumawa si Jongin. "Lam mo naisip ko, kung bibigyan ako ng-
pagkakataong makapag-aral ulit, kukunin ko educ."
"Ano ba kinuha mo dati?"
"I.T. Pero mas masaya pala 'to."
"Yiee. Sabi mo sa akin dati di mo alam ano pangarap mo maging, so ngayon masasabi mo ba na meron na?"
"Kung swertehin sa buhay, papangarapin ko mag-teacher."
"Suportahan kita dyan."
Ngumisi si Jongin at hinatid na niya pauwi si Kyungsoo.
Buo na ang utang ni Jongin kay Kyungsoo, pero may nakaabang na naman na bagong bayarin sa eskwela.
Ayaw pa rin sabihin ni Jongin sa mga kaibigan at kay Kyungsoo mismo na gipit na gipit na siya.
Ayaw niya mangutang.
Lalo na't sa pagkakaalam ni Jongin, may kanya-kanyang gastusin na rin ang mga kaibigan. Si Taeyong, sinigod ang kapatid niya sa ospital dahil sa dengue, si Taemin, na-stroke ang tatay kaya siya at ang nanay na muna niya ang nagtatrabaho, si Sehun-
nag-iipon ng pambili ng Smart TV para iregalo sa mga magulang, si Chanyeol, dahil wala na ang ama at dinadialysis pa ang nanay niya, siya at ang ate niya ang nagtutulungan para kumita ng pera para sa mga gamot ng ina.
Hindi lang naman siya ang may iniindang problema, ngunit-
pati rin ang mga kaibigan. Kahit alam niyang pwede siya humingi ng tulong sa kanila, sa ganitong panahon, alam niyang hindi.
Pagdating naman kay Kyungsoo...nahihiya pa rin siya. Ayaw na niyang umulit pa kaya hindi na lang niya sasabihin ang matinding pangangailangan na naman-
sa pera.
Habang kumakain silang magkakapatid, napakwento si Jihye. "Kuya, may kaklase na akong nabuntis."
"Nabuntis agad? Ilang taon pa lang kayo. 15?"
"Opo, Kuya. Ang masama pa, walang matinong trabaho yung lalaki. Mas matanda sa kanya eh. 18 ata yun. Sa FB nakilala."
"Kawawa naman yung kaklase mo, Ate. Hindi pa siya tapos, mahihirapan siya sa pera."
"Totoo. Tayo nga hirap na tayo, sila pa kaya?"
Nanahimik si Jongin.
Sa palengke, isang kustomer ni Manay ang napakinggan niya ng kwento.
"Naku, Manay, gusto ko na hiwalayan ang asawa ko."
"Anyare na naman?"
"Wala na ginawang matino eh. Hirap mag-asawa ng walang pinag-aralan talaga. At lalong mahirap kapag dalawa kayo walang pinag-aralan. Hay nako, ewan ko na. Lecheng buhay 'to, araw araw na lang kami nangongroblema sa pera."
Inayos na ni Jongin ang mga kahon at-
nagpaalam na kay Manay.
Sa bahay naman ng pinagsisilbihan niya, kung saan pagpipintura ang raket niya roon, di niya sinasadyang makinig ng usapan ng iba.
"Hiwalay na sila. Laging problemado sa pera kasi. Tsaka lagi nag-aaway di ba?"
"Maarte kasi yang si Martha e, gusto lagi-
nabibigay sa kanya ng asawa niya, e driver lang naman ng jeep asawa niya. Nagboboundary pa. Ayun nanlalaki, naghanap ng mayamang lalaki. Kawawa rin yan si Greg, no? Sipag pa naman pero sinukuan na ng asawa."
Hindi na matanggal ni Jongin sa isip ang iba't-ibang kwentong narinig.
Nagkita pa sila ni Kyungsoo na nakagawian na. Sa puno ng mangga kasama ang mga bata at pagkatapos ihahatid niya ito pauwi.
Pero dumating si Seonho. Magara ang kotse, may dalang masarap na pagkain at bagay pala sila ni Kyungsoo..
Mukha din namang mabait si Seonho kahit mahangin.
Habang pinapanood niya ang dalawa kung saan inis na inis si Kyungsoo kay Seonho, tuwang-tuwa naman ang lalaki sa kanya. Nakikita niya rin kay Seonho na gusto pa rin niya si Kyungsoo kahit alam nito na sya yung boyfriend.
"Soo, alis na ako."
"Sige. Pero bukas ulit ah? Dun ulit."
Peke ang ngiti nya sa dalaga dahil ngayon, unti-unti na niyang natatanto ang lahat.
Ngumiti si Kyungsoo sa kanya at kumaway. Si Seonho pinagbuksan siya ng gate.
"Pasok ka na mahal na prinsesa."
"Neknek mo!" Sagot ni Kyungsoo bago pumasok.
Nginitian din siya ni Seonho at-
kinawayan bago pumasok sa loob.
Bumuga siya ng hininga at pinasok ang mga kamay sa kanyang bulsa. Naglakad siya, nanliliit sa kung anong meron siya at sa kung gaano kalaki ang agwat nila ni Kyungsoo sa buhay.
Naiintindihan na ngayon ni Jongin ang lahat.
Dalawang araw na hindi nagkita sina Jongin at Kyungsoo.
May inattendan kasi ang mga Do na isang event sa Cebu.
Pero ang alam ni Jongin, malamang kaninang umaga ng Sabado ay nakabalik na si Kyungsoo.
Nasa carwash naman ngayon si Jongin at magiging regular na rin siya roon.
Isang sasakyan ang dumating kung saan siya ang lumapit rito at kinatok niya ang bintana.
"Ser, ano po ang inyo?"
Pagkababa ng bintana, si Mr. Do ang bumati sa kanya.
"Hijo, dito ka rin pala."
"O-Opo. Ano po ba inyo?"
" Pakilinis at pakikintab nga ang kotse ko."
"Sige po."
Nasa loob lang ng kotse si Mr. Do kaya medyo naiilang si Jongin sa paglilinis ng sasakyan. Pero laking ginhawa rin naman niya nang matapos siya.
Kinatok niya muli ang bintana ng sasakyan.
"Ok na po."
"Pwede ba kita makausap, Jongin?"
Kumurap ang binata at tumango.
Matapos makapagbayad ni Mr. Do ay nagpaalam na muna si Jongin sa amo na paagahin ang kanyang lunch break. Hindi sana siya papayagan, pero pumayag din ito na si Mr. Do na mismo ang nagpaalam sa kanya.
Sa kotse, tahimik sila. Sa isang coffee shop sila tumungo at dun na naupo.
Ayaw man pumunta ni Kyungsoo sa event sa Cebu, kung saan dinaos ang anniversary ng kilalang bangko sa bansa na pinagtatrabahuhan ng kanyang tatay, na siyang vice president nito, napilitan na siya.
Dalawang araw sila roon at buryong-buryo siya. Hindi rin tumigil si Seonho sa-
panggugulo sa kanya roon, dikit pa ito nang dikit sa kanya kaya napaghinalaan pa sila sa party na mag-boyfriend.
"Kayo na ba Seonho?"
Tuwang-tuwa naman si Seonho na mapagkamalan silang mag-syota, pero si Kyungsoo, hndi natutuwa at nasungitan pa ang matandang kalbo na nagtanong.
"Wala pong kami. Ginugulo lang po niya ako." Irap niya sabay alis.
"I'm sorry. Hehe." Paumanhin naman ni Seonho sa lalaki at sinundan si Kyungsoo na pumunta sa teresa ng event's place.
Alam ni Kyungsoo na sinundan siya ni Seonho kaya nilingon niya ito. "Bakit ka ba sunud nang-
sunod?"
"I don't know anyone here, ikaw lang, syempre susunod ako sayo."
"Why don't you socialize with them then para makilala mo sila at magkaron ka na ng kasama??"
"I'm not interested and besides, I want to be with you. Hindi mo ba nakita yung mga lalaki kanina tingin nang-
tingin sayo? If I left you, what if they do something to you?"
Umikot lang ang mata ni Kyungsoo. "Ano ka boyfriend ko? Excuse you, alam mo naman sino boyfriend ko di ba?"
"I know, pero Soo, ayoko naman na lapitan ka ng mga yun to make you uncomfortable."
Na-appreciate naman-
ni Kyungsoo ang intensyon ni Seonho. "Thanks, pero pwede ba kapag lumapit sila tsaka ka na lang manggulo sa akin?"
Umalis si Kyungsoo at napabuntong-hininga naman si Seonho. Sinundan niya ulit ang dalaga pero hindi na siya lumapit dito, pinanood na lang niya ito sa malayo.
Nasa kalagitnaan na ang event, may performances from special guests at si Kyungsoo, busy lang kumain mag-isa.
Pero nang may isang singer na nagtanghal sa stage, nanood nang taimtim si Kyungsoo napahuni rin sa kanta.
Nakangiti siya at napatayo pa nang matapos magtanghal ang-
mang-aawit.
Nasa gilid naman si Seonho, titig na titig kay Kyungsoo, napapangiti rin dahil minsan lang din nya makita ang dalaga na ngumingiti, lagi kasi itong masungit sa kanya.
"Lapitan na natin."
"Tara, samahan natin sa table, mag-isa lang oh."
"Ok naman ba ayos ko?"
Nang mapansin ni Seonho ang mga lalaki at kinutuban na si Kyungsoo ang pakay nila, agad siyang umupo sa tabi ng dalaga at inakbayan ito.
"Anong ginagawa mo?" Galit na tanong ni Kyungsoo sa kanya.
"Basta, relax ka lang."
Nakatingin si Seonho sa mga lalaki na nakatingin na din-
sa kanila at mukhang nag-aalangan na. Napatingin naman si Kyungsoo kung san nakatingin ang katabi at naindihan naman niya agad ang nangyayari.
Pero parang di sila kumbisido sa acting skills ni Seonho kaya ang ginawa ni Seonho, hinalikan niya si Kyungsoo sa noo ng tatlong beses.
Naka-jackpot si Seonho, si Kyungsoo, mabilis na tumayo sa inuupuan at tiningnan nang masama si Seonho bago ito layasan sa table.
"Kyungsoo!" Sinundan ni Seonho ang galit na dalaga. Nasa hallway sila na walang tao.
"Nababaliw ka na ba!?" Lingon ni Kyungsoo kay Seonho.
"Kyungsoo calm down."
"Bakit mo ginawa yun!? Hindi mo naman kailangan gawin yun para itaboy sila."
"I couldn't think of any ways to drive them out."
"Seonho, ano ba? Kailan mo ba ako titigilan?"
Naging seryoso na ang usapan dahil since bumalik si Seonho sa Pilipinas, hindi na-
nito pinatahimik pa si Kyungsoo. "I know you like me, pero may boyfriend na ako."
Lumapit lalo si Seonho kay Kyungsoo at tiningnan ito nang taimtim. "I just don't like you, Soo. Mahal na kita noon pa lang. Until now. E-Even if you're already taken."
Tumango si Kyungsoo.
"I get it. Pero I don't love you. Mahal ko ang boyfriend ko, Seonho. Mahal na mahal ko. He's the best thing that ever came to my life. I'm sorry, and please, stay away from me." Tinalikuran niya ang lalaki at umalis na sa lugar para bumalik sa kanyang hotel room.
Tumigil naman si Seonho sa kakadikit sa kanya pero ramdam pa rin niya ang titig nito sa kanya.
Pagdating ng dinner kinabukasan, kung saan kasama ng mga Do ang pamilya ni Seonho, naging usapan na naman ang dalawa.
Pagod na pagod na si Kyungsoo na paulit-ulit na lang sila.
"So when are you leaving?"
Nagtinginan ang mag-asawang Do, si Kyungsoo hinihintay naman ang sagot ng tatay niya kung kailan ito aalis.
"A week after Luisa's birthday. Matagal na rin naman namin 'tong binabalak. Planado na 'to na after Kyungsoo's graduation we're leaving."
"We're? We are?" Tanong bigla ni Kyungsoo, kinakabahan sa kutob niya.
"Yes. We are." Sagot ng tatay niya sa kanya habang nakangiti naman ang nanay niya sa kanya.
"Hindi mo ba naaalala, Soo? We talked about this before na there's a possibility we're going to migrate this year."
"I-I couldn't remem--"
(flashback)
Bago sila lumipat ng bahay at habang nagliligpit si Kyungsoo ng gamit, pumasok ang mga magulang niya sa kwarto.
"Nak, your Mom and I talked about something."
Inaayos maigi ni Kyungsoo ang mga damit niya sa bags. "About?"
"Migrating. We'll probably leave here after your graduation. Or months after your graduation."
Walang pakialam si Kyungsoo ng mga panahong iyon. Zinip niya ang bag at nagkibit-balikat lang. "Ok, as if may choice naman ako."
(end of flashback)
"Soo, everything is settled na.
One reason why I went sa States din is because may mga inasikaso rin ako dyan. Mr. Kim helped me find a lot where we can have our new house. It was not just work related why I went there."
Napatayo si Kyungsoo sa inuupuan. "Dad, can I say no to this?" Nangingilid na ang kanyang-
mga luha.
Seryosong sagot ng tatay niya, "No."
Sarkastiko ang ngiti ni Kyungsoo. "Since when did you two say yes naman sa akin di ba? Never. Wala akong choice." Tiningnan ni Kyungsoo ang mga kasalo sa lamesa. "Fine." Umirap siya at umalis na ng restaurant.
Susundan sana siya-
ni Seonho pero pinigilan ito ni Mr. Do. "Let her be."
Hindi umimik si Kyungsoo maghapon hanggang sa makasakay sila sa private plane ng mga Kim. Yun na ata ang pinakamatagal na oras niyang hindi nagsasalita o gumagalaw man lang.
Tulala lang.
Pagkarating nila sa bahay, pagod-
na si Kyungsoo. Next day, birthday party naman ng nanay niya. Tangina. Bakit ba niya nakalimutan na magkalapit nga lang pala ang anniversary ng Kim Bank at ng birthday ng nanay niya? Di tuloy siya nakahanda sa mga bigla-biglang surpresa sa buhay niya.
Wala naman din kasi siya-
pakialam sa outside affairs ng mga magulang niya kaya di na niya iniintindi. Ang gulu-gulo ng buhay niya.
Kelan pa ba siya sasaya?
Tumitig na lang siya sa kisame, napakanta at nakatulog.
Dating gawi sila ni Jongin sa puno ulit ng mangga. Pero ngayon, bumili ng-
dalawang box ng pizza at mga Zesto juice si Kyungsoo. Sakto naman na nasa terminal si Chanyeol kaya ang tricycle ang tumulong sa kanya at naghatid sa kanya sa kitaan nila ni Jongin at ng mga bata.
Nang makita ni Jongin si Kyungsoo na may mga bitbit, agad niya itong tinulungan.
"Ako na." Ngiti ni Jongin sa knya at tinawag muna niya ang mga bata para makakain ng meryenda.
Abala sila sa pag-aasikaso ng mga bata, tinutulungan nila sila kapag nahihirapan itusok ang straw sa kanilang mga juice at binibigyan ng tissue para punasan ang dumi sa kanilang bibig.
May tig-isang pizza rin sina Jongin at Kyungsoo at nasa tabi sila ngayon, pinapanood ang mga bata kumain.
"Buti nakauwi ka na." Sabi ni Jongin sa kanya. Sumandal si Kyungsoo sa binata.
"Buti na lang kasi nakakasawa dun." Kumagat si Kyungsoo sa pizza.
"Bukas, party naman ng-
nanay mo. Dami mo ganap." Tawa ni Jongin sa kanya.
"Kung pwede lang pati yun di ko na attendan eh. Tch." biglang ngumuso si Kyungsoo kay Jongin. "Oy, ba't di mo man lang ako binigyan ng welcome kiss."
Sumipsip si Jongin sa Zesto at natawa. "Mamaya na. May mga kasama pa tayong-
mga bata."
"Kahit sa pisngi lang?" Pagtatampo ni Kyungsoo sa kasintahan.
Tumingin muna si Jongin sa paligid at nang makita na abala ang mga bata, humalik siya ng mabilis sa pisngi ni Kyungsoo at sabi. "Miss na kita."
Parang kiniliti naman si Kyungsoo sa kilig at tiningnan rin-
muna ang mga bata bago humalik sa pisngi ni Jongin. "Miss din kita."
Tumawa ang dalawa pero may lungkot pareho sa kanilang mga mata na hindi lang nila pinapahalata.
Nang matapos silang kumain lahat at makolekta ang mga basura nila, mag-uumpisa na sana si Kyungsoo sa pagtuturo-
sa mga bata ng bagong kanta nang biglng kinuha ni Jongin ang kanyang kamay at nagtanong, "Soo, pwede ka ba matulog sa bahay mamaya?" napahawak si Jongin sa batok niya. "Uh kasi miss na kita kaya.."
Humagikgik si Kyungsoo, takip ang bibig. "Alam mo balak ko rin naman yan mamaya."
"So oo?"
"Oo. Oo na oo. Pero, wala akong dala na damit ah? Ayoko muna umuwi."
"Sige, hiram ka na lang kay Jihye mamaya."
Ngumiti si Kyungsoo at inumpisahan na ang teacher-teacheran nila ni Jongin
Magkahawak ang mga kamay habang sila ay naglalakad. Palubog na ang araw.
"Jongin, plaubog na yung araw, panoorin muna natin!"
Hinila ni Kyungsoo si Jongin sa bukid kung saan kitang-kita ang paglubog ng araw.
Bumitaw si Jongin sa kamay ni Kyungsoo. "Uy, ba't ka bumitaw--" pero niyakap siya ni Jongin mula sa likod na ikinasaya lalo ni Kyungsoo.
Sumandal siya sa binata at niyakap ang mga bisig nito.
Tiningnan nila ang unti-unting pagbaba ng araw. "Alam mo Soo, ikaw ang pinakamagandang nangyari sa buhay ko."
"Alam ko."
"Alam mo?"
Tumingala si Kyungsoo kay Jongin, nakangiti. "Oo, kasi mahal mo ko. Di ba ganun-
naman yun? Kasi ikaw din ang pinaka-gwapong nangyari din sa buhay ko."
"Kasi mahal mo ko?"
"Sobra."
"Ako rin. Sobra, sobra sobra. Na sa sobrang sobra, lahat gagawin ko mapasaya ka lang." Hinigpitan ni Jongin ang yakap sa dalaga pero kumalas si Kyungsoo at hinarap siya.
"Pangako walang iwanan ah?"
Hindi sumagot si Jongin kundi humalik na lang siya sa noo ni Kyungsoo at hinimas ang mukha ng knyang pinakamamahal.
Tuwang-tuwa sina Jihee at Jihye makita muli si Kyungsoo.
"Ate Soo, miss na miss na kita." Yakap ni Jihee sa knya nang mahigpit.
"Ako rin, Ate." Ngiti naman ni Jihye at nagyakapan ang tatlo.
Napangiti naman si Jongin sa itsura nila. "Jihye, pahiramin mo ng damit ang Ate Soo mo kasi dito siya matutulog."
"Okay, Kuya!"
Matapos nila kumain na para bang pamilya-
(pinaglutuan sila ni Kyungsoo ng adobong manok), naghanda na sila sa pagtulog.
As usual, sa kwarto ni Jongin si Kyungsoo.
Naunang naligo si Kyungsoo kaya nauna rin siya sa kwarto ni Jongin.
Pagdating ni Jongin sa kwarto, nakabihis na siya ng puting sleeveless na tshirt at-
boxers. Nadatnan niya si Kyungsoo na nagtutupi ng damit niya sa kabinet niya.
"T-shirt ko yang suot mo ah?" Sabi ni Jongin habang pinupunasan ang basa niyang buhok ng maliit na tuwalya.
Ngumuso si Kyungsoo sa lapag. "Medyo masikip kasi yung damit ni Jihee. Naiipit boobs ko,
kaya naghanap ako dito. Sana o-okay lang sayo."
Napaubo si Jongin sa sagot ni Kyungsoo sa kanya. "O-Okay lang."
"Nga pala..." Iniabot ni Jongin ang isang puting sobre kay Kyungsoo.
Tiningnan ni Kyungsoo ang loob, may lamang pera. "Ano 'to?"
Umupo si Jongin sa harap ng dalaga at inayos niya ang dumudulas na damit nito sa kanyang balikat. Maluwag ang t-shirt niya sa maliit na katawan ni Kyungsoo. Naeexpose tuloy nito ang maputi niyang kutis. "Yung 5k yan. Yung utang ko."
Kumurap si Kyungsoo sa hawak na sobre.
"Pwede bang di ko na tanggapin?"
"Utang ko yan, Soo. Ang utang binabayaran hindi kinakalimutan."
"Ok. Baka mag-away kasi ulit tayo." Nilagay niya ang pera sa dala niyang maliit na bag.
Pinatay na ni Jongin ang ilaw at inayos ang electricfan bago lumingon kay-
Kyungsoo na nagtatanggal na ng bra at shorts nito.
Umubo na naman si Jongin.
"Parang di ka pa nasanay sa akin."
"Gets ko na kayong mga babae nagtatanggal ng bra kapag natutulog pero shorts? Di ko gets."
"Di nga kasi ako kumportable. Ayoko rin ng pyjama kasi mamamawis legs ko.
Tsaka nga di ba mag-aasawa pa tayo so makikita mo rin akong nakahubad."
"Shhh, marinig ka ng mga kapatid ko." Bulong niya sa dalaga na ngumuso na naman sa kanya.
"Tabi tayo matulog."
"Hm."
"Walang unan sa gitna, yayakapin mo ko."
"Uh, Soo--w-wala kang--"
"Wala akong bra, e ano ngayon, di mo naman ako babastusin di ba?" Bumungisngis si Kyungsoo at humalik sa pisngi ni Jongin.
"Syempre, hindi. Kailanman di kita babastusin ng ganun."
Hinimas ni Kyungsoo ang pisngi ng binata at humalik ulit roon. "Nga pala, di ko sinasadyang
makita yung susuotin mo bukas. Yun yon di ba?" Pag-iiba ni Kyungsoo.
"Ah, oo, oo, nung isang araw ko yan binili. Okay lang ba o masyadong pormal?"
"Bakit ang galing-galing mo pumorma? Tapos ang swerte-swerte ng ukay-ukay na yan daming magaganda."
Tumawa si Jongin. "Palagay ko
nasa pumipili lang yan. Tsaka matyaga ako maghanap, karamihan sa magaganda tagong-tago."
"Hm. Tara, tulog na tayo." Hinila ni Kyungsoo si Jongin sa kama. Pagkahiga nila, maingat na nilagay ni Kyungsoo ang kamay ni Jongin sa beywang niya. "Yung ganitong space, ok na 'to?"
Gusto pa rin naman ni Kyungsoo maging kumportable si Jongin sa pagtulog nila.
"Ok na 'to." Ngiti pabalik ni Jongin bago humalik sa ulo ng dalaga at tumingin sa mga mata niya. "Pwede ba?"
Lumabi si Kyungsoo at umoo sa kabiyak.
Nagtama ang kanilang mga labi para sa isang maiksi
ngunit senswal na halik.
Hindi makatulog si Jongin. Ang tanging naririnig niya ay ang magaang paghinga ni Kyungsoo sa tabi niya.
Inayos niya ang tshirt nito na dumudulas na naman sa balikat niya.
Tinitigan niya maigi ang babae at inalala bigla ang mga memoryang napagsaluhan
nilang dalawa.
"Mahal na mahal kita, Soo. Palagay ko, ikaw lang din ang mamahalin ko ng ganito katindi buong buhay ko. Ikaw lang..." Himas niya saglit sa magandang mukha ng dalaga at tsaka niyakap na ito nang malapit sa kanya at natulog na.
Araw na ng party. Inabangan na agad ni Kyungsoo si Jongin sa entrance ng lugar. Pagdating ng boyfriend, na hinatid ni Chanyeol, agad na yumakap si Kyungsoo sa kanya at dinala niya ito sa hindi dinadaanan ng mga tao.
Nasa parang isang garden sila ng lugar, sa sulok malapit sa
mga umuusbong na iba't-ibang kulay na bougainvillea.
Nagyakapan ulit sila roon na para nga rin bang hindi sila magkasama nitong nakaraang gabi at kaninang umaga lang.
Halos ayaw na nila bitawan ang isa't-isa, na parang ito na ang huling araw nilang magkasama.
Humiwalay na sila sa yakap.
"Para kang dyosa ngayon."
Nahiya si Kyungsoo pero ngumingiti. "Ang gwapo mo ngayon. Walang pinagbago."
Bumungisngis si Jongin at tiningnan nang taimtim ang dalaga. Kinuha niya ang kamay nito at may kinuha mula sa kanyang bulsa.
"Nu yan Jongin?"
Hindi nagsalita si Jongin. Nakangiti lang siya habang nilalagay ang pinag-ipunan niyang bracelet para kay Kyungsoo. Matagal na sana niya itong gustong ibigay pero humahanap siya ng perpektong timing. Palagay niya ito na ang araw na iyon.
"Ingatan mo sana 'to, Soo.
Di siya kamahalan pero gusto ko rin na mabigyan ka man lang ng ganito. Sana magustuhan mo."
Simpleng silver lang iyon na bracelet na may isang hugis puso na nakalawit.
Itinaas ni Kyungsoo ang braso kung saan nakasuot ang bracelet. Tuwang-tuwa si Kyungsoo habang tinitingnan ang
bigay ni Jongin. "Syempre iingatan ko 'to. Bigay mo 'to eh."
malaki ang ngiti ni Kyungsoo sa labi at bilang ganti, yumakap siya ulit kay Jongin at nagtama ang kanilang mga labi na punung-puno ng pagmamahal.
Samantala, sa may teresa ng lugar kung saan tanaw pa rin sina Jongin at Kyungsoo, isang malungkot na ngiti naman ang gumuhit sa labi ni Seonho.
Magarbo ang 60th birthday party ng ina ni Kyungsoo. Naroroon ang ilan sa kanilang mga kamag-anak, mga kaibigan ng kanyang ina,
katrabaho at ilan pang mayayamang mga bisita na nagmula pa sa iba't-ibang parte ng Pilipinas.
Naiwan muna si Jongin sa sulok na lamesa kung san siya nakapwesto. Kailangan kasi ni Kyungsoo na batiin ang bawat bisita.
Tanaw naman ni Jongin ang dalaga at kanya itong pinapanood.
Pero gayunpaman, tanaw din niya si Seonho na nakabantay rin kay Kyungsoo.
Nag-umpisa na ang programa.
Pinakilala ang mga Do sa stage at nagsipalakpakan ang lahat.
Mag-isa lang si Jongin sa kanyang upuan, pero di rin nagtagal ay may mga bisita ring tumabi sa kanya.
Sa harap kasi nakaupo si Kyungsoo sa tabi ng kanyang tatay.
"Ang ganda ganda talaga ng anak nila ano?"
"Balita ko nga cum laude pa yan. Accountancy kurso. Di lang maganda, matalino pa."
"May boyfriend na ba anak nila?"
"Baka yung anak ng presidente ng Kim Bank."
"Wow, nasa kanya na lahat. Napakaswerteng bata ano?"
"Pero di niyo ba narinig yung chismis na kargador boyfriend niya?"
"Kargador!? Baka fake news lang yan. Mga naninira ganun."
Tahimik lang na nakikinig si Jongin. Nasasaktan. Kahit gusto niya sumagot, pagod na siya sa
paulit-ulit na lang na naririnig sa mga tao. May punto rin si Jihye na nanatiling nanahimik na lang mga sinasabi ng iba. Na kahit anong paliwanag mo sa iba, sarado pa rin ang isip nila. Na hindi sila makikinig kahit anong paliwanag pa ang iyong gawin.
Nakakapagod na.
Isang love song ang biglang tumugtog. Sa entablado, magkasayaw ngayon sina Mr. at Mrs. Do. Masaya ang dalawa. Ganun din si Jongin habang pinagmamasdan ang mag-asawa. Na kahit naging masakit man ang mga naging pananalita nila sa kanya, naiintindihan na niya ngayon kung bakit.
Lahat talaga ng mga nangyayari ay may dahilan.
Umalis si Kyungsoo sa inuupuan. Pero lumapit bigla si Seonho. Gustuhin man palitan ni Jongin si Seonho sa harapan, hindi pwede.
Ayon kasi sa host ng event na kumuha din daw ng kapareha si Kyungsoo na isasayaw sa stage.
Pupuntahan niya si Jongin, pero si Seonho ang lumapit.
Tatanggihan niya sana ito pero nakita niya ang tingin ng tatay at nanay niya sa kanya kaya si Seonho ang nagsayaw sa kanya imbis na si Jongin.
"Bakit ikaw ang lumapit?" Pagtataray ni Kyungsoo.
"Your mom's wish kanina.
I said no, but she insisted. Birthday naman niya so, okay then." Tapat na sagot ni Seonho at bumuntong-hininga na lang si Kyungsoo.
Habang iba ang kasayaw sa stage, hinanap ng kanyang mga mata si Jongin pero hindi niya ito makita. Kinabahan bigla si Kyungsoo.
Sakto at tapos na ang pagsasayaw kaya agad na umalis si Kyungsoo, kunwari'y mag-ccr pero hinahanap niya si Jongin sa lahat ng table. Pero wala.
Sinubukan ni Kyungsoo sa c.r. at laking pasasalamat niya na lumabas rin ng c.r si Jongin. Niyakap niya ito.
"Kyungsoo..."
"Jongin, akala ko umalis ka na."
"Luh, di pa nga ako nakakakain aalis na ako agad?" pekeng tawa naman ni Jongin habang tinatapik si Kyungsoo sa ulo.
Niyakap niya ulit ang alaga at huminga nang malalim. Tinapik niya ito sa likod. "Sige na, balik ka na dun. Kakain na. Gutom ka na panigurado."
Bumitaw si Kyungsoo at tiningnan si Jongin sa mga mata. "Wag kang aalis ah? Hintayin mo ko."
Hirap na hirap na si Jongin, pero nilakasan pa rin niya ang loob. "Kelan ba kita pinaghintay?"
Tumawa si Kyungsoo. "Oo nga pala, ikaw ang laging naghihintay. Mamaya ah! Walang uuwi!" Tinuro pa siya ni Kyungsoo at ngumiti ng hugis puso bago umalis.
Dun lang nakapagpakawala ng hininga si Jongin at napaharap sa pader para pumukpok roon sa sobrang sakit na ng nararamdaman.
Hindi man magkasama buong party si Jongin at Kyungsoo, naging maganda naman ang takbo ng party.
Hinintay ni Jongin si Kyungsoo. Nasa labas na siya, sa
may gilid kung san di siya makikita ng iba. Nakaabang siya kay Kyungsoo. Kahit matagal. Naalala niya tuloy yung buong araw niyang hinintay ang dalaga sa 7 eleven. Parang kailan lang. Parang kahapon lang. Napakabilis na ng panahon.
"Jongin!" Pagtingala niya, patakbo na si
Kyungsoo sa kanya. "Tara na, alis na tayo. Tumakas lang ako. Sinabi ko nag-cr lang ako. Ayoko na dun."
Nakapaa na si Kyungsoo, dala nito ang sapatos niyang may kataasan ang takong.
"A-Akin na yang sapatos mo." Si Jongin na ang nagbuhat ng mga iyon. Yumuko siya kaunti.
"Sakay ka sa likod ko."
"Okay lang ba?"
"Oo, dali."
Tumawa bigla si Kyungsoo at sumampa sa likod ni Jongin at kumapit maigi sa kanya. Tumingin ito sa likuran nila at suminghap siya. "Ayan na yung sasakyan." Bumaba ulit si Kyungsoo at hinila si Jongin sa likod ng mga halamanan.
Napatakip ng bibig si Kyungsoo at natatawa.
Si Jongin nakatitig lang sa mahal.
"Bakit ganyan ka makatingin?"
Hinimas ni Jongin ang pisngi ni Kyungsoo at ngumiti na lang.
Napatingin si Kyungsoo sa entrance kung san palabas na kanina ang sasakyan nila. "Wala na sila. Tara na!"
Agad nakuha ni Kyungsoo ang kamay ni Jongin at lumabas na sila. Tuwang-tuwa si Kyungsoo na natakasan niya ang mga magulang at nagtatatalon.
Natawa na rin si Jongin at tinitigan ulit si Kyungsoo na ubod ng saya.
"Lika na, sampa ka na sa likod ko."
"Maglalakad na lang ako."
"Ayoko. Wala kang sapin sa paa, masusugatan yan sayang manicure mo."
"Okay, boss!" Sumampa si Kyungsoo sa likod ni Jongin at lumakad na sila.
"Mabigat ba ako?"
"Ugh, Soo, ano bang kinakain mo? Ang bigat bigat mo." Pang-aasar ni Jongin sa kanya kaya
napalo tuloy siya ni Kyungsoo sa balikat.
"Grabe ka sa akin. Baba mo na lang ako kung mabigat ako."
Tumawa si Jongin. "Biro ko lang yun. Hindi ka mabigat. Kaya ko naman."
Nilapit ni Kyungsoo ang mukha sa tenga ni Jongin at umihip doon tsaka tumawa.
Naglalakad sila sa dilim.
"Alam mo ba ang daan dito?"
"Oo naman."
"Naghihintay ba sina Jihee sayo? Alas dose na."
"Pinasuyo ko muna sila kina Chanyeol para sigurado."
"Wala sila sa inyo?"
"Wala. Teka, san ba tayo pupunta?" Nasa may bayan na sila kung saan marami na ang saradong establisyemento at
kaunti na lang ang mga sasakyan na dumadaan.
Hinihingal na si Jongin na ramdam din ni Kyungsoo. Ang totoo niyan, di rin alam ni Kyungsoo kung san sila pupunta.
Nagpatuloy sila sa paglalakad.
Hinahapo na si Jongin sa malayong nilakad. "Jongin, baba mo na ako.
Hingal na hingal ka na."
Huminto muna sila saglit pero umiling si Jongin. "Kaya ko pa. Madudumihan lalo paa mo kapag bumaba ka."
"Okay lang, Jongin. Suot ko na lang ulit yung takong ko."
Hinawakan ni Jongin ang paa ni Kyungsoo na may paltos na. "Hindi. Wag."
"May paltos ka, lalo lng sasakit paa mo." Hndi na nagreklamo si Kyungsoo.
Tumingin si Jongin sa paligid. "So san na tayo?"
Nkita ni Kyungsoo ang isang establisyemento na bukas pa. "Dun, may apartelle na bukas."
Tiningnan ni Jongin ang tinuro ni Kyungsoo at pumunta sla dun.
Napagdesisyunan na muna nila na tumuloy sa apartelle dahil wala na rin naman silang masasakyan pauwi at isa pa, pagod na si Jongin sa paglalakad. Pawis na pawis ang lalaki nang makarating sila sa kanilang kwarto. Agad itong humiga sa iisang kama.
"Sorry, Jongin."
bumangon bahagya si Jongin. "Sorry na nagpabuhat ka?" May mapanlokong ngiti ito sa labi. Tumango si Kyungsoo at napahiga na rin sa tabi ng kasintahan.
Tahimik sila na tumitig sa kisame.
Si Jongin, hinahabol pa rin ang hininga.
"Alam mo nakakainis si Seonho kanina."
"Yung sa sayaw?"
"Oo, pupuntahan kita dapat siya naman sumipot. Utos ni Mama, nu pa ba?" Irap ni Kyungsoo sa kisame. "Hay. Di ka ba nagselos?" Tingin niya kay Jongin.
"Nagselos. Kaya nga pumunta agad ako sa c.r para di ko makita."
Napangiti si Kyungsoo sa nalaman. "Ayiee.
Selos sya." Dinutdot ni Kyungsoo ang kilikili ni Jongin na lumalayo na sa kanya dahil sa kiliti.
Agad namang bumalik ng atake si Jongin. "Di ka titigil? Kikilitiin kita dyan."
Bumelat si Kyungsoo sa kanya. "Sige nga gawin mo!"
"Ah, ganun pala ah."
At kiniliti ni Jongin ang
dalaga sa kama.
Napuno ng tawanan ang maliit nilang kwarto pero nanahimik rin nang tumigil na sila.
Si Kyungsoo natatawa pa rin at tiningnan si Jongin sa kanyang tabi na nakatitig na naman sa kanya.
"Bakit na naman?"
"Pwede ba kita masayaw, Soo?"
(bg music, pls play: https://youtu.be/_CfDg_G8ORE)
Hawak ni Jongin ang beywang ni Kyungsoo at si Kyungsoo, nakahawak naman palibot sa balikat ni Jongin.
Background music nila ay galing sa cellphone ni Jongin na halos love songs ang kanta pero I Will Always Love You ang pinili nya.
Nakangiti lang si Kyungsoo habang sumasayaw sila ni Jongin sa gilid ng kama. Minimal lang ang steps ng mga paa nila. Relax lang, pero ang mga mata nla, nakatuon lang sa isa't-isa.
Walang lumilihis ng tingin.
Pagdating sa chorus, napakanta na rin si Kyungsoo at napatawa sa kilig
lalo na nung humalik nang matagal si Jongin sa noo niya.
Nasa liriko na kasi ng kanta ang gustong iparating ni Jongin kay Kyungsoo kaya iyon ang napiling kanta niya.
Tumingkayad naman si Kyungsoo at humalik ng tatlong beses sa labi ni Jongin.
Nagtinginan at nagtawanan sila
na parang mga kinikilig na teenager habang sumasayaw. Numanakaw ng halik.
Pero pagdating sa dulong parte ng kanta...
And if you ever change your mind
I'll still, I will
And I'll still, I will love you
Hawak na ni Jongin ang mga pisngi ni Kyungsoo at pinagdikit nila ang mga
labi para sa isang sinsero, puno ng pagmamahal na halik na kailanman ay hindi nila malilimutan buong buhay nla.
(i will always love u instrumental https://youtu.be/h-Ee_lLAGIo)
At sa gabing yon, ang mga katawan, puso at kaluluwa nila ay nag-isa dhil sa kanilang wagas na pag-iibigan.
Pagkagising ni Kyungsoo, balot ang hubad na katawan ng puting kumot ng apartelle, nilingon niya si Jongin, nakapikit pa rin siya.
"Ni, gutom na--" Pero pagmulat niya ng mga mata, wala na ang kasintahan. Maayos na ang hinigaan nito at walang bakas na nasa kwarto pa si Jongin.
Agad napa-upo si Kyungsoo at kinabahan. Nakatupi na ang damit niya sa katabing upuan. Binalot niya ang kanyang katawan ng kumot at nilibot ang buong kwarto.
"Jongin!? Jongin!???" Natataranta na si Kyungsoo. Kahit sa banyo, wala ang kasintahan. Wala si Jongin.
Umiiyak na si Kyungsoo pagkabalik niya sa kama. Iniisip niya ano ba nagawa niyang mali kagabi?
Yung sinabi ba niya na mag-mimigrate na sila? O yung hiling niya na magtanan na sila?
Napakasaya pa naman ng gabi nila ni Jongin. Punung-puno lang ng pagmamahalan.
Pero napansin ni Kyungsoo ang nakasingit na tissue sa unan ni Jongin.
Nagkaron ng pag-asa sa puso niya at binasa niya ang sulat ni Jongin gamit ang naghihingalong ballpen.
Soo,
Bukas
9pm
Terminal, Chanyeol
Sa bukid ng mga alitaptap
Jongin
Nakaligpit na si Kyungsoo ng gamit. Kaunti lang naman ang nakalagay sa backpack niya.
Niyakap niya sunod ang mga alagang aso na mamimiss niya at pinangakuan na babalikan niya kapag nagkataon.
Yung paso ng sampaguita nya gusto na rin nya dalhin pero hassle. Isa pa may-
sampaguita naman kina Jongin kaya yun na lang ang aalagaan at kakausapin niya.
Maghapon siyang hindi lumabas ng kwarto. Alas singko ng hapon nung bumaba siya para tingnan ang mga magulang.
"Yaya, asan sina Dad?"
"Umalis po sila kaninang tanghali."
"Oh. Thanks, yaya!"
Habang nag-uubos ng oras, chinat muna niya si Baekhyun.
DKS: oy baks musta bakasyon mo sa japan?
BBH: ayun nakahanap ng papa haha. ikaw?
DKS: lalayas na. magtatanan na kmi ni jongin
BBH: OMG FOR REAL!??
DKS: oo tsaka baks, wag ka mabibigla ah?
BBH: nu?
DKS: d na ko virgin.
(a/n:) before everything else, waha, kapit na kayo mga kapatid kase alas seis ako gumising para isulat yung kasunod and guess what??? kanina pa ako umiiyak ang sakit na ng mga mata ko at inaantok na rin ako. kung may tanong kayo sa curiouscat na lang ah?
so eto na...
BBH: OH MY GOD BAKS BFFS TALAGA TAYO COZ SAME!!!
DKS: bakla ka! Omg
BBH: well kailangang kemendeng na...so gagayahin mo na kuya mo pala
DKS: mag-mimigrate kami baks pero ayoko. ayoko iwan si jongin. sa kanya na lng ako sasama tutal sa kanya naman ako masaya
BBH: basta baks, kahit ano pa yang desisyon mo sa life i will support!
DKS: same baks! enjoy ka dyan with your jowa ah?
BBH: gaga di pa jowa, travel buddy pa lang
DKS: pero di na virgin sus dun din un mauuwi
BBH: ok slash pleasure maker... gaga ka talaga
DKS: i know
Pagsapit ng 8:30, umalis si Kyungsoo na hindi nagpapaalam sa mga yaya. Nakita siya ng isa.
"Ma'am san kayo pupunta!? Bakit ang dami niyo pong dala!?"
Pero hindi na sinagot ni Kyungsoo ang yaya at iyon na rin ata ang pinakamabilis na tinakbo niya buong buhay niya.
Pawisan at hinihingal si Kyungsoo na dumating sa terminal. Pagkakita kay Chanyeol agad siya dun sumakay.
"Kyungsoo, may pila--"
"Ha? Di ba hahatid mo ko ngayon?"
"Saan?" Lito si Chanyeol.
"Wala ba sinabi sayo si Jongin? Magtatanan na kami."
"Huh!??" Agad na pinaandar ni
Chanyeol ang tricycle at humingi ng pasensya sa mga kapwa tricycle driver na nauna pa siyang umalis ng pila. "Wala siyang sinabi. Di rin kasi siya pumunta dito sa terminal."
"Ahh. May inaasikaso siguro."
"Oo nga. Pero san kita ihahatid? Sa bahay na nila?"
"Hindi. Sa bukid ng mga alitaptap."
Umaandar ang tricycle. Hindi na makapaghintay pa si Kyungsoo na mamuhay ng simple kasama si Jongin at mga kapatid nito.
Buong maghapon niya in-imagine na araw-araw na siyang gigising sa tabi ni Jongin, na paglulutuan niya ang mga kapatid, na
gagawan niya ito ng baon sa trabaho, at kakantahan niya ito kahit kailan niya gusto. Sabik na sabik na siya.
Huminto ang tricycle. Nagbayad si Kyungsoo. "Salamat."
"Wala yun. Sige. Ayan naman na siya." Ngiti ni Chanyeol ng pagkalaki at kumaway kay Jongin.
Paglingon ni Kyungsoo
nakatingin sa kanya si Jongin. Alam niya iyon kahit madilim. At alam niya na hindi siya paghihintayin ni Jongin kailanman.
Umalis na si Chanyeol. Pagkawala ng tunog ng tricycle at pinalitan ng mga kuliglig at palaka sa bukid, lumapit si Kyungsoo kay Jongin akap ang kanyang
mabigat na backpack.
"Di mo ba ako tutulungan?" Hirap na hirap na si Kyungsoo buhatin ang backpack.
"Bakit ka may dalang bag?" Malamig ang boses ni Jongin.
"Di ba magtatanan na tayo? Kaya ito, nandito na yung iba kong gamit. Gusto ko nga din dalhin mga aso ko tsaka yung
sampaguita ko. Pero next time na lang sila. Yung sampaguita, hm, may sampaguita namab kayo sa inyo kaya yun na lang muna aalagaan tsaka kakausa--"
"Hindi tayo magtatanan, Soo." Malungkot ang tono.
"Huh??" Binitawan ni Kyungsoo ang bag sa tabi.
"Hindi tayo magtatanan."
"Ano? Ano 'to? Para san yung note mo? Tsaka hoy bakit mo ko iniwan? Ako lang dapat nang-iindian di ba? Alam mo ba yung iyak ko nung wala ka na sa tabi ko? Di mo man lang din ako ginising--"
"Tama na 'to."
"J-Jongin, ano bang sinasabi mo? Manonood ba tayo ng mga alitaptap dito?"
Tumingin si Kyungsoo sa bukid pero wala. Wala ang mga nagkikislapang mga alitaptap.
"Soo, mag-break na tayo."
Nanlamig ang buong katawan ni Kyungsoo sa narinig.
"Hindi, hindi, hindi," napaatras bigla si Kyungsoo at napaupo, bumubulong, "panaginip lang 'to, panaginip--"
"Tapusin na natin to, Soo. Hanggang dito na lang tayo."
Sumigaw si Kyungsoo, sinapawan ang 'na lang tayo' ni Jongin ng malakas na "Hindi!!!" May mga luha nang tumayagatak sa kanyang pisngi. "Hindi. Ayoko. Ayoko."
"Ayoko na, Soo."
Pagtingala ni Kyungsoo, tiningnan niya maigi
si Jongin para alamin kung nagsisinungaling ba ito o hindi. Pero kailanman, hindi nagsinungaling ang lalaki sa kanya. O baka kasi hindi lang niya alam.
Tumayo siya at nilapitan si Jongin habang lumuluha. Si Jongin walang ekspresyon sa mukha na lalong ikinainis ni Kyungsoo.
"Sige nga, sabihin mo sa mukha ko kung bakit ayaw mo na. Huh? Bakit? Bakit, Jongin?"
"Ayan na naman ba!? Dahil sa estado natin sa buhay!? Kelan ba ako nagka-pake, Jongin!? Buong relasyon natin hindi ko yan inintindi pero ikaw--" Pinalo-palo ni Kyungsoo amg dibdib ng binata at
umiyak. "Ang daya mo naman! Pa-iibigin mo ko tapos iiwan mo din pala ako! Sabi mo--sabi mo walang iwanan? Sabi mo aasawahin mo pa ako? Sabi mo, sabi mo-" humikbi na si Kyungsoo at tumigil sa pagpalo sa dibdib ni Jongin at yumakap pa sa binata pero hindi siya niyakap nito pabalik.
Nanlalamig si Kyungsoo sa dilim. "Sabi mo, m-mahal mo ko. Ako lang ba nagmahal dito ng buong-buo, Jongin?" Hinihingal na si Kyungsoo sa sobrang pag-iyak at tumingala kay Jongin. "Sabihin mong nagbago isip mo, tatanggapin pa rin kita. Kasi mahal kita eh. Mahal na mahal."
Ilalagay sana ni Kyungsoo ang palad sa blangkong pisngi ni Jongin, pero ibinaba iyon ng binata at umiling.
Sinundan ng tingin ni Kyungsoo ang kamay niyang binaba at tumingin muli kay Jongin.
"Tama na, Soo. Uwi ka na sa inyo. Tapos na tayo."
Sa mga minutong iyon, tanging pag-iyak ni Kyungsoo sa dilim ang umalingawngaw sa dilim.
Lumakad ito paalis na naghihinagpis habang ang mga magagandang alaala nila ni Jongin ay nag-rerewind sa kanyang utak, pati na rin ang mga binitawan nilang matatamis na salita. Lahat ng iyon
ay umulit-ulit sa isip ni Kyungsoo na parang sirang plaka, na parang ikakadahilan ng kanyang pagkabuwang sa sobrang sakit.
Nung umaga matapos ng pinakamagandang gabi sa buong buhay ni Jongin, kung saan ang pag-iibigan nila ni Kyungsoo ay lalo pang nag-alab, hindi na niya
alam ang gagawin. Kung ano ba talaga ang tamang gawin.
May parte sa kanya na gusto na niyang suwayin ang lahat mapasakanya lang ang babaeng minamahal. Gusto na niyang magdamot sa mundo, mapanatili lang si Kyungsoo sa kanyang tabi, pero mas nananaig ang isang opsyon na ayaw man
niyang gawin, pero parang mas nararapat.
Sa huli, napagdesisyunan niyang umalis na dahil baka kapag nagising ang dalaga, hindi na niya ito magawang pakawalan pa.
Nanghiram siya ng ballpen sa reception at nagsulat sa kapirasong tissue. Nag-hihingalo ang ballpen niyang gamit pero
hindi na niya nagawang papalitan pa iyon sa sobrang panghihina at sakit na dinadamdam.
Pagkabalik niya sa kwarto nila ni Kyungsoo, mahimbing na natutulog pa rin ang dalaga. Bago umalis, niligpit niya ang parte na kanyang hinigaan. Tinupi rin niya ang mga damit ni Kyungsoo na
nasa sahig. At nang handa na siyang umalis, umupo muna siya sa sahig at tinitigan ang malaanghel na ganda ng iniibig.
Idinikit niya bahagya ang daliri sa maputi at malambot nitong pisngi at sinabi, "Sorry. Sorry kasi hindi ko na matutupad ang mga pangako ko sayo. Mahal na mahal
kita. Hinding hindi magbabago yan." Humalik siya sa noo nito at ngumiti nang may lungkot sa mukha, mga luha ay pumapatak sa gilid ng kanyang mga mata.
Isiningit niya ang kanyang note sa unan, tumingin kay Kyungsoo para sa huling pagkakataon at umalis.
Kinabukasan, pagka-uwi
galing sa palengke ay nagkulong si Jongin sa bahay.
Imbis na pumasok sa carwash shop na pinagtatrabahuhan na rin niya, nanatili siya sa bahay. Di rin man lang siya tumambay sa terminal.
Ayaw na ayaw niyang napag-iisa sa bahay dahil nalulungkot siya at naaalala ang mga pumanaw
na niyang mga magulang na pinagsisisihan niyang hindi man lang niya nasuklian man lang ng buong pagmamahal.
Kung pwede lang ulitin ang nakaraan, hindi siya magiging pasaway sa kanila at tatamad-tamad.
Napahiga siya sa kama at tumitig sa kisame.
Ngayon, iba ang dahilan ng kalungkutan niya.
"K-Kyungsoo..." bulong niya bigla at siya ay naiyak. Lalo pa siyang naiyak.
Ang sakit-sakit. Yung ayaw mo bitawan ang isang bagay na nagpapaligaya sa buhay mo pero para rin sa ikabubuti ng lahat, kailangan mong magsakripisyo.
Masakit. Masakit para kay Jongin ang bigkasin ang mga salitang ayaw niyang pakawalan kahit kailan sa taong mahal.
Pero nagawa niya.
At ngayon, habang naririnig pa rin niya ang pag-iyak ni Kyungsoo na ilang metro na ang layo sa kanya, ang pagpipigil ni Jongin umiyak kanina,
ngayon, pinakawalan na niya ang mga luhang naipon na.
"Kyungsoo..."
Umiyak si Jongin nang umiyak habang sinusundan ng tingin ang paliit na paliit na pigura ni Kyungsoo na tanaw pa niya hanggang sa hindi na.
Umiyak siya nang umiyak sa sakit at napahiyaw pa ng malakas sa bukid, "AAHHHH!!!" at napaluhod sa tindi ng lungkot na pasan.
Hindi siya tumigil sa pag-iyak.
Nang makita ang naiwang backpack ni Kyungsoo, kinuha niya iyon, pinagpag ang dumi sa ilalim at iyon ang niyakap niya
nang mahigpit habang naghihinagpis, animo'y si Kyungsoo ang yakap-yakap.
Nagpatuloy ang gabi nang normal sa ilan.
Umuwi si Kyungsoo na umiiyak.
"Ma'am, Ser, lumayas na po ata si Ma'am Kyung--"
Natigil ang pag-uusap ng nag-aalalang yaya at ng mga Do nang biglang
pumasok ng bahay si Kyungsoo.
"Kyungsoo, anak--" tawag ng ina pero tila walang narinig si Kyungsoo na nagmamadaling umakyat ng hagdan, humihikbi.
Nagtinginan ang nag-aalalang mag-asawa at ang tanging narinig nila ay ang malakas na pagsara ng pinto ng kwarto ng dalaga.
Naabutan pa ni Kyungsoo si Chanyeol sa terminal at dun siya sumakay. Hindi magmayaw si Chanyeol kakatanong kung ano ang nangyari dahil humahagulgol ang dalaga nang sumakay ito sa kanya.
Walang sinagot si Kyungsoo kundi pag-iyak lang. Suot pa naman din niya ang bracelet na bigay
sa kanya ni Jongin na gusto na niya sanang itapon, pero hindi niya matanggal, hindi niya magawang itapon.
Nagpababa siya kay Chanyeol sa bungad ng village nila. Panay ang tawag ni Chanyeol sa kanya pero tumakbo lang siya hanggang sa makauwi.
Ngayon, sa loob ng kwarto ay umupo siya sa sahig sa gilid ng kama at nag-iiyak. Walang katapusan ang pag-iyak niya. Umiyak siya nang umiyak hanggang sa napagod na lang siya at nakatulog na basang-basa ang mukha.
Pagkapunta ni Jongin sa terminal, sakto paparating si Chanyeol.
Tumigil ito sa harapan niya. "Pre, ano nangyari!? Bakit umiiyak si Kyungsoo!?"
Iniabot ni Jongin ang backpack sa kaibigan. "Wala na kami, pre."
"Ano!? Bakit!? Akala ko ba magtatanan na--"
"Pahatid sa bahay nila itong bag niya. Ito bayad." Abot ni Jongin ng singkwenta kay Chanyeol at tinapik sa balikat bago umalis, napatakip ng bibig at lumuha muli.
Samantala, bumalik si Chanyeol sa mga Do, dala ang backpack ni Kyungsoo.
Nang makita ni Mr. Do ang backpack na
buhat ng yaya pagkapasok nito sa loob, hirap na hirap at tinanong niya. "Yaya, ano yan?"
"Ser, bag po ni Ma'am Kyungsoo na dala niya kanina, hinatid po ng tricycle drayber."
Alam na ni Mr. Do ang nangyari. Napahilamos na lang siya ng mukha at napabuntong-hininga.
Pagkauwi ni Jongin nasa sala ang mga kapatid nanonood pa ng TV. "Jihee, Jihye, matulog na may pasok pa bukas."
Tanging ilaw na lang ng TV ang bukas kaya hindi aninag ng mga kapatid ang mugto niyang mga mata.
Kinalaunan, nasa kwarto na ang mga kapatid, ganun din si Jongin na
tulala na naman sa kisame at umiiyak.
Dahil sa hikbi ng Kuya na narinig ni Jihee nang mapadaan ito sa saradong kwarto ng Kuya para mag-cr sana, ginising nito si Jihye at sabay nilang binuksan ang pinto ng Kuya at sumilip.
"Kuya, ok ka lang ba?"
Nagulat ang magkapatid sa nakita. Nasa sulok ang kanilang Kuya, umiiyak.
"Kuya!!" Tawag nila sa kanya.
"Kuya, ano nangyari? Bakit ka umiiyak?" Tanong nila kay Jongin na agad yumakap sa kanila.
"Kuya, sino umaway sayo?"
"Wala na kami ng Ate Kyungsoo niyo...wala na..."
Nakahanda na si Kyungsoo na umalis sa Bayan ng San Carlos. Sa mga araw na dumaan, tahimik at robotiko ang naging paggalaw ni Kyungsoo.
Madalas lang siya sa kwarto kasama ang mga aso. Yung sampaguita, hindi na niya kinakausap, pinatanggal na niya sa yaya niya.
Si Seonho, dumadalaw pa rin sa kanila pero laking pasasalamat niya na hindi siya nito ginugulo.
Mamaya, luluwas na sila pa-Maynila.
Mamimiss niya ang San Carlos ng sobra.
Alam na ni Baekhyun ang nangyari. Wala rin naman siya mapaglabasan ng dinadamdam kundi sa kaibigan lang.
Si Baekhyun, natuluyan na sa Japan. Nakahanap bigla ng trabaho sa tulong ng isang Chinese na nakilala, Yixing ang ngalan.
Hinawi ni Kyungsoo ang kurtina ng bintana sa kanyang kwarto at sumilip sa labas. Asul na asul ang langit. Pero pagtingin niya sa gawing kanan ng kalye ng
street nila, naalala niya bigla ang unang gabing hinatid siya ni Jongin sa bahay.
Ayan na naman ang mga luha niya kaya agad niyang sinara ang kurtina.
Yung bracelet ni Jongin, di na niya sinusuot. Nakatago na lang.
Dalawang linggo rin ang lumipas matapos nilang maghiwalay.
Masakit pa rin. Sobrang sakit. Mahirap ata makalimot sa isang relasyong ang dinala sayo ay purong kaligayahan lang.
Pero gaya ng sabi ng iba, bawat kwento, may katapusan.
Tok tok tok.
Bukas ng pinto.
"Ma'am, ready na po ang sasakyan. May ipapatulong po ba kayo na ipababa?"
Suminghot si Kyungsoo at agad na nagpunas ng luha. "Uh, yaya, ayang dalawang itim na bag na lang. Mabigat yan. Isa na lang muna." Bilin niya sa yaya na sumunod naman.
Maikli man ang panahon na ginugol niya sa kwartong ito, minahal niya rin ito sa dami ng memoryang naganap rito.
Sinuot ni Kyungsoo ang paborito niyang brown backpack. Tiningnan niya muli ang buong kwarto, at yung kama niya, yung kama niya kung saan nagdiwang siya, nagsaya, naglumpasay at umiyak.
Naalala niya bigla yung gabing kinantahan niya si Jongin sa cellphone.
Ayan na naman sila. Mga luhang kusang lumalabas.
Nagpunas siya ng luha at nilabas na ang huling itim na bag at sinara ang kanyang kwarto.
Sa sasakyan, magkatabi ang mga magulang niya sa gitna, magkahawak ang mga kamay, sweet. Minsan lang makita ni Kyungsoo na ganito ang mga
magulang, kaya pumwesto na lang siya sa likod kasama ng kanilang mga bag.
"Nak, ba't di ka dito sa tabi namin ng Dad mo?"
"Ok lang ako dito, Ma." Sagot niya at sandal bigla sa bintana.
Pagkadaan nila sa plaza, umayos si Kyungsoo ng upo, nadaanan nila ang 7 eleven, ang terminal
ng tricycle na, ang fishbolan ni Manong Minseok, ang interseksyon na papunta kina Jongin. Sa pagdaan nila, kahit wala roon ang mga taong kilala para din naman silang nakita ni Kyungsoo sa isang iglap--si Chanyeol na naghihintay ng pasahero, ang tatlong kaibigan ni Jongin na
laging may hawak na cellphone, si Manong Minseok na nagluluto ng fishball...At si Jongin na laging nakaabang sa kanya, naghihintay na may ngiti sa labi.
Sa mga segundong yun, pagkalagpas nila sa lugar, naiyak na naman si Kyungsoo. Wala na ang lahat sa kanila ni Jongin. Tapos na.
At ang lahat ng naiwan niyang alaala sa San Carlos ay mananatili na lang sa San Carlos.
Paalam.
Nakwento at napaintindi ni Jongin nang malinaw sa tropa ang kinahinatnatan ng relasyon nila ni Kyungsoo. Inintindi naman siya ng mga kaibigan at nirespeto ang kanyang desisyon.
Umiyak pa siya ulit sa kanila na parang bata, walang tigil sa paghikbi. At nung uminom sila sa tapat ng bahay ni Jongin, ganun pa rin, punong-puno ng sakit ang bawat paglagok ni Jongin ng beer.
Pero kailangang umusad sa buhay. Nagpatuloy si Jongin sa pagtatrabaho sa palengke.
Siya na naman ang usapan ng lahat pero hinayaan na lang niya ang mga ito hanggang sila ay magsawa.
Pagkatapos magkargador, sa carwash naman siya. Sapat ang kinikita niya at nababayaran naman niya ng tama ang tuition ni Jihee na nag-aaral maigi.
Sa hapon, nagpatuloy naman si
Jongin sa pagtuturo sa mga bata, pero sa mga unang araw na hindi na niya katuwang si Kyungsoo ay bigla-bigla na lang siyang naiiyak. Isang beses, tinanong pa siya ng isa sa mga bata kung bakit siya umiiyak, dahilan na lang niya, napuwing siya.
Syempre, hindi rin naiwasan na magtaka ng mga bata kung asan si Teacher Soo nila. Hindi rin alam ni Jongin kung pano sasagutin ang mga bata pero sabi na lang din niya at nang makarinig ng ugong ng eroplano sa taas na para bang nananadya na.
"Ayun, andun na si Teacher Soo niyo.
Lilipad na sa malayong lugar." Hirap na hirap siya magpigil ng luha sa mga panahong yun. Gusto niya tumakbo, umiyak at magmukmok pero nasa harap siya ng mga bata.
"Pano po yun di na kayo magkasama ng asawa niyo po?"
Tumingin si Jongin sa bata na nagtanong, ngumiti at umiling.
"Hindi ko siya asawa." At tumingin siya sa eroplano na tinatakpan na ng mga ulap sa langit. Alam niyang wala roon si Kyungsoo. Wala na siyang balita sa babae simula nang hiwalayan niya ito. Ni hindi rin niya alam kung nakaalis na ba ito o hindi.
Kaya matapos magturo sa mga bata at kahit di niya forte ay tinuruan niya pa ng kanta, pumunta siya sa bahay ng mga Do. Tinakbo niya iyon, pero "For Sale" na ang plakard na bumungad sa kanya.
Humawak siya sa grills ng gate ng mga Do, kinalampag iyon at naiyak muli.
Sa unang tatlong linggo ni Kyungsoo sa States, nahirapan siya sa pag-aadjust sa lugar. Hindi niya maintindihan ang sarili. May mga oras na hirap siya makatulog, balisa at mabilis mahilo.
Parang tinuturnilyo ang ulo niya kadalasan, ganun din ang pagsakit ng kalamnan niya
at kanyang tyan.
Ang malala napansin din niyang hindi siya dinatnan ng buwanang dalaw niya.
Pero pinagsawalang bahala niya iyon dahil baka dulot lang ng stress o kung ano. Stress, dahil inenroll na siya ng kanyang tatay sa isang review center para sa kanyang CPA Licensure Exam
na tinulong rin sa kanila ng kumpanya ng mga Kim. Pero kung siya ang tatanungin ayaw na niyang i-take, pero para mabalin ang atensyon niya sa ibang bagay, hindi na siya nagreklamo pa. Wala rin kasing awat ang puso at damdamin niya sa kakaisip kay Jongin.
Hanggang ngayon, hirap pa rin siya makalimot kahit milya na ang layo niya sa binata.
Madalas siyang umiiyak sa kwarto. Kung minsan isusuot pa ang bracelet na bigay ni Jongin at tsaka ulit maghahagulgol kakaiyak.
Yun nga lang, napapadalas ang kanyang pagduwal.
Naging pihikan siya sa pagkain at amoy kaya nagtaka na siya.
Para matapos na ang kanyang pagtataka, pumunta siya sa drugstore at bumili ng PT.
Positive, buntis nga siya.
At ang dinadala niya, anak ni Jongin.
(a/n:) pwede ko ba malaman mga teorya niyo sa mga susunod na mangyayari? curious lang ako
Nanginig si Kyungsoo. Nabitawan pa niya ang PT na hawak at sumubok pa ulit. Tatlong PT, iisa ang resulta. Walang duda, siya ay buntis talaga.
Natulala si Kyungsoo na bumalik sa kama at naupo. Ilang saglit lang, nagbagsakan muli ang kanyang mga luha habang nakahawak sa kanyang
maliit pa naman na tyan.
Hindi niya alam kung ano ba ang dapat maramdaman sa mga sandaling iyon. Saya ba? Lungkot? Inis? Galit? Ewan niya. Kaya umiyak lang siya nang umiyak hanggang makatulog.
Wala na atang araw na hindi siya iiyak. Dahil araw-araw na lang.
Sinikreto niya ang pagbubuntis sa mga magulang. Kinimkim niya iyon dahil sa takot. Lalo na sa kanyang ina, kahit ba na madalas ang paglalambing nito sa kanya pero tinatarayan lang niya.
Minsan, sumasagi sa isip niya ang kwento ni Jongin. Ang mga salitang, 'na-take for granted ko
ang mga magulang ko' naalala niya ang pagsisisi sa mga mata ni Jongin na ngayon ulila na sa mga magulang.
Mahal din naman ni Kyungsoo ang mga magulang niya pero sobra na rin naman sila sa kanya kaya di niya maiwasang tarayan ang mga ito. Kung hindi lang sa pangako niya sa lola
niya, sumunod na sana siya sa kuya niya.
Tumuloy si Kyungsoo sa pagrereview. Wala rin naman siyang gagawin sa States kaya para may mapaglibangan, nag-review na lang siya.
Minsan dumadalaw si Seonho, kinakamusta siya. Kinakausap, tinatanong ng kung anu-ano at sinasagot rin naman
niya. Tipid na rin naman siya magsalita sa bahay kaya para masayang din ang laway niya, isang tanong ni Seonho, maikling sagot naman niya.
Naging maingat si Kyungsoo sa kanyang mga kilos, sa pagbaba ng hagdan, sa paglalakad. Kapag mag-isa siya sa kwarto, kinakantahan niya ng
tahimik ang kanyang anak sa sinasapunan. Hinihimas niya, tinatapik nang marahan. Minsan naiisip niya, pano kaya kung malaman ni Jongin ang tungkol sa anak nila? Babalikan kaya siya? O pano kaya kung nasa Pilipinas pa rin siya, masaya ang relasyon nila ni Jongin, ano kaya ang
magiging reaksyon niya?
Sa naiisip, kumikirot lang ang puso niya. Gusto niya sabihin 'to kay Jongin pero ewan pa niya. Ayaw muna niya isipin kaya napapikit na lang siya, pinatong ang kamay sa tyan at natulog. Pero gaya ng mga unang gabi niya dito sa States, si Jongin ang laman
ng mga panaginip niya at gigising siya na may luha na sa mukha.
Sa review center, may mga lalaking nilalandi siya, pero laking pasasalamat naman niya na sa isang masungit niyang "No" tinitigilan na siya agad ng mga umaaligid na lalaki.
Matapos ang 3 months review, exams na.
Pasado niya pero hindi siya ganun kasaya. Parang, ok pasado. Ang mga magulang naman niya, naghanda ng maraming potahe. Masaya. Nandun din ang mga Kim, si Seonho. Si Seonho na panay pa rin ang tingin sa kanya at alam niyang may gusto pa rin
sa kanya.
Pero pano pala kung si Seonho na lang ang pinili niya noon kaysa kay Jongin no? Ano na kaya buhay nila ngayon?
Habang nag-uusap ang mga magulang sa dining hall, nasa terrace naman si Kyungsoo, nagmumuni-muni, iniisip kung sasabihin na ba sa mga magulang ang dinadala
niya. Lumalaki na rin kasi ang tyan niya. Isa pa malalaman at malalaman rin naman nila ang tungkol doon lalo na kapag obvious na ang laki ng kanyang tyan.
"Ang lalim ata ng iniisip mo." Sabi ni Seonho sa kanya na sumandal na sa grills ng terrace.
"Nu gusto mong gawin ko? Tumunganga kesa mag-isip?"
Tumawa si Seonho sa kanya at pinitik ang noo niya.
"Aray." Busangot na ang mukha ni Kyungsoo at hinimas ang noo.
"Alam mo naman na you can tell me anything right? Makikinig ako."
"Wala naman ako dapat ishare sayo so anong sasabihin ko?"
Ginulo ni Seonho ang buhok ni Kyungsoo. "Anyway, I have something to give you."
Kinuha ni Seonho ang kamay ni Kyungsoo at may sinuot itong gold na bracelet sa kanya. Tatanggihan sana ni Kyungsoo dahil naalala niya si
Jongin na nagsuot sa kanya ng bracelet noon. "Ano yan?"
"Bracelet." Admire ni Seonho sa regalo niya sa dalaga.
"Alam ko, pero bakit? Para saan?"
"Congratulatory gift. You passed the exam, therefore, you deserve a gift. Bagay sayo."
Nang mapansin ni Kyungsoo na hawak pa rin
ni Seonho ang kamay, binawi niya ito at tinago na ang mga kamay sa likod. "Pasok na ako." Tumalikod siya pero tinawag siya ni Seonho.
"Soo,"
"Oh?"
"Baka naman."
"Baka ano?"
"I'm still hoping you can give me a chance."
(a/n) sa mga nagbabasa nito, shet wag kayo umasa masyado na satisfying next ganap ah kase napepressure na rin ako kasi di ko alam pano isuaulat kahit may plot na at hahantungan na yung kwento. ang scary pala magsulat ng angst pero salamat sa pagbabasa!
Yumuko si Kyungsoo, ngumiti kaunti at tiningnan si Seonho sa mga mata. "I'm sorry pero wala--"
"Do you still love him?"
Lumingon ulit si Kyungsoo at tumango. "Oo. Nakakaawa ba?"
"No, hindi. Don't you ever think about that. But, I love you. Mahal pa rin kita.
And I'm willing to give you my all if you let me, Kyungsoo."
Umiling si Kyungsoo. Diretso lagi magbigay ng saloobin. "I'm sorry, but no. Excuse me, I have to go back to my room."
Pumahid si Kyungsoo sa luha sa pisngi at umalis. Pagpasok sa kwarto, tinanggal niya ang bracelet
at tinago ito sa drawer.
Malapit na ang apat na buwan ni Kyungsoo. Pagod na siya kimkimin ang sakit at ang sikretong hindi pa niya naibubunyag kanino man.
Kahit kay Baekhyun. Ganun niya kayang magtagal sa pagtatago ng isang sikrwto.
Pero ngayon, kailangan na niya ng katuwang.
DKS: baks
BBH: BAKS!! HOW ARE U!??
DKS: ikaw musta na?
BBH: i'm taken, happy and VERY HAPPY musta naman ang maganda kong bff na certified public accountant na?
DKS: di ko alam
BBH: video call tayo
DKS: no
BBH: ???
DKS: may kailangan kang malaman na matagal kong tinago
sayo na ayokong may makarinig kapag nag vid call tayo
BBH: ano buntis ka?
DKS: pano mo alam?
BBH: kutob ko lang. so yun nga? ilang buwan na yan?
DKS: mag-aapat na next week
BBH: nu na balak mo?? syempre d pa yan alam ng magagaling mong parentz
DKS: hindi ko alam
BBH: sasabihin mo ba kay jongin?
DKS: di ko alam
BBH: hayy baks
DKS: welcome to my life
BBH: so pano yan?
DKS: d ko talaga alam. gusto ko lang din sabihin sayo kase masakit na sa dibdib magkimkim
BBH: nagpa doktor ka na ba?
DKS: di pa
BBH: kelan mo sasabihin sa kanila?
DKS: nung celebration sana kaso naduwag ako
BBH: panigurado may lulutuin na naman nanay mo nyan
DKS: lam mo baks ewan ko na talaga pagod na ako. gabi gabi na lang din ako umiiyak
BBH: sabihin mo to kay jongin
DKS: para ano?
BBH: anak din niya yan kailangan nya malaman
DKS: no. ayoko. aakuin ko ang bata
BBH: takot ka ba?
DKS: oo..
Lumuluha si Kyungsoo habang nagtatype.
DKS: takot na kapag nagkita kami ulit dahil sa bata, baka magmakaawa ako na bumalik siya sa buhay ko kahit alam kong ayaw n nya
"Kyungsoo, hon, gumawa ka na ba ng resume mo? You have to pass them na sa hr ng Kim Bank. Also, there is a possibility you and Seonho might be working toge--"
"Ma, can't I have a rest first? Masyado na ata akong bugbog? Review, exams and then pagtatrabahuhin niyo ako agad?"
Kakaakyat lang nilang mag-ina after nila mag-lunch nung brining-up iyon ng kanyang ina.
"Kyungsoo, anong gusto mo gawin dito sa bahay? Magmukmok lang? Anak, habang maaga pa you have to start working."
"Ayoko pa nga eh, bakit ba ang pilit niyo, Ma? Ano 'to lahat na lang ng
sasabihin niyo gagawin ko?"
"Luisa, Kyungsoo, calm down." Pumagitna si Mr. Do sa kanila pero hindi tumigil ang mag-ina sa pagsasagutan.
"Kyungsoo, I'm just saying what's good for you."
"No, Ma, you never did that. It's always for your own good.."
"No, Kyungsoo, no, you will never understand--"
"Ano? Kayo din siguro may pakana na nakipaghiwalay sa akin si Jongin no? Para sumama ako sa inyo. Akala niyo ba hindi ko naiisip yun? Dahil buong buhay ko kailangan kong sumunod sa mga utos niyo. Di pa ba kayo natuwa na I finished
this major that I didn't even want in the first place,"
"You stop it, Kyungsoo...stop it--K"
"--spent three months for reviewing and taking this difficult exam na kulang na lang talaga punitin ko yung papel right in front of my proctor dahil I'm wasting my time pursuing
something I don't like--"
"I SAID STOP IT--"
Tutulak sana ni Mrs. Do si Kyungsoo sa sobrang galit pero napigilan ito ni Mr. Do.
"Luisa, calm down," pag-aalala nito.
"Sige Ma! Tulak mo ko, buntis ako." Amin niya bigla sa sobrang gigil at panginginig. "Tulak mo ko, Ma."
May gulat sa mukha ng mga magulang.
"Are kidding me, Kyungsoo?" Nanginginig na rin si Mrs. Do sa galit.
"No, I'm not."
"Anak ba yan ng kargador na yun? HA!?"
"Oo! Oo, Ma! Anak ng kargador itong nasa tyan ko." Luha ni Kyungsoo. "Nagreview ako na buntis ako, nag-exam at ano?
Pagtatrabahuhin niyo agad ako? Hindi ba pwedeng magpahinga muna ako? Ang sakit sakit na. Dito. Sobra." Turo niya sa dibdib. "To be honest, di na rin ako magugulat kung ipapakasal niyo ako kay Seonho. Planado naman na lahat di ba? I mean, planado niyo na ano ang dapat maging takbo
ng buhay ko." Singhot niya.
"Kyungsoo..."
"I wish I was never your daughter. I'm tired, Mom, Dad, I'm tired."
Nag-walk out siya, dumiretso sa kanyang kwarto at umiyak na naman.
"Sorry, anak, lagi na lang malungkot si Mama. I'm sorry." Hingi niya ng tawad sa anak.
Hindi naging madali kay Jongin ang lahat dahil tuwing napapadaan sa terminal, si Kyungsoo ang naaalala niya kaya hindi na siya ulit tumambay pa roon. Yung 7 eleven, natatawa siya na nalulungkot kasi naging inside joke nila ni Kyungsoo ang nangyari doon. Yung sampaguita at
gumamela na tanim nila sa bahay si Kyungsoo pa rin ang pumapasok sa kanyang isip. Tuwing nagjajackstone sina Jihee, kapag pumapasok sa kanyang kwarto, yung Cornetto, Stick-O, lutong adobo, ang Bonchon, ang Mang Inasal, ang National Bookstore, ang Puregold, ang bukid,
alitaptap...yung mga sulat na gabi-gabi niya pa rin binabasa at iniiyakan, lahat may bahid ng alaala ni Kyungsoo.
Minsan di na niya alam kung san pa dapat lumugar kasi sa bawat lugar na nadadaanan, bawat bagay na nakikita, si Kyungsoo, si Kyungsoo,
si Kyungsoo--si Kyungsoo na pinakawalan niya ang nakikita.
'Kamusta na kaya siya ngayon?'
Pero kinaya niya iyon. Inabala niya ang sarili sa pagtatrabaho, sa pagtuturo sa mga bata ng libre na nadagdagan na ng lima. Lumipas ang mga araw at paulit-ulit lang ang inatupag niya
hanggang sa isang araw--
"Jongin!! Jongin, pre!!"
Nasa carwash shop si Jongin, naglilinis ng isang sasakyan nang marinig niya ang pangalan. Paglingon niya, si Sehun na naka-uniporme pa ng Ace Hardware ay nagsisigaw at nagtatalon sa kanya.
"Uy, Sehun, bakit andito ka?"
"Pre! Break naman eh! Tol, sikat ka na!!"
"Ha!??"
"To, pre, panoorin mo." tinaasan ni Sehun ang brightness ng cellphone, Facebook ang tumambad sa kanya at nakita niya ang sarili sa video na nagtuturo sa mga bata na may 34k views na at libong likes at comments.
"Tol, viral ka na!!"
Nang marinig ng mga kasamahan ni Jongin sa carwash ang pinagsisigaw ni Sehun, nakiusyoso na sila at binati si Jongin ng cingratulations.
Ayon sa sagap ni Sehun, pulis raw sa station sa kanila ang nagpost ng video.
Pero ang hindi alam ni Jongin, isang hapon, sa di kalayuan, isang itim na Prado na sasakyan ang nakaparada sa harap ng puno ng mangga pero umalis rin. Nadaanan ni Chief Do si Jongin ng panahong iyon. Si Chief Do na tumulong sa kanya noon na linisin ang pangalan niya sa droga
na siya ring nag-utos sa isa sa mga pulis niya na videohan si Jongin at ipost iyon sa social media.
At dahil dun, na-feature si Jongin sa 24 Oras at sa KMJS. Dahil sa kanyang pagiging huwaran kahit hindi nakapagtapos ng kolehiyo, isang unibersidad para sa mga aspiring teachers
sa Maynila ang nag-alok sa kanya ng full scholarship with allowance.
Pati mga kapatid ay nakatanggap rin ng scholarship at may na-sponsoran pa sila ng Vista Homes ng isang bahay at lupa roon.
Parang nanalo ng Lotto si Jongin nun kahit may isang bagay na lang ang kulang sa
kanya na mukhang magiging parte na lang talaga ng nakaraan niya.
Nag-iyakan ang tropa sa pa-despedida ni Jongin.
"Pre naman, sumikat ka lang, iiwanan mo na kami." Sinisipon at iyak ni Sehun bago lumagok ng beer. "Wag mo kami kakalimutan ah? Pards for life di ba?"
Si Taemin hindi makapagsalita, lumuluha lang din. Ganun din si Taeyong.
Si Chanyeol kunwaring hindi naiiyak pero napatalikod na rin at nagpunas ng luha.
"Mga 'tol, babalik-balik pa rin naman ako dito. Tsaka di ko kayo kakalimutan ng ganun-ganun lang.
Hayaan niyo, bibili ako ng matinong phone tapos chat chat na lang muna tayo o kaya video call."
"Kaso di ba limot mo na password mo sa FB!?" Singhot ni Taemin.
"Baliw, pwede naman ako gumawa ulit." Sagot niya, habang napapapunas na ng ilong dahil paiyak na rin siya.
"Pre," Tapik ni Chanyeol sa likod niya. "Mag-iingat kayo dun ng mga kapatid mo ah? Ibang-iba ang Maynila kaysa rito. At huwag ka magbabago. Maging mapagkumbaba ka lang ah?"
Ngumiti at tumango si Jongin sa kaibigan. Aalalahanin niya ang mga paalalang iyon.
"Para sa tagumpay!" Biglang taas ng beer ni Taeyong na naging paligsahan na dahil tumayo si Taemin at tinaasan ang beer ni Taeyong na hawak. Si Sehun, nagpunas ng luha at tumuntong sa bangko at tinaas rin ang hawak na beer sa ibabaw ng beer ni Taemin at si Chanyeol, nilagay
lang ang hawak sa ilalim ng bote ni Taeyong.
"Oy, Jongin ikaw na!" Udyok ni Sehun at tumayo si Jongin para ilagay naman ang bote sa ilalim ng bote ni Chanyeol.
At sa tinagal ng panahon nilang magbabarkada, ngayon na lang nila ulit ginawa ang friendship cheer nila. Kung noon ay
patong na patong lang ang mga kamay nila, ngayon, beer na, sabay sigaw ng marahang, "LET'S--VOLT---IN!" bago nagsiinuman, nagpakalasing at sabay sabay natulog sa papag sa sala ng bahay nila Jongin.
Tatlong araw bago lumuwas pa-Maynila, dumalaw muli ang magkakapatid sa puntod ng
mga magulang nila.
"Nay, Tay, si Kuya mag-aaral na ulit ngayong school year. Mag-titeacher na siya. Galing galing po ni Kuya no? Di na siya palamunin." Tumawa si Jihee sa biro niya sa Kuya.
Tumawa lang si Jongin at inayos ang kandila na inilawan niya sa tabi ng dala nilang alay
na bulaklak.
Napabuntong-hininga si Jongin nang pumamewang siya at tiningnan ang puntod. Di na rin pala niya matutupad ang pangako na mapakilala si Kyungsoo sa kanila. "Hay." Napatingala na lang siya sa bughaw na langit para pigilan ang mga luhang nagbabadyang pumatak.
Napakagat siya sa labi at tumingin ulit sa puntod. "Pano ba yan, Nay, Tay, mukhang matatagalan na talaga kami makabalik pa ulit dito. Luluwas na kami sa Maynila. Pagbalik namin, hayaan niyo, pipinturahan ko ito ulit. Nu ba gusto niyong kulay naman? Pink?" Pagbibiro niya na
ikinatawa rin nman ng mga kapatid. "O sya, aalis na po kami. Sa susunod po ulit."
"Bye Nay, Tay. Nxt time po ulit." Paalam ni Jihye sa puntod.
"Nxt time po, graduate na kami ni Ate! Bye!"
Umalis na sla bago pa lumubog ang araw.
Huminto ang isang Prado sa gilid ni Jongin.
Napatingin si Jongin sa tumigil na sasakyan. May bitbit pa naman din siyang box ng Dunkin Donuts at plastic na may lamang Zesto para sa huling pakain niya sa kanyang mga chikiting na estudyante.
Bumaba ang bintana.
"Jongin," Bati ng lalaki sa kanya.
Si Chief Do.
Ngayon, nasa loob na ng sasakyan ni Chief Do si Jongin.
Tinabi ng hepe ang sasakyan bago magsalita, "Oh, may donuts ka pala na dala. Para san yan?"
"Ah, eto po ba? Ano po, para po to sa mga bata. Aalis na po kase ako dito sa San Carlos kaya magpapakain po ako sa kanila."
Kunwaring walang alam si Chief Do pero may ngiti na sumisilay sa kanyang labi. "Bakit naman?" Kunwaring dismaya niya. "San ka pupunta? Pano yan mawawalan na kami ng magiting na kargador sa palengke."
Natawa si Jongin sa papuri ng pulis at napahimas sa batok. "Naku, Ser-
grabe naman po papuri niyo sa akin. Sa Maynila po kami ng mga kapatid ko pupunta. May nangyari po kasing milagro." Tawa niya bahagya.
Tumango ang matandang hepe. "E, sino ba yung mga bata na tinutukoy mo na papakinin mo?"
"Mga tinuturuan ko po, sa may puno po ng mangga sa may-
kabilang bukid."
"Ah, teacher ka na pala."
"Teacher-teacheran po."
"Yan talaga gusto mo ano? Ayaw mo ba maging pulis?" Pagbibiro ng hepe.
"Teacher po, Ser. Yun po talaga."
"Aba'y pagpalain ka, nagtuturo ka ng libre. Nga pala, alam ko ang nangyari sa inyo ng pamangkin ko."
Nag-iba bigla ang ihip ng hangin.
Unti-unting nawala ang ngiti sa labi ni Jongin at siya ay napayuko. "Ano pong alam niyo?" bulong niya.
Bumuntong-hininga ang hepe. "Alam kong may gusto sayo ang pamangkin ko. Di yun magpapatulong sa akin nun kung wala. Isa pa, wala masyadong-
kaibigan ang batang yun. Kahit dati pa." Napatawa siya bahagya habang tila inaalala ang nakaraan. Si Jongin nakikinig lang. "Paborito kong pamangkin yun. Parang anak ko na rin. Kami kasi ng misis ko di nabiyayaan ng anak. Nabiyayaan nga kaso nalaglag. Babae sana. Kaya nung-
nagkaanak si Raul ng babae, nako sobrang excited ko talaga. Nga pala, Raul ang ngalan ng Daddy niya. Step-brother ko, ayun sunud-sunuran pa rin sa matapobre niyang asawa. Si Luisa? Ayaw na ayaw sa akin nun. Tamo, di man lang ako inimbitahan nung birthday." Tawa pa niya.
"Pero ayoko rin naman sa kanya. Panget ugali. Di ba?" Tawa pa niya ulit pero hindi iyon sinagot ni Jongin. "Palagay ko alam mo naman na lahat. Pero hindi mo ba pinagsisisihan, hijo?"
Ang puso ni Jongin parang pinipiga. Ilang buwan na ang lumipas pero parang ang lahat kahapon
lang naganap. Yung sakit, walang pinagbago, nandyan pa rin. "Walang araw po ata na hindi ako nagsisi. Pinagsisisihan ko po lahat na yung tanging babae na minahal ko pinakawalan ko agad-agad. Ang tanga ko, Ser." Luha na naman niya. "Ang tanga-tanga ko." singhot niya. "Iniisip ko-
din na ang bobo ata ng rason ko kung bakit ko siya pinakawalan ng ganun lang kahit maganda naman ang intensyon ko? Kaso wala na eh. Huli na. Masyado akong nagpadalos-dalos ata. Ewan ko, basta ang bobo bobo ko."
Tumango si Chief at inintindi ang binata.
"Alam mo hijo,
magpasahanggang ngayon, hindi ko pa rin maintindihan kung ano ang nakita ni Raul kay Luisa. May mga desisyon ata talaga sa buhay na kailanman di natin mauunawan ng lubos na bakit kaya to ginawa ni ganito, bakit ginawa to ni ganyan. Pero kung tingin mo yan ang makakabuti,
minsan nakakalimutan natin magtimbang ng mga opsyon. Ng pwedeng pagpilian. At alam mo? Kung ano man yang rason ng desisyon mo, may dahilan yan. Di natin alam kung ano, kung ano ang kapalit o bunga pero dapat handa sa kung ano ang kapalit." Tumawa bigla si Chief. "Ano ba yan-
sensya na hijo, parang homily ba?" Biro niya para mapatawa ang binata pero pagod na ngiti lang ang bigay ni Jongin sa kanya.
Sumeryoso na.
"E, kung sakaling magkita kayo ulit, anong gagawin mo?"
Ilang segundo ang lumipas bago sumagot si Jongin, "Kung magkita man kami ulit,
depende sa sitwasyon. Pero kung ano ang gusto ko sanang mangyari, sana maibalik ko siya sa akin. Kaso malamang, galit siya sa akin. Sino ba naman ang hindi kung ang mga pangako mo, pinulbos mo." Malaki ang kanyang pinagsisisihan. Pinunasan niya ang kanyang luha. "Masakit pa rin-
Ser Do. Masakit. Kung ano man ang mangyari tatanggapin ko basta malaman kong masaya siya, wala nang pagkalito at pagtataka sa puso niya, okay na ako. At sana, sana masagot na lahat ng katanungang bumabagabag sa kanya. Mahal na mahal ko ang pamangkin niyo. Wala na rin akong-
mamahalin na mas higit pa sa pagmamahal na meron ako para sa kanya." Tumingin sa labas si Jongin, sa mga gumagalaw na ulap sa langit.
Tinapik ni Mr. Do si Jongin sa balikat at ngumiti. "Tara na hijo, baka hinihintay ka na ng mga bata. Hatid na kita."
Tumango si Jongin at hinayaan ang hepe na ipagmaneho siya papunta sa puno ng mangga sa kabilang bukid.
Pagkababa ni Jongin, sabi ng hepe, "Mag-aaral ka ng mabuti sa Maynila ah?"
Nagulat si Jongin na alam pala ng hepe ang mirakulong tinutukoy niya kanina. "A-Alam nyo po?"
"Aba, syempre, pulis ko ang nagvideo sayo no. Kunwari lng ako kanina na di ko alam." Tawa ng matanda sa kanya pero hndi nito inamin na siya ang nag-utos sa pulis niyang kuhaan ng video si Jongin. "Mag-iingat ka sa Maynila ah? Nagagalak akong makilala ka, Jongin." Ngiti ng hepe.
"Salamat po." Ngiti niya pabalik.
"O sya, hanggang sa muli, kaibigan." Paalam nito sa knya at tsaka umalis.
Pinanood ni Jongin ang sasakyan na pumalayo at napayuko, pero bago pa makapag-isip muli, nagtakbuhan na ang mga bata sa knya tawag ang kanyang ngalan.
"Teacher Jongin!!"
Heto na ang panghuling araw niya sa San Carlos. Ang bayang sinilangan niya, ang bayang natagpuan niya ang babaeng iibigin, at ang bayan na may malaking parte sa paghubog sa kanyang katauhan.
Tulala na madalas si Kyungsoo.
Sawa na siya sa lahat.
Pagod na.
Pagod na pagod na.
Alam niya at dama niya na hindi tanggap ang anak niya ng mga magulang, pero kahit ganun, sinamahan pa rin nila siya sa doktor para sa check-up at ultrasound. Hindi na rin siya pinilit ng ina na magtrabaho at hinayaan na lang muna siya manatili sa bahay
Tanging anak na lang niya ang nagbibigay ngiti sa kanya. Ang anak niyang babae. Anak nila ni Jongin.
Tuwing mag-isa sa kwarto, kinakausap na lang niya ang sonogram picture ng anak niya. Hyesoo ang gusto niyang ipangalan rito kaya Hyesoo na rin ang tawag niya sa litrato.
Minsan, may mga araw talaga na iniisip niya napilitan lang si Jongin makipagbreak sa kanya pero may sumasagi rin sa kanyang isip na marahil ayaw na rin talaga ni Jongin sa kanya.
Pero pano na lang yung gabing nagtalik sila na punung-puno lang ng pagmamahal?
Gusto man niyang malaman kung ano ang totoo pero tingin nya huli na ang lahat. Kung mahal talaga siya ni Jongin at pinilit lang ng mga magulang na makipaghiwalay ito sa kanya, sana man lang pinaglaban niya.
Kaso hindi.
Ang daya-daya ni Jongin iniwanan na lang siya ng anak.
Nagpaalila na si Kyungsoo sa mga magulang.
Dinner. Kasalo nila ang mga Kim. Tahimik lang si Kyungsoo. Magsasqlita lang kung may tanong sa kanya. Pero ang sagot niya, tipid. Isang salita at yun na.
"Anak, kailangan mo na ng kaagapay sa buhay. Someone who will take care of you."
Tulala lang si Kyungsoo sa kaharap na ina na nagsasalita habang hinahalo ng hawak niyang kutsara ang sabaw sa bowl niya na natatapon na.
"We want Seonho for you, anak. He can take care of you and your baby and you can have a happy family. Right?" Ngiting-ngiti ng nanay niya-
sa mga Kim na sumang-ayon rin.
"Kyungsoo, I really don't mind if you're pregnant with someone else's child. Aakuhin yan ni Seonho for you. And besides, since you were 18 planado na rin namin itong marriage ninyo. One way to strengthen our family friendship as well, right?"
Hindi umiimik si Kyungsoo. Sa katunayan, parang nakalubog siya sa tubig, walang naririnig, nakakabingi sa lalim ng nilulubugan niyang tubig.
"This is the right time for marriage. Ang bata ipapangalan na lang natin kay Seonho yan and we can pretend na hindi nabahiran ng kargador-
na yun ang bata, di ba? For sure, mas malakas pa rin ang genes ni Kyungsoo and her daughter would definitely look like her." Tawa pa ni Mrs. Do na nakakarindi sa pandinig.
Si Seonho, nakatingin kay Kyungsoo, alalang-alala sa kanya, ngunit hindi rin makapagsalita, dahil ito rin-
naman ang gusto niya. And what if, what if mabago pa niya ang isip ni Kyungsoo at maturuan din niya itong mahalin siya?
Ito na ang oportunidad para sa kanya.
Pero iniisip din naman niya na ito ay mali. Na kailanman at kahit ano pang gawin niya, hindi siya mamahalin ni Kyungsoo.
BBH: baks uy bat seen lang lagi?
DKS: sana di na lang ako nabuhay
BBH: huy anong pinagsasasabi mo dyan!! Huy!!
DKS: kontralado buhay ko pagkabata, tapos yung lalaking minahal ko iniwan ako. kaya ko pa kayang maging ina sa anak ko kung ganito na ako? patay na sa loob?
BBH: baks :((
DKS: lam mo ba gusto ko na tumalon kanina sa terrace? yoko na eh. kapagod na.
BBH: baks wag ka nga magtangka ng ganyan!!! Baks!!! Please, hindi solusyon yan.
DKS: alam ko. di ko naman tinuloy kasi kung ginawa ko yun sa anak ko, wala rin pala akong pinagkaiba kay
mama. mahal ko pa rin ang anak ko, baek. ayoko palang ipagdamot sa kanya ang mundo
BBH: baks :(( maging matatag ka ha? kausapin mo lang ako kung kailangan mo hm? hanapin ko na talaga tropa ni jongin sa fb, kailangan na niya to malaman talaga
DKS: wala rin siyang magagawa, baek
DKS: magkalayo kami. ginagapang na nga niya ang pamilya niya sa hirap pano pa siya makakapunta rito? isa pa, siya ang nakipaghiwalay, siya ang umayaw kaya bakit pa kailngan niya tong malaman? ikakasal na rin ako. bukas.
BBH: ANO!?? Hindi ka ba tumutol man lang!?
DKS: kelan ba nila ako pinakinggan? never, Baek. Kahit anong reklamo pa gawin ko, hindi na magbabago ang isip nila. Hawak na nila ako sa leeg sa simula't-simula pa lang
BBH: baks, d mo ba naisip lumayas?
DKS: hindi...hinang-hina na ako baks. ayaw na rin lumaban pa ng katawan ko
DKS: gusto ko na lang maalagaan ng husto ang anak ko sa sinapupunan ko. ang maluwal siya ng ligtas pero naguguilty rin ako kase lagi na lang ako umiiyak, malungkot, panigurado ang anak ko rin ganun
BBH: baks, im sorry wala akong maitulong sayo :(
DKS: ang makausap ka-
malaking bagay na yun. bahala na Baek. bahala na sila sa akin... bahala na
Hindi ganito ang pinangarap na kasal noon ni Kyungsoo. Pero kung ano pa ang hindi mo pinangarap, yun pa ang natutupad.
Isang civil wedding ang pinagsaluhan nila ni Seonho.
Ni hindi na niya-
inintindi ang atmospera sa courthouse, mga witness ng kasal o kahit pa ang suot niyang simpleng white dress.
Ang mga naging kaganapan, pinadaan niya lang. Kaso ang bagal-bagal. Ang akala niya mabilis lang seremonya pero bakit pakiramdam niya, dekada ang hinintay niya sa-
pagtapos ng kasal?
Sa reception, tinanggal niya ang singsing sa daliri niya at binulsa.
Hindi niya masikmura ang singsing na walang kahulugan, walang bahid ng pagmamahalan sa pagitan nila ni Seonho, kaya ibinulsa na lang niya iyon.
Nakita ni Seonho ang ginawa ng ngayon ay-
asawa na niyang si Kyungsoo.
Masakit pero ginusto niya to. Ginusto niyang madurog pa ang puso kasama si Kyungsoo. Alam naman niyang wala na talagang pag-asa, pero sige pa rin siya sa pag-asa.
Habang masaya ang lahat, ang isa ay wala nang pakialam at ang isa naman ay nasasaktan.
Nasa iisang bubong na ngayon si Seonho at Kyungsoo.
Pangatlong linggo nilang kasal pero parang multo lang sila sa isa't-isa. Parang multo lang si Seonho kay Kyungsoo.
Sa iisang kama, nakatalikod lagi si Kyungsoo sa kanya. At sa umaga, tahimik lng silang kumakain ng agahan nila.
Ang malala, nagigising si Seonho sa madaling araw sa pag-iyak ng nakatalikod niyang asawa.
Maikli lang ang nagiging pag-uusap nila, at yun lang ay tuwing aalis si Seonho sa trabaho na bibigyan ni Kyungsoo ng walang buhay na paalam na, "Bye." at tuwing uuwi lang ito at
paalalahanan niya ng, "Kain na." Hanggang dun lang.
Frustrated si Seonho. Naiinis. Nabubwisit. Hanggang isang gabi pag-uwi niya, stressed na nga sa trabaho, ganito pa ang uuwian niya.
"Kain na-" Paalala ni Kyungsoo pero binato ni Seonho ang bag sa sahig na ikinagulat ng buntis.
"S-Seonho..." Agad nang nakahawak si Kyungsoo sa tyan para protektahan ang anak kung sakaling may gawing hindi inaasahan ang asawa sa kanya.
Sumigaw si Seonho, napasabunot sa buhok at napaupo, umiiyak.
"Sorry--Sorry, K-Kyungsoo. Wag ka matakot." Paninigurado ni Seonho sa asawa-
Sa asawa sa papel.
Nagdalawang-isip muna si Kyungsoo kung lalapitan si Seonho pero ang makita ito na patuloy sa pag-iyak at palagay niya ay hindi mananakit, tinabihan niya ito.
"M-May problema ba sa trabaho?" Tanong ng buntis, habang nakahawak pa rin sa tyan.
Sa isip-isip lang ni Seonho, 'wala na talaga, hindi niya dama na siya ang dahilan kung bakit ako umiiyak ng ganito'
"Hm. Oo, trabaho." Pagsisinungaling niya. "Nakakapagod. Nakakainis."
Tumango lang si Kyungsoo at nanahimik muli sila. "Kumalma ka na muna.
Teka, dalhan kita ng tubig--"
Pagkatayo ni Kyungsoo kinuha ni Seonho ang kamay ng asawa. Ang kamay kung san naroroon dapat ang singsing, pero simula nang tumira sila sa iisang bahay, ni isang araw di niya nakita na sinuot pa muli iyon ni Kyungsoo.
"Soo, tuwing ganito
mo lang ba ako kakausapin?"
Kumurap-kurap si Kyungsoo. "Kinakausap naman kita ah."
Bumitaw si Seonho at naluha muli. Masakit. Sobrang sakit.
"A-Ano ba nangyari sa trabaho mo? Pinagalitan ka ba ng Dad mo?" May pag-aalala pa rin naman si Kyungsoo sa lalaki.
Tumingala si Seonho kay Kyungsoo, nangungulila kahit kalapit na niya, kahit asawa na niya. Tumango siya at nagsinungaling muli. "Oo..."
'Galit ako sa sarili ko, Soo.'
Umupo ulit si Kyungsoo sa tabi niya at hinimas ang likod ng asawa. "Tahan na. Halika na, kain na tayo."
Umiling si Seonho at umiyak pa rin. Nagsisisi sa ginawa niyang pagpilit sa sarili sa babaeng tanging minahal niya.
"H-Hindi ako gutom. Mauna ka na."
"Hm." Tumayo si Kyungsoo, tiningnan saglit si Seonho at dumiretso sa kusina.
Umiyak pa lalo si Seonho.
Sa mga sumunod na araw, nag-iba ang pakikitungo ni Kyungsoo kay Seonho.
Naging masaya naman si Seonho sa pagbabagong iyon. Kinakausap na siya ni Kyungsoo paunti-unti at bilang kapalit, kinakamusta niya rin ang asawa kung kamusta na siya sa kanyang pagbubuntis.
"Basta, if you felt something, call or text me, okay?" Paalala ni Seonho sa kanya habang magkaharap sila sa hapag kainan.
Ngumiti bahagya si Kyungsoo at tumango.
"K-Kapag, may problema ka rin sa trabaho o sa Dad mo, you can talk to me too." Sabi pa niya na lalong nagpangiti-
pa kay Seonho.
Kahit paunti-unti, may progreso naman sa kanila ni Kyungsoo at kahit na mas umiigting ang mga salitang "wala na talaga" nagkaron na naman muli siya ng pag-asa na baka isang araw, tanggapin na talaga siya ni Kyungsoo nang buong-buo.
Kung dun din ito mapupunta,
magtitiis siya, para lang sa babaeng minamahal.
Bukod pa roon, ikinagulat din ni Seonho na pinapabaunan na siya ni Kyungsoo ng pagkain. Parang tunay na asawa na ang asta ni Kyungsoo sa kanya. Maliliit na bagay pero sapat na.
At sa tuwing magpapaalam siya kay Kyungsoo sa umaga-
binibigyan niya ito ng mariing halik sa noo.
"Mag-iingat ka ah? Call me when you need me." At tsaka siya sasakay sa kotse at magmamaneho paalis sa kanila.
Ang hindi alam ni Seonho, sa tuwing hinahalikan niya si Kyungsoo sa noo, si Jongin ang naaalala nito at siya'y mapapaluha-
muli.
Oo, aaminin ni Kyungsoo. Sinubukan niya. Sinubukan niyang bigyan ng tsansa ang asawa, pero ang puso niya iba pa rin ang tinatawag.
Isang araw, chinat siya ni Baekhyun.
BBH: musta naman ang buhay may asawa hm?
DKS: ok lang
BBH: kaapelyido pa niya ang ex mo ano feeling?
DKS: baks wag mo na ipaalala pls
BBH: sorry baby gurl pero eto seryoso na tayo, hinanap ko fb nila
DKS: baek, di ba sabi ko wag na
BBH: sehun, chanyeol, taemin, taeyong. actually nahanap ko rin yung kay jongin pero matagal nang hindi active.
DKS: baek please tama na
BBH: wala ako dyan sa tabi mo baks, gusto kita tulungan at eto lang kaya kong gawin
DKS: ano pang mapapala ko? wala na kami ni jongin
BBH: tingin mo ba gusto niya rin yung nangyari sa inyo?
DKS: utos man yan nila dad, nangyari na, hindi nya ako pinaglaban
BBH: baka kasi-
kaya hindi ka naipaglaban kase no choice na rin siya. parang ikaw sumuko na, pumayag pa magpakasal sa di mo naman mahal
DKS: baek ayokong mag-away tayo
BBH: bago ka magdecide na magka-away ulit tayo, pakinggan mo muna ako. pls, coz i care for u and you're my only bff pls
DKS: go
BBH: sa apat na friends ni Jongin, si Sehun lang nakita kong friend niya sa fb niya. BhOzHsh $e$e (ML L0rDt) name. Inactive pero chinat ko pa din and until now wlang reply kaya mukhang di na rin ginagamit yung fb na to i think
DKS: yun naman pala eh. ayan hayaan mo na.
BBH: pero may nadiskubre ako
At may dalawang link na sinend si Baekhyun sa kanya.
DKS: nu naman yan
BBH: panoorin mo please
DKS: ok pero mamaya na muna maliligo lang ako
BBH: panoorin mo ah!
DKS: oo
BBH: sige baks, love u
DKS:
Hindi pa naligo si Kyungsoo, bagkus, binuksan niya ang link na binigay ni Baekhyun sa kanya.
Dalawang link ito na galing sa 24 Oras at sa programang KMJS kung saan nafeature lang naman ang lalaking miss na miss na niya. Ang lalaking, ngayon ay iniiyakan na naman niya habang-
pinapanood sa kanyang cellphone.
"H-Hyesoo, s-si Papa mo..." Nagluluha siya habang pinapakinggan ang balita tungkol kay Jongin.
Sa boses ni Vicky Mora/les, "At para naman sa balitang Good News, isang kargador sa San Carlos ang nag-viral sa social media dahil sa pagtyaga nito-
sa pagtuturo ng libre sa mga bata, yan ang balitang tinutukan ni Marisol Abdurah/man."
'Kargador sa umaga, carwasher sa tanghali, pero sa hapon...'
Tumutok ang camera kay Jongin. "Ako po si Jongin Kim, wala man pong natapos pero teacher-teacheran naman po sa hapon."
Sa pagpapatuloy ng balita tungkol kay Jongin, luha nman ang hatid nito kay Kyungsoo na nangungulila sa pinakmamahal na lalaki.
"Kung makakapag-aral po ulit ako, pagtuturo po ang kukunin ko."
Hanggang matapos ang video, walang tigil si Kyungsoo sa pag-iyak habang himas ang tyan.
"Hyesoo, ang Papa mo, naririnig mo ba siya?"
Kausap niya sa kanyang tyan habang lahat ng sakit sa paghihiwalay nila ni Jongin na parang kahapon lang nangyari ay namuo muli sa kanyang dibdib dahilan ng kanyang panlulumo.
At nang mapanood ang KMJS na video, mas dun lalong-
sumakit ang nararamdaman niya.
Sa boses ni Jessica, "Pero sa kabila nito, ang pangarap niyang maging isang guro ay hindi niya matatanto kundi dahil sa kanyang ex-girlfriend."
Interview kay Jongin. "Magkasama kami noon," may lungkot sa mukha at tono nito. "May mga bata kasi na-
naglalaro. Nagkatinginan kaming dalawa bigla. Tapos, ayun nilapitan namin sila. Dahil mahilig siya kumanta, mga kanta ang turo niya sa kanila. Eh, yung isang bata nagtanong pano naman daw ako? Ano daw gagawin ko? Kaya nagkwento ako ng alamat, at dun na nagsimula yun."
Tinanong din ni Jessica si Jongin patungkol sa ex nito.
"Bakit ba kayo nagbreak?"
Umiling si Jongin, nangingilid ang mga luha. "M-Masyado pong kumplikado para sabihin sa T.V." Tawa na lang niya kahit halata ang lungkot sa mukha.
"Pero mahal mo pa ba?"
Tumango agad si Jongin,
walang pag-aalinlangan. "Opo."
May ngiti sa labi ni Jessica. "Di ka man pinalad sa pag-ibig, Jongin, pero heto, may sorpresa kami sayo."
Parang naging Wish Ko Lang ang segment ni Jessica So/ho dahil sunud-sunod na biyaya ang ibinigay nila kay Jongin at ng mga gusto ring-
tumulong sa binata. Lalong umiyak si Kyungsoo sa panonood. Di na niya mawari kung sa lungkot pa ba dahil sobrang miss na miss na niya si Jongin, sa mga blessings na natanggap ng binata o dahil sa mga salitang binitawan nito sa TV na mahal pa rin siya nito kahit wala na sila.
Iyak nang iyak si Kyungsoo at pinaulit-ulit pang pinanood ang parte kung saan ikwinento ni Jongin kung pano sila nag-umpisa sa pagtuturo sa mga bata hanggang sa ang parteng Mahal mo pa ba--Opo na lang ang inulit-ulit niyang pakinggan at panoorin.
Sa buong maghapon, yun lang ang ginawa ni Kyungsoo, ang panoorin nang paulit-ulit kahit sa video lang ang lalaking mahal.
Umuwi si Seonho na may ngiti sa labi dahil sa pananabik na makita muli at makasama ang mahal, pero may kakaiba na naman sa kinikilos nito.
"Kain na."
"Ok ka lang ba?" Tanong niya kay Kyungsoo na nahalata niyang mugto ang mga mata. "Umiyak ka ba?"
"Hm. May pinanood kasi akong p-pelikula kanina. Nkakaiyak. May aso kasi."
Pinaniwalaan naman iyon ni Seonho kahit may pagdududa siya.
"Dapat hinintay mo ako, para may iiyakan ka."
Hindi na sumagot si Kyungsoo. Nawala naman ang ngiti sa labi ni Seonho at kumain na sila.
May progreso nga sa kanilang relasyon, oo. Masaya si Seonho, oo, nayayakap at nahahalikan niya sa noo si Kyungsoo, oo, pero parang tuwing gigising siya ng late ng gabi, pag-iyak ni Kyungsoo
ang rinig niya. At wala siyang magawa kundi ang panoorin lang ang nakatalikod na asawa sa kanya na humihikbi. Kung ano ikinaganda sa araw, ay siyang ikinapanget sa gabi.
Araw-araw nang inuulit-ulit ni Kyungsoo ang videos patungkol kay Jongin. Araw-araw din siyang nalulungkot
at gabi-gabi namang lumuluha.
Pagkaalis ni Seonho, napahawak siya sa kanyang tyan na humihilab na naman sa sakit. Hindi lang ngayong araw niya ito naramdaman bagamat maraming beses na rin pero hindi niya pinapansin at pinapahinga na lang niya at hihintaying mawala ang hilab.
Pero maiba ngayon. Nakapagpahinga na siya't lahat pero lalo lang sumasakit ang kanyang tyan.
"H-Hyesoo...aray..." Ingit niya sa sakit, sentido niya'y namamawis at lumalakas rin ang pintig ng kanyang puso.
Tinulungan niya ang sarili na makatayo para kunin ang cellphone sa kwarto
na naka-charge. Hirap na hirap siya sa paglalakad. Parang kahit anong segundo tutumba na siya.
Nanlalamig na rin ang kanyang mga palad. Pagkadaan pa niya sa may salamin, namumutla na ang kanyang labi na lalo niyang ikinakaba at ikinatakot. "S-Seonho..." tawag niya, mga luha ay
nangingilid na. Pero bago pa niya makuha ang cellphone, may naramdamang pamamasa si Kyungsoo sa pagitan ng kanyang mga hita.
Pagtingin niya sa sahig, mga patak ng dugo ang nakita niya. Tatlo, apat, lima at patuloy pa sa pagpatak.
"H-Hindi...H-Hyesoo, anak, Hyesoo, hindi."
Maliwanag. May puting liwanag na nakakasilaw sa pagdilat ng mga mata ni Kyungsoo.
May mga nag-uusap sa gilid.
"Anak? Kyungsoo, naririnig mo ba ako?"
Hilo pa rin si Kyungsoo. "M-Mom?"
"Raul, Seonho, call Dr. Jones. Bilis."
Inikot ni Kyungsoo ang tingin. "Anong nangyari?"
May pagbukas ng pinto.
Dumating ang doktor na may kasamang nurse na chineck ang vital signs ni Kyungsoo.
Kinausap ng doktor ang mga magulang niya. Hindi niya gaanong maintindihan pa ang mga sinasabi nila dahil sa sobrang pagkahilo pa rin niya.
Humawak si Seonho sa kamay niya.
"I'm s-sorry, Kyungsoo. Patawarin mo ako." Luha nito sa kanyang tabi. "I'm sorry."
Sa mga sandaling iyon, dun natanto ni Kyungsoo na may kulang sa kanya.
"Hyesoo," bulong niya, may kaba sa dibdib. "Seonho, asan ang baby ko? ASAN NA SI HYE--" Napaingit siya sa sakit sa ibabang-
parte ng kanyang katawan at naluha. "Y-Yung tyan ko...asan na baby ko?"
Tinranslate ng nanay niya ang sinabi niya sa doktor at ang doktor na mismo ang kumausap na kay Kyungsoo.
"Where is my baby?" Naiiyak niyang tanong muli.
"I'm so sorry Mrs. Kim, but you have a cervical-
insufficiency. Means, there is a weakness in your cervix that wasn't able to hold your baby for long. If you experienced spotting before or severe cramps, you should have seen a doctor to prevent your miscarriage. I'm sorry. We tried to save your premature baby but she -
she didn't survive. I'm very sorry for your loss, Mrs. Kim. Well, pregnancy is still possible for you since we have stitched your cervix but we have to remove the stitch again before your delivery in case you get pregnant again."
"N-No No!! Hindi pwede! Hindi!!" Iyak niya lalo.
Wala siyang pakialam sa stitch sa cervix niya o sa kung ano man ang paliwanag ng doktor. Ang gusto niya, maibalik si Hyesoo sa kanya, ang anak niya.
Pero wala na ang bata.
Kahit napakasakit ng kanyang katawan, nagpatuloy si Kyungsoo sa pag-iyak dahil wala na ngayon si Hyesoo-
ang nag-iisang liwanag sa madilim niyang kasalukuyan.
Matapos mabigyan ng libing si Hyesoo, balik sa pagkatulala si Kyungsoo.
Nanumbalik muli ang pagiging multo ni Seonho sa asawa.
Pero nagtiis si Seonho. Ginawa noya ang lahat ng makakaya para pabalikin ang dating sigla-
ng asawa. Mahirap man, unti-unti naman niya itong nagawa, hanggang sa isang umaga, sa halos isang buwang pagluluksa ni Kyungsoo sa namayapa nang anak, pinaglutuan na siya ulit nito ng baon.
"Para sayo." Abot niya sa asawa na hahalik na sana sa kanyang noo.
"Wag. Wag, Seonho."
Nirespeto naman ni Seonho ang asawa. "I'm sorry."
"Wag na wag mo na ulit akong hahalikan sa noo." Paalala ni Kyungsoo sa kanya.
"I get it. I promise I won't."
Ngumiti onti si Kyungsoo at dahil hindi rin naman siya manhid na nasasaktan niya ang asawa, inayusan na lang niya ito
ng necktie bilang kapalit at tinapik sa mukha. "Mag-ingat mag-drive hm?"
"Hm." Pero bago umalis, nagtanong na si Seonho, "H-Hindi ka ba magagalit sa akin?"
"Bakit naman?"
"Kung maaga sana akong nakauwi that time..."
Umiling si Kyungsoo. "Wala kang kasalanan. Sige na, ma-late
ka pa sa meeting mo."
Tumango si Seonho at nginitian na lang ang asawa bago pumasok sa sasakyan at umalis na.
Habang papalayo, tiningnan ni Seonho ang asawa sa side mirror at nalungkot.
Samantala, sa pagpasok muli ni Kyungsoo sa loob, napasandal na lang siya sa likod ng pinto
at napabuntong-hininga.
Pagsapit ng gabi, sa unang pagkakataon nila bilang mag-asawa, hindi inasahan ni Seonho ang nangyari.
"P-Pwede mo ba akong yakapin?" May pagmamakaawa sa tono at mukha ni Kyungsoo habang magkaharap sila sa hinihigaan.
"Oo naman." Niyakap niya ang asawa.
Wala nang palitan pa ng salita dahil agad nang nakatulog si Kyungsoo.
Pinanood ni Seonho matulog ang asawa at imbis na sa noo humalik, ay sa tuktok na lang ng ulo. "Goodnight, Soo. Mahal na mahal kita."
At siya'y natulog din akap ang mahal.
Ngunit...
Nagising siya sa isang-
hagulgol. Si Kyungsoo umiiyak sa kanyang dibdib, tulog.
Gusto niya sanang gisingin ito pero nang marinig ang mga salitang sinabi nito, ay parang gusto na rin niyang umiyak.
"J-Jongin, wala na si H-Hyesoo...J-Jongin...Jongin ko..."
Umulit-ulit ang mga ganitong gabi.
Magpapayakap si Kyungsoo sa knya na hndi niya tatanggihan. Yayakapin niya pero ano? Magigising sya sa pag-iyak ng asawa na laging tinatawag si Jongin sa panaginip nya?
Napakasakit. Yung akala nyang may pag-asa pero mukhang walang wla na talaga. Ito na ang dulo ng kahibangan nya.
Sa sumunod na gabi...
"Yakapin mo ko." Hiling muli ni Kyungsoo sa kanya pero natauhan na siya.
"Ano bang meron si Jongin na wala ako?" Tawa ni Seonho bahagya, na may pait.
"Anong sinasabi mo?"
"Simula bata pa lang tayo, ikaw na ang gusto ko. Wala na akong ibang nagustuhan-
kundi ikaw. I never loved someone like how I loved you kaya nga nagpursige rin ako sa pag-aaral to prove to you na may maipagmamalaki rin ako sayo. Na I'm not the same spoiled brat kid na nakilala mo noon. Na hindi lang ako puro yabang pero talagang may maipagyayabang."
"Ang confident ko pa nung bumalik kami ni Dad sa Pilipinas but then suddenly, you got yourself a boyfriend. Nainis pa nga ako nun kasi buti pa si Jongin, kahit kargador lang minahal mo pero ako itong may maipagyayabang na yaman, na diploma ng Harvard, di mo man lang nagustuhan."
"Ang sakit. Ang sakit sakit. At ang tanga tanga ko Kyungsoo. Naging oportunista ako. Na nang malaman ko na wala na kayo, I thought may chance pa ako. Kaso, wla na nga siya, kasal na tayo, pero hanggang panaginip mo siya pa rin ang tinatawag mo. Ang sakit na, Soo." Luha ni Seonho.
"Pero ngayon, ayoko na. Tama na 'to. At humihingi rin ako ng tawad na pinilit ko kay Dad ang marriage na 'to kahit ang totoo niyan, Soo, they were disappointed na you were pregnant. Pero pinaglaban ko yun sa kanila. Ang gago ko talaga. Hanggang ngayon ang yabang ko pa rin."
"Ang yabang ko pa sa sarili ko na makukuha rin kita at makakalimutan mo siya. Pero mali ako ng calculations. Sinaktan ko lang sarili ko. Ikaw. Kaya, I want to file a divorce, Kyungsoo. Tatapusin ko na tong delusyon ko na isang araw magiging akin ka rin. Hindi na. Di bale na lang"
Niyakap lang siya ni Kyungsoo pabalik.
Inayos na nilang dalawa ang divorce papers nila kinabukasan at nagkasundo muna na huwag ipaalam sa mga magulang.
Sa ngayon, mas naging ok na si Kyungsoo. Kahit na tuwing gabi ay gusto niyang magpayakap para lang makatulog pero dahil may
respeto siya sa nararamdaman ni Seonho sa kanya, hinehele na lang niya ang sarili sa pagtulog para hindi na niya isipin pa ang kapabayaan niya kay Hyesoo na siya ring lagi niyang napapanaginipan kung nasan nandun rin si Jongin na umiiyak sa tabi niya kaharap ang puntod ng anak.
Nakaka-adjust naman na ang mag-kakapatid sa bago nilang tirahan.
Ngayong school year, sabay-sabay na silang bumili ng school supplies nila para sa pag-aaral.
Masayang-masaya si Jongin sa binigay na pagkakataon muli sa kanya na makapag-aral.
Pero kahit ganun, kumakayod-
pa rin ang binata. Humanap siya ng part time para may extra kita. Nag-apply siya bilang delivery boy ng McDonalds. Okay lang naman ang naging takbo ng trabaho niya kasabay ng pag-aaral.
May mga bago siyang kakilala pero mas prioridad niya ang pag-aaral.
May mga babae rin na-
nag-coconfess sa kanya. Pero lahat yun tinanggihan niya. Wala sa plano niya ang umibig muli. At pano ba siya iibig muli kung si Kyungsoo pa rin ang laman puso't isipan niya, di ba? Hindi niya kaya.
Pero isang babae ang kumompronta sa kanya. "Bakit?"
"May hinihintay ako."
Balak kase ni Jongin na kapag nakatapos at nakapag-ipon, hahanapin niya si Kyungsoo sa U.S. Napakaimposible pero susubukan niya, iniisip niya.
"Pano kung yung hinihintay mo di ka naman na din hinihintay?"
"Ok lang kahit wala na ako maabutan basta alam ko sa sarili ko na-
sumubok ulit ako kahit napaka-imposible na."
"Ganun mo talaga siya kamahal?"
Tumango si Jongin. "Oo. Sobra."
"Alam mo Kuya namimiss ko na si Ate Soo." Sabi ni Jihee habang nasa lapag sila sa sala, nag-aaral at nanonood ng TV.
"Ako rin, Kuya. Di ko maiwasang di isipin si
Ate Soo. Musta na kaya siya no?"
Nalungkot bigla si Jongin at tiningnan ang mga kapatid.
"Ay, sorry, Kuya." Pagpapaumanhin ni Jihee nang matanto na wala na nga pala ang paborito nilang Ate ni Jihye at ang Kuya nila.
"Ok lang. Kahit ako rin naman, miss ko na siya."
"Babalik pa kaya siya ulit dito?" Pagtataka ni Jihye.
Nagbalik si Jongin sa pagbabasa ng readings niya. "Di natin alam. Pero sa ngayon, mag-aral na muna tayo maigi."
Sumang-ayon ang mga kapatid at bumalik sila sa pag-aaral, pero si Jongin nahinto na at napatulala sa sulok.
'Kamusta ka na?'
Siya'y napabuntong-hininga na lang.
"Kyungsoo, gising. Gising. Wake up, Soo."
May tumatapik sa kanyang braso. "Hm?" Kunot ang kanyang noo dahil hindi pa nga siya nakakatulog nang maayos e ginising na siya agad ni Seonho.
"Gising. Your mom."
Bumangon bahagya si Kyungsoo. "What about her?"
"She was rushed to the hospital, ngayon, ngayon lang. Your Dad called."
"Ano?!" Agad na bumangon si Kyungsoo at nagbihis. "Ano daw nangyari?"
"Your Dad didn't give any details. Pero kailangan na daw natin pumunta."
Pagkarating nila sa ospital, nakita ni Kyungsoo ang tatay sa labas ng ICU may kausap na doktor.
"--she might not make it." Rinig niya na sabi ng doktor nang lapitan ang tatay.
"Dad, what happened to Mom?" Pag-aalala niya.
"Sandali lang, Soo ah?" May lungkot sa mukha nito.
Tumabi muna si Kyungsoo at hinayaan ang tatay at ang doktor na mag-usap pa. Nang matapos sila, inaya siya ng tatay na lumapit at pumasok sila sa ICU, suot ang hospital gown at mask na binigay sa kanila.
Sa isang kama, naroroon nakaratay ang ina ni Kyungsoo. Maraming tubo ang
nakasaksak at wala itong malay.
"D-Dad, anong nangyari kay Mom?" Gulat na gulat si Kyungsoo na makita ang ina na mahina at nangangayayat na. Taliwas sa mataray, mataas ang tingin sa sarili at striktang nanay na kilala niya.
Ngayon, heto siya, lanta na.
Inakbayan siya ng-
tatay at nangiyak-ngiyak ito. Hndi pa nagsasalita.
Si Kyungsoo, kahit maraming nagawa ang nanay sa knya, hindi pa rin nya napigilang umiyak. "Dad? Ano? Bakit ganito si Mom? Anong nangyari?"
Tumingin ang Dad sa kanya bago tumingin muli sa asawa. "Marami kang dapat malaman, nak."
"Gaya ng alin D-Dad?" Kinakabahang tanong na naman ni Kyungsoo bago tumingin sa kanyang ina.
"Tungkol sa Mom mo at sa iyo."
Hindi sila nagtagal sa ICU, pagkalabas, sumalubong si Seonho sa kanila.
"Tito, how's Tita?"
Tumingin si Kyungsoo kay Seonho at nilapitan ito.
Si Mr. Do naman ay umupo na muna sa waiting area sa labas ng ICU para hintayin ang anak.
"Seonho, hindi ko pa alam kung ano nangyari kay Mom, b-but I heard the doctor said s-she might not make it..." nangingiyak na sabi ni Kyungsoo habang nakatatak na sa kanyang isipan ang
lanta na katawan na ng kanyang ina sa puting kama. Kahit naging malupit ang ina sa kanya, mahal pa rin naman niya ito at nanay pa rin naman niya siya.
Napasuklay na lang sa buhok si Seonho sa narinig at hinawakan si Kyungsoo sa mga balikat, "Maging matatag ka, Soo, ha?"
Tumango ang umiiyak na na babae at nginitian si Seonho bahagya. Pinunasan niya ang luha niya. "Salamat."
Napatingin si Seonho kay Mr. Do na nakatingin sa kanila. "Sige na. Mukhang hinihintay ka na ni Tito. I'll wait for you outside, hm?"
"Salamat." Tango niya sa lalaki at tsaka
pumunta na sa kanyang ama.
Tinabihan niya ito.
Si Seonho, ngumiti ulit sa kanya bahagya bago umalis sa pasilyo.
Tumingin si Mr. Do sa kamay ng anak. "K-Kamusta kayo ng asawa mo? Asawa mo pa rin ba?"
Nagulat si Kyungsoo sa huling tanong ng ama at napayuko. Umiling siya.
"Di na ako nagulat, nak." Sagot ng tatay niya na sa kawalan na ngayon nakatingin at napapasinghot.
Alam ni Kyungsoo na lumuluha ito pero ayaw na muna niyang aluin ang tatay at hinayaan itong magsalita. "Patawarin mo ko, anak. Patawarin mo kami ng Mom mo." Singhot ulit nito.
"Alam kong huli na ang lahat at ang duwag ko para ngayon ko lang 'to sabihin..." Punas nito sa luha. "kung kailan...mawawala na ang Mom mo. Patawarin mo ko, nak. Patawarin mo kami."
Naiiyak na nman si Kyungsoo habang pinapakinggan ang tatay at nakikitang nanghihina at nagsisisi.
"Sa totoo lang, hindi ko alam kung saan ako magsisimula. Pero kailangan mo na rin malaman ang lahat. Alam kong mali ang ginawa namin ng Mom mo sayo, sa Kuya mo. Pero, narealize ko, ayoko palang mamatay na kamumuhian ako ng mga anak ko. Pero kung ganun na nga ang mangyayari-
tatanggapin ko bilang ama mo na nagkamali." Katahimikan. "Bago ko pa makilala ang mama mo, she was already diagnosed with OCD. She always want everything to be perfect. Tanda ko pa, sa school cafeteria, pare-pareho lang lagi ang kinakain niya. Tapos, ayaw niya ng may katabi.
Naintriga ako sa kanya noon kaya lagi ko siyang ginugulo. Lagi pa niya ako sinisigawan. Masungit ang nanay mo. Sobra. Pero di ko siya sinukuan kahit ayaw ng lahat sa kanya. Minahal ko kahit ganun, kahit matapobre, kahit gusto lagi perpekto nag lahat, sa gamit man o sa pag-uugali.
Ayaw ng lolo at lola mo sa kanya. Pero pinaglaban ko, kahit ganun siya. Dun ko naintindihan yung sinasabi nilang bulag na pag-ibig." Tawa niya habang inaalala ang nakaraan. "Kinasal kami, nagkapamilya, kasama kayo ni Seungsoo. Masaya tayo noon, nak. Masayang-masaya.
Nagbago siya nun. Di na siya yung masungit na kilala ko pero ayun bossy pa rin. Hindi ako makahindi sa kanya. At dahil kung ano ang gusto niya yun ang masusunod, naging sunud-sunuran ako sa kanya. T-Takot kasi akong mawala siya sa akin. Okay naman ang mga gusto niya-
wala naman kaming naging pag-aaway sa mga desisyon niya, pero syempre di rin maiwasan na nagbabangayan kami pero ako, ok, sige, gusto mo yan, o di sige. Ganun ako lagi sa mama mo. Pero nung apat na taon ka, Soo, at nung anim na taon si Seungsoo, may nangyari."
a/n: ok lang kahit i-hate niyo ako sa backstory ni mrs. doh, sanay na ako mabully ng mga tao sa characters ko. feeling ko kasi baka makareceive na naman ako ng hate dahil dito so ayun lez continue...
Tutok na tutok na si Kyungsoo sa sasabihin ng kanyang tatay.
"Alam mo ba na mahilig din kumanta ang mama mo?"
Gulat na gulat si Kyungsoo sa nalaman.
"Ang Mama mo mana yan sa Lola Fely mo, magaling din kumanta. Kaya nga nakuha mo rin eh." Tawa ni Mr. Do, sabay yuko.
"Kaso, isang araw, nasa trabaho kasi ako nung nangyari yun. Kayo ni Seungsoo, nakidnap."
Gulat na gulat na naman si Kyungsoo sa mga nalaman.
"Ang kwento ng mama mo, kayong dalawa nasa kusina nun, nagbi-bake ng cookies kase paborito mo gawa na cookies ng mama mo, ang Kuya mo-
nanonood ng TV. Ah, teka, nag-duduet din pala kayo ng mama mo nun. Pero pinasok ang bahay natin ng mga hindi kilalang lalaki. Apat sila. Kinuha ka, kinuha si Seungsoo. Nanlaban ang mama mo, pero binaril siya, sa tyan. Ang gulu-gulo ng panahon na yun, nak."
"Hindi ko alam ano ang gagawin ko nung mga panahong yun. Pero, nahuli rin naman ang utak ng kidnapping na yun. At alam mo ba kung sino? Yaya mo. Kakilala ng mama mo. Anak ata ng yaya niya, parang ganun. Balak kayo sana ibenta ni Seungsoo sa black market. Nahikayat siya na gawin-
yun dahil maganda at gwapo kayo ng Kuya mo. At ang di ko pa makakalimutan na sabi niya, 'maganda kasi ang boses ng bata'. Kayang-kaya ka niya maibenta sa mataas na halaga, yun ang dahilan kung bakit niya ginawa yun. Tatlong araw din kayong hawak nila. Ang Tito Ricardo mo ang-
humawak at nagplano na makuha kayo pabalik. Nabalik kayo, Soo, pero ang Mama mo, simula nun, lalong nagbago. Lalong lumala. Nagkaron siya ng PTSD dahil sa nangyaring yun. Ayaw na niya kayo palabasin, palaruin, at ikaw...kaya ayaw ka niyang pakantahin pa. Namuhay ang mama mo sa-
takot kaya hinubog namin kayo na perpekto, pero mali. Sobrang mali. Hindi mo man nakikita, pero nahihirapan din ang mama mo na labanan ang sarili niya, ang utak niya. Nung lumayas si Seungsoo, gabi-gabi hindi siya natutulog, kailangan ko pa siya painumin ng sleeping pills nun
para lang makatulog siya. Kung napapansin mo, madalas kami umalis di ba? Hindi event ang pinupuntahan namin, kundi therapy niya. At nito lang. Simula mag-college ka, nadiskubre namin na may breast cancer ang mama mo."
"A-Ano?" Nagpatuloy ang agos ng luha sa mga mata ni Kyungsoo.
"Kung di mo napapansin, naka-wig na lang ang Mama mo. Nag-chemo siya, Soo nang di mo alam. Ang alam mo may trabaho pa siya di ba? Pero wala na. Nagpapa-chemo siya o nasa hospital kaya lagi siyang wala. Naging ok naman ang Mama mo. Pero bumabalik ang sakit niya, kaya nga rin na
bago tayo lumipat, nagpasya kami na mag-migrate dito para dito ipagpatuloy ang pagpapagamot niya. Pero nung nandito na tayo..." Umiling ang tatay niya. "Ayaw na niya. Alam mo ba kung bakit mapilit ang mama mo na magtrabaho ka na agad? Para bago siya mamatay makita niya na-
stable ka na. Kaso, buntis ka. Oo, ayaw ng mama mo kay Jongin. Totoo yun. Dahil balik tayo sa sinabi ko kanina, gusto niya perpekto, perpekto ang buhay mo bago siya mawala sa mundo, kaya pinakiusapan niya si Mr. Kim na ituloy ang arranged marriage niyo na totoong napag-usapan-
na rin naman talaga nung 18 ka, pero nang malaman nila na buntis ka, ayaw na nila. Di ko na alam nangyari bakit napapayag din sila sa huli eh. Ayun lang naman, nak, ang sikretong pinagkait namin sa inyo ni Seungsoo. Ngayon, ang sabi ng doktor, kumalat na rin pati sa baga ng mama-
mo ang kanser. Hindi natin alam kung hanggang kailan na lang itatagal niya." Buntong-hininga pa ni Mr. Do. "Anak, patawad. Patawad. Alam kong huli na, pero patawad. I'm sorry, Kyungsoo." Pinatong ng tatay niya ang kamay niya sa kamay ni Kyungsoo na wala nang tigil sa pag-iyak.
Sa ngayon, hindi pa alam ni Kyungsoo kung handa na ba siyang patawarin ang mga magulang, kaya wala siyang sinagot kundi mga luha lamang.
"D-Dad? Kayo rin po ba ni Mom ang nagsabi kay Jongin na hiwalayan niya ako? Kayo din po ba? D-Dad?"
Tumingin ang tatay sa kanya nang taimtim.
(flashback)
Magkaharap sina Mr. Do at Jongin sa isang di mataong lugar na coffee shop.
Binaba ni Mr. Do ang mainit na kape na hinigop saglit matapos niya ikwento sa binata ang tungkol sa lihim nilang mag-asawa.
"Kaya kailangan ko sana ng tulong mo, hijo."
Hindi makasagot si Jongin.
"Alam ko at bilang isang tatay, dama ko ang pagmamahal mo sa anak ko. Humihingi ako ng patawad sa mga nasabi ko sayo noon na napanakit sayo at in behalf of my wife, I wanna say sorry too sa mga ginawa niya sayo. Mabuti kang tao, Jongin.
At kung ako lang din masusunod, ihahatid ko ang anak ko sayo sa altar. Di naman ako manhid. Sadyang under lang talaga kay misis." Tawa niya bahagya, na may pait at lungkot sa tono. "Yun lang naman, Jongin. Sana mapakiusapan mo si Kyungsoo na s-sumama sa amin. Hayaan mo, hijo,
kapag naisatama na ang lahat, ibabalik ko ang anak ko sayo. Pangako ko yan. Matutulungan mo ba ako, Jongin?" Pakikiusap ni Mr. Do sa kanya.
Seryoso ang mukha ni Jongin nang tingnan sa mata si Mr. Do. "Makikipaghiwalay po ako."
"A-Ano!?"
"Ako na po ang lalayo."
"Hijo, anong sinasabi mo?"
Seryoso pa rin ang titig ni Jongin at biglng tumayo sa inuupuan. "Disedido na po ako. Wag po kayo mag-alala ng misis nyo, ako na po ang bahala."
Umalis si Jongin.
"Jongin!" Tawag nya sa binata pero nakalabas na ito ng coffee shop.
(end of flashback)
"Dad? Kayo po b-ba?"
"Hindi kami ng Mama mo, nak. Hindi namin siya pinilit na makipaghiwalay sayo. Hindi."
Lalong nadurog ang puso ni Kyungsoo sa rebelasyong ito.
Matagal na pala talaga siyang iniwan ni Jongin. Sumunod si Hyesoo, at ngayon, ang nanay naman na niya.
Hindi na makatimpi pa si Kyungsoo habang binabantayan ang ina. Habang nakikita ito na nakaratay lang sa kama na walang lakas, walang imik, kaya napuno na siya at tinanggal ang suot na facemask at naghinaing.
"Nakakainis ka, Ma." Hinaing ni Kyungsoo. "Naloko mo ko. Akala ko ang-
lakas lakas mo. Na napakamakapangyarihan mo na lahat na ng sasabihin mong gawin ko gagawin ko. Pero hindi pala. Mahina ka, Ma. Kung kelan ganito ka na tsaka ko pa malalaman lahat-lahat ng tinatago niyo ni Dad. Ang unfair niyo." Pumunas siya sa luha. "Sinekreto niyo dahil
pinoprotektahan mo ko? Kaso hindi, Ma eh. Hindi mo ko naprotektahan kasi nagdudusa ako sa sakit. Ang sakit sakit." Pukpok ng kamao ni Kyungsoo sa kanyang dibdib. "Di niyo ko naprotektahan sa sakit, Ma. S-Sana man lang sinabi niyo sa akin lahat nung una pa lang. Baka kung ganun,
baka may nabago pa sa atin. B-Baka, mas lalo kitang naintindihan, mas lalo tayong nagkaintindihan. Baka tulad din siguro tayo ng ibang mag-nanay, nag-bobonding--"
Dumilat ang mga mata ni Mrs. Doh, at tumingin sa anak. May tubo na sa bibig nito kung san yun na ang tumutulong-
sa ina para makahinga. Humikbi lalo si Kyungsoo nang makita ang luha na dumadausdos pababa sa mukha ng ina.
"--kumakanta. Ang daya mo, Ma, di mo man lang naparinig sa akin pagkanta mo. M-Mana pala talaga ako sayo, hindi kay lola." Singhot niya.
Gumalaw ang daliri ng ina na
agad napansin ni Kyungsoo pero hindi niya ito hinawakan. Tila gusto rin ni Mrs. Do na magsalita pero malabo na niyang magawa pa ito sa sitwasyon niya ngayon.
"A-Ang dami mong atraso sa akin, Ma. Sa lahat ng ginawa niyo sa akin, kulang na lang talaga isumpa ko kayo. Patawarin mo-
ko pero hiniling ko rin na sana hindi na lang ikaw yung naging nanay ko. Ang sama niyo sa akin pero di ko rin pala narealize na kahit ako ang sama-sama ko rin palang anak sa inyo."
Lumuluha lang si Mrs. Do.
"Pero lam mo, Ma, m-mahal pa rin kita." Hagulgol na ngayon ni Kyungsoo-
at hawak niya sa nanlalambot na kamay ng ina. "M-Mahal pa rin kita, kasi, di mo pa rin naman ako pinabayaan kahit ang gulo-gulo mo at hindi kita maintindihan. Mapapatawad naman din kita eh. Kasi you're still my mom. Ang daya mo lang talaga na tinago mo to sa akin."
"Bakit kung kailan mahina ka na tsaka lang tayo magiging ganito? It's so unfair. You're so unfair."
Gamit ang natitirang lakas ni Mrs. Do, hinigpitan niya ang kapit sa kamay ng anak at tinitigan ito sa mga mata.
'Sorry, anak'
Naiintindihan ni Kyungsoo, pero huli na.
Sa mga sumunod na araw, laging nasa tabi lang ng ina si Kyungsoo. Hinahatid siya ni Seonho sa ospital at susunduin naman kapag pauwi.
Tuwing kasama ang ina, kinakantahan niya ito at sabay naman silang luluha.
Napakahaba ng nasayang nilang panahong mag-ina at kung kailan unti-
unti nang nalalagas ang mga araw ng ina, tsaka lang sila nagiging mas malapit pa sa isa't-isa.
Kahit nahihirapan, sumusulat si Mrs. Do sa maliit na whiteboard ng gusto niyang sabihin sa anak.
Sulat nito, 'Sorry Soo duwag Mom'
at kadalasan na sinasabi nito...
'Luv u anak'
Sa mga araw na lumipas, malaya nang nakukwento ni Kyungsoo ang mga bagay na hindi niya maikwento noon sa ina, gaya ng mga pangarap niya na walang kinalaman sa accounting, at ang paghihiwalay nila ni Seonho.
Sulat ng nanay niya, 'sorry' at 'gawin mo gusto mo', 'sorry nak'
Bilang sukli, humalik si Kyungsoo sa noo ng ina at ngumiti.
Hindi na nakatira sa iisang bubong sina Seonho at Kyungsoo.
Ngayon, tinutulungan ni Seonho na iakyat ang mga gamit ni Kyungsoo sa kwarto nito sa bahay ng mga magulang nya.
"Wala ka na ba nakalimutan?"
Umiling si Kyungsoo. "Wala na. Salamat ah?"
"Wala yun. Hm, sure ka ba di ka na magpapahatid sa akin sa ospital?"
"Hm. Okay na ako. Tsaka, may date ka, unahin mo yun kesa sa akin. Di na tayo mag-asawa." Tawa ni Kyungsoo sabay suntok sa braso ni Seonho.
"Okay, okay."
Tawa pabalik ni Seonho na unti-unti na ring bumabalik ang sigla simula nang makilala pa nang lubusan ang sekretarya niya sa trabaho. Masaya si Kyungsoo para sa kanya.
"I'll just hail a taxi for you."
"Matanda na ako, kaya ko na yun. You go na." Ngiti ni Kyungsoo sa kanya.
(a/n:) ang dami niyo nang nagmemessage sa akin na nakakarelate kayo sa kwentong to. Salamat sa pagbasa nito kahit napapaaalalahanan din kayo nito ng mga malulungkot niyong karanasan sa buhay. Open lang dm ko ah? //hugs y'all//
"O sige, sabi mo--"
Tumunog ang cellphone ni Kyungsoo na agad naman niyang sinagot.
Dad Calling.
"Hello, Dad?" Tahimik. Si Seonho, nakatayo lang at hinintay matapos ang usapan ni Kyungsoo at Mr. Do. Nagtitinginan ang dalawa.
"Dad, wag mo ko lolokohin ng ganyan--"
Nakakagat na si Kyungsoo sa kuko at bigla na lang napaiyak na. "No, Dad. No!!"
Mabilis na lumabas ng kwarto si Kyungsoo pababa at palabas ng bahay.
Sumunod naman agad si Seonho. "Soo, ano daw?"
"Dad..." hikbi pa rin ni Kyungsoo, hindi na alam kung ano pa ang sasabihin.
Huminto sa paglalakad si Kyungsoo at humagulgol sa pag-iyak.
"Soo..." Maingat na tawag ni Seonho sa kanya.
Lumingon naman si Kyungsoo sa kanya, ibinaba na ang cellphone at umiling-iling habang sinasabi ang 'Mom'
"Wala na siya, Seonho. M-Mom is gone."
Naging mabilis ang mga pangyayari, pagdating ni Kyungsoo sa hospital, inaalis na ang nanay niya sa ICU. Umiyak silang dalawa ng tatay niya habang hinihila papalayo si Luisa Do papalayo sa kanila.
Hagulgol at punong-puno ng paghihinagpis ang kanilang mga dibdib at hanggang sa
maburol na ang ina, magkadikit lang ang mag-ama at umiiyak habang tinitingnan ang kanilang ilaw ng tahanan na nakasilid na sa isang parihabang kahon.
Wala sila masyadong mga bisita dahil wala silang kamag-anak sa lugar at tanging ang pamilya lang ni Seonho ang kasama nila.
Hindi na tumagal pa ang burol. Si Kyungsoo wala na masyadong tulog. Ganun din ang Dad niya na ayaw na lubayan ang kabaong ng asawa, na halos iyakap na niya ang sarili roon habang umiiyak at sinasabing, "Luisa, mahal na mahal kita."
Dahil ayaw rin naman ni Kyungsoo na ang ama
naman ang magkasakit sa pagod, lagi niya itong pinipilit na magpahinga na muna at matulog. Pero kahit ganun, naaabutan pa rin niya ang ama na umiiyak sa kama, banggit ang ngalan ng nanay niya.
"Luisa, magkakasama rin tayo, Luisa..." ang laging sambit ng kanyang ama na umiiyak.
Pero sa araw ng libing ng kanyang ina, isang bisita ang hindi nila inaasahang dumating.
Tumayo ang tatay niya sa inuupuan. "Seungsoo, anak?"
Paglingon ni Kyungsoo, walang duda, Kuya nga niya ang dumating, dumiretso agad sa kabaong ng ina at biglang nag-iiiyak.
"Ma, I'm sorry iniwan ko kayo. I'm sorry, Ma."
Nilapitan nina Kyungsoo at ng tatay si Seungsoo na mabilis ding napakapit sa ama at umiiyak. "Pa, I'm sorry. Sorry, Pa."
Naiiyak sa gilid si Kyungsoo at nagpupunas ng luha. Pero kahit anong punas niya patuloy pa rin ang mga luha
sa pagtulo.
Nang mailibing ang ina, nanatili nag tatlo sa harap ng puntod ni Luisa Do.
Tahimik lang silang mag-anak.
"Matagal ko nang alam, Pa." Panimula ni Seungsoo. "Sinabi lahat ni Tita sa akin ang tungkol sa nangyari just last year pero naging matigas ako."
"I held a grudge sa inyo ni Mom. Nagmatigas ako, p-pero--mali pala 'tong ginawa ko sa inyo." Iyak muli ni Seungsoo, sising-sisi sa nagawa sa mga magulang.
Tinapik lang ni Mr. Do ang likuran ng anak at hinayaan itong umiyak lang.
"Hiniling ko pa na sana hindi ko kayo naging-
pamilya. Ayaw na ayaw ko sa inyo. Araw-araw kong sinusumpa na kasama ko kayo sa buhay ko pero--" punas nito sa luha. "Sana mali eh. Tapos kung kelan alam ko na kung bakit kayo ganyan ni Mama, wala akong ginawa para itama ang lahat. Ang sama-sama kong anak. Palibhasa sarili ko-
lang iniisip ko pero pano naman pala kayo na may dinadamdam din pala at mas matindi pa sa dinadamdam ko. Dad, bakit ganun? Bakit kung kailan huli na ang lahat tsaka pa nagiging tama ang lhat?
"Seung, pareho lang tayo lahat na may pagkukulang sa isa't-isa and I'm sorry din, nak."
Inakbayan ni Mr. Do ang dalawang anak na patuloy sa pag-iyak at nilapit pa lalo sa kanya.
"Patawarin niyo kami ng Mama mo. Patawarin niyo kami." Iyak bigla ni Mr. Do at yumakap ang magkapatid sa kanya.
Kung noong paslit pa lang sila at sabay na umiiyak, ang mga magulang ang-
nagpapatahan sa kanila, ngayon, silang dalawa na ang umaalo sa tumatanda na nilang ama.
Dear Hyesoo,
Hello, anak. Kamusta ka na? Ang laki mo na sigurado kung andito ka pa sa tabi ni Mama. Isang taon na rin ang lumipas nang mawala ka, pero siguro kasama mo na dyan ang lola.
Nga pala nakita ko na ang mga pinsan mo. Si Hyunjoo at Jiwoo. Ang ccute na mga bata at ang haharot. May kalaro ka na sana kung andito ka kase dito na ngayon sa States si Kuya at pamilya niya para may kasama si Dad. Di bale samahan mo na lang si lola mo dyan para di kayo sad.
Lam mo nak, mag-aaral na ulit si Mama. Music Education ang kukunin ko. Excited na ako kasi ito naman talaga ang gusto ko. Hindi na ako makapaghintay pa!
So ayun na lang muna ang update ko. Masaya naman ako at kami nila Kuya at Papa. Mamaya lulutuan ko sila ng adobo kase miss na-
nila. O sya, hanggang sa muli munti kong anak? Mahal na mahal ka ni Mama sobra sobra!
Love,
Mama Soo
Nagpatuloy si Kyungsoo sa pag-aaral at dun lamang siya nag-focus. Imbis na mag-chill chill lang sa pag-aaral, nagpursige siyang makatapos ng summa cum laude sa isang
unibersidad sa States.
Masayang-masaya si Kyungsoo sa naging tagumpay niya ganun din ang kanyang tatay at kuya na proud na proud sa kanya.
Matapos ng ilan pang exams na naipasa niya para maging isang ganap na guro, napagdesisyunan niya na bumalik na ng Pilipinas.
Hindi naman siya pinigilan ng ama, bagkus, inudyok pa siya nito na gawin lang ang kanyang gusto.
Pero bago umalis sa States, dinalaw niya muli ang puntod ni Hyesoo at ng kanyang ina para magpaalam sa kanila.
"Ma, aalis na po ako. Hayaan niyo, kapag ako nakaipon sa pagtuturo-
babalik ako dito. Proud ka ba sa akin, Ma? Ito na yung gusto ko. Ayoko ng accounting tatanda ako dun ng maaga talaga." Pagbibiro pa noya sabay punas sa luha. "Nubayan umiiyak na naman ako." Tawa na lang niya. "Bye Ma."
Mahigpit ang yakap ni Kyungsoo sa kanyang ama nang-
ihatid siya nito at ng kuya sa airport.
"Dad, yung blood pressure mo lagi mo ichecheck ah? Mag-gulay ka bawal na karne sayo. Kuya, yung tinuro ko sayo na lulutuin mo para kay Dad, ah? Wag mo kalimutan."
"Yes po, Teacher Soo. At ikaw, mag-iingat ka dun ah? Mag-isa ka na lang
wala na magtatanggol sayo dun."
"Parang di ko kaya ipagtanggol sarili ko ah!" Sagot pabalik ni Kyungsoo sabay nguso.
"Psh, nagpagupit ka lang ah, ganyan ka na makasagot."
"Sge ka di kita yayakapin bahala ka, Kuya!"
"Hay, nako kayo talaga parang di pa matatanda kung mag-away."
"Si Kuya kasi masayadong ano."
"Masyadong ano? Gwapo?" Pang-aasar ng Kuya niyag nasa trenta na ang edad pero parang bata kung mang-asar.
"Ewan ko sayo. Bahala ka dyan."
"Joke lang. Lika na nga, yakap na kita." Lumapit rin si Seungsoo at inakap ang kapatid. "Basta, laging mag-
ingat, kakain sa oras at ilolock mo maigi pinto mo sa gabi, ah?"
Tuwing ganito ka-overprotective ang Kuya sa kanya, di niya maiwasang maalala si Jongin.
"Oo na. Sige na, alis na ako. Alagaan mo si Dad ah kundi talaga," Akmang suauntukin ni Kyungsoo ang Kuya pero tinawag na ang
flight ng dalaga kaya nagyakapan muli silang tatlo at tuluyan na ngang nagpaalam si Kyungsoo sa kanila.
Hindi pa naman diretso si Kyungsoo sa Pilipinas dahil, nag-stay na rin muna siya sa Japan ng tatlong araw para sa kaibigang si Baekhyun.
"Baks!!!!" Takbo ni Baekhyun sa-
kanya nang magkita sila sa airport.
Nagyakapan nang sobrang higpit ang dalawa bago kumalas at nagtatatalon sa tuwa dahil nagkita na silang muli.
"Wow, Baks! Ang taray ng hair! New hairstyle, new life ba ang ibig sabihin nito??" Tawa nito habang hinahawi ang buhok ni Kyungsoo.
"Gaga, di ba pwedeng naiinitan lang kaya nagpagupit? Ikaw nga oh, wala man lang pinagbago, sana man lang nagpakalbo ka."
"Excuse me, I love my hair, I don't want to be a kalbo. Pero baks," nguso nito sa kanya. "Mas lalo kang naging mature na. Parang hindi ka na yung Kyungsoo-
dati."
"Sira, ako pa rin 'to no. Nagpagupit lang iba na agad, luh." Tawa naman ni Kyungsoo at lumabas na sila ng airport.
"Basta, nag-iba na aura mo, I can smell a strong independent woman na talaga. Kalurkey, kahanay mo na ata si Captain Marvel at Wonderwoman. Charot."
"Wala ka talagang pinagbago, ang daldal mo pa rin."
"Ganun talaga kapag maganda, madaldal." Tawa ni Baekhyun na sinaluhan na rin ni Kyungsoo at sila ay sumakay na ng taxi.
Napakilala na ni Baekhyun sa kanya si Yixing, ang boyfriend nitong Chinese. Live in na sila
at panatag naman si Kyungsoo sa boyfriend ng kaibigan.
Sa dalawang araw na nanatili si Kyungsoo sa Japan, wala silang ginawa ni Baekhyun kundi ang kumain nang kumain sa iba't-ibang restaurant.
Nakapag-tour din si Kyungsoo sa mga temples at nakapag-picture pa sa ilalim ng
cherry blossoms.
Habang naglalakad at tinitingnan ang mga litrato sa kanyang phone, pinutol ni Baekhyun ang katahimikan sa kanilang dalawa.
"Pano Baks, kung magkita kayo ulit sa Pilipinas?"
Napatingin si Kyungsoo sa kaibigan. "Ha? Nino?"
"Sino pa ba? Eh, di si Jongin mo."
Tumingin agad si Kyungsoo sa cellphone na hawak at nablanko bigla ang isip. "H-Ha?" Tinago na lang niya ang cellphone dahil hindi niya kayang magkunwari na abala sa kakapindot sa cellphone para lang maiwasan ang tanong ng kaibigan.
"Napakalaki ata masyado ng Maynila para magkita
muli kami. H-Hindi ganun kadali yun."
"Alam ko, kaya nga, paano kung magkita ulit kayo kahit napakalaki ng Maynila? Anim na taon na rin, Soo, di naman ako tanga no. Alam kong maha--"
"Baek, wala na kami. Siya ang nagtapos, wala nang kami. At hindi, hindi ko sya babalikan."
"Sabi mo yan ha? Ikaw bahala..." bulong pa ng bakla, "Kilala naman kita. Hmp."
Pero ayaw man aminin ni Kyungsoo, hindi niya talaga alam ang gagawin kung sakaling magkrus muli ang landas nila ni Jongin.
Mag-kukrus nga ba o kung ano ang iniwan nila noon ay yun na ang huli?
Nagtapos si Jongin ng Bachelor of Elementary Education Summa Cum Laude sa kanyang unibersidad. Hanga sa kanya ang mga kaklase at mga propesor sa pinamalas niyang galing kasabay ang pagtatrabaho.
Hindi pa rin makakalimutan ni Jongin ang araw ng kanyang graduation kung saan
ang dalawa niyang kapatid ang umakyat ng stage para sabitan siya ng kanyang medalya.
Tuwing nakikita niya kasi ang picture frame sa kanyang desk, napapangiti na lang siya bigla dahil presko pa rin sa kanyang isip ang araw na siya'y nakatapos na rin sa wakas ng pag-aaral.
Ngayon, isa na siyang ganap na guro sa asignaturang Filipino ng mga grade 4 sa isang pampublikong paaralan sa Maynila.
Gaya ng nakagawian, sa tuwing nag-riring ang bell na hudyat ng tapos ng isang klase, nagpreprepera na si Jongin ng kanyang gamit para sa susunod na klase.
Pagpasok niya sa klase, bati niya sabay lagay ng gamit sa table. "Magandang umaga sa inyong lahat."
Magtatayuan ang mga eatudyante at babatiin siya pabalik ng, "Magandang umaga po, Mr. Kim."
At iyon na ang hudyat para makapag-umpisa muli si Jongin sa pagtuturo.
a/n: friends, baka malito kasi kayo, si jongin mas nauna siyang grumaduate kay kyungsoo ah, basta kung nalilito kayo or ano ask niyo lang ako sa dm or qt rt niyo
Dear Hyesoo,
Hello ulit anak, nasa Pilipinas na ulit si Mama. Kaso ang hirap humanap ng trabaho. Dalawang linggo na ako dito pero laging rejected kesyo over qualified daw ako dahil sa states ako nagtapos :(
Pero eto may mga schools pa ako na inapplyan. Sana naman matanggap
na ako :(
Love,
Mama Soo
"Magreresign na si Ms. Yoo nabalitaan niyo ba?"
"Narinig ko rin yan. Pero sayang di man lang niya tinapos man lang ang school year. Apat na buwan na lang naman."
"E kung di naman na niya talaga kaya pagsabayin itong pagtuturo at pag-aalaga
sa nanay niya, kesa pilitin pa niya lalo lang siya mahihirapan."
"Kung sabagay mahirap nga rin ang ganyan. May advisory class pa naman din siya. Lahat ng estudyante niya iintindihin niya, tapos nanay pa niya, tapos madalas nag-uuwi pa tayo ng trabaho kaya mas ok na rin na
nag-resign na sya kahit sayang magaling pa naman siyang teacher."
"Sana lang may mahanap na agad na kapalit, dahil kawawa naman din ang mga bata."
"Oo nga."
Habang abala ang ibang co-teachers sa pag-chichismisan, si Jongin naman ay mas abala sa pagchecheck ng quiz ng mga
estudyante.
Hindi naman na din bago sa kanya ang tungkol kay Ms. Yoo na isang TLE teacher, kaya hinayaan na lang niya ang usapan ng iba. Nakakarelate din kasi siya sa sitwasyong ng guro na nag-resign kaya tahimik na lang siya. Pero hiling niya, sana makahanap na talaga ng bagong
papalit sa kanya.
Sa mga sumunod na araw, nagdadala si Jongin ng mga mamarkahang papel sa bahay na hindi niya natapos sa eskwelahan.
Kasalanan din naman niya kung bakit dahil nagpasulat siya sa mga bata ng sanaysay patungkol sa pinakamasayang araw na nangyari sa kanila.
Kung ang ibang guro siguro ichecheck lang ang mga papel nang hindi ito binabasa, maiba si Jongin dahil ang pagbabasa at pag-iintindi sa magugulong sulat ng mga bata ang inaatupag niya bago ito markahan.
"Kuya, bakit tumatawa ka na naman mag-isa dyan?"
"Wala, kakatawa kasi ng-
ibang kwento ng mga bata sa pinasulat ko sa kanila. Tingnan mo ito, ang pinakamasaya daw na nangyari sa kanya e nung pinaglaro siya ng nanay nya ng Candy Crush tas napanalo niya."
"Eh, ano nakakatawa dun?" Litong tanong ni Jihee.
"I mean natatawa ako kasi nakakatuwa mga sagot-
nila. Simple lang pero iba ang impact sa kanila. Napaka-inosente ng mga sagot nila kaya ayun natatawa ako sa tuwa."
"Kuya, ang hilig mo rin pagsulatin mga estudyante mo no?" Singit ni Jihye naman.
"Syempre, para makahiligan din nila na sumulat hindi yung puro ML lang sila."
"Mga bata dito sa syudad talaga puro gadget na. Buti na lang nung bata pa tayo di pa yan uso kaya nkakapaglaro pa tayo ng taya-tayaan."
"Ate, namiss ko tuloy mag-Chinese garter."
Napabalik-tanaw din si Jongin. "Oo nga eh no, mga estudyante ko kung hindi ML, Minecraft tsaka
ano nga ba yun yung kwinento ng isang bata sa akin? Ro--Roblo, Roblox! Ni di ko nga alam yun. Ako miss ko na yung maglaro lang kami nina Chanyeol ng teks tsaka pogs. Dangkal-dangkal pa meron ako non tas nagpapaagaw pa ako. Ngayon, la na ganyan. Sarap bumalik no?"
Nagsang-ayunan ang mga kapatid kaya napagkwentuhan nila tuloy ang buhay bata nila noon na walang gadget. At si Jongin, inabot naman ng alas dose ng gabi kakabasa ng mga gawa ng apat na section na hinahawakan.
Antok na antok si Jongin na pumasok. Masakit pa ang kanyang mga
mata dahil sa kakulangan sa pagtulog.
Pumungas-pungas pa siya sa pagpasok sa faculty room, dumiretso sa kanyang desk at pinatong roon ang kanyang bag na may lamang mga papel ng mga bata.
Pagkakuha niya roon dahil ipagpapatuloy na niya ang pagbabasa at pagmamarka sa mga natirang
papel, may nagmamadaling pumasok sa loob.
Si Mr. So na dakilang uchisero ng paaralan.
"Uy, alam niyo na ba ang balita? May mag-dedemo mamaya para sa subject ni Ms. Yoo. Sa wakas!"
"Magandang balita yan dahil isang linggo nang walang TLE teacher ang mga bata."
Napatingin naman si Jongin sa bakanteng desk na pwesto noon ni Ms. Yoo sa kaliwa niya, isang desk ang layo sa kanya.
"Sana magaling din para tanggap na agad!"
"Oo nga, sana naman talaga."
Nagpatuloy ang araw ni Jongin sa pagtuturo.
"Mga bata, wag kalimutan gawin ang inyong
takdang aralin, maliwanag?"
"Opooo, Mister Kim." Sabay-sabay nilang sagot bago damputin ni Jongin ang kanyang gamit at chalkbox sa table.
"Paalam mga bata." Bating pangwakas niya sa mga bata at nagsitayuan ang lahat.
"Paalam at maraming salamat po Mr. Kim."
Pagkalabas ni Jongin ng classroom, umatake na ang sakit ng kanyang ulo dahil sa antok.
Pero sa di kalayuan, natanaw niya ang isang nakatalikod na babae na casual formal ang suot na lumiko na sa hallway.
Pag-abot niya dito, pababa na ang babae na di man lang niya natanaw ang-
itsura nito pero sa unang tingin niya, masasabi niyang elegante ang kilos ng babae.
Napabalik tuloy siya sa sinabi ni Mr. So na may mag-dedemo para sa kapalit ni Ms. Yoo at marahil ang babaeng iyon ang nag-demo kani-kanina lang na kasabay lang niya sa oras ng kanyang klase.
Magkausap ang magkaibigan sa video call.
"Kamusta demo mo kanina?"
"Okay lang pero..." may lungkot sa tono ni Kyungsoo at umiling. "Mukhang malabo. Pero ewan sana ito na talaga. Bukas ako tatawagan kung tanggap ba o hindi."
"Wag ka nga nega. Marami man nag-reject sayo well
I know for sure may isa dyan na kukuha sayo."
"Sa paulit-ulit kasi na rejection sa akin sa trabaho, ang hirap na din umasa, Baek."
"Gaga, ganyan talaga yun! Maraming rejection kasi it means it is not the perfect place for you, so si universe, sinasadya talaga na i-reject ka-
para dalhin ka dun sa lugar na karapat-dapat para sayo."
"E bakit yung iba, natanggap nga pero nagreresign naman agad?"
"Probably kase may challenge na binigay sa kanila na di nila kayang panindigan sa workplace kaya nagreresign sila. Ganito kase yan baks, tatlo lagi kalaban
natin, sarili natin, others and force of nature. Sarili natin coz sometimes we say we can't do it, we dread going to work ganyan blah blah blah, others kase minsan binibigyan tayo for example ng boss na nakakainis talaga or mga taong naninira and you can't stand it na and lastly
force of nature, yung mga unforeseen na mangyayari, halimbawa lang ulit, may aksidente and you need to stop working that you think might be the best decision. Yan yung mga dahilan why people resign, baks. Well for me. It's just up to you kung lalabanan mo sarili mo, others and
the unforeseen events."
Nacomfort naman si Kyungsoo sa sinabi ni Baek. "Salamat, Baek. Ang galing mo sa ganyan ah, ang lalim mo."
"Ganun talaga if you think deeply into things may mga bagay ka na narerealize, baks. Kaya wag nega, apply lang nang apply hanggang sa makuha ka."
[TROPAcal Hut GC]
PCY: hello po mga ninong *inserts photo with his baby* magaling na siya mga pards
OSH: Nakalabas na si panganay! Yehet!
LTM: Buti naman ok na si inaanak. Itong anak ko naman nilalagnat dahil ata sa ngipin nya tumutubo na
LTY: nakakakaba mga sakit :(
PCY: nakakakaba talaga kaya ikaw Hun, Taeyong, pag nanganak mga misis niyo alagaan niyo maigi mga anak nyo
OSH: Opo boss hahaha
LTY: oo naman
[1 hr later]
KJI: uy sorry mga pre ngayon ko lng nabasa. buti naman nakalabas na siya. ok nmn na ba sya?
PCY: *inserts video*
LTM: uy hala ang cute! bungisngis na ulit
OSH: aww kaso pumayat siya ata
LTY: patabain mo ulit yan yeol ah? cute cute talaga niya
LTM: *inserts video* kami rin ni baby. hello po mga ninong
KJI: ang ccute ng mga inaanak ko kagigil!!
OSH: marami pa dadagdag pre
LTY: tapos pala kambal anak namin ni misis dami na nila lalo
PCY: pag 3 na si jinjoo susundan na namin ni misis
OSH: si jongin na lng pala walang baby
KJI: oy marami ata ako anak sa school
LTM: luh pa ba nahahanap, jongski?
KJI: bat ako maghahanap d nmn ako nagmamadali
PCY: oks lang yan pre, inaasar ka lang ng mga yan
LTM: sorry pre nag-iipon ka nga pala pang U.S mo
OSH: taemin kase eh epal
LTY: oy pre jongski, musta pagtuturo?
LTM: musta na po teacher jongin?
KJI: ok lang masaya ako kahit nakaka-drain minsan. mahabang pasensya
talaga ang kailangan
PCY: pakatatag lang pre ah? tsaka gragraduate na mga kapatid mo kaya wag mo pagurin sarili mo kakatrabaho
LTM: oo nga, sarili > trabaho
OSH: basta pre, chill lang ah
LTY: ingat din dyan sa maynila!
KJI: salamat mga pre
Flag ceremony.
Late nagising si Jongin.
Kakamadali, nalimutab ni Jongin kumuha ng panyo. Hassle pa papasok dahil walang masakyan na jeep.
Samantala, pinakilala na si Kyungsoo sa flag ceremony bilang bagong TLE teacher ng grades 4-5 students na binitawan ni Ms. Yoo.
Masayang-masaya siya sa-
malugod na pagtanggap sa kanya ng mga magiging co-teachers niya at ng mga estudyante ng paaralan. Matapos ang flag ceremony, nakausap na niya si Mrs. Lim, ang head ng TLE department ng eskwelahan para ibigay sa kanya ang listahan ng mga magiging estudyante niya at
at ang module na kailangan niyang sundan para sa natitirang araw ng klase.
Kung ang isa ay hirap makasakay ng jeep na lahat ay puro puno at may sabit na, ang isa naman ay naka-settle na sa kanyang bagong desk para sa unang araw niya sa pagtuturo.
Tadhana ay nananadya nga naman.
"Himala wala pa si Mr. Kim." Puna ng isang teacher habang si Kyungsoo ay nag-aayos ng gamit sa kanyang desk.
"Oo nga no, ngayon ko lang napansin. Teka di ba may klase na siya ngayon?"
"Baka aabsent yun."
"Nagkakagulo na siguro mga bata sa room, check ko."
"Paki nga."
"Ano kaya nnagyari kay Mr. Kim ba't wala pa no?" Pagtataka ni Mrs. Song sabay tingin kay Kyungsoo. "Ms. Do. Ms. Do, tama ba?"
Ngumiti si Kyungsoo pabalik. Dahil wala pang uniporme ang bagong guro, casual clothes pa lang ang suot nito. "Opo."
"Excited ka na ba?"
Samantala, nakarating na rin si Jongin sa school. Haggard na ang itsura niya at amoy araw na. Napailing na lang siya sa sinapit at napadukot sa bulsa para sa panyo pero nalimutan nga pala niya kumuha nun. Lunes na Lunes pero sinusubok na siya agad.
Lumakad na siya.
"Opo, excited na po. First job ko po kasi ito."
"Lapit na class mo mamaya, sana di ka mabwiset sa mga estudyante mo mamaya ah?"
Ngumiti lang si Kyungsoo at biglang kinabahan. Hiling niya sana maging ok ang lahat sa kanya ngayong araw.
Nakaakyat na rin si Jongin sa wakas sa 2nd floor ng paaralan.
"Mr. Kim! Ayun!" Nilapitan siya ni Mr. So. "Wag ka mag-alala may pinagawa na muna ako sa klase mo. Nag-iingay na kasi sila dahil wala ka pa--teka, ok ka lang ba? Parang ang layo ng tinakbo mo ah?"
"Salamat. Hay nako
trapik kase dyan sa palengke, may banggaan pa."
"Dumaan din ako dyan kanina wala naman."
"Late na rin kasi ako nagising tsaka bad timing ata ako kaya ayun may banggaan din. Salamat ulit ah?" Dumiretso ang dalawa sa faculty at para makuha na rin ni Jongin ang gamit niya para sa
klase.
"Nga pala, andyan na yung kapalit ni Ms. Yoo. Yung nag-demo nung Friday-"
"Teacher Do, san ka pala graduate?" Tanong naman ng isang teacher.
Ngumiti onti si Kyungsoo, natakot bigla sa magiging reaksyon ng mga katrabaho kapag nalaman nilang sa States sya grumaduate.
"S-Sa States ako grumaduate po." Napayuko siya at nahiya.
"Wow, tapos bumalik ka dito sa Pilipinas para dito magturo. Huwaran ka, Ms. Do." Puri ni Mrs. Song sa kanya. "Kulang na kulang ang mga teacher namin dito pero ang piliin mo na magtrabaho dito kesa sa Amerika isang-
karangalan para sa amin yun."
"Oo nga, at napalitan mo si Ms. Yoo. Hulog ka ng langit Teacher Do. Hayaan mo mag-eenjoy ka dito sa aming eskwelahan dahil maganda ang pamamalakad dito kumpara sa ibang public schools."
Nakahinga si Kyungsoo ng maluwag at nanlambot ang puso.
"Maraming salamat po." Mangiyak-ngiyak na sabi ni Kyungsoo dahil makalipas ng isang buwang paghahanap ng trabaho, ay heto na siya at nakatungtong na sa maaaring perpektong workplace para sa kanya.
"Talaga? Mabuti naman at nandito na siya."
Pinihit ni Jongin ang doorknob.
"Wala yun Ms. Do, basta kapag may problema sabihan mo lang kami. Tulong-tulong tayo dito hm?"
"Maraming salamat po tala--"
Bumukas ang pinto at pumasok ang dalawang gurong lalaki.
"Pakilala kita, lika."
"May klase pa ako mamaya na--"
"Ms. Do! Si Mr. Kim pala!"
"Mr. So--"
Ngiting-ngiti ang bibong guro. "Jongin Kim. Ano nga po ulit pangalan niyo Ms. Do?"
Samantala, nang lumapat ang tingin ni Jongin sa bagong guro at ganun din si Kyungsoo sa hindi niya inaasahang magiging co-teacher nya, nag-rewind bigla ang lahat ng nangyari sa kanila.
Nagrewind ang mga pick-up lines sa terminal, ang paghatid ni Jongin kay Kyungsoo sa bahay, ang 7 eleven, ang sampaguita, ang mga sulat, ang harana, ang bukid, ang bracelet, ang gabing nag-isa ang kanilang mga katawan at ang gabi ng pamamaalam, lahat ng iyon ay tila ba pinanood
nila bigla ng buo sa mata ng isa't-isa habang sila ay nagkakatitigan, mga puso'y pumipintig pa rin, sigaw sigaw ang pangalan ng bawat isa.
Unang umiwas ng tingin si Kyungsoo, hindi makapaniwala na dito talaga siya dinala ng tadhana.
Tumayo siya. "Excuse me, ccr lang ako."
Lumakad si Kyungsoo sa likod.
"Ms. Do, walang c.r dito. Nasa labas. Tabi lang nito." Sabi sa kanya ni Mrs. Song.
Bumalik si Kyungsoo sa desk kukuha pa sana ng tissue pero hindi na siya mapakali kaya dinaanan lang niya si Jongin na nakatingin sa kanya.
Susunod sana si Jongin
habang si. Mr. So ay nakaramdam bigla ng kakaiba ngunit may pagkalito. "Di niya sinabi pangalan niya sa akin."
"Kyungsoo kase. Nakikinig ka ba kanina sa flag ceremony?" Sabi bigla ng isang guro sa likuran na nananahimik lang.
"Mr. Kim, may klase ka pa. Puntahan mo na sila."
Napabuntong-hininga si Jongin. Nilatag ang bag sa kanyang desk, kinuha ang chalkbox at class record sa drawer niya bago lumabas ng faculty room.
Nilingon ni Jongin ang nakasarang banyo sa gilid at gusto niyang kausapin si Kyungsoo, pero may klase pa siya kaya ipinagpaliban na
muna niya ito.
'Mamaya, Jongin. Mamaya.' Wika niya sa sarili habang hindi pa rin makapaniwala na ang babaeng mahal na mahal pa rin niya kahit ilang taon na ang lumipas ay nagbabalik, at isa nang ganap na rin na guro tulad niya.
Nakasandal lang si Kyungsoo sa maliit na
na banyo sa may pintuan at nakahawak sa kanyang dibdib na sobra ang lakas ng kabog.
Hindi pa rin siya makapaniwala at napapatulala pa rin dhil ang lalaking mahal na mahal pa rin naman nya ay muli na ulit niyang makakasama.
Napaharap siya sa salamin at napakurap. "Totoo ba 'to?"
"Hay, Kyungsoo. Sa lahat pa talaga ng school dito pa talaga. Hay naku, naku, naku!" Kausap niya sa sarili sabay hinga nang malalim. "Kaya ko 'to. Kyungsoo, trabaho ang pinunta mo dito, hindi siya, okay? Kalma. Tama, tapos na kayo. Wala nang kayo. Trabaho lang ang isipin. Hm?"
Inip na inip na si Jongin makausap si Kyungsoo, pero wala siyang nakitang pagkakataon dhil tuwing matatapos ang klase, may klase nman si Kyungsoo at pagdating ng break, nakapalibot ang mga babaeng teachers sa bagong guro habang si Jongin ay kasama naman ang mga lalaking guro.
Sa cafeteria, pumwesto talaga si Jongin sa mesa kung saan matatanaw niya nang maayos si Kyungsoo na sabik na sabik na niyang makaharap.
Habang kumakain, walang ginawa si Jongin kundi ang tingnan si Kyungsoo na nakikita niyang kumportable na sa co-teachers.
Ngumingiti ito,
tumatawa, at ayan na ang miss na miss na niyang hugis pusong ngiti ng dalaga. Napapangiti rin siya habang pinagmamasdan si Kyungsoo pero maingat si Jongin dahil ayaw niyang mapaghalataan siya ng co-teachers niya. Ayaw kasi niyang mapag-usapan sila lalong lalo na at bago lang si-
Kyungsoo sa paaralan. Ayaw niya na machismis agad ang dalaga at ayaw niyang maging usap-usapan sila ng paaralan.
Pero kahit sa faculty room, nagpapasalamat si Jongin sa maganda niyang pwesto dahil kitang-kita niya si Kyungsoo.
Habang nag-checheck, tinitingnan-tingnan niya ito.
Ang ikli na ng buhok ng dalaga pero kahit ganun walang pinagbago ang ganda. Lalo pa nga atang gumanda.
"Jongin. Uy." Di niya natanto tinatawag na pala siya ni Mr. So sa likuran niya. Nilingon niya ito.
"Sama ka mamaya sa McDo? Kasama si Ms. Do. Pa-welcome sa kanya."
"Sige sama ako." Sagot niya nang mabilisan.
Anim sa sampu sa faculty ang sumama sa McDo.
Kung san umupo si Kyungsoo ay agad namang tinapatan ni Jongin.
Hindi makatingin sa mata si Kyungsoo at kung may nakahalata man, si Jongin pa lang din ang hindi niya nakakausap sa grupo.
Sa gitna ng talakayan nila tungkol sa pulitika at mga kakandidato sa eleksyon, tanong ni Jongin kay Kyungsoo.
"Kamusta ka?" Titig na titig si Jongin sa kanya kaya hindi ito tinitigan pabalik ni Kyungsoo, bagkus sumubo na lang ng pagkain niya.
Malaman ang tanong ni Jongin.
Hindi lang ito tungkol sa unang araw niya ngayon bilang guro ngunit sa pangkahalatan na rin.
"O-Okay lang..."
Ang di nila alam, pinapanood na silang dalawa ng mga co-teachers nila.
"Masaya ka ba?" Tanong pa ni Jongin habang nakatingin sa singsing na suot ng dalaga.
Medyo nagulat si Jongin na ngayon lang niya napansin ang singsing na suot ni Kyungsoo. Masama ang kutob niya rito.
"Oo." Tumango si Kyungsoo at tiningnan rin naman si Jongin na napansin niyang may lungkot at dismaya na sa mga mata.
May kirot tuloy bigla sa puso ni Kyungsoo.
Dahil sa mabigat na atmospera na nararamdaman ng mga co-teachers, sumingit na sila sa usapan ng dalawa.
"Uh, so Ms. Do, na-enjoy mo naman ang kakulitan ng mga bata kanina?" Tanong ni Mr. So.
Tumango si Kyungsoo. "Na-enjoy ko naman kahit papaano. Masyado nga lang sila marami
pero kaya ko naman."
Pero si Jongin, hindi niya maiwasang pag-isipan ng kahulugan ang singsing sa daliri ni Kyungsoo.
Napansin din naman agad ng dalaga kung saan tumitingin si Jongin kaya tinago niya ang kamay na may suot na singsing.
Nagpaalam na ang iba sa kanila.
Pare-pareho kase sila ng dadaanan.
Kapareho din sana nila si Mr. So ng dadaanan pero nag-momotor kasi ito pauwi, kaya sila na lang ang natirang dalawa sa labas ng McDo.
"Una na ako, Mr. Kim." Sabi ni Kyungsoo sabay lakad papalayo.
"Kyungsoo, teka mag-usap tayo."
Desperado si Jongin.
Lumingon si Kyungsoo. Pero ang agad kinuha ni Jongin ay ang kamay ni Kyungsoo na may singsing.
"E-Engaged ka na ba?" Kabado si Jongin sa malalamang sagot. Ang pagsisisi sa nakaraan ay nangingibabaw sa mga minutong iyon na ang babaeng ito ay pinakawalan nya.
Hinablot ni Kyungsoo ang kamay kay Jongin at tinago iyon sa likod. "Engaged ka dyan. Ano ako easy? Engaged engaged, wala akong balak mag-asawa. Di na ba ako pwedeng magsuot ng singsing kung gusto ko? Tch."
Tumalikod na si Kyungsoo at nagalakad.
Parang nabuhusan naman ng malamig na tubig si Jongin dahil yes mali ang akala niya.
At etong Kyungsoo na ito, ito ang Kyungsoo na masungit na una niyang nakilala noon.
"Teka! Teka! Soo!" Tumingin muna siya sa kanan bago tumawid at hinabol ang dalaga na bumubulong.
"Ano yun kapag may suot ako na couple watch ibig sabihin may boyfriend ako? Kainis ah." Naalala kasi niya noong nasa America pa lang siya na nung sinuot niya ang G-shock niyang pink na relos na kilala bilang may kapares, napagkamalan siya ng mga kaklase na may boyfriend na.
Kilala kase siya bilang isang ice princess ng school na puro pag-aaral lang ang alam kaya shookt ang mga kaklase nang makita siya na suot ang relos. Di alam ng iba na yung kapares nun nasa Kuya niya. Gift kasi yun sa kanya.
Kinalabit ni Jongin si Kyungsoo sa balikat. "Soo..."
Hinarap na ni Kyungsoo si Jongin at tinaasan ng kilay. "Ano pa bang hinahabol-habol mo di ba wala na tayo?"
Napayuko si Jongin at bumuntong-hininga. "Uh, oo, pero ang tagal na rin Soo. Gusto ko lang naman na makamusta ka pa."
Tumikhim si Kyungsoo kasi nabablanko na siya.
Krinus niya ang mga braso sa dibdib at tiningnan si Jongin na mukha nang kawawang tuta sa harap niya.
Walang pinagbago. Gwapo at makisig pa rin pero mas nag-mature pa ang itsura. At ang katawan...umubo-ubo na lang si Kyungsoo dahil baka mahuli pa siya ng ex niya na
tinitingnan siya mula ulo hanggang paa.
"Di ba natanong mo na kanina kung kamusta ako? Yun na yun, okay lang naman ako." Medyo awkward na sagot ng dalaga.
Tumango na lang si Jongin at di na pinilit pa si Kyungsoo na kausapin siya. Pero sabi niya na may halong tawa, "Bakit-
pala T.L.E na tinuturo mo, kala ko ba music gusto mo?"
Ngumuso si Kyungsoo. "Bakit ba? Wala naman music subject dito sa Pinas. Yoko naman ng MAPEH no, yoko ng P.E. Tsaka okay lang naman ako sa T.L.E wag lang Math tsaka Science no."
Ngumiti si Jongin. "Di ko aakalain na-
magkikita ulit tayo at itong pangarap mo, nakuha mo na rin."
Napakamot na lang si Kyungsoo sa ilong. "Uh, oo, ako rin di ko aakalaing makikita ka ulit dito, J-Jongin...at teacher ka na. Natupad na rin pangarap mo." Tipid niyang ngiti sa ex.
"N-Nasa plano mo pa rin ba ang-
magtayo ng music school at maging vocal teacher?"
Di makapaniwala si Kyungsoo na tandang-tanda pa rin ni Jongin ang pangarap niya. "Uh, oo, pero dadating din tayo dyan--ay este, ako dyan."
'ano ba yan Soo umayos ka nga wag ka magpatalo sa sarili mo. exes na kayo. ex.'
(a/n:) free to drop kung d niyo trip ginagawa ko ngayon na nagkita na sila
"Hm. Sige Soo, uwi ka na baka gabihin ka pa sa daan." Tatapikin sana ni Jongin ang dalaga sa ulo gaya ng nakagawian pero oo nga pala, iba na ngayon, wala nang sila.
Sumakay na ng jeep si Kyungsoo.
At nang makaalis, sumilip si Kyungsoo sa bintana ng jeep nang makalayo na at tsaka nakita na nasa tapat pala sila ng 7 eleven nag-usap.
Nawala na sa paningin ang jeep na sinakyan ni Kyungsoo, binulsa ni Jongin ang mga kamay at napatingin sa establisyemento sa likuran, 7 eleven.
Dear Hyesoo,
Mapaglaro ang tadhana, magkatrabaho kami ng Papa mo at same faculty room pa.
Hndi ko alam ano ba ang dapat maramdaman, saya ba? galit? lungkot? Hindi ko alam.
Masaya ako na natupad nya ang pangarap nya.
Pero bakit kailangan pa namin ulit magkita?
Love,
Mama
Sa mga lumipas na araw naging normal lang ang pakikitungo nila Jongin at Kyungsoo sa isa't-isa. Magkatrabaho lang.
"Ms. Do, tawag ka ni Mrs. Lim sa labas."
"Salamat, Mr. Kim."
Hanggang dyan lang ang palitan nila ng salita. Ganyan lang.
Hindi sila nag-uusap. Wala rin naman silang pag-uusapan, school related. Pero kahit para kay Jongin, may mga bagay silang dapat pag-usapan, iniiwasan din talaga niya na pagchismisan at paghinalaan sila ng mga katrabaho tungkol sa kanilang relasyon.
Ngunit kahit ganun, sa araw-araw na nasa iisang paaralan lang sila, hindi pa rin maiwasan ni Jongin na numakaw ng tingin sa babaeng pinakamamahal.
Napakahirap ng sitwasyon nila dahil magkatrabaho sila, pero nakakaya naman nya--ni Jongin, na hanggang tingin na lang.
Muna.
Sa faculty, pasulyap-sulyap siya kay Kyungsoo kahit nakatalikod ito sa kanya. Kapag napapadaan siya sa klase ni Kyungsoo, pasikreto niya itong papanoorin saglit. Ang makita si Kyungsoo na masaya ay nagpapasaya na rin sa kanya at ito ay sapat na muna para sa kanya.
[TROPAcal Hut GC]
LTM: wala ka ba talaga gagawin e andyan na?
KJI: ang hirap mga pre di pala ganun kadali
PCY: hanggang ganyan na lang?
KJI: ayoko syempre. magmamasid na lang siguro muna, pero...
LTY: so parang umulit lang dati ah, nagumpisa sa patingin-tingin lang
OSH: oy pre, ano na naman yang pero pero mo? wag ka magdahilan. kung ano gusto mo gawin mo kahit na sa huli masaktan ka at least nagawa mo yung matagal mo nang pinaplano
LTM: onga tsaka mahal mo di ba? mahal mo, abutin mo
PCY: ituloy mo, nilalapit na nga sayo ikw pa tong lalayo
KJI: salamat mga pre. sige susubukan ko
LTY: pick up lines ulit tol tulad dati dun mo umpisahan
"O bat ganyan mukha mo? Mukhang losyang. Ayusin mo nga buhok mo."
Galing lang sa pagligo si Kyungsoo at hindi pa nagsusuklay dahil sa inis. "Nakakainis siya, Baek!!"
"Ha? Si Jongin ba? Bakit ano ba ginawa?"
Nag-iba ang timpla ng mukha ni Kyungsoo. "W-Wala. Basta, nakakainis siya!!"
"Wala naman pala ginawa e ba't ka naiinis!?"
"Wala nga. Basta naiinis lang ako!!"
"Ay, period mo ba 'teh?"
"Oo, first day pa. Pero kainis talaga."
"Naiinis ka ba dahil di ka pinapansin?"
Natameme si Kyungsoo.
Simula nang magkausap muli sila ni Jongin sa harap pa talaga mismo ng 7/11 nang di nla napapansin, sa mga sumunod na araw normal lng ang pakikitungo ni Jongin sa kanya.
Parang wala lang. Parang wala silang nakaraan.
Ang kinaiinis pa ni Kyungsoo, Ms. Do ang tawag sa kanya, tho may point din naman kasi teacher siya at nasa school sila. Pero bakit yung iba first name basis naman ang tawagan pero siya... Ugh.
Isa pa, kapag tinitingnan niya si Jongin lagi na lang busy o kung di busy
nakikipagkwentuhan sa ibang teachers pwera lang sa kanya.
Hindi siya kinakausap nito liban na lng kung may nagpapatawag sa kanya at si Jongin naman lagi ang na-tataymingan na pagsabihan.
Ang mga maliliit na bagay na yun ay kinaiinis niya.
"Bakit ako maiinis dahil lang dun? Mas mabuti nga yun eh di nya ako kinakausap para di ako lalong mainis sa kanya."
"Ang gulo mo, kainis ka, baks."
"Bakit kasi kailangan pa namin magkita ulit?? At sa lahat pa talaga ng schools huh?" bumulong pa si Kyungsoo. "Araw-araw pa
torture kasi araw-araw parang lalo lang din siya gumagwapo sobrang nakakainis na."
"Sus, mahal mo pa kasi kaya ganyan ka!"
"Oy, hindi no! Pag tapos na tapos na. Iniwan-iwan niya ako noon tas babalikan niya ko? Neknek niya. Hmp!"
Napakamot na lang si Baekhyun sa ulo. "Eto baks, seryoso na, kelan mo sasabihin sa kanya yung tungkol kay Hyesoo?"
Natulala at natameme si Kyungsoo.
"Baaaks?? Hellooooo?? Karapatan din niya yan malaman ah? Anak niya yun."
Nag-iba ang mood ni Kyungsoo.
"Ewan. Ano pa ba magagawa niya kung malaman niya? Wala naman na di ba? Bwiset siya. Bye na nga, isa ka pa nakakainis ka."
"Lagi ka naman naiinis sa akin recently pero ako pa rin naman kinakausap mo gaga ka."
"Sige na, tulog na ako. Sumakit bigla ulo ko." Masahe niya sa sentido.
"K, bye. nastress lang ako sayo bruha ka. Goodnight. Love u bakss! Mwah!"
"Bye." Belat ni Kyungsoo pabalik at offline na sila pareho.
Nag-free fall si Kyungsoo sa kama at tumitig sa kanyang kisame at biglang nagpapadyak at nagsisisigaw. "Ughhhh bakit kasi ganito pa!??"
Hiningal siya sa ginawa at napabuntong-hininga na lang. "Bahala na nga!"
Bwiset na bwiset si Jongin sa sarili dahil oo nga naman, di ba sabi niya babawiin niya si Kyungsoo kung sakaling magkita sila muli? Nag-iipon pa siya pang-U.S pero ngayong nandito na nga naduwag pa.
Ito na ang pagkakataon pero umatras bayag niya.
Pero hindi na.
Maaga pumasok si Jongin para maisagawa ang kanyang misyon para sa isang mithiin.
Ang kaso, may tatlong guro na sa faculty kaya hindi niya alam kung paano makakatsamba sa pagpunta sa desk ni Kyungsoo.
Naghintay siya ng oras na baka umalis ang tatlo sa pwesto pero wala ni isa sa kanila ang umalis kaya nadismaya siya sa mukhang magiging mission failed nya sa araw na ito.
Dumating si Kyungsoo. Tiningnan niya ang dalaga saglit. Umiwas. Nang makaupo ang dalaga tiningnan niya ulit.
Nakapalda. A-Ang ganda. At ang pabango nito umaabot na naman hanggang sa kanya.
Mabubuwang na talaga si Jongin.
"Mr. Kim, nga pala, ikaw ulit magturo ng steps para sa field demo ah? Malapit na naman ang competition dapat panalo ulit mga grade 4." Sabi ni Mrs. Song sa kanya.
"Deh, mananalo ngayon Grade 5 tingnan niyo lang kami." Singit ni Mr. So na kakarating lang.
"Ms. Soo," nanlaki ang tenga ni Jongin nang marinig si Mrs. Song na Soo ang tinawag kay Kyungsoo. "Nakita mo na ba ang schedule of activities this December? Taon-taon may field demo tayo-
last year grade 4 pupils ang nanalo dahil kay Mr. Kim. May talent kase sumayaw. May Christmas Charole competition din pala tayo kaso ewan ko lang sino mag-volunteer na i-coach ang mga bata. Grade 6 kasi nanalo last time, yung mga chikiting natin last place. Wala kase musikero-
sa ating mga advisers eh kaya ayun walang blending pagkanta ng mga bata."
Tumikhim si Jongin at biglang nagsalita. Napansin din pala niya na may gulat sa mga mata ni Kyungsoo nang malaman na sumasayaw siya.
"Uh, Ms. Do, baka naman matulungan mo kami sa Christmas caroling."
Nilingon siya ni Kyungsoo at agad siyang umiwas ng tingin at humawak sa kanyang batok.
"Mrs. Song, sige po, ako na po bahala sa Christmas caroling ng mga bata."
"Talaga? Maraming salamat, Ms. Soo. Siguro next week kailangan natin to pag-meetingang mga advisers."
Napangiti naman si Jongin habang nakikinig sa usapan ng dalawa.
Sakto pagtingin pa niya kay Kyungsoo, tumingin din ito sa kanya pero inirapan siya.
"Luh." Bulong niya at nguso bago tumingin sa orasan at naghanda na para sa kanyang klase.
"Jongin, bakit nagmamadali ka kumain?"
Pagkakuha ni Jongin sa order niya, nilatakan niya agad iyon. Uminom siya ng tubig. "May dapat kasi ako gawin. Sensya na."
Binilisan niya kumain at wala pang 10 minutes ay tumayo na siya. "Sige, una na ako!"
Nagmadali siyang umalis ng
canteen at napadaan din siya sa lamesa nina Kyungsoo
"Uy, Mr. Kim, kumain ka na?" Rinig niyang tanong ng isang teacher pero kumaway lang siya at umalis na.
Ayaw niyang matapos ang araw na ito na hindi naisasagawa ang misyon niya.
Nakapasok na siya sa faculty room.
Walang tao.
May kinuha siya sa kanyang bag, ang post it notes na bagong bili niya, iba't-iba ang kulay at may mga nakasulat na.
Tumingin siya sa pinto. Tapos, mabilisan siyang pumunta sa desk ni Kyungsoo at naghanap ng bagay na didikitan niya ng post it niyang kulay dilaw.
Class record ang pinuntirya niya.
Binuklat niya ang unang pahina at dun dinikit ang post-it.
Napa-yes siya sa nagawa.
Bumukas ang pinto. Mabilis siyang umalis sa desk ni Kyungsoo at sumipol-sipol. Buti na lang mahaba ang biyas niya kaya malaki ang hakbang niya papalayo.
"Mr. Kim, akala ko ba may gagawin ka ba't chill-chill ka lang?" Puna ni Mr. So sa kanya.
"Ha? Ay, oo, may gagawin ako pero nagpapababa pa ako ng kinain." Himas niya sa tyan habang nakangiti.
"Ahh..."
"Ehehe." Napalunok si Jongin at umupo na para magkunwaring busy.
Ilang minuto pa at nagsidatingan na ang ibang guro, ganun din si Kyungsoo.
Hawak ni Jongin ang kanyang record book at kunwaring tinitingnan iyon kahit hindi naman. Ginawa na lang niyang panakip iyon sa mukha at pinanood si Kyungsoo.
Kaso...
Nalimutan pala niya isara ang-
record book ng dalaga.
Nakatayo lang si Kyungsoo sa desk at dinampot ang post it sa record book niyang nakabukas.
Sumilip si Jongin.
Tumingin si Kyungsoo sa kanya, nakasimangot.
"Sino naglagay nito dito?" Tanong niya sa lahat.
"Ano yan, Ms. Soo?"
"Wala naman po, pero may nag-iwan po kasi ng note sa desk ko." Sagot niya.
Nakatakip lang ng mukha si Jongin, kinakabahan. Wrong move ata tong ginawa nya.
"Ano nakalagay?" Tanong ni Mr. So.
"W-Wala naman. Note lang."
"Baka si Mr. Kim alam kung sino-
naglagay. Siya nauna dito eh."
Binaba bahagya ni Jongin ang record book niya. "Uy wala akong alam dyan ah. Busy ako."
Tinaasan siya ng kilay ni Kyungsoo. "Talaga ba, Mr. Kim?"
Nakatingin lahat ng mga guro kay Jongin. "Uy, di porke ako nauna dito ako na may alam."
Araw-araw na nag-iiwan ng notes si Jongin kay Kyungsoo.
Minsan didikit niya lang bigla sa desk ng dalaga, sa chalkbox nito, sa libro, sa upuan mismo, sa corkboard pero nakatago, at ang malala, kapag tapos na ang klase ni Jongin habang si Kyungsoo ay papunta pa lang sa klase at
sila ay magkakasalubong, itatapik lang ni Jongin ang post it sa balikat ng dalaga at tsaka tatakbo nang mabilis papasok sa faculty room.
Parang ngayon.
Nilingon ni Kyungsoo ang binata at tiningnan nang may inis sa mukha bago kunin ang post-it sa balikat.
šššššš”š šš šš?
š¾šš š šš ššš”š ššš¦ššš ššššššš”šš¤ššš š š ššš
Naipon na ni Kyungsoo ang mga post-it notes na pinagbibibigay sa kanya ni Jongin.
Umpisa't-umpisa pa lang alam na niya kung sino ang salarin at dahil nakaimbak na ang mga
notes sa drawer, inuwi niya lahat iyon at binasa lahat.
šššš ššš šš šššš ššš šššāš” āššš šš,
šššš š”š¢š¤ššš ššš”ššššš ššš”āšš ššš ššš ššš š šš¢š š šš
šššš¢šš¢šššš ššš¦š ššš ššššš ššāš¢šš ššššš šššššššššš¤ šš š”ššššš š šāš¦š?
š»šššš šš ššš”š ššššššššš.
š¾šš š āšššš ššššš ššš”š š¼š¼šš“š.
Pero ang pinaka-tumatak na banat kay Kyungsoo ay ito...
7 eleven ka ba?
Kasi kahit ilang taon na ang lumipas, hinihintay pa rin kita
Hindi tumigil si Jongin sa pagsusulat ng notes para kay Kyungsoo.
Hindi rin siya tumigil kakatingin sa dalaga.
Simula nung Lunes, si Kyungsoo na ang nagkukumpas sa stage para sa Lupang Hinirang. Si Jongin nakangiti at nakatingin lang sa dalaga habang pinapanood ito.
At tuwing nagkaklase si Kyungsoo, sasadyain pa ni Jongin ang classroom ng dalaga para lang makita ito.
Kaso isang beses, nahuli siya ng isang estudyante at tinuro siya kay Kyungsoo kaya agad siyang napaupo at tumakbo.
Nahuli pa siya ng principal nung araw na iyon.
Samantala, napapangiti rin si Kyungsoo sa mga banat ng lalaki pero magcocomment siya bigla ng, "ano ako easy? lul mu." ngunguso tapos iirap kahit wala namang iniirapan pero biglang ngingiti at pupukpukin ang ulo ng kamay. "hay kyungsoo wag ka marupok!"
Di rin siya bulag na hindi mapansin si Jongin na tinititigan siya tuwing flag ceremony kapag nagkukumpas siya sa harap, ganun din kapag bigla niyang nakikita ang guro na patagong pinapanood siya habang nagkaklase at isang araw...
"Okay, class, bukas magdala ng sewing kit, ok?"
Tok tok tok
Bumukas ang pinto.
Si Jongin.
"Yes, Mr. Kim?" Tanong niya.
"Pwede makahingi ng chalk? Uh, naubusan kasi ako..." Hawak ni Jongin sa batok.
Napakurap si Kyungsoo kasi gusto niya sabihin, 'bat di ka kumuha sa faculty room?' pero ayaw niya magmukhang madamot sa harap
ng mga bata kaya binigyan niya si Jongin ng isang chalk.
Ang kaso, pagkaabot niya...
"Yieeee!!" Nang-asar na ang buong klase sa kanila.
"Shhh, class, quiet." Pagsusungit at irap ni Kyungsoo sa mga bata na nanahimik naman.
"Salamat, Soo--ay I mean, Ms. Soo. Ay, Ms. Do."
Kumurap lang si Kyungsoo kay Jongin at sinara na ang pinto.
Sa labas, napanguso si Jongin at bumulong, "Sungit pa rin..."
Bumukas ang pinto. Kaharap niya si Kyungsoo na tapos na ang klase.
"Sinong sinasabihan mong masungit ha? Ba't nandito ka pa? Di ba may klase ka?"
"Sungit mo naman, parang wala tayong pinagsamahan." Ingit ni Jongin habang nakanguso.
"Yieee yan na naman ulit sila!" Sabi ng isang makulit na estudyante ng klase at nag-yiee na naman ang lahat.
"Class, quiet, may nagkaklase pa." mataray na sabi ni Kyungsoo sa klase bago
tumingala kay Jongin.
"Bumalik ka na nga lang sa klase mo." Tinalikuran siya ni Kyungsoo at umalis na.
"Meron kaya yun?" Bulong niya sa sarili at paglingon ni Jongin, may mapang-asar na ngiti ang dalawang guro na nakakita sa kanilang dalawa--sina Mr. So at Mrs. Song.
Sa canteen, ang usapan ng mga grupo ng mga guro ay patungkol sa mga competitions at programs ngayong December.
"Jongin, may kanta ka na ba na isasayaw ng mga bata?"
"Oo, meron na, pati steps may mga naiisip na ako."
"Nuks naman, Mr. Kim ang bilis mo mag-isip.
Kami kasi di pa namin mapagkasunduan yung song choice namin. Di kami nagkakasundong mga advisers. Tsk. Pero sa caroling, oks na. Baka kami ulit manalo." Banta ng Gr. 6 teacher na si Mr. Park.
"Akala niyo lang yun. Makikita niyo babawi mga grade 4 this year dahil kay Teacher Do."
Banta ni Jongin sa mga gurong kasama bago tumingin kay Kyungsoo sa di kalayuan na umiinom ng Chuckie at tumatawa.
Napangiti si Jongin at napatingin din ang mga guro sa direksyon ng lamesa ni Kyungsoo.
"Uy, pero lam niyo, ang ganda talaga ni Ms. Do no?" Sabi ng isa.
"Oo nga eh, mabango pa. Yung tipong dadaan lang siya sayo tas kahit ang layo na niya yung bango niya naaamoy mo pa rin."
"Totoo. Mamahalin siguro yung pabango kaya ganun."
Napalagok ng tubig si Jongin at napapasalubong na ang mga kilay sa mga naririnig.
"Pero lam niyo na ba?"
"Ano?" Tutok sila sa sasabihin ni Mr. So.
"Gusto ko pormahan si Ms. Do." Ngisi ng guro sabay tingin kay Jongin na nanlaki na ang mga mata.
Samantala, sa lamesa ng mga gurong babae...
"Feeling ko sa galing ni Mr. Kim, grade 4 ulit mananalo."
"Feeling ko din tapos ang hot-
hot pa niya kapag nagtuturo ng sayaw."
"Totoo yan, last year talaga shookt na shookt ako na iba aura niya eh. Mabait si Mr. Kim pero kapag nagtuturo talaga sobrang makarisma, lalo na kapag sumayaw na. Wala na."
Nagtawanan ang mga guro at napapapisil na si Kyungsoo sa Chuckie na
iniinom dahil sa usapan ng mga guro.
"Iniisip ko nga rin eh kung landiin ko kaya si Mr. Kim." Kilig na kilig na sabi ng isa kaya naman...
Sabay napatayo si Jongin at si Kyungsoo at kinalampag ang lamesa. "HINDI PWEDE!"
Sabay nilang sabi kaya napatingin ang lahat sa kanila.
Nanahimik ang mga nasa canteen at nagsitigil sa mga kanya-kanyang ginagawa.
At sina Jongin at Kyungsoo? Napatingin sila sa isa't-isa, gulat na gulat sa parehong ginawa.
"Uh... S-Sorry..." Awkward na pasensya ni Kyungsoo sa mga guro bago umupo at damputin ang Chuckie na ubos na
pero sinipsip niya pa rin kaya tumunog.
Napangiti na lang siya sa mga gurong kasama. "Ay, ubos na pala." Binaba niya ang Chuckie at napakagat siya sa labi dahil sa hiya.
Si Jongin naman, nakatayo pa rin. Nahihiya din pero, pagtingin niya kay Mr. So, kumindat ito sa kanya.
Pagkabalik sa faculty room, tahimik.
"O, ba't ang tahimik niyo?" Tanong ni Mrs. Song sa kanila.
"Ma'am, nagpopokus lang kami first day of practice na kasi bukas di po ba?" Sagot ni Mr. So na sinang-ayunan ng lahat pero ang iba nakatingin kina Jongin at Kyungsoo na kunwaring
busy magligpit sa desk nila.
"Oo nga po, Mrs. Song, tsaka tingnan niyo po si Ms. Soo, serious na rin para sa caroling tsaka si Mr. Kim, panigurado nag-iisip pa yan ng mga steps para sa field demo." Sagot ng isang guro.
Tumikhim ang dalawa sa narinig.
"Onga pala no? Ms. Sha, Ms. Chi Ms. Do, Mr. Kim, meeting tayo mamaya after."
Nagtinginan ang ibang guro na naka-witness sa nangyari kanina sa canteen.
At si Jongin, napatingin sa gawi ni Kyungsoo na binuksan ang drawer at nilagay roon ang post it note niya.
Para kang alitaptap,
Kumikislap pa rin.
Tapos na ang klase ni Kyungsoo. Ang ginawa lang nila ay nanahi ng backstitch at running stitch. May mga natusok pa ng karayom kaya medyo sumakit ang ulo ni Kyungsoo sa mga bata ngayon. Lalo na sa mga makukulit.
Pagkalabas ng room, napadaan siya sa klase ni Mr. Kim. Tumingin siya sa paligid at nang makita na the coast is clear, tiningnan niya si Jongin na nagtuturo na walang kahirap-hirap.
Lahat ng bata nakatutok sa kanya. Napaka-active ng klase. Ewan ba ni Kyungsoo ano ang strategy ng
guro para mapanatiling nakaka-engganyo ang klase.
Pero napansin ni Kyungsoo ang nakasulat sa blackboard at napasalubong ang mga kilay niya.
'Alamat ng Sampaguita'
Habang nagpapa-recitation si Jongin sa loob ng klase, napansin niya si Kyungsoo sa labas ng room na nakatingin sa
blackboard at kunot ang noo.
Nagkatinginan sla at nagulat si Kyungsoo nang makita na nahuli sya ni Jongin kaya umalis din ito agad.
Uwian na ng mga estudyante at si Kyungsoo, naubusan ng bala ng stapler.
"May bala ba kayo ng stapler dyan?" Tanong niya sa mga kalapit mesa.
"Ako Ms. Soo--" Sagot ni Mrs. Song pero humirit bigla si Mr. So.
"Ako, ako, ako, ako, meron!" Sagot naman ni Mr. So at syempre hindi nagpatalo si Jongin nang matahan siya bigla ng lalaking guro.
"Ay, ako, ako, ako! Meron!" Nagulo pa ni Jongin ang gamit kakakalkal ng gamit dahil
nalimutan niya bigla kung saan nilagay ang bala ng stapler.
Nanood ang lahat sa guro hanggang sa nakita nito ang hinahanap at iniabot iyon kay Kyungsoo na kumurap lang sa kanya. "Salamat."
Ngumiti pabalik si Jongin. "Damihan mo na kunin mo."
Nagtinginan ang mga co-teachers sa kanila na hindi naman talaga manhid na may something sa dalawang guro at nagngitian pa.
Magkatabi ang dalawa sa meeting nila. Nagtabi kase agad sina Ms. Sha at Ms. Chi kaya no choice ang dalawa kundi magtabi rin.
"Mr. Kim, ok na ba ang song choice para sa field demo?" Tanong ni Mrs. Song.
"Yes po at may mga naisip na rin po akong steps para dun. I'll make sure na bukas ok na po ang steps for the whole song."
"Anong song yan, Mr. Kim?"
"Build Me Up Buttercup po."
"Ay gusto ko yan. Di na ako makahintay bukas to see the steps. I will trust you on this, Mr. Kim."
"Ms. Soo? How about you? Medley ang caroling. May mga kanta ka na ba na napili?"
Lahat nakalapit kay Kyungsoo para makita ang nakasulat sa notebook nito. Si Jongin, napalapit din
ang mukha sa dalaga. Amoy na amoy niya ang bango ni Kyungsoo at di niya namalayan na tapos na pala tumingin ang iba. Paglingon ni Kyungsoo, magkalapit ang mga mukha nila at siya ay napalunon, lumayo at umubo.
Nagtinginan ang tatlong guro at nagsiyawan ang mga kilay nila.
"Perfect yan. So bukas ang start ng practice. For caroling, 9-11. I hope may volunteers ka na rin Ms. Do." Tumango si Kyungsoo. "Jongin, 2-4 ka naman bukas sa gymnasium. Okay, so Ms. Sha, Ms. Chi, kayo na bahala sa props and costumes ng mga bata, okay?"
Natapos ang meeting.
Naiwan ang dalawa.
"Uh" Panimula ni Jongin pero nilingon siya agad ni Kyungsoo.
"Kwinento mo yung alamat ng sampaguita sa mga bata kanina?"
Napaatras bigla si Jongin. "Oo?"
"Bkit sa lahat pa ng pwede mo ikwento yun pa? Ang lungkot lungkot ng kwentong yun, yun pa kwinento mo?"
"S-Soo...uh, ano kasi, yun kasi yung nasa selection sa libro kaya yun yung topic kanina." Maingat niyang sagot sa dalaga dahil alam niya na sensitibo si Kyungsoo sa kwentong iyon. Pero ang tagal na ng lumipas, may epekto pa rin pala yun kay Kyungsoo?
"K-Kahit na no! D-Dapat
iniskip mo na lang. Di mo dapat ineexpose ang mga bata sa unhappy endings kasi masakit--uh, kalimutan mo na nga yung sinabi ko. Hay bakit ko ba to sinasabi sayo to." Talikod ni Kyungsoo sa kanya pero hinigit ni Jongin ang braso ng dalaga.
"Soo, ang tagal na nun pero naaalala mo pa rin?"
Kunot ang noo ni Kyungsoo. "Pinaiyak mo ko nun, kaya pano ko makakalimutan?"
"S-Soo, mag-usap tayo."
Pero may iba na sa tingin ni Kyungsoo. Parang yung tingin ni Kyungsoo sa kanya noon nung nakipag-break siya rito, malungkot.
Tinanggal ni Kyungsoo ang kamay ni Jongin sa braso niya at umiling.
"Wala tayo pag-uusapan Jongin. Kalimutan mo sinabi ko ngayon. Kwento mo lang yung alamat na yun anytime."
Umalis na si Kyungsoo at pinanood lang siya ni Jongin papalayo sa kanya.
"Hay."
Magka-video chat ulit sina Baekhyun at Kyungsoo.
"Binibigyan ka ng cheesy notes, nagpaparamdam sayo at gusto kang kausapin nang masinsinan pero ikaw ano na Kyungsoo? Kailan mo palalambutin ang ulo mo?"
"Tas ano kapag nag-usap kami babalikan ko na siya agad? Nevermind."
Sabay inom ni Kyungsoo ng tinimpla niyang gatas.
"Tanga, mag-uusap lang naman kayo di naman sinabing balikan mo agad boba."
"Hay nako, Baek, wag muna ngayon. Alam mo hindi talaga madali. Hayy, iniisip ko pa lang stressed na stressed na ako."
"Ako rin teh, sobrang stressed ko-
na talaga sayo lukaret ka!"
Kumamot si Kyungsoo sa ulo. "Chinat kita kase gusto ko lang sabihin na bwiset siya tas ito ka na naman pinapangaralan ako."
"Hay ewan ko rin talaga sayo. Basta ang katigasan ng ulo walang maidudulot na maganda, kaya kung ako sayo, palambutin mo na."
"Kuya! Ano na? Kayo na ba ulit ni Ate Soo?" Laging tanong sa kanya ni Jihee tuwing umuuwi siya.
Guguluhin niya lang ang buhok ng kapatid at sasabihin, "Kumain na ba kayo?"
"Syempre di pa, hinihintay ka namin. Ano na nga Kuya? May progress ba?"
Bumuntong-hininga si Jongin.
"Di yun ganun kadali, Jihee." Iling niya.
"Hayst, gusto ko pa naman din ulit makita na si Ate Soo. Pero Kuya, wag mo sukuan ah?"
Tumawa bahagya si Jongin. "Susuko lang ako kapag sinabi niyang tumigil na ako at wala nang pag-asa."
Sa mga sumunod na araw, busy na ang lahat
para sa school event.
Nagpatuloy ang pagpapraktis ng lahat at nagpatuloy din si Jongin sa kakasulyap kay Kyungsoo tuwing kino-coach ang kanyang chorale.
Sa kabilang banda, pinapanood din ni Kyungsoo si Jongin sa pagturo sa mga bata ng dance steps at masasabi niyang may mga-
bagay pa rin pala talaga na di niya alam tungkol kay Jongin, lalo na ito ang pagiging marunong nito sa pagsayaw.
Sabay alaala niya sa kanilang sayaw sa apartelle.
Umiling si Kyungsoo para itaboy ang alaala na iyon pero pagtingin niya kay Jongin, nakangiti ito sa kanya.
"Ang galing talaga ni Mr. Kim no?" Sabi sa kanya ni Ms. Sha na nasa tabi niya.
"Oo nga eh. Pang-zumba pa mga steps kaya kahit ako napapa-indak talaga." Sabi naman ni Ms. Chi sa kabilang tabi niya.
"Ano, Ms. Soo? Galing di ba?" Tanong ni Ms. Sha na may mapanlokong ngiti sa labi.
Hindi sumasagot si Kyungsoo pero oo aaminin niya sa sarili niya magaling umindak itong si Jongin at nakakahalina rin magturo sa mga bata. Imbis na sumagot, tumingin lang siya kay Jongin na napapasunod ang mahigit isang daang grade 4 students sa pagsayaw.
Dear Hyesoo,
Anak, maloloka na ako sa Papa mo. Tama pa ba 'tong ginagawa ni Mama? Pero lam mo parang bumalik kami sa dati. Di pa rin niya ako tinitigilan sa pick-up lines niya tapos...tingin pa siya nang tingin sa akin. Parang noon lang, kaso di na sa terminal, di na sa San-
Carlos pero sa iisang school na. Hay. Pano kaya nak kung nandito ka no? Tapos itatago kita sa Papa mo? Parang drama lang sa TV hahaha.
Pero maloloka na talaga ako na hindi ko alam ano ba ang tamang gawin? Kasi pano kung magkamali ako? Ewan nak. Magulo si Mama.
Love,
Mama
Nasa labas ng room si Jongin kung saan nagpapraktis ang chorale ni Kyungsoo.
As usual, nanonood siya saglit bago bumalik sa faculty room. Naaalala niya yung mga panahong mga bata sa San Carlos lang ang tinuturuan nila ngayon, pero ngayon sa totoong paaralan na.
"Pst!"
Lumingon si Jongin at nakita na papalapit sa kanya si Mr. So at sumilip rin sa room.
"Aba, talagang kina-career ni Ms. Do ang pagtuturo. Baka matalo kami nito."
Kumurap si Jongin. "Nu ginagawa mo dito?"
"Makikinood rin, ba't ikaw? Ba't andito ka na naman?"
"N-Napadaan lang."
"Napadaan sus." Umakbay si Mr. So kay Jongin. "Lam mo, dumaan din ako sa ganito, sa pasulyap-sulyap lang, pero ngayon, girlfriend ko na."
"Hay, Mr. So, akala ko talaga nun may gusto ka kay Soo--ay mali, Ms. Soo." Pinagmasdan nila ang dalaga sa loob na masayang kumakanta.
"E, kasi naman ikaw napaka-obvious mo. May notes notes ka pang nalalaman." Tawa ni Mr. So. "Kala mo di ko alam ah?"
Ngumuso lang si Jongin.
"Basta, ang tip dyan, wag mo sukuan. Hayaan mo, may bunga yan sa huli." Tapik ng guro sa balikat ni Jongin bago umalis. "Una na ko."
Tumingin ulit si Jongin kay Kyungsoo na nakangiti lang, display ang hugis pusong ngiti niya habang umaawit.
Pero ilang saglit pa, tumingin si Kyungsoo sa labas at nagkita ang kanilang mga mata.
Sa unang pagkakataon, ngumiti pabalik ang dalaga sa kanya, kahit bahagya lang.
Tao lang din sila at naiistress.
Sa tuwing napapansin ni Jongin na nahihirapan si Kyungsoo o mukhang pagod dahil pinagsasabay ang mga responsibilidad s mga klase at pagiging coach ng chorale, binibilhan ni Jongin ang dalaga ng milktea ng Infinitea malapit sa school.
Papatong lang niya yun sa desk ng dalaga pag alam niyang wala ito at syempre inaasar siya ng mga co-teachers niya na alam na rin kung ano ang pakay niya kay Kyungsoo.
Sa tuwing dadating si Kyungsoo sa faculty, lagi itong nagugulat sa milktea sa desk niya na lagi rin may sticky-
note.
'Wag ka na ma-stress, chill lang '
Kung nung una tinaong pa ni Kyungsoo sa lahat nang pasungit "Sino naglagay nito dito?" habang nakatingin kay Jongin na kunwari busy sa desk niya, ngayon, isang malambing na "Salamat" ang bigay niya habang nakatingin sa gawi ni Jongin.
Samantala, sa tuwing nakikita naman ni Kyungsoo si Jongin na nahihirapan na din at napapagod, hindi niya ito malapitan o magawang pagaanin man ang loob tulad ng ginagawa ng lalaki sa kanya.
Gusto niya lapitan si Jongin pero hindi niya magawa. Hanggang tingin lang siya.
At isang beses na lalapitan niya ang binata, nginitian lang siya nito na akala mo parang walang pinagdadaanan pero meron.
Kaya sa isang beses pa na nadatnan ni Kyungsoo si Jongin na pagod at malungkot, tinabihan na niya ito sa bench.
"O-Okay ka lang?"
a/n: magtrabaho nga kayo!
Tumingin si Jongin sa kanya at ngumiti. Yung ngiti na akala mo ok lang pero hindi.
"Oo naman. Ok lang ako no."
"Kahit obvious na hindi?" Taas niya ng kilay sa guro.
Bumuntong-hininga si Jongin. "Medyo di talaga ako ok. Nakaka-drain lang talaga ang mga pasaway na bata."
Lumabi si Kyungsoo, nahihiya pero tinuloy din niya. "G-Gusto mo magpalamig muna ng ulo?"
May biglang mapanlokong ngiti sa mukha ni Jongin. "Pano? Kikiss mo ko?"
Hinampas siya ni Kyungsoo sa braso. "Sira!"
"Aray." Pero tumatawa si Jongin habang hinihimas ang braso.
"Sakit nun ah? Alagang-alaga pa nga rin 'to sa laki sinasaktan mo lagi."
"Lagi ka dyan, noon yun no! Tara na nga bili tayo ice-cream para di ka na mastress."
Sinundan ni Jongin si Kyungsoo at ngiting-ngiti.
Uwian naman na at busy ang ibang guro kaya walang nakapansin sa kanila
kahit meron naman din talaga. Bilis pa kumalat ng chismis at tuwang-tuwa naman ang mga guro sa progress ng dalawa.
"San tayo bibili?" Tanong ni Jongin dahil alam niyang ayaw na ayaw na ni Kyungsoo sa 7 eleven na nasa tapat nila ngayon na mas malapit sa paaralan.
"Ayoko dyan may sumpa yang lugar na yan. Wala na bang ibang pagbibilhan dito?"
"Meron kaso malayo pa lalakarin natin, sa Puregold Jr."
"Dun na lang tayo. Tara."
"Ok lang sayo maglakad?"
"Gusto mo ba ako buhatin?"
"O-Okay lang sa akin--"
"Yoko nga, lakad na lang ako."
Naglakad na si Kyungsoo at sumunod lang si Jongin sa kanya.
"Alam mo ba yung daan papunta dun?"
Napahinto si Kyungsoo kasi oo nga pala di niya alam. Nilingon niya si Jongin. "Una ka na, para sundan kita."
"Bakit kailangan ko pa mauna kung pwede namang sabay tayo."
Tumabi si Jongin sa kanya at hindi na nagsalita pa si Kyungsoo.
Sabay silang naglakad sa tabi kung saan ang mga sasakyan ay nagsisidaanan naman sa kalsada, mausok at kung minsan ang mga patok na jeep grabe humarurot.
Isang patok pa na jeep ang binugahan sila ng usok kaya
napapaypay sila para hawiin ang usok.
"Ano ba yan!" Inis na sabi ni Kyungsoo at inubo-ubo.
"May panyo ka ba?"
"Wala." Lukot pa rin ang mukha ni Kyungsoo dahil sa usok.
"Ito oh." Iniabot ni Jongin ang panyo niya sa dalaga. "Uh, napampunas ko nga lang ng pawis kanina pero-
eto baliktarin ko na lang." Binaliktad ni Jongin ang panyo at iniabot sa dalaga. "Hm, gamitin mo muna."
Hindi makapagsalita si Kyungsoo. Tiningnan niya si Jongin tapos ang panyo na inaabot sa kanya nito.
At ayan na naman ang mga jeep na mausok kaya kinuha na iyon ni Kyungsoo at
pinantakip sa ilong.
Amoy Jongin.
Amoy nakaraan nung sila pa.
Lalabas na ata ang puso ni Kyungsoo sa dibdib niya.
At ang pinakanamiss niyang gawin ni Jongin sa kanya-ay ang tapikin ang kanyang ulo sabay ngiti nito sa kanya.
Dumating sila sa Puregold Jr at bumili ng cornetto.
Awkward nga lang kasi parang bumalik sila sa nakaraan, yung ganito, bibili sila ng Cornetto sa Puregold Jr.
Kaya walang nagsasalita sa kanila habang pabalik sila sa school.
Ang pinagkaiba nga lang din, todo alalay si Jongin sa paglalakad ni Kyungsoo. Hahawakan niya ito sa may
beywang at si Jongin pa mismo ang nagpapahinto sa sasakyan kung tatawid sila.
Sa mga ginawa ni Jongin, di maiwasan ni Kyungsoo na tumingala sa binata at pagmasdan siya.
Walang pinagbago si Jongin, siyang-siya pa rin talaga ang lalaking nagustuhan niya.
Dumating na ang pinaka-hinihintay na field demo at chorale competition ng lahat.
Busy man, ngunit dahil na rin sa pagtutulungan ng mga guro, naihanda na ang kumpetisyon nang maayos.
May parada muna sa umaga at picture dito-picture doon ang mga nanay sa kani-kanilang mga anak.
"Teacher Kim, Teacher Do, picture ko naman kayo kasama anak ko." Aya ng isang nanay sa kanilang dalawa na bigla silang pinagtabi. "Anak, sa gitna ka nila teacher. Ayan. 1, 2, 3!"
Snap!
"Teacher Soo, Teacher Kim, kami rin kami rin!"
"Kami po sunod!"
"Mare, sunod din kami ah!"
Nagkatinginan ang dalawa dhil hindi lng isa o dalawa ang mga nanay na pinagpipicture-an silang dalawa kasama ng mga bata.
"Ang ganda at gwapo niyo naman po sa picture. Para po kayong mag-jowa dalawa. Thank you, po." Puri ng huling nanay sa kanila bago natawa si Kyungsoo bahagya.
"Ba't ka tumatawa?" Ngiting tanong naman ni Jongin dahil nakikita niyang nakangiti ang babaeng mahal.
"Wala, bakit masama ba?"
"Hindi syempre, ganda nga makita na ganyan ka. So, kinilig ka? Mukha daw tayo mag-jowa." Paalala ni Jongin sa kanya na ikinakunot ng noo ng dalaga.
"Hindi ako natuwa dun no! Feeling ko kasi artista ako marami nagpapa-picture kaya ako natatawa. Tara na nga sa gym baka kung ano pa isipin ng iba." Pagsusungit niya bigla sa binatang guro at sabay silang pumunta sa gym para maghanda na.
'Hay, Kyungsoo, ba't ka kasi tumawa??'
Oras na ng mga grade 4 pupils magpakitang gilas.
Nasa harapan si Jongin na patuloy pa rin sa paggabay sa mga estudyante sa kanilang formation.
At nag-umpisa na ang pagtatanghal nila.
"I'll be over at ten, " you told me time and again
But you're late, I wait around and then
Ewan ba ni Kyungsoo, sa bawat liriko na binabato ng kanta, ang nakaraan nila ni Jongin ang sumasagi sa kanyang isip.
Lalo na yung pinaghintay niya ito sa 7 eleven.
I went to the door, I can't take any more
It's not you, you let me down again
Nagmamasid si Kyungsoo, pinapanood ang lalaking sigaw pa rin ng kanyang puso. Pinanood niya itong sabayan ang mga bata sa harapan na may ngiti sa labi.
Why do you build me up (build me up) buttercup, baby
Just to let me down (let me down) and mess me around?
Sa buong kanta, sila, silang dalawa noon ang bumabalik sa kanyang isip. Ang nakaraan ay parang kahapon pa rin. Napakalinaw.
Nagtama ang kanilang mga tingin. Ngumiti si Jongin sa kanya at miss na miss na talaga niya ang binata.
Build me up, buttercup don't break my heart...
Nang matapos ang kanta, napapunas si Kyungsoo sa nangingilid niyang mga luha na hindi niya agad napansin.
"Teacher Soo, okay ka lang?" Tanong ni Ms. Sha sa kanya.
Ngumiti siya pabalik. "Oo ok lang, ba't naman hindi no?"
"Naluluha ka ba sa galing ng mga estudyante natin?"
Ngisi ng guro sa kanya.
Natawa siya pabalik at tumango. "Oo, ang galing nila." Sabi niya habang nakatingin sa direksyon ni Jongin na ngayon ay nakikipag-highfive sa mga bata, hanggang sa makarating sa kanilang mga teachers at sa kanya na may kasama pang lambing na tingin.
"High five?" Taas ng mga kamay ni Jongin sa kanya na hindi naman tinanggihan ni Kyungsoo at naki-highfive din sa kanya.
Hugis pusong ngiti ang kumurba sa kanyang labi habang mga mata nila'y sa isa't-isa nakatingin.
Ang lapit na nila sa bawat isa pero parang ang layo pa rin.
"Kinakabahan ako," Sabi ni Kyungsoo kay Ms. Sha.
"Soo, kaya yan ng mga bata. Kaya niyo yan." Sabi sa kanya ng guro at napahinga siya nang malalim. Sa gawing kanan niya sa di kalayuan, naroroon si Jongin nakatayo, nakatingin sa kanya at binigyan siya ng isang gwapong ngiti at
dalawang thumbs up.
Nakalma siya.
Sa pagsalang ng kanyang mga estudyante sa stage habang siya naman ay nasa ibaba, bilang tagakumpas, nakita pa niya ulit si Jongin na nakatingin sa kanya at binigyan siya ng encouraging gesture.
Tumango siya kay Jongin at nag-umpisa na ang
kanilang pagtatanghal.
'Malamig ang simoy ng hangin'
Sa pagkanta ng mga bata kasabay sa kumpas ng kamay ni Kyungsoo, nakangiti lang si Jongin at pinagmamasdan ang dalaga nang taimtim. Kahit buong araw nya titigan si Kyungsoo, hindi sya magsasawa.
'Ang tibok ng puso sa dibdib'
At isa pa, tuwing nakikita niya ang dalaga na ginagawa ang siyang pangarap at hindi na napipilitan gaya noon, gumagaan ang kanyang loob.
'Para bang hulog na ng langit'
Sa pagtapos ng awit, hindi nawala ang tingin ni Jongin sa dalaga na ngayon ay todo puri sa mga estudyante.
Napakagaling humawak ni Kyungsoo sa mga bata...napakatyaga.
Sabi niya noon mag-aasawa pa sila di ba? At magkakaanak pa. May namimintong concert pa sa magiging munting tahanan nila di ba? Alalang-alala pa niya ang usapan nila noon.
At yun ay kung matutupad.
Balik ang lahat sa gymnasium para sa announcement ng mga nagwagi sa taunang field demo at chorale competition ng paaralan.
Katabi ni Jongin si Mr. So kanina pero biglang nawala. Ang nakita na lang niya, itinatabi sa kanya si Kyungsoo ng ibang guro.
"Dyan ka nga, Miss Soo."
"Urong ka pa nga dun, Chi, masikip eh."
Gulat na gulat naman si Kyungsoo sa ginagawa ng mga co-teachers sa kanya. "Uy kayo nga umurong dyan, masikip dito."
"Soo, mas masikip dito no. Urong ka pa."
Pero sa pag-urong pa niya, tila nabunggo siya sa pader.
Pagtingala niya, dibdib ni Jongin ang kaharap na niya.
Ini-steady siya ni Jongin ng tayo at tinapik sa ulo bago humarap sa stage kung nasaan ang principal para ianunsyo na ang mga nanalo.
"Yieee," asar naman ng mga kapwa guro kay Kyungsoo na masama na ang tingin sa kanila pero
isinawalangbahala na lang ang nangyari.
"At para sa nagwagi sa ating taunang Christmas caroling competition ay ang!"
Tumingala si Kyungsoo kay Jongin na seryoso ang mukha habang hinihintay ang resulta ng nanalo.
*drum roll*
"Walang titibag, Grade 6 pupils!!"
"Okay lang yan Miss Soo." Alo sa kanya ng kapwa mga guro na nginitian niya pabalik bilang pasasalamat sa pagtanggap rin sa resulta.
"May next time pa, bawi na lang ulit."
2nd place ang grade 4 pupils at kahit yun lang masaya na si Kyungsoo.
"Ok ka lang?" Tanong ni Jongin.
"Oo naman. Naenjoy ko 'to kaya parang panalo na din." Ngiti niya habang pinapanood ang mga nagwagi sa harapan para sa picture taking.
Tinapik siya ni Jongin sa ulo.
Tumingala siya ulit sa binata pero nakapokus na ulit ito sa harapan.
"At para sa nagwagi sa ating field demo!"
Isang hindi alam ng dalawa ay pinag-uusapan sila ng mga estudyante malapit sa kanila.
"Crush ata ni Sir Kim si Ma'am Do."
"Oo yan. Para silang mag-asawa noh?"
Ganun din ang mga guro sa kanilang tabi na tinitingnan ang dalawa at nagngingitian.
"Bagay tlaga sila."
"Cute nila."
"Ang nagwagi sa field demo this school year ay!!"
*drum roll*
Seryoso na ang lahat at naghihiyawan na ang mga estudyante, sigaw ang mga grade level nila.
"Isa pang hindi natitinag grade 4 pupils!!"
Naghiyawan ang mga estudyante sa pagkakapanalo, ganun rin ang mga guro ng
grade 4 at lalong-lalo na si Jongin na napataas ng kamay sa tuwa at otomatikong humarap sa katabi.
"Nanalo tayo, Soo!!"
"Nanalo tayo, Jongin!!"
Korus nilang dalawa at nagyakapan sila sa tuwa. Nang mahigpit.
Ang malala pa, nabuhat ni Jongin ang dalaga at inikot ito sa tuwa.
Pero nang magtama ang kanilang mga mata, yakap ni Jongin ang beywang ni Kyungsoo, at nakaakap naman sa leeg ni Jongin ang dalaga, may naghiyawan sa kanilang paligid.
"Yieee!!" Asar ng mga kapwa guro at ng mga estudyanteng nakakita sa kanilang ginawa.
Suminghap si Kyungsoo sa gulat at agad naman siyang ibinaba ni Jongin.
"S-Sensya na. Masyado lang natuwa." Awkward na sabi ni Jongin habang himas ang batok.
Napalabi naman si Kyungsoo, nakayuko at namumula ang mga pisngi. "C-Congrats..." ang tanging sabi na lang ng dalaga.
"Grade 4 pupils and teachers, halina kayo sa harap for picture taking."
Tinapik lang ni Jongin ulit ang ulo niya.
"Tara." Ngiti niya sa dalaga at sila ay pumunta na sa harap para sa picture.
Magkatabi ulit sila sa litrato kung saan sinadyang paggitnaan sila ng mga estudyante.
Christmas party at nakagayak ang mga guro.
"Mr. Kim, wow parang model lang tayo ngayon ah." Asar ng isang guro pagkapasok niya sa faculty room.
"Aba, pang-runway. Lumalaban." Sabi naman ng isa.
"Di naman po. Tamang ayos lang." Sagot niya bago umupo sa kanyang desk.
Wala pa si Kyungsoo.
Christmas party ng mga bata ngayon, pero kinabukasan pa ang para sa mga guro kasabay ng kanilang team building sa isang resort sa Bulacan kaya ang nabili niyang regalo para kay Kyungsoo ay bukas pa niya maibibigay.
Bumukas ang pinto.
"Ahh, Ms. Soo, ang ganda mo naman ngayon." Puri ng isang guro pagkadating ng T.L.E teacher na naka red floral dress. May dala itong malaking eco bag na puno ng mga regalo.
"Ms. Soo, ano yang dala mo?"
"Regalo ko sa class ko." Masayang tugon ni Kyungsoo.
Si Jongin, nakatitig lang sa dalaga at nakangiti.
Lumingon ito sa kanya at ngumiti bahagya.
Buo na ang araw ni Jongin sa isang ngiti lang galing kay Kyungsoo.
Kung tutuusin, di naman na kailangan pang pumasok ni Jongin dahil wala naman siyang advisory class pero para makita
At heto, nasa labas siya ng room ng advisory class ni Kyungsoo, pinapanood ang dalaga na asikasuhin ang mga bata.
"Teacher Soo, si Teacher Kim po oh!" Turo ng estudyante sa kanya.
Kumaway si Jongin sa dalaga at tsaka umalis na.
"Mr. Kim, sandali!"
Huminto si Jongin sa paglalakad at lumingon.
"H-Halika, kain ka dito sa amin."
Tatanggi pa ba si Jongin? Syempre hindi.
Nang-asar ulit ang mga bata sa kanila ng 'Yiee' na nag-upgrade sa 'Crush ni Sir Kim si Ms. Soo yiee'
"Class kain lang kayo dyan, nakakahiya kay Mr. Kim."
Pagsusungit ni Kyungsoo. Nakanguso habang nilalagyan ng pagkain ang paper plate ni Jongin.
"Ako na, Soo." Sabi ng binata.
"Sige." Binigay naman ni Kyungsoo ang paper plate na may laman na na spaghetti kay Jongin na ngumuso. Umaasa kase ang binata na magpupumilit si Kyungsoo
na siya na ang magsasandok sa kanya ng pagkain pero hindi.
Habang nagsasandok, nagulat si Jongin na nagtawag pa ng iba pang mga guro si Kyungsoo sa labas. Akala ni Jongin siya lang, pero hindi pala kaya nakanguso lang siya sa tabi bitbit ang kanyang paper plate.
Kumurap si Kyungsoo sa kanya at inasikaso na ang ibang guro.
Pero kahit ganun, masaya na si Jongin. Ngumiti siya habang pinapanood ang dalaga bago umalis ng classroom.
Samantala, habang nakikipagtawanan si Kyungsoo sa isang guro, sumigaw si Mr. So, "Mr. Kim san ka pupunta!?"
Paglingon ni Kyungsoo sa pwesto ni Jongin kanina wala na ito roon.
Sa pinakalikod ng bus pumwesto si Jongin para makatulog. Hindi kasi siya makatulog nang maayos nung gabi sa dami ng iniisip kaya di na rin niya napansin na umalis na ang bus at papunta na sila sa resort
para sa kanilang Christmas party at teambuilding.
Samantala, pagpasok ni Kyungsoo sa bus, si Jongin agad ang hanap niya. Wala ang lalaki.
"Soo, tabi na lang tayo." Aya ni Ms. Sha sa kanya pero hindi pa rin siya mapakali na wala si Jongin.
Sa bawat guro na dadating,
napapatingala siya pero wala. Wala si Jongin.
"Asan si Mr. Kim?" Tanong ni Mr. So na kararating lang.
Nakuha agad ang atensyon ni Kyungsoo sa narinig.
"Nandun sa likod, tulog."
Nahimasmasan na si Kyungsoo at nakapagpakawala ng hininga.
Napangiti si Mr. So kay Kyungsoo.
Pagkarating sa resort, pupungas-pungas pa si Jongin na naka-beach outfit na. Tiningnan muna ni Kyungsoo ang guro at bahagya siya natawa nang palihim dahil nakanguso si Jongin at parang diamayado pa na naputol ang pagtulog niya.
Pero nang mapansin sya nito, dumilat na nang tuluyan ang mga mata ni Jongin at umiwas nman agad ng tingin si Kyungsoo.
Buti na lang din, hinila na sya ng ibang mga guro para sa registration.
May videoke sa loob ng hall. Lhat ng teachers at staff ng eskwelahan ay naroroon na.
Magkakasama ang mga magkakakilala sa iisang table at mga ka-table ni Kyungsoo ay pawang mga babae at lalaki naman kay Jongin.
Habang hinihintay ang kanilang breakfast, sinulit na ng iba ang pagvivideoke para hindi tahimik sa function room na nirenta ng paaralan para sa kanila.
Isinabay na rin dito ang palabunutan para sa groupings. Red heart ang grupo ni Kyungsoo at ang kay Jongin naman ay yellow star. Alam nila ang grupo ng isa't-isa dahil nakadikit sa kaliwang dibdib nila ang shape na nabunot.
Dumaan ang cheering ng bawat grupo kung saan nasa likod
si Kyungsoo dahil sa hiya, samantala, nasa harapan naman si Jongin nung nagtanghal.
Hindi sumali si Kyungsoo sa games dahil 2nd day ng kanyang period. Nanonood lang siya sa mga grupo lalong lalo na kay Jongin na napaka-conpetitive sa bawat laro.
May isang beses pa na hindi
matanggap ni Jongin ang pagkatalo ng grupo niya kaya nagreklamo pa siya sa facilitator pero nang pinaintindi sa kanya kung bakit sila natalo, sumimangot ang lalaki at ngumuso na parang bata.
Matawa-tawa si Kyungsoo sa binata.
Matapos ang games ay balik ang lahat sa function
room. Nag-videoke na naman ang mga gustong kumanta habang si Kyungsoo ay tahimik lang sa pwesto at todo paypay dahil sa init.
Nag-lunch na ang lahat at naianunsyo na ang nagwaging grupo sa games.
Pangatlo ang grupo ni Kyungsoo, at pangalawa naman sina Jongin. Si Jongin ang
tumanggap ng kanilang premyo pero nakanguso lang ito, mukhang di tanggap na sila ay natalo.
Matapos ang lunch ay free time na, pwede na mag-swimming ang mga gustong maligo.
Syempre, di papahuli si Jongin dyan na ngayon ay shirtless na at ready na lumangoy.
Samantala, medyo
makirot pa rin ang puson ni Kyungsoo pero kaya naman niya. Sabi sa kanya ng iba, maligo na lang siya dahil titigil naman daw ang regla niya sa tubig pero no thanks si Kyungsoo sa kanila.
Naglibot na lang mag-isa si Kyungsoo sa resort. Hindi lang sila ang may teambuilding sa
lugar kundi may iba rin.
Naka-summer dress si Kyungsoo at shades para hindi masilaw sa mataas na sikat ng araw.
Habang naglilibot, napadaan siya sa isang pool kung saan may tumawag sa kanya.
"Ms. Soo, ligo ka na rin!" Pagtingin niya sa kanan, naroroon si Jongin nakalublob sa
tubig pero ang kalahati ng katawan nito ay nakalitaw, display ang malapad nitong katawan.
Buti na lang at naka-shades ang dalaga kaya hindi (siguro) halata na tiningnan niya ang katawan ng ex niya.
Hindi naman na kargador, pero bakit sobrang fit pa rin ni Jongin?
"Uh, wala rin naman akong pangligo. Lilibot na lang ako." Sagot niya sa mga guro na nasa pool at pagtingin niya kay Jongin, lumublob ito sa tubig, lumangoy, inangat ang sarili paalis ng pool at umupo muna sa gilid.
Nag-flex lahat ng dapat mag-flex sa katawan ni Jongin.
"Hindi ba kita mapipilit na maligo?" Inosenteng tanong ni Jongin sa dalaga.
Umiling si Kyungsoo. "Di pwede. Lam mo na."
Gets agad ni Jongin ang dalaga. "Ah, kaya pala. Ano na gagawin mo?"
"Maglilibot. Sige una na ako."
Umalis na si Kyungsoo at ngumuso dahil hindi niya kayang
makita si Jongin na walang suot pangtaas.
Bumuntong-hininga siya.
Habang naglalakad, nakasalubong ni Kyungsoo si Mrs. Song.
"Kyungsoo, di ka ba maliligo?"
"Di po maglilibot lang po ako." Sagot niya.
"Ganun ba. Pwede ba papicture ako?" Binigay ni Mrs. Song ang cellphone sa
dalaga at nagpapicture sa signage ng resort at sa malagong gumamela na tanim sa lugar.
"Picture-an din kita."
"Naku wag na po." Tanggi niya dahil may isang alaala na biglang lumitaw sa isip niya. Yung araw na nagpapicture siya sa gumamela na tanim nina Jongin sa San Carlos.
a/n: boring updates ahead pls bear with me, drop if you don't like it and thank u if you will still be with me til the end
"Sige na. Picture-an na kita."
Dahil mapilit ang guro, sumunod na si Kyungsoo na nahihiyang nagpapicture sa likod ng namumukadkad na mga pink na gumamela.
Sa di kalayuan, natunghayan ni Jongin ang pagpapakuha ni Kyungsoo ng litrato sa mga gumamela.
Napangiti siya sa alaala ng nakaraan pero...
"Ano, pre nakuhaan mo ba?"
"Ganda niya no?"
"Gago ok lang ba 'to di tayo nagpaalam?"
"Chix eh. Tsaka para mahanap natin sa Facebook."
Di malayo kay Jongin, may tatlong lalaki na pinapanood rin si Kyungsoo at kinuhaan pa nila ng
picture. Lalapitan na sana niya ang grupo pero umalis din ang mga ito. Ganun din si Kyungsoo na hindi na ngayon kasama ni Mrs. Song.
Kinutuban na si Jongin.
Nagpatuloy lang sa paglilibot si Kyungsoo nang mapansin niya para bang may sumusunod sa kanya.
Tama ang hinala niya.
Tinaas ni Kyungsoo ang suot na shades. "Ano ginagawa mo dito? Di ba naliligo ka?"
Tumabi si Jongin sa dalaga. "Masyado na mainit dito na muna ako." Nakatingin si Jongin sa tatlong lalaki kanina na ngayon ay nagbubulungan na.
Napatingin naman si Kyungsoo sa direksyon ng mga
lalaki na papalapit na sa kanila.
"Hi, Miss. I'm Daehyun pala." Pakilala ng isa sabay abot ng note kay Kyungsoo.
Tumikhim si Jongin at umakbay agad kay Kyungsoo at tiningnan ang nakasulat sa note.
'Nawala ko ang numero ko. Pwede bang mahiram yung sayo?'
Hindi nagustuhan ni Jongin na may ibang babanat ng pick-up line kay Kyungsoo.
"Uh, pero Miss, nasa likod ko ang number ko." Sabi ng Daehyun na pumuporma kay Kyungsoo.
"Uhh..." Tumingin si Kyungsoo kay Jongin at bumalik kay Daehyun. "Sorry pero..." umiling si Kyungsoo sa lalaki.
Nilapit pa lalo ni Jongin ang babae sa kanya at umubo nang malakas.
Tumingin si Daehyun kay Jongin. "Ah, ganun ba. Pasensya na." Nag-sorry naman ang lalaki at umalis na.
Rinig pa nila, "Taken na?"
"Oo eh."
"Sayang, pre! Better luck next time na lang."
Nagtinginan ang dalawa.
"Uh..." Tumingin si Kyungsoo sa braso ni Jongin palibot sa balikat niya.
Nagets agad ni Jongin ang babae at lumayo kaunti. "Ay. Sorry."
Tahimik ang dalawa. Awkward dahil ngayon lang sila nakapag-solo nang ganito.
Baka pwede na sila mag-usap.
"Soo, baka pwede na natin--"
"Kyungsoo! Jongin! Andito lang pala kayo! Hinahanap na kayo sa loob exchange gift na!"
At mukhang hindi pa tama ang oras.
Nagexchange gift at nagbigayan na ng mga regalo ang lahat. Si Jongin medyo umaasa rin na bibigyan siya ng gift ni Kyungsoo dahil halos lahat sa faculty ay
nabigyan ng dalaga. Pero hindi lumapit si Kyungsoo sa kanya.
Di bale siya na lang ang lalapit.
"Soo," tawag niya. Lumingon ang babae at iniabot niya ang pink paperbag sa dalaga. "Para sayo. Sana magustuhan mo. Merry Christmas."
"Salamat." Ngiti nito sa kanya.
May kumakanta sa videoke ng Muli.
'Araw gabi bakit naaalala kaāt
ādi ko malimot-limot ang sa atin ay nagdaan'
Magkaharap lang sila at di alam ni Kyungsoo bigla ang gagawin.
"S-San ka magpapasko?"
'Hahayaan mo ba na maging ganoon na lang
Ang isaāt-isaāy mayroāng pagdaramdam'
"Sa condo ko lang. I-Ikaw?"
Pareho silang napatingin sa kumakanta dahil ang liriko ng kanta ay tumatagos sa kanilang mga puso.
'Bakit ādi pagbigyang muli ang ating pagmamahalan
Kung mawawala ay ādi bat sayang naman'
"Sa bahay lang din."
Sa mata ng isa't-isa sila nakatingin.
'At kung nagkamali sayo patawad ang pagsamo ko'
Tumango lang si Kyungsoo at ngumiti onti. "Salamat ulit sa gift."
"Welcome." Ngiti ni Jongin at tinalikuran na siya ni Kyungsoo at lumayo na sa kanya.
'Tayo naāt ulitin ang pag-ibig natin
Muli ikaw lang at ako'
Mauulit pa kaya?
Hindi nakatanggap ng regalo si Jongin kay Kyungsoo. Ok lang naman kahit wala. Pero ang lahat meron, siya lang ang wala.
Sa buong byahe nila pauwi nakatingin lang si Jongin sa labas at malalim na nag-iisip.
Nasaktan niya nang sobra ang dalaga noon kaya hindi malabo na hindi na-
sya espesyal pa sa knya. Marahil isa na itong hudyat sa knya na tumigil na umasa na maibabalik pa nla ang nakaraan.
Samantala, nag-iisang regalo na lang ang natira sa bag ni Kyungsoo na hindi nya maibigay sa binata. Napasandal siya sa bintana at...
sabay sila bumuntong-hininga.
Dalawang araw matapos ang pasko, pumunta si Kyungsoo sa isang concert ng mga paborito niyang pinoy bands na pinagsama-sama muli.
Kung di pa sinabi sa kanya ni Baekhyun ang tungkol dito hindi pa niya malalaman pero buti na lang at may tickets pa para sa vip section kaya agad
siyang nakabili ng ticket.
Mag-isa si Kyungsoo. Sa VIP seated siya nakaupo. Masaya ang concert. Ang mga kanta ng mga banda hindi napaglulumaan ng panahon. Huling punta niya ay nung nasa San Carlos pa siya. Yung araw na unang beses nila ni Jongib nagkasama.
Parang kahapon lang
talaga ang lahat.
Sa pagtapos ng concert at paglabas ni Kyungsoo na may halu-halong emosyon na nararamdaman--lungkot, saya, pagkabigo, Jongin, Jongin. Oo, si Jongin lang ang kanyang naiisip sa lahat ng kantang tinugtog kaya't nanlalambot ang katawan niya at tila nanghihina.
"Kuya!!"
Agad napatingala si Kyungsoo pagkalabas na pagkalabas ng venue. Sa di kalayuan, at tila nananadya talaga ang tadhana, naroroon si Jihee na papunta sa direksyon ng Kuya niya. Nasa tabi naman ni Jongin si Jihye. Malalaki na ang dalawa at dalagang-dalaga na.
Umakbay si Jongin kay Jihee at lumakad na ang magkakapatid papalayo habang nag-uusap.
Bumigat bigla ang dibdib ni Kyungsoo dahil ang nakaraan ay parang umuulit muli. Kung noon sa San Carlos ay nagkita sila ni Jihee, ngayon hindi na.
Pinapanood na lang niya ang magkakapatid na
papalayo na nang papalayo sa kanya hangga't hindi na niya sila makita pa.
Nanigas si Kyungsoo sa kinakatayuan at nangingilid na ang mga luha. Ang mga alaala ng nakaraan ay minumulto na siya ngayon sa kasalukuyan.
May bumunggo kay Kyungsoo.
"Ano ba yan haharang-harang kase eh."
Kung hindi sa taong bumunggo sa kanya sa harap ng exit, hindi pa gagalaw si Kyungsoo para lumakad at makauwi na.
Hindi ba dapat masaya siya ngayong concert? Pero ang lungkut-lungkot niya.
Sa pagsakay niya sa Grab, at pagkaalis nila, pagtingin niya sa bintana, nadaanan nila ang
tatlong magkakapatid na naglalakad habang nagkukwentuhan at nagtatawanan. Napahawak si Kyungsoo sa bintana at nilingon ang tatlo sa abot ng makakaya niya hanggang sa pumalayo ang sasakyan.
Ang ngiti ng tatlong magkakapatid ang tumatak sa kanyang isipan.
A/N: trivia, malapit na pala matapos to!!! onti na lang ang mga magaganap at yes po may sakitan pa para sa kasukdulan! Maraming salamat sa pagsubaybay at pagtangkilik ng twtfic na ito kahit feeling ko e ang panget panget talaga nito Thank you!!
Lumipas ang mga araw at dumating din sa wakas ang bagong taon.
Magkaka-chat lang sina Jongin at ang tropa sa pagbabatian ng Happy New Year pagsapit ng alas dose ng gabi.
Ganun din si Kyungsoo na ka-video chat ang kanyang tatay at Kuya sa States.
Miss na miss na nila ang mga
mahal nila sa buhay, gayun din ang bawat isa na habang nakatingin sila pareho sa kisame, ngalan ng bawat isa ang tawag nila.
"Jongin."
"Kyungsoo."
At sabay silang bumuntong-hininga at humarap sa direksyon kung saan madalas nakahiga ang isa noong natutulog pa sila noon sa
iisang kama sa tahanan ng mga Kim sa San Carlos.
Pakiramdam nila, bumalik sila sa nakaraan, magkaharap, magkatingin sa mga mata.
Pero sa kasalukuyan, nag-iisa lang sila sa magkahiwalay na kama.
Dear Hyesoo,
Happy New Year nak! 6 yrs old ka na sana no, ang bilis ng panahon.
Nga pala, bigay to ng Papa mo sa akin. Sa lahat ng pwede iregalo talagang diary pa ang binigay nya. Parang alam nya na madalas kitang nasusulatan at paubos na ang isa kong notebook kakasulat sayo.
Musta na kayo ni Mama dyan? Madalas ba kayong kumanta dalawa? Duet na kayo no?
Hay, Hyesoo. Feeling ko ang sama-sama ko. Yung regalo ko sa Papa mo hindi ko maibigay. Naduduwag ako. Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko. Ibibigay ko lang naman yung regalo pero natatakot ako.
Maraming nangyari sa mga nakalipas na araw sa amin, nak. Minsan gusto ko na lang yakapin at halikan ang papa mo at sabihin sa kanya na sa kanya na lang ulit ako pero hindi ko magawa. Takot na takot ako Hyesoo. Takot na takot ako na uulit ang lahat sa dati, na mauuwi pa rin kami
sa sakitan. Na ang kaligayahan at kilig na ito ay di magtatagal. Parang dati lang.
Hindi ko pa rin siya magawang makausap tungkol sa lahat. Hindi ko alam kung kailan ako magiging handa. Ang gulu-gulo ng isip ko. Ang hirap sumugal ulit nak. Isa pang ikinakatakot ko ay ang
malaman kung bakit niya ako hiniwalayan noon. Alam ko parte na ng nakaraan ang lahat pero hindi ko maiwasan, nak. Ayoko na gusto kong malaman ang kanyang dahilan pero natatakot rin ako na baka pag nalaman ko ay mahanapan ko ng mali at tuluyan ko nang kamuhian ang iyong Papa.
Pero hindi lang yun. Baka kabaligtaran pa ang mangyari at ako ang kamuhian niya pag nalaman niya na pinabayaan kita, ikaw, na anak niya.
Mapaglaro ang tadhana, nak. At ewan ko pa kung makakaya ko pa ang mga susunod na kabanata.
Love,
Mama
Sa pagbabalik klase, balik sa normal ang lahat.
"Wow ang cute naman ng stuffed toy na yan." Puri ng isang guro sa nilagay na stuffed toy ni Ms. Sha sa kanyang desk.
"Cute no? Regalo yan ni Kyungsoo sa akin. Ano ba natanggap mo?"
"Stuffed toy din, baboy akin, ka-year ko."
"Yung natanggap ko sumbrero." Sagot naman ng isang lalaking guro.
Sumali na rin si Mr. So. "Uy, cap din akin. Ikaw ba Jongin, ano natanggap mo kay Ms. Soo?"
Ilang segundo nanahimik si Jongin dahil sa inggit sa mga katrabaho na may natanggap na munting regalo galing sa dalaga.
Tumawa si Jongin nang mapait. "Journal bigay niya sa akin." Pagsisinungaling niya dahil ayaw niyang masira ang tingin ng iba kay Kyungsoo. At kung ano ang regalo niya sa dalaga, yun na lang din ang sinabi niyang regalo ni Kyungsoo s akanya.
"Yiee." Hiyaw nilang lahat sa kanya.
"Eh, Teacher Kim, kelan mo na kasi itatanong ng date si Ms. Soo e halatang may gusto rin naman siya sayo."
"Oo nga, madalas kong nahuhuli yan si Ms. Soo tumitingin sayo. Lalo na nung nag-swimming tayo. Type na type ata katawan mo, Jongin."
Tumawa ang lahat liban sa kanya.
Yumuko bahagya si Jongin. "Kapag naka-tiyempo siguro tsaka ko sya aayain ng date."
Kahit pakiramdam ni Jongin hindi na ata siya makaka-tiyempo.
"Wag na tsumyempo pa! Agad agad na!" Sabi ng isang guro pero napangiti na lang onti si Jongin at tumingin sa bakanteng desk ng dalaga.
Kaarawan ni Kyungsoo.
Naka-video chat niya sina Baekhyun, ang tatay at ang Kuya Seungsoo niya bago mag-alas dose ng gabi.
Si Baekhyun, dinadala ang usapan kay Jongin pero iniwasan ni Kyungsoo ang mga iyon.
Pero nang maka-chat ang ama, ito ang naging usapan nila:
"Nak? Anong wish mo ngayong birthday mo?"
"Dad, wala akong wish." Ngiti niya sa ama.
"Are you sure? Di mo ba naiisip na i-wish ulit na...magkita kayo?"
Umiwas ng tingin si Kyungsoo at ngumiti onti. "Kung si Jongin po ang tinutukoy niyo, co-teacher ko po siya."
Katahimikan.
"Have you talked to him? Lalo na about kay Hyesoo?" Tanong nito sa kanya.
"N-Not yet."
"Kelan mo sasabihin?"
"H-Hindi ko alam, Dad."
Tinitigan siya ng ama nang taimtim. "Ano ba gumugulo sa isip mo?"
Nataranta si Kyungsoo. "T-Takot? Takot sa mga pwedeng mangyari ulit?"
Naiintindihan ni Mr. Do ang anak. "Nak, kasalanan ko 'to eh."
"Shh," Umiling si Kyungsoo. "Dad, tapos na tayo dyan. Wag mo na isipin pa yan. Dad, birthday ko, di pwedeng malungkot tayo, hm? W-Wag muna natin 'to pag-usapan, please?"
Tumango ang ama niya at ngumiti kahit bakas
pa rin ang lungkot at pagsisisi nito sa mukha. "Happy Birthday, nak. Mag-iingat ka dyan palagi ah?"
"I will, Dad. Thank you at kayo rin po."
"Mahal kita, anak." Ngiting malambing nto sa kanya.
Ibang-iba na ang tatay nya ngayon, patanda na nang patanda.
"Mahal din kita, Dad."
Pagpasok ni Kyungsoo, binati siya ng mga katrabaho. Pati sa mga estudyante niya, nakarating din ang balita at sinulatan pa siya ng lettering na Happy Birthday Ms. Do sa pisara.
Pagbalik niya sa faculty room, note ni Jongin ang nakuha niya, nakadikit sa harap ng T.L.E book
niya.
'Talaga bang 28 ka na? Para kasing 18 ka lang
Happy Birthday Kyungsoo '
-KJI
Pagtingin niya kay Jongin, mahimbing ang tulog nito sa desk, pero nginitian pa rin niya ang binata at tinabi ang note sa kanyang drawer.
Dumating ang uwian at sinundan ni Jongin si Kyungsoo sa sakayan.
"Soo!" Pagpigil niya sa dalaga bago ito sumakay ng jeep na pinara.
Sa tagal ni Kyungsoo, umalis na ang pinara na jeep at nilingon niya si Jongin na hingal na hingal at may inabot sa kanyang maliit na paperbag.
"H-Happy Birthday ulit. Gift ko, para sayo."
Tiningnan ni Kyungsoo ang paperbag at kinuha iyon. "S-Salamat. Di ka na sana nag-abala pa."
"Walang kaso sa akin yun, Soo. Sana magustuhan mo, kahit maliit lang yan."
"Hm. Salamat ulit. Sige una na ako."
Nagmamadaling umalis si Kyungsoo, pumara na siya at agad sumakay.
"B-Bye..." Paalam niya sa dalaga kahit malayo na ang jeep na sinakyan ni Kyungsoo.
Napayuko na lang sya.
Sa jeep, na-guilty si Kyungsoo sa agad pag-iwan kay Jongin.
Tiningnan nya ang regalo ng lalaki.
Keyring.
Napangiti bahagya si Kyungsoo dahil nakita niya ang sarili sa keyring na bigay sa kanya.
Kamukha niya.
Pagsilip niya sa labas ng jeep, dahil nasa bungad lang siya nakaupo, wala na si Jongin sa kinakatayuan nito kanina.
Napatingin ulit siya sa regalong natanggap at nalungkot.
January 14.
Birthday ni Jongin.
Pagpasok niya, pagbati agad ng mga katrabaho ang bumungad sa kanya. Pati na rin ni Kyungsoo na tipid na ngumiti sa kanya.
Wala naman masyadong ganap sa kanyang araw sa paaralan. Pwera na lang sa pagtukso sa kanya ng ibang guro patungkol
sa magkalapit na birthday nila ni Kyungsoo at baka raw soulmates sila.
Habang masaya ang iba sa ganung pananaw, may lungkot naman sa dibdib ni Jongin.
Natapos ang araw nang hindi siya binabati nang personal ni Kyungsoo.
Pakiramdam niya iniiwasan na siya ng babae pero ayaw
niyang maging asumero na ganun na nga. Baka naman din kasi, busy lang talaga ang dalaga. O sadyang wala na talaga siyang mapupwestuhan pa sa puso ng dalaga.
Bumati na nga ito kanina pero yun ay nung nagbabatiaan ang lahat sa kanya sa faculty. Umasa pa naman siya na lalapitan
siya nito pero hindi nangyari.
Co-teachers na lang naman sila di ba?
Kaysa magpakalungkot, nagpakasaya na lang si Jongin kasama ang mga kapatid na kumain sa Vikings.
Samantala sa condo ni Kyungsoo, hawak niya ang paper bag na regalo niya sana kay Jongin pero hindi niya ibinigay. Relos iyon.
Nang makita niya ang relos na iyon sa mall, alam niyang babagay iyon kay Jongin kaya iyon ang kanyang binili.
Pero mukhang mahihilera na lang niya
iyon sa Christmas gift niya na libro na hindi rin niya naibigay na nasa desk niya.
Napauntog na lang ng noo si Kyungsoo sa ibabaw ng test papers na inuwi niya.
"Ano yan baks iipunin mo na lang gifts mo sa kanya at hahayaan mong amagin dyan sayo?" Irap ni Baekhyun sa kanya.
"Hindi ko mabigay..." Walang kabuhay-buhay na sagot niya habang nakatulala sa sahig.
"E bakit di mo mabigay regalo lang naman yan?"
Tumingin siya sa screen. "A-Ayoko kasi siya paasahin? Na baka lalo siyang umasa sa akin?"
"Ha??? Baks, yung braincells ko ah nababawasan sayo."
Nanahimik lang si Kyungsoo.
"May pag-asa naman kase talaga kayo ikaw lang 'tong takot."
"E, pano kung wala naman talaga? Kung ibibigay ko yung mga yun sa kanya, maalala lang niya ako sa mga yun, ako na baka masaktan siya."
"Pero yung mga regalo niya sayo tinanggap mo naman e-
di parang ganun din yun! Sinaktan ka na nga niya di ba? Ayan may nadagdag na regalo para sayo bukod sa bracelet na bigay niya sayo. More items to remind you of him, na siyang nang-iwan sayo, sa inyo ni Hyesoo. Hay nako, baks, nakakaboba pag-ibig no? Hay nako braincells ko dayy!"
May punto si Baekhyun sa mga sinabi kaya nanatili lang siyang tahimik.
"Ito pa ah, tutal gustong-gusto mo naman na pinapagalitan kita, well, baks, masyado mong pinapangunahan ang mga mangyayari. Wala pa nga, kung anu-ano na iniisip mo. Kaya, ibigay mo na yan kay Jongin."
Pero hindi niya pa rin binigay ang mga iyon.
Hindi pa rin papatinag si Jongin sa pagpapadala ng notes kay Kyungsoo kahit na ramdam na niya na malabo na sila para sa isa't-isa. Pero hangga't hindi mismo nagsasabi si Kyungsoo na tumigil na siya, patuloy siyang aasa at gagawin
ang lahat maipanalo muli ang pusong sinaktan niya.
Dahil abala na sila para sa monthly exam ng mga bata, abala na muli ang mga guro sa kani-kanilang mga tasks.
"Kyungsoo, una na ako sayo. Bye." Paalam ni Ms. Chi sa kanya.
"Una na rin ako." Sumunod na rin ang iba pa.
"Soo, matagal ka pa ba?" Tanong ni Ms. Sha sa guro na abala pag-cocompute ng grades ng mga bata.
"Matagal pa. Una ka na."
Pagkaalis ni Ms. Sha, dalawa na lang sila ni Jongin sa faculty room.
Masyadong abala si Kyungsoo kaya hindi na nagawang gambalain pa ito ni Jongin.
Kahit wala nang gagawin, nanatili si Jongin sa faculty at pinapanood lang si Kyungsoo.
Dumaan ang oras.
Nagligpit ng gamit si Kyungsoo at tumayo na. Ganun rin si Jongin.
Pagtalikod ni Kyungsoo, napahawak ito sa dibdib sa gulat.
"Jongin, andito ka pa??"
Tumango ang guro.
"Hinihintay kita."
Tumikhim si Kyungsoo at umiwas ng tingin. "Uwi na ako."
Lumabas na sila ng paaralan. Nasa likod lang si Jongin ng dalaga.
Pagdating sa sakayan, kung ano ang sinakyan ni Kyungsoo ay dun din sumakay si Jongin.
Magkaharap sila ng upo sa jeep.
Di naman na ito pinag-isipan ng kung ano ni Kyungsoo dahil pareho naman talaga sila ng daan.
Yun nga lang, ngayon lng sumabay sa kanya si Jongin.
"Di ka pa ba bababa?" tanong ni Kyungsoo sa knya.
Umiling ang lalaki. "Kakalagpas lng natin sa bababaan ko."
"Bat di ka bumaba??"
"Hatid muna kita sa inyo. Mag-aalas otso na kase."
Tumingin sa relos si Kyungsoo. 7:30 pa lang naman. Umiwas na lang siya ng tingin at hindi na sumabat pa.
Pagkababa nila, nilingon ni Kyungsoo si Jongin. "Dito na ako, uwi ka na."
"Samahan na kita maglakad."
Hindi na umangal si Kyungsoo.
Malapit lang din naman ang lalakarin nila kaya hinayaan na niya. Kaso habang naglalakad, naalala niya bigla ang unang beses na ihatid siya ni Jongin pauwi.
Puro pick-up lines, puro katatawanan, at saya lang.
Ngayon, awkward na.
"Dito na ako." Huminto sila sa tapat ng mataas na building.
Tumingala si Jongin, binulsa ang mga kamay at nginitian si Kyungsoo. "Sige na, pasok ka na. Pero buti na lang ok yung lugar dito walang tambay. Baka kase may mambastos sayo."
Umiling si Kyungsoo.
"Buti wala pa naman at sana wala talaga. Sige na, uwi ka na hinihintay ka na rin panigurado ng mga kapatid mo."
"S-Sige." Ang tanging sagot na lang ni Jongin. "Pasok ka na."
Ngumiti onti ang dalaga sa kanya bago pumasok na sa building.
Paglingon ni Kyungsoo, nandun pa rin si-
Jongin na nakatingin at kumaway pa sa kanya.
Pagpasok pa sa loob-looban ni Kyungsoo, huminto siya. Bumalik malapit sa entrance at sumilip sa labas.
Naglalakad na papalayo si Jongin.
Pakiramdam niya, bumalik siya sa bahay nila sa San Carlos nang dinungaw din niya si Jongin sa
bintana ng kanyang kwarto.
Lumakad na lang siya papunta sa elevator.
Napatingin si Kyungsoo sa kanyang kalendaryo.
Malapit na ang death anniversary ni Hyesoo.
Bago pa malunod sa kalungkutan, nag-ring ang kanyang cellphone.
"Hello?"
"Kyungsoo!"
"Sino to?"
"Hulaan mo."
"Hello, Kuya? Ano may papabili ka ba?" Tanong ni Jihee papalabas ng school.
"Asukal tsaka mantika paubos na. Tsaka shampoo pa pala. Tinapay din. Tingnan mo yung expiration date ah?"
"Sige, Kuya." Pagkababa ng cellphone, tumungo na si Jihee sa sakayan papunta sa mall.
Matapos mamili, nag-libot muna si Jihee sa mall at bumili pa ng milktea. Habang naglilibot, nahulog niya ang panyo na hawak kaya dinampot niya ito at pinagpag.
Ngunit sa kanyang pagtayo, dun niya napansin ang di inaasahang makikita sa araw na iyon.
"Si Ate Soo yun ah." Banggit niya habang pinapanood si Kyungsoo na tumatawa habang kumakain. Masaya ang ngiti at nanliliit ang mga mata sa sobrang tuwa.
May kaharap na gwapong lalaki ang boto niyang babae para sa Kuya niya. Masaya silang nagkukwentuhan at nagtatawanan.
Sa nakita lalo na sa paghawi ng lalaki sa buhok ni Kyungsoo, nasaktan si Jihee para sa kuya niya. Napakasaya na pala ni Ate Kyungsoo sa piling ng iba.
Pagkauwi ni Jihee, malungkot ang kanyang itsura.
"Jihee, ba't nakasimangot ka?" Tanong ni Jongin sa kapatid.
"Kuya, mahal na mahal mo si Ate Soo di ba?" Biglang tanong nito.
Lumitaw na rin si Jihye sa likod ni Jongin at tiningnan ang kapatid.
"Oo naman. B-Bakit?"
Mistulang walang enerhiya ang itsura ni Jihee. "Pano pala kung may iba na pala siya? Pano mo na siya babalikan pa?"
a/n: matulog na kayo
"Para kang sira sa mga jokes mo, ang kokorni." Tawa pa rin ni Kyungsoo at napailing. Ngunit sa gitna ng kanyang pagtawa, may napansin siya sa labas. Pakiramdam niya may kung sinong nanonood sa kanya. Pero pagtingin niya, wala namang nakatingin.
Sa gilid pa kasi sila pumwesto, nadadaanan tuloy sila ng kung sinu-sino.
"Wala ka pa ba dini-date?" Tanong ng lalaki sa kanya.
"Ba't mo naman natanong yan?"
"Bawal ba?" Tawa ng lalaki bago sumubo ng pagkain, ngumuya at lumunon. "O hinihintay mo pa rin siya?"
Hindi sumagot si Kyungsoo. Tinitigan lang siya ng kaharap.
"Daddy!" Tawag ng isang batang babae na tumakbo at nagpakarga agad sa lalaking ama.
"Seonho, ayusin mo nga yung towel niya sa likod." Wika naman ng isang babae na tumabi sa asawa nito at inayos ang headband ng kanilang
years old na anak.
Nag-cr kasi ang mag-ina kaya nawala sila saglit.
Habang pinapanood ang pamilya ni Seonho sa kanyang harapan, hindi maiwasan ni Kyungsoo ang mainggit. Lalo pa at babae ang anak ng kanyang ex-husband. Pero masaya siya para sa lalaki na nahanap na rin nito sa-
wakas ang tamang babae para sa kanya.
Inayos ng upo ni Seonho ang anak na si Haemi sa kanyang kanlungan.
Bungisngis ang anak ni Seonho at nakatingin ito kay Kyungsoo na ngiting-ngiti.
Umalis bigla si Haemi sa kandungan ng tatay at tumabi kay Kyungsoo.
Tinapik ni Kyungsoo ang ulo ng inaanak. "Laki na niya. Ang bilis." Ngiti ni Kyungsoo kina Seonho at Sohee.
"It's in the genes, Kyungsoo." Sagot ni Seonho.
"Gusto na niya ata sumama sayo, Soo." Sabi naman ni Sohee dahil nakasandal na si Haemi sa kanya at pinakita pa sa kanya ang
Barbie watch na suot niya.
Hinimas ni Kyungsoo ang likod ng inaanak at ngumiti sa kanya.
Naalala na naman niya si Hyesoo.
Kaya pag-uwi niya matapos makipagkita kina Seonho na nagbabakasyon ngayon sa Pilipinas, napayakap siya sa kanyang diary at umiyak.
Lunch time at nasa canteen si Jongin kasama ang mga gurong kasabay niya kumain.
"Mr. Kim, kanina ka pa parang wala sa mood." Sabi ni Mr. So na kanyang katabi.
"Ha? Anong wala sa mood? Nasa mood ako. Kulang lang ata sa tulog."
Hindi naniwala si Mr. So sa guro kaya nang matapos
sila kumain, sinundan niya si Jongin sa banyo ng mga lalaki.
"Pre, may problema ba? Si Kyungsoo ba?"
Matapos maghugas ng kamay ni Jongin, tinungkod ni Jongin ang mga kamay sa gilid ng sink at bumuntong-hininga.
"Nakita kasi siya ng kapatid ko sa mall. Sa isang kainan may-
kasamang lalaki. Masaya siya, tumatawa. Mga bagay na di ko magawa sa kanya. Nalulungkot lang ako."
"Ibang-iba talaga tama mo kay Ms. Soo. Pero pre, baka naman kaibigan lng yun. Wag ka muna mag-assume.
"Alam ko, pero.."
"Pero baka wala ka na talaga pag-asa?"
Tumango si Jongin.
"Pre, sorry sa itatanong ko ah pero curious lang ako..." lumunon si Mr. So. "May n-nakaraan ba kayo ni Kyungsoo?"
Tumingin si Jongin sa mga mata ng kaibigang guro at ngumiti nang malungkot.
Napabuga na lang si Mr. So ng hininga at tinapik si Jongin sa balikat.
Tahimik sa faculty room dahil abala ang lahat.
Pasulyap-sulyap pa rin si Jongin kay Kyungsoo at napangiti naman siya na binabasa at tinatago pa rin ni Kyungsoo ang mga notes niya sa kanya.
Dumaan si Mr. So at huminto sa gilid ng lamesa ni Kyungsoo.
"Ms. Soo, nakita kita nung-
Sabado sa mall. Nasa Savory ka kita ko. Ikaw ah, sino yung lalaking kasama mo?"
Lahat na ng atensyon ay napunta sa kanila.
Nagulat si Jongin ni Mr. So pero nginitian lang siya nito bahagya.
Samantalang si Kyungsoo, napataas ng bagong thread niyang kilay.
"Ex ko, bakit?"
Nawindang si Jongin sa narinig pero hindi siya nagpahalata at nagpatuloy lang sa paggagrado ng mga papel.
Tumikhim si Mr. So at pinanood si Kyungsoo na nagcocompute ng grades. "Nakikipagbalikan ba sayo?"
"Kaya nga ex eh kasi wala na. Wala na siyang babalikan."
Nasaktan lalo-
si Jongin sa narinig. Gusto na niyang mapag-isa na.
"Talaga ba?" Hirit pa ni Mr. So sa kanya.
"May pamilya na yun kaya walang magkakabalikan." Pagsusungit na ni Kyungsoo habang mariin na ang papipindot sa calculator.
"Ahh. Ayun, natanong ko lang. Saya-saya niyo kasing dalawa."
Hindi na sumagot pa si Kyungsoo at naging hudyat na iyon kay Mr. So na umalis na sa pwesto ni Kyungsoo.
Pagkaraan ni Mr. So kay Jongin, isang comforting smile ang binigay nito sa kanya.
Pero hindi pa rin maalo ang puso ni Jongin na unti-unti nang nawawalan na ng pag-asa.
Valentines Day.
Araw din nang nawala si Hyesoo sa kanya.
Walang gana pumasok si Kyungsoo, pero pumasok siya dahil palapit na ang exams ng mga bata. Matagal naman na ang lumipas pero masakit pa rin sa kanya ang pagkawala ng panganay nila ni Jongin.
Mula byahe niya papunta sa paaralan, puro bulaklak, balloons at kung anu-ano pa ang nakikita niya sa daan.
Pero mas malala kapag nakakakita siya ng batang babae na palagay niya ay anim na taong gulang na, lalo siyang nalulungkot.
Pagdating sa eskwelahan, masaya ang lahat kaya
nagpanggap na lang din siya na masaya.
Napaka-festive ng atmospera at may mga pakulo pa ang ibang clubs para ngayong Valentines Day. May mga estudyante na nag-aasaran sa mga crush nila, nagbibigayan ng anonymous notes at ang pinakabongga pa ay may pa-song request pa sa gym at
shout-out to your crushes.
Natatawa na lang si Kyungsoo sa mga ganitong pakulo na napaka-tweetams at cute na rin kung iisipin.
Nagpatuloy ang mga klase kahit na minsan ay may class interruptions dahil sa mga anonymous letters na pinapadala ng isang club sa mga klase.
Tuwing may estudyante si Kyungsoo na nakakatanggap ng note, si Jongin ang naaalala nya.
Pagkabalik nya sa faculty room, note ni Jongin ang bumungad sa kanya sa unang pahina ng T.L.E book sa desk nya.
'Sana pwede pa nating mabalik ang ikaw at ako.'
Tinabi niya ang note na iyon.
Dumaan ang lunch kung saan napansin niya na wala si Jongin sa canteen. Nauna na rin siyang umalis matapos kumain para bumalik na sa faculty, ngunit sa pagdaan niya sa gym, isang tugtugin ang nagpahinto sa pagkabog ng kanyang puso.
'And I'll always love you
Deep inside this heart
of mine
I do love you'
At sa pag-angat pa niya ng tingin at sa paghupa ng mga estudyanteng dumadaan sa kanyang harapan, nasa kabilang dulo si Jongin, nakatayo at nakatingin sa kanya.
'And I'll always need you
And if you ever change your mind
I'll still, I will love you'
a/n: alam kong mapapatay niyo ako kaya sorry na in advance. drop niyo na lang talaga if u cant take it anymore huhuhu im zo zorry and goodnight. bukas na lungz ulit
Sumakit ang ulo ni Kyungsoo sa mga pasaway na estudyante. Kung kelan patapos na ang araw ay dun pa siya bibwisiten.
Valentines Day, oo, pero masyadong magulo na ang hallways ng paaralan dahil sa mga grades 5 at grades 6 na naghihiyawan. Ganun na rin sa klase lalo na sa
panghuling klase ni Kyungsoo kung saan tatamad-tamad na ang mga bata at mga mukhang wala nang gana magklase.
Pinalagpas muna iyon ni Kyungsoo, ngunit paingay na nang paingay ang mga bata at lalong naiirita na ang guro.
Ang dami na ngang bumabagabag sa isip niya, dadagdag pa ang
huling klase niya.
Dinabog niya ang kanyang desk sa inis. "Class quiet!"
Hindi pa rin huminto ang mga bata at tila walang narinig kaya dahil dito hinampas ni Kyungsoo nang malakas ang makapal na T.L.E book sa lamesa. "ANO BA!? DI BA KAYO TITIGIL!? I SAID QUIET!"
Hiningal si Kyungsoo sa ginawa. Nanahimik na ang klase.
"Mag-uuwian na, di niyo pa rin ba kayang magtiis man lang!? Valentines Day, yes, pero di ibig sabihin tatratuhin niyo ang klase ko ng ganito na walang pakialam. Kayo lang nangganito sa akin ngayon. Yung iba kong class,
kahit naiinterrupt, hindi ganito kaingay, hindi ganito kung anu-ano ang ginagawa habang nagkaklase ako. Kabastusan yan eh. Kaya please, please onting tiis na lang. Minimize niyo kaingayan niyo." Pagmamakaawa niya sa mga bata na ngayon ay nakayuko na.
"Sige, balik na tayo sa talakayan okay? Please lang, makinig naman kayo sa akin." Naluluha niyang sabi bago bumalik sa pisara para ituloy ang pagtuturo.
Pagod na pagod at drained na si Kyungsoo sa araw na ito.
Nilapag niya ang gamit sa kanyang lamesa at napahimas sa kanyang
namimintig na ulo.
Kaya naman imbis na sa faculty niya tapusin ang natitirang trabaho, nagligpit na siya agad ng gamit para makauwi na't makapagpahinga.
Nanonood naman si Jongin sa kanya sa likod at nakaramdam ito na paalis na si Kyungsoo kaya nagligpit na rin siya ng gamit.
Pero huminto si Kyungsoo. Naisip niya na dito na lang gawin ang natitirang trabaho kesa biglang atakihin ng lungkot sa napakatahimik niyang condo.
Napakurap naman si Jongin sa likod at pakiramdam niya ay may bumabagabag kay Kyungsoo. Napabuntong hininga na lang ang binata at
hinintay si Kyungsoo na umalis para maibigay ang bili niyang tsokolate at rosas para sa dalaga.
Unti-unti nang nagsisialisan ang mga guro.
Si Mr. So, binigyan pa sya ng high five bago umalis at isang 'kaya mo yan, Mr. Kim' dahil isa sya sa nakakaalam ng kanyang binabalak.
Suwestyon iyon ng kanyang tropa sa kanya nakaraang gabi at palagay din naman ni Jongin, oras na rin ito para kanyang gawin.
Sana lang perfect timing itong Araw ng mga Puso.
Nang makita na nagliligpit na talaga ng gamit si Kyungsoo, kinuha ni Jongin ang regalo niya para sa
dalaga na nasa ilalim ng desk niya muna itinago. Tumayo na siya sukbit ang kanyang sling bag at iniabot ang munting regalo para sa minamahal.
"Para sayo..."
Tumingin si Kyungsoo sa regalo ni Jongin at tinanggap iyon. "S-Salamat. Di ka na sana nag-abala pa."
Napahimas si Jongin sa batok. "Wala yun. Happy Valentines Day, Soo."
Tiningnan maigi ni Kyungsoo si Jongin bago umiwas ng tingin. "Happy Valentines din." bulong nya.
Umalis na sila ng faculty room nang sabay. Wala na ang mga estudyante sa paligid kaya tahimik na ang campus.
Si Kyungsoo, nagmamadaling naglalakad dahil di niya kakayaning tumagal pa kasama si Jongin lalo na at ito ang araw na nawala si Hyesoo sa kanila.
Gusto pa nga niya sana manatili sa faculty room pero nang mapansin na naroroon pa si Jongin, nagdesisyon na siyang umalis pero
mukhang wala pa rin siyang takas sa lalaki.
"Soo." Marahang kumapit si Jongin sa balikat ng dalaga.
Tumingala si Kyungsoo sa kanya.
"Ano, kase, alam kong hindi naging maganda ang nakaraan natin--"
"Diretsuhin mo nga ako, Jongin. Ano bang gusto mo?"
Napayuko si Jongin at inipon ang lakas para itanong ang nais. "Soo...May tsansa pa ba ako makabalik sayo?"
"Tingin mo?"
"Ayoko umasa kaya di ko alam ang sagot." Malungkot na ngiti-ngiti ni Jongin.
"Tama yan wag ka umasa kase wala." Matigas na sagot ng dalaga.
Napatingala si Jongin at tiningnan si Kyungsoo sa mga nag-aalab na mga mata nito. "W-Wala?"
"Jongin, look, kung ano man namagitan sa atin noon, hanggang dun na lang yun. Di ba ikaw nakipagbreak? Bakit hinahabol mo na naman ako? Kung kelan ayaw mo na, ayaw mo na pero kung kelan
mo gusto ulit tingin mo ganun na lng yun kadali mabalik sayo?"
"S-Soo...g-ganito--"
"Jongin, i have to be honest na ah? Please tigilan mo na to. Wala nang tayo. Hindi na maibabalik pa yun. Ayoko na. Umayaw ka noon nung gusto ko pa pero ngayong gusto mo na ulit, ayaw ko na kaya
please, awat na. Please?"
Tumango si Jongin na may lungkot sa labi. "Rerespetuhin ko yan, Kyungsoo."
Katahimikan.
Di na alam ni Kyungsoo ang sasabihin kaya nag-settle na lang siya sa, "Salamat dito sa gift."
Pero nakangiti pa rin si Jongin sa kanya. Nakangiti pero alam niyang
nadurog niya ang puso ng lalaki sa mga salitang di niya pinag-isipan maigi. Bigla niya tuloy gustong bawiin ang mga sinabi niya sa lalaki.
"W-Welcome... Uh, sige, alis na ako. Pasensya na sa lahat ng ginawa ko sayo kung di ka man naging kumportable. H-Hayaan mo, hihinto na ako.
Salamat din at nasabi mo na rin yan sa akin para matuldukan ko na ang pag-asa na...maibabalik pa natin ang dati. Sige, Soo. Uwi ka na. Ingat ka."
At kahit nagdurugo ang puso, sa huling pagkakataon, tinapik ni Jongin ang ulo ni Kyungsoo at lumakad na paalis.
Nang tuluyan nang nawala si Jongin sa kanyang paningin, dun lang nagising si Kyungsoo sa ginawa at napasambit pa ng, "T-Teka!"
Pero hangin na lang ang nakarinig sa kanya. Wala na si Jongin. Pinakawalan na niya.
Sa taxi siya pauwi napaiyak.
Sa mga sumunod na araw, wala nang notes galing kay Jongin, wala nang pasulyap-sulyap ang lalaki at higit sa lahat, malamig na ang pakikitungo ni Jongin sa kanya na di niya alam kung mas kakayanin pa niya sa mga natitirang araw ng klase.
Dinadaanan na lang siya ni Jongin na
para bang hangin. Hindi kinakausap, hindi nginingitian. Ni hindi na rin pasikretong pinapanood siya tuwing siya ay nagkaklase. Wala na ang dating Jongin na inibig niya at iniibig pa rin niya hanggang ngayon dahil ibang-iba na si Jongin
May mas sasakit pa pala sa nangyari noon
mas masakit pala na sa araw-araw kayong nagkikita, e hindi ka na pinapansin ng taong mahal mo na kumatok sa puso mo pero tinaboy mo.
Sobrang torture pala ang ganito.
"Ayan ang nagagawa ng katangahan mo. Hay nako, Kyungsoo. Nagtanong na nga sayo kung bibigyan mo ng chance pero
tinaboy mo. Ayan, iiyak-iyak ka ngayon. Tagal-tagal ko na kasing sinabi sayo na palambutin mo yang ulo mo. At tandaan mo ah, di lang ulo pinapagana dito, pati rin puso. Dalawa yan."
Napapunas ng luha si Kyungsoo. "Oo na, ako na tanga, bobo, ano pa?" Hikbi niya. "Mas masakit pala
ang ganito."
Napapunas ng mukha si Kyungsoo. "Baks, di pa huli ang lahat. Gising na, please? Itama mo na 'to. Napakalinaw na mahal na mahal niyo pa rin ang isa't-isa. Kung magmamatigas kayo pareho wala talagang mangyayari. Baks, ikaw naman ang gumawa ngayon ng paraan, hm?"
Tatlong araw nang lumalaklak ng Red Horse si Jongin bago matulog.
Napakasakit. Ganito rin siguro ang naramdaman ni Kyungsoo noon nung nakipaghiwalay siya sa kanya.
Pinaasa niya ang dalaga na nauwi sa wala. Parang ngayon, bumalik sa kanya, umasa siya para sa wala.
Ang sakit-sakit.
Napapaiyak na lang si Jongin sa kanyang kwarto at titingnan ang pina-print niyang litrato nila ni Kyungsoo noon sa tabi ng tanim nilang gumamela noon sa San Carlos na tago-tago niya sa kanyang wallet magpasahanggang ngayon.
Sinabi na nga ni Kyungsoo na wala na-
pero hindi pa rin niya kayang tanggalin ang litrato sa wallet niya.
Iinom siya, titingnan ang litrato, iinom at iiyak ulit, inom.
Kung sabagay, tama rin naman ang mga sinabi ni Kyungsoo sa kanya. Nakipaghiwalay siya noon kung kelan niya gusto at ngayon nakikipagbalikan siya
kung kelan niya gusto...ang kaso lang ayaw na ni Kyungsoo.
Wala na talagang pag-asa pa maibalik ang dati.
Malapit na muli ang exams ng mga bata at panakaw-nakaw ng tingin si Kyungsoo kay Jongin na mukhang iritable.
"Mr. Kim okay ka lang?" Tanong ni Mr. So sa guro na
kakagaling lang sa klase.
"Napagalitan ko ang mga bata para akong aatakihin."
Nakatitig na si Kyungsoo kay Jongin na namumutla na. Bigla siyang nag-alala.
"M-Magpa-bp ka M-Mr. Kim. Baka tumaas blood pressure mo." Biglang sabi ni Kyungsoo na ikinagulat ng lahat.
Alam kasi ng lahat ang nangyari sa dalawa pero hindi na nila ito binanggit pa kay Kyungsoo.
Agad na tumayo si Kyungsoo. "Mrs. Song, may pang-bp po ba tayo? Ako na po mag-bbp kay Jongin."
Nagsitinginan ang lahat pero wala nang pakialam pa si Kyungsoo.
"Ito, Ms. Soo." Iniabot-
ng isang guro ang pang-bp sa kanya.
Agad iyon kinuha ni Kyungsoo at kinuha rin agad ang braso ni Jongin.
Hindi makatingin si Jongin sa dalaga at hinayaan lang niya ito na kunan siya ng blood pressure.
Tahimik ang faculty room at pinanood lang ang dalawa.
Nang matapos, tinanggal na ni Kyungsoo ang strap sa braso ni Jongin at tiningnan niya ito maigi. Ang kaso, si Jongin hindi tumitingin sa kanya.
"N-Normal naman. Na-stress ka lang siguro sobra."
Tahimik pa rin.
Tumango lang si Jongin sa kanya at sinenyasan siya na umalis na.
Nalungkot si Kyungsoo pero nararapat lang ito sa kanya. Lumayo na siya sa lalaki at binalik ang pang-bp sa pinagkuhaan niya.
Awkward na bumalik si Kyungsoo sa pwesto at umupo.
Pagkauwi niya, pagkaupo sa harap ng kanyang desk, notes ni Jongin sa corkboard niya ang tiningnan nya-
na inipon niya.
Kung dati araw-araw siyang may madidikit, pero ngayon wala na.
Pinulot niya ang blue sticky note na nahulog at binasa ang nakasulat roon.
'Si Kyungsoo Do ka ba?
Mahal na mahal pa rin kasi kita.'
Hindi pumasok si Jongin ng tatlong araw.
a/n: di ko na alam gagawin ko lol para akong nawalan na rin ng gana sorry ang hirap magsulat
"Mr. So, bakit absent si Mr. Kim? May sinabi ba siya kung bakit? May sakit ba siya? Pangatlong araw na niyang wala ngayon. Nag-aalala ako." Kumpronta niya sa guro na alam niyang pinaka-close ni Jongin sa faculty matapos ang lunch.
Kumakagat siya sa kanyang kuko sa kaba.
"Sensya na Ms. Soo pero wala siyang nabanggit kung bakit. Pero next week papasok na yun dahil final exams na."
Tumango si Kyungsoo sa kanya. "Mr. So, kapag may balita ka sabihin mo sa akin ah? Nag-aalala talaga kasi ako." Nanginginig na sabi ni Kyungsoo at di mapakali.
"Hm."
Paalis na sana si Kyungsoo pero tinawag siya ni Mr. So.
"Ms. Soo?"
Lumingon si Kyungsoo sa guro, nanghihina, walang enerhiya.
"Wala na ba talaga?" Tanong nto sa knya.
Yumuko ang babae. "Bobo lng ako kaya nagkaganito. S-Syempre, mahal ko pa." Luha niya at punas bigla sa mukha.
"E anong pumipigil sayo?"
"M-Marami. Pero n-nagkamali ako ng mga nasabi sa kanya. Gulong-gulo ang isip ko nung araw na yun Mr. So. Ayaw ko naman talaga siya tumigil pero ako tong bobo na masyadong nagpadalos-dalos ng sinabi."
"Kailangan niyo mag-usap, Kyungsoo.
Kung natatakot ka man, harapin mo. Kung mahal mo talaga siya, itama niyo ang lahat sa pag-uusap kasi kung ganito lang kayo, pareho lang kayong masasaktan."
Tumango si Kyungsoo. "Gagawin ko yan Mr. So. Salamat. At salamat din sa pag-alalay kay Jongin."
"Nakita ko kasi ang sarili ko sa kanya noon. Nung pinakilala ko siya sayo nung 1st day mo may something na eh. Na-prove na lang yun nung tinanong ko siya kung may nakaraan ba kayo. Alam mo ba na di naman talaga kita nakita sa mall nun? Kapatid niya ang nakakita."
Dahil kapatid niya nakakita, ibig sabihin kilala ka rin pala ng kapatid niya kaya ayun diniretso ko si Jongin. At para di siya mag-isip ng kung ano, tinanong kita. Nagpanggap na ako para masagot mo. At tama nga hinala ko mag-ex nga kayo ni Jongin." Sabi ng guro at tumawa kaunti.
Nagulat si Kyungsoo sa nalaman.
"Share ko lang ah, alam mo ba nakipagbreak din ako sa ex ko noon. Kaso nagsisi ako, mahal ko pa rin kaya kong ligawan ulit pero parang ikaw yung ex ko, kinompronta ako na ayaw na niya. Na wala na. At yun talaga ayaw na niya talaga, pero ikaw
gusto mo pa, nagkamali ka lang ng sinabi. Ayun, may pamilya na yung ex kong yun. Mas masaya na kaysa sa akin. Pero tagal na nun. Tsaka masaya na rin naman ako sa girlfriend ko ngayon."
"H-Hindi kayo nagkabalikan ng ex mo?"
"Hindi na. Hindi naman niya na-
talaga kasi ako mahal eh. Di naman ako mapilit. Pero sa sitwasyon ni Jongin, pareho lang kayo naghihilaan at nagtutulakan. Ms. Soo, hindi pa naman huli ang lahat. At wala namang masama na umibig ka ulit sa iisang tao. Lahat tayo may kinakatakutan, at kung ang ikinakatakot mo ay
ang pwedeng mangyari kinalaunan sa inyo ni Jongin, pano mo malalaman ang dulo ng storya kung di ka susugal na harapin ang mga pwedeng mangyari di ba? May tadhana man, ikaw pa rin ang sumusulat sa sarili mong buhay, Kyungsoo. Wag mo pangunahan ng takot ang lahat kase walang-
mangyayari kung magiging ganyan ka lang."
Malapit na magsara ang school year.
Tapos na ang exams at pasahan na lang ng grades. Dahil busy, hindi pa makatiyempo si Kyungsoo na makausap si Jongin.
Handa at disedido na sya itama ang pagkakamali at harapin na ang knyang takot.
Hinintay ni Kyungsoo si Jongin umalis ng faculty at sinundan niya ito nang palihim palabas.
Nang tatawagin na niya ang pangalan ng lalaki, kumaway si Jongin sa di kalayuan.
Isang babae ang kumaway pabalik kay Jongin at pinuntahan ng binata bago sila umalis.
Maganda ang ngiti-
ni Jongin sa nilapitang babae na may maganda ring ngiti sa labi.
Magkadikit sila habang naglalakad papalayo.
Papalayo sa kanya.
Gusto na niyang magpalamon sa lupa.
Ito na ang karma niya.
"Seulgi, salamat ah. Masaya pala mag-zumba pag brokenhearted." Pasasalamat ni Jongin sa kanyang college friend na si Seulgi na nakikita niya sa Facebook na laging nag-uupload ng litrato ng zumba sessions niya kasama ang girlfriend nitong si Joohyun.
Imbis na magpakalunod sa alak tuwing umuuwi at ayaw na niyang mag-alala pa sina Jihee at Jihye sa kanya, nag-pm siya kay Seulgi na gusto niya ring sumama mag-zumba.
I-eexercise na lang niya ang kalungkutan niya.
"Wala yun. Ano next week sama ka ulit?" Tanong ng babae sa kanya.
"Sama ka na lang ulit, Jongin." Sabi bigla ni Joohyun habang naglalakad sila palabas ng mall.
"Oo, sige ba. Sama ulit ako. Kailangan ko din mag-exercise talaga."
"Sige. Ano, kita na lang ulit tayo sa school niyo. Buti na lang magkalapit lang tayo ng pinagtuturuan."
"Oo sige kung o-okay lang kay Joohyun."
"Sus, ok lang yun no. Pasama ka na kay Seulgi para may kausap ka papunta dito sa mall."
"Hm. O sige, Jongin. Uwi na kami. Ingat ka. See you next week!" Ngiti ni Seulgi bago umakbay sa girlfriend niya.
"Geh, see you!" Kaway at ngiti niya-
pabalik bago umalis at tumungo sa kasalungat na daan nila Seulgi.
Recognition Day. Wala si Jongin.
Madalas nang wala si Jongin nitong mga araw na ikinakabahala na talaga ni Kyungsoo.
Isa pa, ilang beses din niyang nakita si Jongin na kasabay umuwi ang babaeng ka-close ni
Jongin.
Tuwing nakikita niya na tinatapik ni Jongin ang babae sa ulo, nasasaktan siya. Sa tuwing hahampasin ng babae ang braso ni Jongin at tatawa, naiinis siya. Naiinis siya sa sarili niya na tinaboy niya si Jongin at di man lang binigyan ng tsansa.
Pero kung wala na rin
talagang pag-asa, ang makausap na lang siguro ang lalaki tungkol kay Hyesoo ay sapat na.
Kuhaan ng card ng mga bata.
Pumasok si Jongin.
Matapos ang bigayan ng card at ma-meet ni Kyungsoo ang mga magulang ng kanyang klase, pagbalik niya sa faculty room, may mga bilao ng-
pagkain.
Ang mga guro na naroroon ay kumakain na ng pancit, spaghetti, at pichi-pichi.
"---hindi na talaga magbabago isip mo, Mr. Kim? Sayang naman, napakagaling mo pa namang guro." Wika ni Mrs. Song bago tumingin kay Kyungsoo na bagong dating.
"Ms. Soo, kain ka na. Last day ni Mr. Kim ngayon." Imporma ni Mr. So sa kanya na may malungkot na ngiti.
Nanlaki ang mga mata ni Kyungsoo sa nalaman at nang tingnan niya si Jongin, hindi naman ito makatingin sa kanya.
Hindi makakain nang maayos si Kyungsoo habang nakikinig sa
usapan ng mga guro.
"San ka na lilipat, Mr. Kim?"
"Malapit lang din dito." Sagot ng guro at banggit sa pangalan ng eskwelahan.
"Private school?"
Tumango ang lalaki.
"Kaya ba madalas kang wala nitong mga araw e dahil inaasikaso mo na requirements mo?"
"Oo. Tsaka tatlong-
beses din kasi nila ako pinag-demo. Tapos nung nakaraan binigyan na ako ng tour sa school kasama yung mga bago pa."
"Mamimiss ka namin Teacher Kim."
"Mababawasan na tayo ng pogi, ako na lang ang pogi." Pagbibiro ni Mr. So na ikinatawa ng lahat.
Maliban kay Kyungsoo.
Uwian.
Nakasunod lang si Kyungsoo kay Jongin hanggang sa sakayan.
Nang umalis na ang ibang guro, nagsalita na agad si Kyungsoo. "J-Jongin mag-usap tayo."
Tumingin si Jongin sa kanya at tinupad ang kanyang hiling.
Pumasok muli sila sa campus kung saan tahimik na at may privacy
na sila.
Umihip ang hangin. Nagkakaluskusan ang mga puno habang tirik ang araw.
Magkaharap sila. Tiningnan nang taimtim ni Kyungsoo si Jongin pero si Jongin hindi makatingin sa kanya. Hindi naman siya masisi ng dalaga.
"Magreresign ka na? Iiwan mo na ulit ako??"
Nangingilid ang mga luha ni Kyungsoo.
Tumingala na si Jongin sa kanya, kunot ang noo.
"D-Di ba ito naman ang gusto mo? Kaya ito, ako na ang lalayo sayo. Ano pa bang gusto mo, Soo? Di ba ayaw mo naman na? Madali lang naman ako kausap eh." Nasasaktan na sabi ni Jongin.
Umiiyak na si Kyungsoo sa harap ni Jongin.
"Soo, maawa ka rin naman sa akin. Di ko ata kakayanin na makasama pa kita ng isa pang taon k-kasi mahal kita eh pero di ba ayaw mo na? Maawa ka, Soo, kasi ang sakit sakit na."
Nanginginig ang mga labi ni Kyungsoo.
"A-Alam mo ba kung gano kasakit pa rin sa akin yung gabi na hiwalayan mo ko? Na hanggang ngayon hindi ko pa rin makalimutan!? Sige, Jongin, sabihin mo sa akin. Bakit? Bakit mo ko iniwan nun kung ngayon gustong-gusto mo namang bumalik ako sayo?"
"Dahil ayokong matulad ka sa akin sa mga magulang mo." Lumuluhang sagot ni Jongin. "Alam ko, Soo. Kwinento ng Dad mo lahat sa akin. At anong gusto mong gawin ko? Ipagdamot ka sa kanila? Na magsisi ka tulad ko na di ko man lang pinahalagahan mga magulang ko noon? Na hayaan ko
na lang sila mawala na wala man lang nagagawa para sa kanila hanggang sa huling hininga nila?" Napapunas ng luha si Jongin at nagpatuloy naman sa pag-iyak si Kyungsoo sa di inaasahang sagot ni Jongin sa kanya.
"Pero bakit kailangan mo pa makipaghiwalay? M-May ibang paraan naman
di ba?"
"Soo, alam ko kung gano mo kinamumuhian ang mga magulang mo nun. Alam kong mas pipiliin mo ako kaysa sa kanila. Ayoko namang iwan mo sila dahil sa akin. Sila pa rin ang nauna sa buhay mo, hindi ako, Soo. At kahit naging malupit man sila sayo, m-magulang mo pa rin sila.
Kaya pinalaya kita."
Sumisinghot si Kyungsoo at lumuwag na rin ang kalooban. "W-Wala na si Mom, Jongin."
Tumingin si Jongin kay Kyungsoo na nakayuko. Nalungkot din siya sa nalaman. "I'm sorry, Soo. At sorry din kung nasaktan kita noon sa desisyon ko. I'm so sorry."
Ngayon, nabigyan linaw na ang lahat.
"H-Hindi na ba magbabago isip mo? Aalis ka na ba talaga?"
Tumango si Jongin. "Okay na ang transfer ko for next school year. Dito pa rin naman ako. Hindi naman ako mangingibang-lugar." Nagpunas ng luha si Jongin. "M-Malaya ka--"
Nag-ring ang cellphone ni Jongin.
Sinagot niya ang tawag. Si Jihye.
"Hello? O, nasa school pa. Una na kayo ni Jihee sunod na lang ako. Okay. Mag-iingat kayo ah? O sige sige. Ha? Hindi. Di umiiyak ang Kuya. Sige na."
Pagkababa ng telepono ni Jongin tumingin siya kay Kyungsoo na
mukhang kalmado na rin. "Kyungsoo, una na ako. May pupuntahan pa kami nila Jihee."
Tumango lang si Kyungsoo at nag-ayos na ng sarili. "Sige na, kitain mo na sila."
Tumango si Jongin at tumalikod na papaalis.
"Teka!"
Huminto si Jongin. Lumingon.
"Pwede ba natin 'to ituloy?"
Lumabi si Jongin, nilibot ang tingin bago tingnan si Kyungsoo sa mga mata. Walang duda, parang sa kanta, kahit magbago ang isip ng dalaga, siya pa rin talaga ang sigaw ng puso niya. Ang mahal niya.
Tumango ulit si Jongin, tinapik si Kyungsoo sa ulo. "Tahan na, hm?"
Ngumiti bahagya si Kyungsoo at pinanood si Jongin na sumakay ng jeep at pumalayo sa kanya.
Hindi makatulog si Jongin.
Iniisip pa rin niya ang pag-uusap nila ni Kyungsoo. Medyo gumaan na rin ang kanyang pakiramdam nang masabi na niya ang rason sa pakikipaghiwalay niya sa-
dalaga.
Habang naiisip ang malungkot at umiiyak na mukha ni Kyungsoo, sumisikip ang dibdib niya.
Pero bakit kaya ganun ang naging reaksyon ni Kyungsoo kanina? Di ba ayaw na niya?
Nagising si Jongin sa tunog ng kanyang ringtone at sa pagvibrate ng kanyang cellphone.
Inabot niya ito sa ilalim ng kanyang kama at tiningnan ang unknown number na tumatawag.
Hindi sumasagot si Jongin sa tawag ng number na di naka-save sa cellphone niya, pero dahil patuloy lang ito sa pag-ring, imbis na hayaan, ewan ba niya at sinagot din niya ang tawag. "Hello?"
Walang sumasagot sa kabilang linya kundi mabigat lang na paghinga.
Napa-upo si Jongin at napatingin sa orasan.
Alas dos ng madaling-araw.
"Jongin, mahal pa rin kita."
"Kyungsoo!? Kyungsoo asan ka!?" Tanong niya na may halong kaba at bigla siyang umalis ng kama.
"Kung san mo ko hiniwalayan."
Tatlong oras ang biyahe papuntang San Carlos.
Ngayon na lang ulit makakauwi si Jongin matapos lumuwas pa-Maynila.
Ibang-iba na ang lugar sa noon. Pero ang terminal ng tricycle andyan pa rin. Ang Puregold Jr, ang 7 eleven.
Ganun pa rin ang daan nang tumbukin niya ang kanilang lumang bahay. Patay na nga lanh ang gumamela at sampaguita sa harapan, marami na ang sapot ng gagamba sa loob at marumi na.
Tiningnan niya ito sa huling pagkakataon at tsaka pumunta na sa bukid.
Malayo pa siya, tanaw na niya si Kyungsoo na nakaupo kung saan sila madalas pumwesto nun. Nakatingin ang dalaga sa di kalayuan, partikular na sa mga truck sa ngayong sira nang bukid na sinesementado na at tinatayuan na ng mga bahay.
Lumakad si Jongin papalapit sa dalaga at umupo sa tabi nito.
Nang tingnan ni Jongin ang direksyon na tinitingnan ni Kyungsoo, nadismaya siya sa pagbaboy ng mga tao sa lugar na 'to.
"Ganito ba yung feeling mo nun nung hinintay mo ko sa 7 eleven nun? Umaasa?" Ngiti niyang mapait.
"Akala ko di ka sisipot. Akala ko rin mali yung lugar na napuntahan ko. Pero ito na pala yung bukid ngayon. Sira na." Lumingon si Kyungsoo kay Jongin. "Parang tayo. Nasira. Pero hinintay mo pa rin ako. Bakit, Jongin? Bakit di ka tumigil kakahintay sa akin?"
Nakakatitig na pabalik si Jongin sa mga mata ng dalaga. "Bakit naman hindi kung ikaw ang mahal ko?"
"E pano kung di ako dumating? Pano kung wala ka na palang hinihintay? Hihintayin mo pa rin ba ako?"
"Tatawagin mo ba akong tanga kung sabihin ko sayong oo?"
Umihip ang hangin.
Naluha si Kyungsoo sa sagot ni Jongin. "Ang daming nangyari, Jongin nung iniwan mo ako."
Nakinig lang si Jongin sa dalaga.
"Araw-araw akong umiiyak nun. Tapos, napilitan na ako magreview for boards nun para makalimutan kita. Nakapasa ako. Pinilit ni Mom na magtrabaho na."
"At alam mo ba kung ano pa ang nangyari?" Tumingin siya sa lalaki na nakatuon lang ang atensyon sa kanya. "Kinasal ako kay Seonho."
May gulat sa mukha ni Jongin sa nalaman. "S-Siya ba yung tinutukoy mong ex mo na nakita ni Jihee na kasama mo?"
Tumango si Kyungsoo. "Siya nga.
Pero hindi naging kami, Jongin. Pinilit lang kaming magpakasal. Mahal niya ako, pero ako hindi. Sinubukan ko rin naman na mahalin siya pero hindi talaga. Kasi ikaw pa rin, Jongin. Ikaw pa rin talaga ang mahal ko kahit iniwan mo ko."
Unti-unti nang lumiliwanag ang kalangitan.
May kinuha si Kyungsoo sa kanyang sling bag na dala. Pinanood ni Jongin ang dalaga na may kunin sa kanyang wallet at ibinigay ang isang laminated na litrato sa kanya.
Isang picture ng sonogram.
"K-Kyungsoo, ano to?" Nangingilid na ang mga luha ni Jongin sa hawak na litrato.
Lumuluha si Kyungsoo. "Jongin, buntis ako sa anak mo. Nung nasa States na ako t-tsaka ko lang nalaman na nagdadalang-tao na pala ako." Singhot nya.
Nataranta si Jongin. Hindi mapakali. "B-Buntis ka? Sa anak k-ko?" Umiiyak na tanong ni Jongin. "Tangina. Iniwan kita, b-buntis ka?"
Tumango nang mabilis si Kyungsoo at napapunas sa ilong.
"A-Asan na ang anak natin, Soo?" Pagsusumamong tanong ni Jongin na patuloy ang pagpatak ng luha sa kanyang t-shirt, hawak-hawak pa rin ang litrato.
Umiling si Kyungsoo bilang tugon. "W-Wala na. W-Wala na si Hyesoo."
"B-Bakit?" Basang-basa na pareho ang kanilang mga mukha sa pag-iyak.
"K-Kasalanan ko." Nauutal na si Kyungsoo dahil sa pag-iyak.
Umiling si Jongin at inakap si Kyungsoo. "Hindi, hindi. Hindi mo kasalanan yun. Kung may sisisihin dito, ako yun. Kasalanan ko, iniwan ko kayo."
"Pero anong nangyari, Soo?" Singhot ni Jongin na sobrang hinang-hina na.
Bumitaw si Kyungsoo at tiningnan si Jongin sa mga mata. "6 months ko siyang dinadala nung..." hikbi, "n-nakunan ako." Iyak niya ulit
Napahilamos ng mukha si Jongin sa nalaman at tinitigan muli ang litrato-
na hawak at naiyak. Hindi na nalapagsalita pa si Jongin at hinayaan na lang na ang mga luha niya ang maging sagot sa kanyang dinadamdam na matinding kalungkutan at pagsisisi.
"P-Patawarin mo ko anak, Hyesoo. Patawarin mo si Papa." Iyak pa niya lalo. "Patawarin mo ko nak..."
Umiyak ang dalawa at inalo ni Kyungsoo si Jongin sa pammaagitan ng paghimas sa likuran nito.
Kinalaunan, yumakap rin si Jongin sa dalaga sa sobrang panghihina na niya sa mga nalaman lalong lalo na sa kanilang anak na hindi man lang nila parehong nahagkan.
Sumikat na ang araw.
Nakasandal sila sa gilid ng bawat isa, magkahawak kamay habang pinapanood ang pagpalit ng kulay ng kalangitan at ang pagtaas ng araw.
Mugto pareho ang kanilang mga mata at hawak pa rin ni Jongin ang nag-iisang litrato ng anak nila, kaya para na rin nila itong kasama.
"Alam mo, niloloko ako lagi ng tropa ko na mag-anak na kase lahat sila pamilyado na, pero yun pala, ako pala ang nauna talaga." Tumingin si Jongin sa langit na may mapait na ngiti.
Hinigpitan ni Kyungsoo ang kapit sa kamay ni Jongin at pinatong ang ulo sa balikat ng lalaki.
"Si Hyesoo ang kinakausap ko tuwing malungkot ako. Sinusulatan ko siya. Pang-comfort ko sa sarili ko. Yung bigay mong journal, dun na ako ngayon nagsusulat ngayon. Lagi ko siyang kinukwentuhan tungkol sayo. Tungkol sa Papa niyang mahal ko pa rin pero naduduwag akong harapin."
Tumingin si Jongin sa kanya at hinawi ang buhok niya na hinahangin. "Patawarin mo ko, Soo, Kasalanan ko eh." Naiiyak na naman niyang sabi.
Tumango si Kyungsoo. "Wag na tayo magsisihan pa, Jongin, hm?" Hawak ni Kyungsoo sa mukha ng lalaki at tinapik ang pisngi nito. "Hindi naman-
natin 'to parehong ginusto. Isa pa, di naman natin pareho alam na hahantong tayo sa ganito."
Sumangayon si Jongin sa sinabi ng dalaga. Dinikit niya ang kanyang ilong sa sentido ng babae at humalik sa pisngi ni Kyungsoo nang nakapikit.
"Pero, may grade 1 na sana tayo no?"
Hindi pa rin maiwasan na iungkat ni Jongin si Hyesoo.
Tumango si Kyungsoo. "May binibihisan at inaayusan na rin sana ako ngayon."
Bumuntong-hininga sila pareho at humarap sa isa't-isa.
"Pwede ba ulit tayo magsimula, Kyungsoo?"
Ngumiti ang dalaga at tumango bilang sagot.
Nagsidatingan na ang mga trabahador sa dinedevelop na bukid, kaya naman napagpasiyahan na ng dalawa na umalis.
Magkahawak ang mga kamay, tiningnan nla pareho ang bukid na isa sa mga naging saksi sa matamis at mapait nilang pag-iibigan.
Paalam na sa nakaraan.
"Ang daming nangyari no?" Sabi ni Kyungsoo habang katapat nila ang lumang bahay nila Jongin na magkahawak pa rin ang mga kamay. Walang bumibitaw.
"Pina-develop ko yung picture natin dalawa dyan. Nasa wallet ko."
"Talaga?" Ngisi ni Kyungsoo.
"Oo. Eto." Dinukot ni Jongin ang
wallet, binuklat ito at pinakita kay Kyungsoo ang tanging picture nilang dalawa noon.
Napangiti si Kyungsoo sa tuwa habang pinagmamasdan ang litrato.
"Pina-print ko yan simula nung umalis ka." Tinitigan ni Jongin si Kyungsoo sa mga mata. "Yan ang tinitingnan ko tuwing-
namimiss kita."
"I-Ito ba, di mo papansinin?" Pakita ni Kyungsoo sa palapulsuhan niyang napupulutan ng bracelet na bigay ni Jongin sa kanya.
"Hindi mo tinapon?" Simula kanina, ngayon lang napansin ni Jongin na suot pala ni Kyungsoo ang bracelet na bigay niya sa kanya noon.
Akala niya ibang bracelet ang suot ng dalaga pero sa kanya pala galing iyon.
Umiling si Kyungsoo. "Pero muntik na nung hiniwalayan mo ko."
Humalik si Jongin sa tuktok ng ulo ng dalaga. "Hindi na muling mangyayari yun, Soo. Pangako."
Bago umalis, tiningnan nila muli ang bahay kung saan sila nagkaaminan ng damdamin noon.
Sunod na tinahak nila ay ang puno ng mangga na sa tuwa nila ay naroroon pa rin.
"Napanood ko yung video mo." Panimula ni Kyungsoo. "Sumikat ka ah? Siguro dami naghabol sayong chix?"
Pang-aasar na ni Kyungsoo na ginatungan naman ni Jongin.
"Oo nga eh, gwapong kargador kasi ako." Kindat ni Jongin sa kanya at siya'y nakatanggap ng hampas sa braso. "Di ba ako gwapo, Soo?" Nguso ni Jongin sa kanya.
"Oo na, pogi ka na. Pero akin ka lang ah?" nguso ni Kyungsoo.
"K-Kaso, sino yung babae na lagi mong kasama tuwing uwian? Rebound mo?" Kunot ang noo niya habang magkakrus ang mga braso sa kanyang dibdib.
"Si Seulgi ba?"
"Aba malay ko sa pangalan niya. Tch, tinatapik mo pa sa ulo tapos hahampasin ka sa braso? Kapal." Irap ni Kyungsoo habang
sila ay naglalakad.
"Kaibigan ko lang yun. Kasabay ko pumunta sa mall para mag-zumba." Agad na depensa ni Jongin.
"Talaga? Nag-zuzumba ka?"
"Oo. Imbis na uminom ako simula nung sabi mong tigilan na kita, i-zumba ko na lang."
Nanlambot ang puso ni Kyungsoo at kinuha
na ulit ang kamay ni Jongin para hawakan.
"May gusto ba siya sayo?"
"Nagseselos ka ba, Soo?"
"Mukha bang hindi? Selos na selos kaya ako." Irap niya ulit. "A-Ang sakit kaya. Na may nginingitian kang ibang babae...na hindi ako."
Humigpit ang hawak ni Jongin sa kamay ni Kyungsoo
at ngumiti. "Wag ka mag-alala, Soo. May girlfriend si Seulgi. Yaan mo minsan sama kita mag-zumba. Tsaka feeling ko makakasundo mo sila ni Joohyun."
"Sige, sabi mo yan." Kurap ni Kyungsoo, medyo namula sa hiya dahil sa pag-aakalang may tinangkang pormahan si Jongin na iba.
"B-Basta, akin ka lang ah?"
Tumawa si Jongin at inalis ang kamay sa hawak ni Kyungsoo at inakbayan ang babae. "Iyong-iyo lang ako, Soo. Sayo lang ako."
Ang terminal.
"Nag-iba na pala sistema dito mas maayos na ang pila. Si Manong Minseok kaya kamusta na? Dito pa rin kaya siya
nagtitinda?"
"Oo nga. Sana ok lang si Kuya Seok." Buntong-hininga ni Jongin habang nakatingin sa bakanteng pwesto ng fishbolan ni Minseok.
"Ang daming nagbago."
"Hm." Ngiti ni Jongin habang iniikot ang tingin. "Nakakamiss din tumambay. Sungit-sungit mo pa nun."
Natawa si Kyungsoo sa mga alaala nila sa lugar na ito noon. "Baka di kundi sa pick-up lines mo baka walang tayo ngayon."
Nagtinginan ang dalawa at tumawa, parehong mga mata nila'y nanliliit.
Ang 7 eleven.
"Hay." Harap nila sa buhay pa ring 7 eleven sa lugar.
"Naguiguilty pa rin talaga ako tuwing nakakakita ako ng 7 eleven."
"Ayaw mo ba pumasok sa loob?"
"Ayoko nga." Nguso ni Kyungsoo sabay busangot ng mukha habang tinitingnan ang 7 eleven.
Natawa si Jongin at humalik sa pisngi ng babae. "Bili na lang tayo ng Cornetto."
Matapos bumili ng Cornetto sa Puregold Jr. tinahak naman nila ang papunta sa dating bahay ni Kyungsoo.
"Asan na pala barkada mo? Puntahan din natin sila."
Kumakain sila ng ice-cream habang naglalakad.
"Wala na sila dito. Nasa iba't-ibang lugar na sila simula nang mag-asawa."
"Hm. Nag-uusap pa ba naman kayo?"
"Oo naman. Tropa kami hanggang tumanda." Tawa ni Jongin.
"Ikaw unang nagka-jowa, ikaw naman huling makakapag-asawa." Sabi ni Kyungsoo.
"Basta ikaw mapangasawa ko kahit nahuli ako, ok lang." Ngiti ni Jongin sabay kagat sa apa.
Tumingkayad si Kyungsoo at pinunasan ang ice-cream sa gilid ng labi ni Jongin at ngumiti.
Pagdating sa harap ng dating bahay ng mga Do, isang pamilya na ang nakatira doon.
Nang abutan nila, isang Ford Everest ang nakaparada sa harap. Naroroon ang aligagang nanay na naglalagay
ng gamit sa loob ng sasakyan at ang tatay na papalabas pa lang na may kargang batang babae.
"Haru!" Sigaw ng batang babae sa isang pusa bago bumaba sa pagkakakarga ng tatay at dinampot ang alagang pusa para yakapin.
Napasandal si Kyungsoo kay Jongin na naluluha dahil sa batang
babae na kanilang pinagmamasdan. Pareho nilang iniisip si Hyesoo na malamang ay ganun na rin kalaki tulad ng bata.
Pagkakarga ng tatay sa anak na babae papasok sa sasakyan, at pagkaalis, tumingin si Jongin at Kyungsoo sa isa't-isa at humalik sa labi bago nila napagpasyahan-
ding umalis na.
Matapos kumain ng pananghalian, pumunta ang magkabiyak sa palengke at binisita ni Jongin ang dating amo niya na si Manay.
Mahigpit ang yakap ng matandang babae sa kanya na tinuring din siyang parang anak.
At nang makilala si Kyungsoo, maganda ang ngiti na
bigay nito sa dalaga.
"Siya ba yun, Jongin?"
Umakbay si Jongin kay Kyungsoo na ngumiti pabalik at nagmano pa kay Manay.
"Siya po yun." Sagot ni Jongin.
Niyakap ni Manay si Kyungsoo. "Hija, maswerte ka. Alagaan niyo ni Jongin ang isa't-isa."
Tumango si Kyungsoo.
"Pangako po namin yan."
Bumalik si Kyungsoo kay Jongin na nasa likuran niya at humawak sa kanyang beywang bago humalik sa ulo ng dalaga.
Masaya si Manay para sa kanila.
Sunod nilang pinuntahan ang Sta. Monica. Pinakilala ni Jongin sa kanyang tiyuhin at tiyahin si Kyungsoo na
panay ang puri sa kanya ng, 'kay gandang babae' na ikinapula ng mga pisngi ni Kyungsoo.
Kumain pa sila roon ng kakanin at ng itlog na pugo. Masayang-masaya sila na nagkaisa na muli ang kanilang mga puso.
"Kailan na ba ang kasalan, Jongin? Gumawa kayo ng maraming apo ah?
Kay ganda ng kasintahan mo at napakagalang pa. Panigurado magaganda rin ang mga magiging supling niyo." Sabi sa kanya ng kanyang tiyuhin habang si Kyungsoo ay sumusubok mag-gantsilyo sa tulong ng kanyang tiyahin.
"'To, di pa naman namin po yan napag-uusapan pero darating
din po kami dyan."
"Aba, dapat lang. Boto ako sa kanya. At Jongin, maging matatag kayong dalawa." Tapik ng tiyuhin niya sa kanyang balikat bago bumalik sa mga tandang nitong alaga.
Pinagmasdan niya si Kyungsoo sa di kalayuan na nag-gagantsilyo at tuwang-tuwa sa ginagawa.
Dahil pampublikong sementeryo at patong-patong ang mga libingan, medyo nahirapan si Kyungsoo sa pag-akyat. Buti na lang at pasensyoso si Jongin at inalalayan siya nito hanggang sa makarating sila sa puntod ng mga magulang nito.
Hingal na hingal si Kyungsoo at pawisan pa.
"Ang layo pala." Hingal na sabi ni Kyungsoo habang nagpupunas ng pawis at nagpaypay ng sarili.
Inabutan ni Jongin ang dalaga ng tubig bago magsindi ng kandila sa puntod ng mga magulang.
Uminom si Kyungsoo ng tubig at di sinasadyang maubos ito. "Jongin, naubos ko. Pano ka?"
Tumabi si Jongin sa kanya at pinulupot ang braso sa maliit na beywang ng babae. "Ok lang ako, Soo. Bili na lang ulit tayo mamaya hm?" Pinunasan pa niya ang pawis na naipon sa taas ng labi ng dalaga.
Tumango si Kyungsoo at hinarap na ang puntod ng mga magulang ni Jongin.
Natawa si Jongin bahagya na sinimangutan naman ni Kyungsoo.
"Nay, Tay, nadala ko din siya dito sa wakas. Si Kyungsoo po, girlfriend ko at future asawa po." Ngiting-ngiti na sabi ni Jongin. "Sabi ko naman po sa inyo dati di ba, dadalhin ko po siya dito. Ganda po niya no?"
Tiningnan ni Kyungsoo si Jongin nang taimtim at nginitian bago tumingin sa puntod. "Hayaan niyo po, ako na po mag-aalaga kay Jongin para sa inyo."
Nagtinginan ang dalawa, ngumiti sa isa't-isa at pinagdikit ang kanilang mga labi habang palubog na ang araw.
Sa byahe sa bus pa-Maynila, pagod at antok na ang dalawa, lalo na si Kyungsoo na nakasandal na ang ulo sa balikat ni Jongin.
Inayos ni Jongin ang pwesto ng dalaga para maging kumportable ito. Magkahawak ang kanilang mga kamay at tiningnan maigi ni Jongin ang bracelet na suot ni
Kyungsoo.
"Soo, bakit ka nga pala bumalik dito sa San Carlos?" Pagtataka ng binata.
"Di ako makatulog kagabi. Umalis ako sa condo tapos natanto ko na lang na nasa terminal na ako ng bus papunta dito." Lahad ng dalaga. "Pero lam mo, pagdating ko dito, namiss ko lalo ang
San Carlos. Ang dami kasing magagandang alaala. Tapos narealize ko na hindi talaga kita kayang pakawalan. Na pinagsisisihan ko yung maaanghang na salita na nasabi ko sayo nung Valentines Day, kaya tinawagan kita." Humikab na si Kyungsoo.
Minasahe ng hinlalaki ni Jongin ang
kamay ng kasintahan sabay halik sa sentido nito.
"Sa dami ng nangyari talaga masaya ako na nagkaayos na rin tayo, Soo. Na nabigyan na ng linaw ang lahat. Wala na yung bigat sa dibdib ko na araw-araw kong dinadala."
"Ako rin. Parte na lang ng nakaraan ang lahat."
"Mahal kita, Soo. Mahal na mahal."
Magkadikit ang kanilang mga noo.
Tumingin si Kyungsoo kay Jongin at pinakita niya ang hugis puso niyang ngiti. "Mahal din kita, Jongin."
Nang ikiss ni Kyungsoo sa labi ang kasintahan, umayos na siya ng pwesto at pinatong na ulit ang ulo sa
balikat ni Jongin.
Sa byahe papauwi, natulog sila nang mahimbing, magkahawak ang mga kamay at ang mga puso na tanging laman lang ay ang isa't-isa.
Masaya ang lahat sa balita na nagkabalikan na sina Jongin at Kyungsoo.
Nakwento ni Jongin sa tropa ang lahat-lahat. Nag-sorry pa nga sila sa palagiang pang-aasar nila kay Jongin na mag anak na dahil yun pala si Jongin ang nauna sa kanila, hindi nga lang pinalad.
Si Baekhyun, naiyak pa dahil sa wakas natauhan na rin si Kyungsoo. Nangako pa ito na uuwi ng Pilipinas kapag official na ang kasalan ng dalawa.
Ang tatay naman ni Kyungsoo, ang Kuya niya pati na rin si Seonho ay lubos ring natuwa. Masayang-masaya si Mr. Do na sa kabila ng
pagkakahiwalay ng dalawa, sa isa't-isa pa rin ang bagsak nila. Sabi pa niya, "Tinadhana talaga kayo, Soo."
Masaya din sina Jihee at Jihye sa pagbabalik ng Ate Kyungsoo nila. Laking gulat ni Kyungsoo na may tanim pa rin na sampaguita at gumamela sa bagong bahay ng mga Kim.
Madalas na rin matulog si Kyungsoo sa kanila at gaya ng noon, natutulog pa rin si Kyungsoo na walang bra at nakapanty lang ang pang-ibaba.
Parang ngayon.
Dahil sa tindi ng init sa Pilipinas, naka-boxers na lang matulog si Jongin.
Nakahiga sila sa kama at nakatingin sa kisame.
"P-Pwede ba kita yakapin?" Tanong ni Kyungsoo. Kinakabahan dahil sa sitwasyon nila sa kama. Walang gumagalaw sa kanilang dalawa.
"S-Sigurado ka yakap lang?" Lunok ni Jongin, di makatingin sa gawi ni Kyungsoo dahil kahit nakatingin sa kisame, aninag pa rin niya ang kurba ng
dibdib ni Kyungsoo na natatakpan lang ng manipis na damit.
"Ikaw bahala kung gusto mo yakap lang. W-Wala namang kaso sa akin kung..." Napakagat si Kyungsoo sa labi. "Sus, parang di natin nagawa si Hyesoo dati ah? Ano na? Gusto na kita yakapin, Jongin." Ingit ng babae.
Huminga nang malalim si Jongin. "Ipon muna ako ng lakas."
Naghintay si Kyungsoo pero dahil sa inip, siya na ang yumakap kay Jongin. Pinulupot pa niya ang kanyang mga binti kay Jongin.
"Wag ka na mag-ipon ng lakas kasi kukunin ko rin yan." hinigpitan ni Kyungsoo ang yakap
at siya ay pumikit na at natulog habang ramdam niya pa rin ang paninigas ng katawan ni Jongin sa kanyang hawak.
Pero habang mahimbing na ang tulog ng dalaga, bumigay na rin si Jongin at pinugpog ng halik ang mukha ng minamahal bago yakapin ito pabalik at makatulog.
Sa mga sumunod na araw nakasanayan na rin nila ulit sa wakas ang matulog ng ganito sa iisang kama.
Dumaan ang Mayo, Hunyo, Hulyo, Agosto, Setyembre hanggang sumunod na taon na hindi natibag ang pagmamahalan ng dalawa.
Magkaiba man na ngayon ng paaralan na pinagtuturuan-
tuwing uwian, sinusundo ni Jongin ang kasintahan.
Masaya ang mga dati niyang co-teachers sa paaralan lalo na si Mr. So na proud na proud sa kanya.
Kaya tuwing uwian, laging inaasar si Kyungsoo ng co-teachers niya na ikinakangiti na lang niya.
Halos hindi na umuwi si Kyungsoo
sa kanyang condo dahil mas gusto niyang umuwi na lang kay Jongin.
Live in na nga sila kung tutuusin at wala rin naman itong kaso kina Jihye at Jihee.
Ngunit isang gabi, dikit na dikit si Kyungsoo kay Jongin lalo na ang dibdib niyang may pagkalaki.
"J-Jongin..."
"Hm?" Busy si Jongin pag-iiscroll sa shopee, naghahanap ng mabibiling bagong phone case.
"Tigil mo na kaka-cellphone mo. Ano ba kasi ginagawa mo?" Kunot ang noo ni Kyungsoo sabay silip sa tinitingnan ng boyfriend. Ngumuso siya sabay kuha sa cellphone at tabi nito bago sumakay
sa ibabaw ni Jongin na gulat na gulat.
"Kyungsoo anong ginagawa mo?"
Lumabi si Kyungsoo sa kasintahan. "Nakasakay sayo?" Nguso niya kahit gustong-gusto na niyang pasarapin ang gabi na ito sa kanilang dalawa.
"Ah. Tulog na tayo, Soo, may pasok pa bukas." Ang sagot ni Jongin na
lalong ikinainis ni Kyungsoo.
"Ayaw mo ba?" Tanong niya sa lalaki.
"Ha? Anong ayaw?" Litong-lito si Jongin sa asta ng girlfriend niya.
"Na sakyan kita ano pa ba?"
"Nakasakay ka naman na di ba?"
Di natutuwa si Kyungsoo kaya umalis na siya sa ibabaw ni Jongin at kinuha ang-
unan niya at kumot bago lumabas ng kwarto.
"Teka, Soo, san ka pupunta!?"
Sinundan ni Jongin ang dalaga na ngayon ay nasa tapat na ng kwarto ni Jihee at kumatok.
Binuksan ni Jihee ang pinto. "O ate bakit?"
Tiningnan nang masama ni Kyungsoo si Jongin bago ngumiti kay Jihee.
"Jihee, makikitulog muna ako sayo. Nabwiset ako sa Kuya mo eh."
"S-Sige..." kamot sa ulo ni Jihee at pinatuloy si Kyungsoo sa kwarto niya.
"Uy, teka, Soo. Ba't dyan ka matutulog? Uy."
Inirapan ni Kyungsoo si Jongin na palapit sa kanya at sinarhan niya ng pinto sa mukha.
"Bahala ka sa buhay mo, goodnight!" Sabi ni Kyungsoo sa likod ng nakasarang pinto at napabuntong hininga na lang si Jongin.
"A-Ano bang kasalanan ko?" Nguso niya sabay pick-up sa gustong gawin ni Kyungsoo. Napabuntong-hininga na lang siya at napauntog ang noo sa pinto ni Jihee.
Thud.
Rinig nila Jihee at Kyungsoo na ngayon ay nasa kama na.
"Ate nag-away po ba kayo ni Kuya?"
Ngumisi lang si Kyungsoo kay Jihee. "Hindi. Slow kasi eh nainis ako. Tara tulog na tayo."
Napakamot sa ulo si Jihee, humiga at natulog na.
Umirap naman si Kyungsoo bago matulog.
Sa sumunod na araw nang sunduin ni Jongin si Kyungsoo...
"Uwi ako sa condo." Sabi ni Kyungsoo sa boyfriend niyang laging nakahawak sa beywang niya habang naglalakad sila papunta sa sakayan.
"Ok, samahan kita. Para makita ko ulit yung collection mo ng post it notes ko."
Samantala, araw-araw na nga palang suot ni Kyungsoo ang bracelet niya na bigay ni Jongin, gayun din ang relos na birthday gift ni Kyungsoo sa kanya na sa wakas ay naibigay na rin niya.
"Deh, uwi ka na. Sa condo ako matutulog."
"S-Soo, wag ka naman ganyan. Kung yung sa kagabi-
yung dahilan, pwede naman natin ulitin ulit." Nahihiyang sabi ni Jongin sa kanya.
"Shh. Hinaan mo nga boses mo baka may makarinig." Tingin ni Kyungsoo sa paligid.
Ngumuso si Jongin. "S-Sa condo mo ako ngayon matulog? Ano?" Umaasang tanong ni Jongin sa dalaga.
Nag-isip isip si Kyungsoo, nakanguso. "Wala na ako sa mood. Uwi ka na lang sa inyo."
"Pano ako makakatulog nito wala ka sa tabi ko?" Sinundot-sundot ni Jongin ang tagiliran ng babae.
"Jongin, ano ba?" Minatahan ni Kyungsoo si Jongin na ngumuso na at inakbayan siya.
nsfw š ā rps/f ā kaisoo ā read carrd ā feel free to mute, block, softblock, unfollow if u have a problem with me or my content ā fic comm & subs on pinned